Nang biglang...
"Devon!Devon!honey!"
May boses ng babaeng tumatawag sa
malapit sa kinaroroonan nila.Habang
papalapit ang hakbang ay parang
natigilan ang lalaki sa ginagawa.
"Shit !Sino ka?"
Pilit siya nitong inaaninag sa kadiliman .Sabay sabi ng..
"Sorry Miss, akala ko ikaw si-.Sino kanga?"
Hindi umimik si Rebeca.Nataranta niyang itinulak ito dahil sa hindi magandang
posisyon nila ng lalaki.
Para naman noon lang natauhan ang
lalaki.mayos ang sarili at tumayo sa dilim
at nagpahabol pa ng salita.
"Sorry Miss."
Kahit hindi niya ito nakikita ay alam
niyang nakangisi ang lalaki habang
sinasabi iyon dahil nasa tono nito.
Sasampalin niya sana ang pangahas ngunit wala siyang lakas.Napaurong pa siya ng lumapit muli ito at hinalikan siya ng isang
madiin at mabilis uli sa labi.
"I like your smell honey!
at tinalikuran na siya nito ng tuluyan na parang walang nangyari.
Lalo siyang nanatili sa ganoong posisyon na tila latang lata.
...
Pagkatapos ng gabing hinding hindi
malilimutan ni Rebeca lalot higit ang anyo ng lalaking palayong umalis sa pusikit na kadiliman.
Sino ang lałaking iyon?
Ah,ang muhalaga'y walang nangyaring
masama sa kanya, bakit niya iisipin pa?
Mainam na hindi sila nagkakilala o
nagkita dahil kung sakali man ay hindi
niya alam kung ano ung gagawin niya.
Devon ang narinig niyang pangalang sinasambit ng babae.
Iyon nga kaya ang pangalan ng lalaki?
Tantiya niya ay nasa taas ito ng sobra sa
anim na pulgada dahil halos takpan siya ng buong katawan nIto.Alam nya ring matangos ang ilong nito at maskulado ang katawan.
Bakit parang sa sandaling pangyayaring
'yon ay natandaan niya pa ang ganoong
mga bagay?
Kinikilabutan tuloy siya na hindi niya
mawari at pinagalitan ang sarili.Kailangan mabura iyon ng
tuluyan sa kanyang isipan. Wala itong
mabuting maitutulong sa kanyang mga
isipin sa ngayon.Marami siyang dapat
ayusin.
Tumayo na siya sa kanyang kamang
animoy pang reyna sa laki at sa adornong bumabalot dito.Habang naglalakad siya sa mala alpombrang
puting balahibo ng hayop na nagsisilbing sahig ng buo niyang silid.
Nakita niyang nasa ibaba mula
sa kanyang kinaroroona,na sa hapag na ang kanyang tita Melva at ang suwail niyang kapatid na si Carla.
"O kumain kana iha!"
Sabi ng kanyang madrasta habang
nagbabasa ng magazine ng maka dulog na ang dalaga sa hapag kainan.
Umismid naman sa kanya Si Carla na may kasabay na matatalim na tingin.
"Siya nga pala mahal kong
kapatid,ipapadala ko nalang ang
resignation letter ko bukas sa opisina
mo."
Sabi ng kanyang magaing na step sister.
"O bakit anak?Hindi kana ba magtatra
baho sa ate Beca mo?At
ano naman ang naisipan mo at biglaan naman ang desisyon mo?"
Kasunod ang nagtatakang boses ng ina
nito.
"Mommy ano naman ang palagay mo sa
unica iha mo?Ang katulad ng ganito ang ganda ay sinasamba lang at hindi na kinakailangang magtrabaho dahil
nandiyan naman ang ate kong wala ng
iniisip kundi magbilang ng kanyang
mga pera.Sabagay iyan lang naman
ang maipagmama-laki niya.Diba my dear sister?"
"Ang bunganga mo Carla ha!"
Pasensiya kana anak sa kapatid mo ha,
masyadong sutil kasí yan eh".Hinging
paumanhin ng kanyang madrasta sa
Inasal ng anak
"Ok lang po tita"
Sagot naman niya at hindi niya pinansin
ang mga patutsada sa kanya ni Carla.
"Siya nga pala anak,mamaya ay may
pupuntahan kami ng mga amiga
ko.Baka puwede mong dagdagan ang
pera ko sa bangko?
Alam mo naman, balak kasi naming
mag out of the country sa susunod
na araw sa Hongkong. E iniisip ko kung sila lang ang magpapabongga ay mag mumuka namang kawawa ang tita mo, ha iha?"
