DEVON:
lumipas na naman ang isang gabi.Araw araw ganon palagi.Minsan naiisipan na niyang mag retiro na sa itinuturing niyang trabaho.Dumarating din kasi sa kanya ang pagkasawa.Natural lang siguro iyon sa paulit ulit na gumagawa ng mga bagay na iyon at iyon din naman.Subalit mismong ang isip nya ang nagsasabing,bago man lang niya gawin ang bagay na ganoon ay kailangan muna niyang maka jackpot ika nga.Yung masisigurado muna niya ang kinabukasan nilang mag ina sa kahit na anong paraaan na gugustuhin niya.
Isa lang na malaking isda ang masilo niya'y tama na.Nakikitaan narin naman niya ng malaking pagbabago sa kalusugan ang ina at sanay tuluyan na nga itong gumaling.Bigla tuloy niyang naipagpalagay na dinadalaw na yata siya ng maturity.Sa edad na 28 para sa kanya ay tila kulang pa ang kanyang mga naipon at matatawag na kanya.At kahit na may ipon na siya'y hindi muna sila bumili ng bahay,mahirap na at marami siyang bagay na pinag iingatan tulad na lang na baka masundan siya ng makukulit na mga babae niya.Gusto niya'y pag bumili siya ay iyong sa lugar na hindi siya makikilala.Balak niya naring magtayo ng negosyo balang araw at mailayo na roon ang kanyang ina.Kasalukuyan kasi silang nanunuluyan ngayon sa isang maliit na apartment pero sulit narin naman.Kailangan na niyang magmadali.Madaliin ang pinaplano nuon pa.
Hindi birong maging sunud sunuran na parang aso sa isang kapatid ng kinikilalang business tycoon na kilala sa pangalan na Rebeca Tough.Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nalaman niyang ang isa pala sa mga kinakalantari niya'y kapatid ng isang kilalang prominanteng tao.Mula sa dinadrive niyang motor ay napasulyap siya sa isang malaking billboard na naka tayo sa dinaraaanan niya sa Edsa.Isang babaeng nakatayo at nakapameywang at sa sa kanilang kamay ay tangan ang maskarang itim na iniharang sa mukha nito.Sa pinakagilid ay may mga katagang ''THE MASK OF HER TOUGHNESS''Naka business suit ang babae sa larawan at bakas ang kasimplehan at awtoridad batay palang sa tindig nito.Sayang nga lang dahil mas madali sana kung kita niya ang mukha ng babae na kilala sa bansag na Miss REBECA TOUGH.Ngunit sadya yatang itinatago nito ang pagmumukha,kung bakit ay hindi niya alam.
Ang tough builders ay kilala kahit saan.Dito man o sa ibang bansa.GUstuhin man niyang targetin ang babae'y kulang siya sa impormasyon.Ni ang hitsura nito'y wala pang nailalathala,napapanuod man ito sa mga guesting pero laging may nakaharang sa mukha ng negosyante,hindi niya alam kung nagpapa mysterious lang ito o sadyang ginagawang pribado ang buhay.Sa ngayon ay magtyatyaga muna siya sa kapatid nito upang maging maingat sa mga gagawin niyang hakbang.At tiyak niyang mananalo siya.Hindi pa kahit kailan natalo ang isang Devon Lacon.Kung may makakarinig ng kanyang pinaplano'y tiyak na pagtatawanan lamang siya ngunit ang katulad niyang galit s pera ay hindi naniniwala sa kasabihang SUNTOK SA BUWAN.Mag iilusiyon na lamang siya'y bakit hindi pa niya lubos lubusin.
...
