"Isa lamang akong ordinaryong mamamayan ng Altania. Paano niyo naman masisiguro na nagsisinungaling ako. Nagmula na rin sa mismong bibig ko na isa lamang akong ordinaryong mamamayan ng aming bayan." Seryosong turan ng binatang si Zedd Kleon.
"Nagpapatawa ka ata binata, masyado kang mayabang para sabihin ang mga katagang iyan. Kahit anong sabihin mo, ang bibig natin ay kaya rin magsinungaling. Altania? Ang bayang bumagsak dahil sa kagagawan niyo rin!" Malditang wika ng magandang babaeng nakasuot ng kulay asul na robang may kakaibang disenyo na kung titingnang mabuti ay mayroong imahe ng isang kakaibang anyo ng isang ahas.
Matapos itong sabihin ng nasabing babaeng bagong dating lamang ay mabilis na pumagitna sa usapan ang lalaking nakasuot ng kakaibang kasuotang baluti na gawa sa pambihirang metal habang may disenyo ng isang nag-aapoy na ibon.
"Tumigil ka Verania, masyado mo atang pine-personal ang mga usapang ito. Hindi ko alam na hanggang ngayon ay masakit pa rin ang loob mo sa bayang hindi ka naman inaano!" Seryosong saad ng lalaking nakasuot ng baluti. Kung hindi nagkakamali si Zedd Kleon ay ito si Master Uriel. Halatang hindi na rin ito natutuwa sa inaasal ng kaedaran nitong si Mistress Verania.
"Tama si Verania, Uriel! Hindi kailanman umunlad ang bayan ng Altania dahil sa kagagawan din ng mga mamamayan nito. Isinumpa ang lupain nila at sa lahat ng bayan ay ito ang hindi man lang mababakasan ng pag-unlad o anumang tagumpay na nakamit!" Malakas na sambit ng magandang babaeng nakasuot ng kulay dilaw na bestida na sumasayad sa lupa. May simbolo ng bulaklak na mirasol.
"Pati ba ikaw Serventina ay hindi pa rin nawawala ang galit niyo sa bayang iyan. Hindi natin dapat ungkatin ang nakaraan ng bayan bagkus ay pagtuunan natin ang pangyayari patungkol sa binatang nagmula sa Altania." Seryosong saad ni Master Uriel sa dalawang babaeng martial arts experts na sina Mistress Verania at Mistress Serventina.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Master Uriel? Hindi porket ikaw ang inatasan sa kaayusang ito ay susunod na lamang kami sa kagustuhan mo. Hindi kailangan ng Golden Star Guild ng magiging miyembro galing sa bayan ng Altania dahil hindi ko papayagan iyon!" Puno ng galit na sambit ni Mistress Verania habang masama ang tinging ipinupukol nito kay Master Uriel. Halatang buo na ang desisyon nitong hadlangan ang binatang nagmula sa pesteng bayan ng Altania para lamang mapabilang sa Golden Star Guild. It will never happen at iyon ang sisiguraduhin niya.
"Masyado ka ng pangahas Verania. Sa harap ng lahat ngayon ay pinapakita mo ang napakapangit mong pag-uugali. Kabilang pa rin sa lumahok ang bayan ng Altania at wala kang magagawa ukol dito sa ayaw mo man o sa gusto. Ayaw mo naman sigurong magkaproblema tayo sa hinaharap!" Seryosong turan ni Master Uriel habang kitang-kita na hindi na talaga ito natutuwa sa pinagsasabi ni Mistress Verania na masama ang tinging ipinupukol sa kaniya.
"Doon ka nagkakamali Uriel dahil mukhang iba ang iyong pagkakaintindi sa aking sinasabi ngunit tama na ang pagtitiis ko sa bayang iyan at ng mga Guild na kailanman ay inferior lamang sa Golden Star Guild na iyong kinabibilangan!" Mapait na saad ni Mistress Verania habang kitang-kita ang tunay nitong pag-uugali sa harap ng lahat. Wala na itong hiya na ipakitang mas nakakaangat ang Golden Star Guild sa lahat.