"Opo tita,bukas ko nalang ihuhulog sa
account nyo"
"Ay salamat naman anak. "
Sambit ng kanyang madrasta, na nagni
ningning ang mga mata sa katuwaan.Sabay dinunggol ang anak.
...
Pagkatapos maligo ay handa naang dalaga sa kanyang pagpasok sa opisina at nag spray ng paborito niyang pabango.Napili niyang isuot mula sa kanyang walk in closet ang black 3piece suit niya,na tinernuhan niya ng gold 3 inches sandals.Ang kanyang hangang bewang na bunok ay hinigit nya pataaas ng pa bun at isinuot ang salamin sa mata.
Habang papalapit sa kanyang kotse ay nakita na naman ni Rebeca ang pamilyar na lalaki.
Papasok na sana siya ng kanyang sasakyan ng tanungin siya nito ilang
pulgada lang ang layo sa kanya.
"A Miss Sunshine gising naba si Carla?
pinapasok na ako ng guard niyo."
"My name is not sunshine."
Seryoso niyang tugon.
"Ahhh."
Habang titiig na titig sa kanyang sabi ng lalaki.
"So what is your name?Miss?"
"My name is not your consern young
man. Your business is inside the
house. Good day."Walang ganang sagot niya rito.
"Ah,Ah,Ah!"
Sabi nito na nagpahinto kay Rebeca at bigla siyang nilapitan nito.
Sa pagkabigla ng dalaga'y nailapit na pala nito ang mukha sa kanya.Yumuko ito sa kanya dahil sa taas nito, awtomatikong napa atras si Rebeca.
"B-Bakitt??Don't!"
Sabi niya rito at agad napa aras.
"Don't what Miss? "
habang malalim na nakatitig sa kanya ng lalaki na tila nag iisip.
Nang malapit na malapit na ito sa
kanyang mukha ay pipikit sana siya ng
may kung anong tinanggal ito mula sa
kanyang mukna.
"You have something on your face."
Kaagad na sabi nito ng nakakaloko.
Nagulat si Rebeca at napahiya ngunit di siya nagpahalata.
"Ah,ok thanks young man."
"Welcome honey!"
Nasulyapan pa niya itong nakangisi parin habang papasok si Rebeca sa loob ng kanyang sasakyan.
"Devil!"
Bulong niya.
"I prepared Demon honey!"
Pahabol nito habang tulad nga sa isang
demonyong humahalakhak.
Sirang sira ang araw na pumasok siya sa opisina dahil sa lalaking iyon. Sinalubong
siya agad ng kanyang sekretarya.
"Ah boss, Mr Choi called,na kung puwede raw kayong magkita mama-
yang after lunch."
"Ah ok,paalala mo sakin mamaya."
Hindi na kailangang magdalawang isip ni Rebeca kapag ito ang umawag sa kanya.
After lunch ay dumeretso siya sa kanyang personal elevator.
Pagpasok niya sa naturang lugar kung
Saan nagkakape ang mga tao, ay nakita
niya kaagad si Mr.choi.Ang business
parther niya na isa sa may malaking
share sa kumpanya.
"Miss Tough good to see you!Pls sit
down."
"Yes Mr.Choi .Ano ba ang pag uusapan
natin at mukhang seryosong seryoso
ka?"
Si Mr Choi ay hindi lamang isang business
partner, parang itinuring na niya itong
hindi iba sa kanya.Kahit na purong
intsik ito ay dito na ito ipinanganak.Ang
nagustuhan daw nito sä kaya ay ang kanyang
nagustuhan nito sd kanya ay ang kanyang pagiging istrikto at magaling na business
partner at tulad niya'y malaki rin ang
tiwala nito sa kanya.
"Hiniling ko na magkita tayo dahil may
importante akong sasabihin sa iyo iha."
"Ano po yon Mr.Choi?"
"Mamaya na iyan iha,umorder muna
tayo."
Nakangiting sabi nito na tinanguhan
naman niya.
"I think someone's trying to pull you
down kaya mag iingat ka. "
Sabi nitong seryoso ang mukha.
Napatigil siya saglit sa pag nguya.
"Hindi napo iba sakin ang balitang
ganyan Mr.Choi."
"Pinag ingat lang kita dahil hindi kana
iba sakin Rebeca.Nag aalala ako dahil
may kumakalat na masamang balita na
ang kumpanya mo raw ay nagsisimula
ng malugi.Galing ang balita sa isa kong
tauhan.Ang isa sa kumakalat na balita ay dahil daw ang materyales na
naggagaling sa kumpanya ay pinababa
ang kalidad.Nag uusap usap sila laban
sa iyo Rebeca.Alam mo naman ang balita mabilis"
Napa deretso si Rebeca ng upo.