Chereads / Divine Sovereign Transformation / Chapter 8 - Chapter 1.7

Chapter 8 - Chapter 1.7

Nakita na lamang ni Zedd Kleon ang sarili niyang nasa harap ng tila kalansay na babaeng nilalang habang makikita ang tumutulong butil ng mga luhang umaagos sa mukha nito.

Mabilis na dumistansya si Zedd Kleon sa nasabing babaeng estranghero na animo'y magkahalong gulat at hilakbot ang nararamdaman nito dahil magpahanggang ngayon ay gulong-gulo ang isip niya sa nangyari kani-kanina lamang.

"Hahahahaha... Hindi ko aakalaing sa ganong sitwasyon lamang ay naiyak ka na." Tila nangmamaliit na wika ng mala-kalansay na lamang na babaeng estranghero habang nakatingin sa gawi ng binatang si Zedd Kleon. Kitang-kita sa mukha nito maging sa labi nito ang pagngisi at tila natutuwa sa nangyayari sa nasabing binata.

Hindi nito kasi aakalaing ganito lamang na sitwasyon ay makikita nitong umiyak ng husto ang nasabing binatang tumatakas sa paningin niya kanina.

Hindi niya man nais takutin ang binatang naging dahilan ng pagpunta niya rito ay nangyari na ang dapat mangyari kaya wala ring silbi ang anumang gagawin niya.

"Ano'ng klaseng mahika ang ginawa mo ginang o kung ano ka mang nilalang. Hindi maganda ang ginawa mo alam mo ba yun ha!" Seryoso ngunit may halong pagkainis na sambit ni Zedd Kleon habang makikitang hindi ito natutuwa sa pinanggagawa ng nilalang na ito. Kahit sabihing malakas ito ay masyado naman atang grabe ang ginawa nito.

"Yun ba?! Isang simpleng bagay lamang iyon. Ang pagpapakita ng bagay na katulad niyon ay nararapat ko lamang gawin upang mapapayag ka sa nais kong gawin mo." Seryosong saad ng matandang ginang habang nanlalaki ang mata nito. Halatang may sinasabi ang mga ipinupukol nitong tingin sa binatang si Zedd Kleon.

"Gagawin ko? Para sa ano'ng bagay? Hinding-hindi ako kailanman makikisangkot sa iyo o makikipag-ugnayan man lang." Walang pag-aalinlangang wika ni Zedd Kleon na lubos ang pagtanggi nito.

Isang malakas at susunod na paghalakhak ang narinig ni Zedd Kleon matapos nitong sabihin ang mga katagang lumabas sa bibig niya mismo.

"Hahaha nagpapatawa ka ata binata, hindi mo ba napapansin na unang pagkikita pa lamang natin ay hindi ka na makakatakas pa sa tadhang meron ka. Ikaw ang nilalang na matagal ko ng idinadalangin at hinihintay na makakatagpo lalo pa ngayong h----!" Sambit ng matandang babaeng nilalang habang mabilis itong naputol sa pagsasalita nang biglang nagwika si Zedd Kleon.

"Hindi makakatakas sa tadhana?! Anong klaseng tadhana?! Isa lamang akong ordinaryong nilalang ginang. Walang espesyal sa akin. Alam kong nagkakamali ka lamang ng pinagsabihan ng mga ito at hayaan na lamang natin na palampasin ang kaganapang ito!" Seryosong saad ni Zedd Kleon habang kitang-kita sa mata nito ang labis na kagustuhang itanggi ang sinasabi sa kaniya ng ginang. Hindi siya tanga upang hindi makuha ang gustong ipahiwatig nito sa kaniya.

"Hahahaha! Hinding-hindi mo matatakasan ang tadhanang meron ka binata. Sinasabi ko sa'yo dahil gaya ng ipinakita ko sa iyo kani-kanina lamang ay magaganap at magaganap talaga sa hinaharap. Hindi mo naman siguro gugustuhing mangyari ang kinatatakutan mong mangyari, ang mawasak ang bayang pinagmulan mo!" Nakangising sambit ng matandang ginang na animo'y nakakapanghilakbot ang mumunting ngiting umaalpas sa labi nito.

Nangilabot naman si Zedd Kleon sa mga huling pangungusap na narinig mismo ni Wong Ming galing sa bibig ng nasabing ginang. There's something on those facial expressions of the old woman. Nakakapangilabot ang mga pinagsasabi nito ngunit matatalim ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Hindi galit kundi ibayong kasiyahang mukhang nagagalak pa sa kasawian ng bayang pinagmulan niya.

