Chereads / Miss Tough Meets Devon / Chapter 3 - 3.

Chapter 3 - 3.

Pagbaba ni Rebeca ng sasakyan ay derederetso siya sa kanyang opisina.Tulad ng dati'y maaga siyang pumapasok.Nais niyang tulad ng mga tauhan niya ay maging halimabawa siya sa mga ito.Sa kanyang pagdating ay alisto ang lahat.

''Good morning boss''Bati ng mga ito sa kanya.Simpleng tango at seryosong mukha ang isinagot niyang muli sa mga ito.''Bessy coffee pls''Utos niya sa kanyang sekretarya at agad itong tumalima.

Rebeca Rallios,na ni minsan ay hindi man lang nakitaan ni katiting na silay ng mga ngiti sa kanyang labi sa kanyang buong opisina.KIlala ang dalaga sa kanyang kaistriktuhan at pagiging seryoso sa lahat ng bagay ngunit sa kabila noon ay lahat naman ng mga benipisyo'y kumpleto niyang ipinagkakaloob sa mga ito ng labis kaysa sa iba sa tamang oras at panahon.KUng ano ang nararapat sa mga ito'y tinutumbasan naman niya.Kaya iba rin ang dedikasyon ng mga ito sa kanya.

''Bessy naipasa naba sa iyo ng mam Carla mo yung kailangan mamaya?''

Ang tinutukoy niya'y ang kanilang afterlunch meeting.''Naku boss wala papo si mam Carla eh.Alanganin na tugon nito sa kanya.''Try to call her''Sagot niya sa sinabi nito.Nagumpisa na siyang mag ngitngit.Ito ang ayaw na ayaw niyang mangyayari.Iyong masisira ang reputasyon niya ng dahil sa kagagawan ng babae.

''Boss wala pong sumasagot''Pagkatapos ay sabi ng kanyang sekretarya.

Napabuntunghininga siya at sabay sabing''Tawagan mo ang mga tao natin at sabihing maantala ng ilang minuto ang meeting.

''Ok boss''Natatarantang sabi nito kapagdaka.

Palibhasay medyo malapit lang dito ang kanila kaya alam niyang makakaabot pa ang magaling niyang kapatid.Kung kikilos na ang babae'y tiyak na makakaabot pa ito,kung magigising nga!.Pagkatapos ng ilang subok na pagtawag ng sekretarya niya rito ay sumagot din sa wakas ang nasa kabilang linya at  ang sabi ay paalis palang raw ito.Sa palagay niya'y mukhang kung saan na nama nagliwaliw ito kagabi kasama ng mga kababarka na pareparehas nagtatapon ng mga kwarta.''Ano ba Carla!Bakit ba late kana naman?pagdating na pagdating  mo'y dumeretso ka agad sa akin.''Nang sa wakas ay ma kontak niya ito.Hindi  na napigilan ni Rebeca ang kanyang galit sa kapatid.

Nang dumating na ang kanyang hinihintay ay sambakol ang mukha ng  kanyang kapatid at bara- barang ibinagsak ang file na kailangan niya sa kanyang table.

''Hayan ang hinihingi mo!''Sabi nito sa kanya.

''Alam mo namang ito ang pinagkakakitaan natin Carla at dito morin kinukuha lahat ng pangangailangan mo.Importante ito!''Nagpipigil na sabi niya rito.Kahit pa nagpipigil siya'y mariin ang mga binitiwan niyang salita na sinuklian lang nito ng sibangot at irap.

''Hayaan mo at malapit na kaming hindi umasa sa iyo ni mommy,may pera ka alng akala mo na kung sino ka!''Sabay marcha nito palabas ng opisina niya.

Napabuntunghininga nalang ang dalaga,naipagpasalamat niyang medyo malayo  silid niya sa mga tauhan dahil hindi maririnig ng mga ito ang mga kabastusang pinagsasasabi sa kanya ng kanyang step sister.

Natapos din sa wakas ang kanilang meeting,pasalamat si Rebeca tulad niya'y mga propesyunal din ang mga ka business meeting niya,humingi narin siya ng dispensa sa pagkakaantala nito.

Alas nueve na pasado ng gabi ng nagpasya na siyang umuwi narin.Pagbaba niya'y bumungad sa kanya ang kanilang guardia.

''Mam good evening po.Mukhang late na naman po kayo makakauwi.''Bati nito na  may pag galang.