Kasama ang isa sa kanyang costumer na si Misis Viana sa hotel na iyon ng hindi sa kalayua'y nakita niya ang isang babaeng kilalang kilala niya na papasok din sa lugar na iyon,habanag siya ay nagkakape sa ibaba.Kasama ng isang matabang kongresman ang babae,natatawa siyang naiiling,kahit pala naman kapatid ng isang mayaman ang isang iyon ay hindi rin pala ito naiiba sa kanya.Kilala ang kasama ng babae bilang magnanakaw rin sa kaban ng bayan.Tignan mo nga naman,halos pareparehas lang sila,iba iba nga lang posisyon pero pareparehas mga mukhang salapi,gaya rin ng isang iyon.Wala rin naman siyang interes rito,bagaman mahusay din ang babae sa kama.Ang gusto niya'y ang nakatatandang kapatid ng babae.Lalo siyang naging interesado rito ng malaman niyang si Miss Tough say isa pa palang dalaga,interesting!.
...
''Pre mukang nakaraket ka na naman kagabi ano?''Iniwan mo na naman kami sa pansitan eh.''Tudyo ng mga kasama ni Devon sa kanya.Nginitian niya lang ang mga ito dahil abala siya sa susunod niyang booking mamaya.Tulad ng araw araw na pamumuhay niya,narito na naman ang binata sa lugar na iyon.Suot ang mamahaling terno at umaalingasaw ang mamahalin ding pabango.Tulad ng dati'y walang pumapasok na mga kababaihan na hindi man lang sumusulyap sa kanya.Babae man o lalaki.KUng tutuusi'y madali namang pumatol sa bading ngunit iyon siguro ang hindi niya kayang sikmurain,hindi naman siya galit sa mga ito pero ewan ba niya,hindi talaga niya siguro gusto.Ang hanap ng katawan niya ay tamang pwesto ng butas.ILang bading narin naman ang nagparamdam sa kanya ngunit wala talaga siyang interes kundi dun lamang sa mga tilapya.May isa ring kumindat sa kanya subalit hindi niya pinagtuunan ng pansin,alam niya kasi kung sino ang may mas makapal na pitaka.O di kaya'y may tangan lagi ng card o kaya'y cheke.HIndi niya sana pagtutuunan ang mga bading na iyon kundi rin lang niya aksidenteng narinig ang mga usapan nito.Lumapit siya banda sa hindi siya mapupuna at nag umpisang makinig sa mga pinag uusapan ng mga ito.At hindi nga siya nagkamali.
''Grabe namantalag iyong babaeng iyon!''Narinig ni Devon ang nagsalitang bading.
''Husssh wag kang maingay baka may makarinig sa iyo!''Saway ng isang kasama nitong babae.
''Bakit ba!E sa totoo namang gusto yata tayong pagpapapatayin eh.Kundi lamang talaga mataas siyang magpasweldo't kilala ang kumpanya nya e,baka matagal na akong nagresign.Aba!Uurungan ako ng regla sa ginagawa niya!''
''Gagi!meron kaba noon?!''
''Heh! Pahid ko sayo 'tong tagos ko eh!''
Sabay naghalakhakan ang grupo
''Tignan niya lang kapag kinunan ko siya ng picture na hindi niya alam tapos ikakalat ko at pagkakaperahan,makita niya!''
''At gusto mo ng mamatay!?''
''Masyado kasing perfectionist,minsan nakaka stress na!''
''E diba nga't malaki naman ang pakinabang natin.''
''Tama!kailangang magtiis para sa ka andahan!''
''Katulad nalang na nakakapunta tayo kahit isang beses sa isang buwan man lang sa mga ganitong lugar!Abah ang mamahal yata ng mga ombre dito ano!Lalo na ang mga banana republic at ang mga feslak,ayyyyy panalo mga mare!!!''
''Tamagotchi!Ang hindi ko lang maintindihan sa Leonang iyon ay kung bakit itinatago pa ang fes?Alen?Kung ako lang baka pati sa pogs ipinalagay ko ang pagmumukha ko!
Lalong nagrumpi ang isip ni Devon dahil sa mga narinig.Hindi pa man ay nasasabik na siya sa mga naiisip niya.Kailangan ng ibayong pag iingat at sapat na paghahanda sa bitag na gagawin.HIndi basta basta ang kanyang sisiluin.Malaki at matabang isda na galing pa pusod ng dagat....