"Hinding-hindi mangyayari ang lahat ng nakita ko kanina ginang. Hindi mawawala ang bayang naging tahanan ko sa buong buhay kong pananatili roon." Puno ng pagkontrang sambit ni Zedd Kleon habang kitang-kita sa mata nitong hinding-hindi ito naniniwala sa pinagsasabi ng matandang babaeng nilalang na halos buto't-balat na lamang ito.

Sa halip na mainis ang nasabing nilalang na pinagsalitaan ni Zedd Kleon ay mas lumaki pa ang tuwang nararamdaman nito na siyang dahilan upang humalakhak pa ito ng malakas.

"Hahahaha... Sa buong buhay kong namumuhay sa bayang ito ay ngayon lamang may kumwestiyon sa kakayahan ko. Hindi man ako kilala sa ibang bayan ay alam nila ang aking kakayahan. Dahil sa akin ay napanatili ang kaayusan at katahimikan ng bayang ito ng Sora. Gaya mo ay ganon din ang layunin ko ngunit ang kaibahan lamang ay may kakayahan akong kayang protektahan ang bayang sinilangan ko hindi kagaya mo hahaha!" May mapangmaliit na turan ng matandang babaeng nakasuot ng kulay puting roba.

"Dahil isa lamang akong ordinaryong nilalang ginang. Alam kong hindi ka pangkaraniwan at ang agwat natin ay ibang-iba. Ganon lamang iyon." Seryosong sambit wika ni Zedd Kleon habang kitang-kita ang labis na kapanatagan sa mukha nito.

"Bahala ka binata. Nakikita ko ang kapalaran mo. Ang masasabi ko lamang ay nasa kamay mo nakasalalay ang kapalaran at kaligtasan ng bayan ng Altania. Sa ilang dekadang nakalipas matapos ang mga masalimuot na pangyayari ay inaasahan kong lilitaw ang isang mandirigmang nagmula sa bayang ito. Naniniwala akong ikaw iyon." Seryosong saad ng matandang ginang habang makikita ang lungkot sa nga mata nito. Ngunit mayroong kung anong saya sa mata nito na animo'y naniniwalang nakahanap na siya ng isang nilalang na maaaring pumrotekta sa bayang walang inaasahang protektor.

Sa lahat ng bayan ay ito ang maaaring maging unang daan kung saan ito ang unang atakehin kung sakaling may kaguluhan na muling sisiklab sa hinaharap.

"Sa tingin niyo po ba ay karapat-dapat ako bilang mandirigma ng bayang aking pinagmulan?! Hindi ko nga alam kung ano ang aking gagawin ngayong tila sinasabi sa akin na meron akong talento na maging isang Cultivator. Magkagayon man ay hindi ako naniniwala. Kung meron man ay lalaban ako sa mumunting pamamaraan na maaari kong gawin." Sambit ni Zedd Kleon habang kitang-kita sa mata nito na kahit isa man lamang siyang ordinaryong tao ay magagawa niyang tumulong hindi upang ituring na bayani o magiting na mandirigma sa bayang pinagmulan niya kundi dahil mayroon siyang magagawa sa simpleng kakayahan niya bilang isang tao.

"Kung gayon ay hindi mo ako masisisi hangal na binata kung gagawin ko ang bagay na ito para lang baguhin ang mundong ginagalawan mo!" Seryoso ngunit may inis sa tono ng pananalita ng matandang ginang habang makikitang itinaas nito ang kamay niya.

Mabilis na umangat ang katawan ni Zedd Kleon sa ere habang animo'y nakahawak ito sa leeg na para bang may kung ano'ng klaseng pwersang nakasakal sa leeg niya.

Pakiramdam ni Zedd Kleon ay parang mawawalan na siya ng hininga habang makikitang unti-unti muling naramdaman ni Zedd Kleon na parang nawawalan siya ng lakas dahil msy kung anong klaseng amoy siyang naamoy sa mumunting hanging sa paligid niya.

"Matulog ka ng mahimbing binata. Hayaan mong ako ang magdesisyon sa susunod na paggising mo. Pasasalamatan mo pa kong ginawa ko ito hehehe." Makahulugang sambit muli ng matandang ginang habang makikitang ngumisi pa ito ng makahulugan habang nakatingin sa binatang sakal-sakal niya.