''Oo nga po eh.''Nakangiting sagot niya.Magaan ang loob niya sa matandang lalaki.Iniisip niya'y baka nangungulila lamang siya sa ama.

''Gusto niyo pong ihatid ko kayo sa parking lot?''

''Ay huwag napo,ok lang.''

''Sige po mam''Pagkasabi nito'y nagpa alam na at tumalikod.

Habang nagda drive si Rebeca ay tumigil muna siya sa isang bukas at malaking botika upang bumili ng gamot sa sakit ng ulo.Nawala kasi sa isip niya na kumuha sa opisina,gayong kanina pa masakit iyon,gawa ng ginawang eksena ng kapatid kaninang umaga.Pumarada lang siya sa harap na nagsisilbing parking ng mga sasakyan roon at napatigil siya saglit sa isang pamilyar na lalaking nauna sa kanyang bumaba at ngayo'y  papasok narin sa loob kasama ang may edad na babae.Ewan ba niya para bang may humihila sa kanya na siguraduhin kung iyon nga ang lalaking pinaghihinalaan niya kaya medyo napabilis ang paghakbang niya pra masulyapan kung ito nga,na naging dahilan naman ng muntik na niyang pagkakasubsob sa likod nito dahil naman sa ginawa nitong pag atras.

''Sorr-''Naiwan sa hangin na salitang narinig ni Rebeca rito.Paano'y nagpatay malisya na siya na hindi napuna ang lalaki at tila walang narinig na dinampot niya ang bagay na hindi naman niya kailangan.Ngunit hindi niya inaasahang sa paghakbang niya'y pupunta ito sa bandang unahan niya at doon nga'y nagpang abot na ang paningin niya at ng lalaki.Bigla siya nitong kinindatan kasabay ng nakakalokong ngiti.Dahil inabot ng hiya si Rebeca ay nagbaba agad siya ng tingin dito at sa kasamaang palad ay lalo naman siyang nailang dahil nakita ni Rebeca ang hawak na condom ng lalaki at may kasama itong petrolum jelly.Nanlaki ang mga mata ni Rebeca sa biglang pag gana ng kanyang imahinasyon.HIndi niya napigilang hindi mamula sa naisip bigla. Tatalikod na sana siya ngunit huli na ng marinig niya ang malutong nitong tawa at agad naman itong tulmalikod kasama ang babaeng nasulyapan niyang tumawag rito.""Shit!huling huli siya at pahiyang pahiya!''

Bakit nag eexist  pa ang mga ganoong uri ng lalaki?Iyon ang ayaw na ayaw niyang ginagawa ng mga lalaki ganoon,hindi naman sa hinahatulan niya ang mga ito,ngunit marami ang trabaho bakit nito pinipili ang ganoon?Sabagay may mga taong sadyang ayaw pumarehas at magbanat ng buto,ang gusto ng mga katulad nito'y easy money!Ganito ang mga taong iniiwasan niyang makasama kahit isang saglit,mga manggagamit at sumasandal sa mga babae na siyang nagpapababa naman sa dignidad ng mga babae lalo na sa may mga edad na,tulad niya.Ang mga babae naman,bakit pumapayag ng ganoon?E tiyak namang ang hahabulin lang sa iyo ng ganoong klase ay walang iba kundi ang pera mo?Bakit nya nasabi?Sino pa ang papatol sa iyong bata,magandang lalaki at sariwa kung ikaw ay kulubot na?Diba dahil lang sa kwarta?Sinadya niyang makailang minuto bago siya lumabas upang hindi niya makasabay ang mga ito.Ngunit namataan uli ni Rebeca ang gamit na sasakyan ng mga ito na pumasok sa isang lugar na alam na alam niya kahit pa sabihing hotel iyon.Teka!ano bang pakielam niya?Bakit ba kasi tila laging nakakakalat sa paningin niya ang lalaki?Ilang beses na itong nangyayari!At bakit niya pala pagtutuunan ang ganoon?Kulang na kulang pa para sa kanya ang maghapon sa kakaisip ng mahahalagang bagay.Tulad na lamang ng kung ano ang plano niya sa kanyang hinaharap.Ang kanyang tagapagmana!Ngunit sa tuso niyang iyon ay may magkakagusto paba sa kanya?Ayaw niyang maging katulad siya ng nakita niya kanina.Isang buhay na halimbawa ang ganoon.Sa edad niya sa personalidad at sa hitsura'y malabong magkagusto sa kanya ang kanyang ideal man...