"Ano'ng gusto mong ipahiwatig Verania?! Porket mahihina nag ilan sa mga guild maging ng mga bayan ay kailangan mo na itong insultuhin?!" Matiim na sambit ni Master Uriel na kitang-kita na hindi nito gustong i-tolerate ang pag-uugaling meron si Mistress Verania.
Ngunit bago pa makasagot ang lahat ay kitang-kita ni Zedd Kleon ang kakaibang pangyayari na ngayon niya lamang nasaksihan sa buhay niya.
Naging parang estatwa ang lahat ng mga naririto kabilan na rito ang lahat ng mga manonood maging ang naglalakasang mga masters at mistresses na mukhang hindi nagkakaintindihan.
Sa malayo ay ramdam ni Zedd Kleon ang naglalakihang mga bundok (bulubundukin na nagkakaroon ng kakaibang penomena.
Kitang-kita ni Wong Ming ang napakaraming mga ibong nagliliparan na animo'y may nangyayaring kakaina sa parting iyon. Halos lumuwa ang mata ni Wong Ming ng nasaksihan niya ang pagkahati ng isa sa mga bundok na animo'y hinati ng isang napkatalas na sandata.
Halos matuod naman si Wong Ming sa kinatatayuan niya ng lumutang ang isang nilalang na nakasuot ng kulay puting roba mula sa nahating bundok. Kitang-kita niyang humarap sa direksyon niya ang nasabing nakalutang na nilalang.
May katandaan ang mukha nito at kulu-kulubot ang mukha nito na animo'y parang naaagnas na ang katawan nito.
Sobrang payat at halos kalansay na lamang ang nasabing nilalang na masasabi niyang isang tao. Ngunit alam ni Zedd Kleon na hindi ito isang ordinaryong tao lamang kundi isang pambihirang nilalang na hindi niya maaaring gustuhin mang i-offend.
PEWWW!
Malakas na napaatras si Zedd Kleon nang bigla na lamang lumitaw sa harapan niya ang nasabing pambihirang nilalang na kanina ay tanaw-tanaw niya lamang.
Halos dumagundong ang magkahalong kaba at pagkatakot sa mga mata ng nasabing binata lalo na at ngayon lamang siya nakaharap ng isang nilalang na hindi abot ng kakayahan niya.
Itinatak niya sa isipan niya na isa lamang siyang ordinaryong nilalang at wala siyang kakaibang kakayahan.
Kahit na sobrang lakas ng kabog ng dibdib ni Zedd Kleon sa naging pambungad sa kaniya ng mala-kalansay na lamang na pangangatawan at presensya ng nasabing nilalang ay nagawa pa rin niyang iikot ang paningin niya sa kaniyang sariling kapaligiran ngunit mukhang siya lamang ang gumagalaw at tanging saksi ng nasabing pangyayaring ito.
Hindi pa rin makapaniwala si Zedd Kleon sa kaniyang kasulukuyang sitwasyon niya na animo'y para mababaliw siya kakaisip kung bakit siya pa. Bakit hindi na lamang siya naging kaparehas ng iba na naging estatwa.
Gulong-gulo ang isipan ni Zedd Kleon dahilan upang mapaatras pa ito ng mapaatras dahil hindi niya alam ang gagawin.
Nanginginig man ang kamay niya maging ang dalawang paa at tuhod niya ay tinatagan niya ang loob niya. Nilakasan niya ang sariling loob niya na iligtas ang sariling buhay niya laban sa kakaibang nilalang na lumabas sa nahating bundok.
Arrrr...
Hindi naman nabigo si Zedd Kleon at nakatayo siya na siyang dahilan upang ubod ng bilis ang pagtakbo na ginawa niya. Hindi siya makakapayag na hindi niya magawa ang mga bagay na ito.
Hindi na niya alam kung saang direksyon at lokasyon na siya napadpad basta ang alam niya ay gusto niyang makatakas sa kakaibang nilalang na nakita ng dalawang mata niya. Hindi niya alam ang gagawin ngunit ito lamang ang maaaring gawin niya upang takasan ang anumang peligro sa buhay niya.
Alam niyang napakadelikado ng nilalang na nakaharap niya at hindi niya hahayaang makaharap niya pa ito.