Chereads / Divine Sovereign Transformation / Chapter 11 - Chapter 1.10

Chapter 11 - Chapter 1.10

Sa loob ng isang malaking bulwagan ay aakalain mong mala-hari ang nakatira rito lalo pa't sobrang lawak nito at bawat bagay na makikita mong rito sa loob ay kakikitaan ng karangyaan at masasabing nagtataglay ng kakaibang awra na babagay sa atmospera ng lugar na ito.

Ito ay ang mismong tanggapan ng panauhin ng mismong Guild Master ng Golden Star Guild. Ngunit ang lugar na ito ay hindi maaliwalas at konting liwanag lamang ang masisilayan mo rito mula sa makapal na salamin ng bintana.

Habang lumalakad ka ay kapansin-pansin na padilim na padilim ito ngunit matatanaw mo pa rin ang daan sa nasabing bulwagan.

Naglakad ng maayos si Master Uriel ngunit kakikitaan na ang tunog ng mga yapak nito sa bawat paghakbang ay tila maririnig sa buong bulwagang ito. Gawa sa matibay at pambihirang marmol ang sahig na hindi basta-bastang mahahanap sa kahit saang lugar man lang.

Isa lamang ito sa maaaring karangyaan na nakapaloob sa lugar ng nasabing Guild Master nila.

"Magandang araw po Guild Master." Sambit ni Master Uriel nang makarating na siya sa gitna ng nasabing bulwagan habang nakatigil na ito sa paglalakad. Ang kanang kamay nito ay nakapatong sa kaliwang dibdib nito upang magbigay-galang sa kanilang Guild Master.

"Uriel, Ano ang ipinunta mo rito? Hindi ba't may ipinapagawa ako sa iyong importante?!" Seryosong sambit ng nakatalikod na nilalang habang nakaupo ito sa malaking tronong upuan. Hindi makikita ang kaanyuan nito lalo pa't napakadilim ng lugar na ito.

"Opo Guild Master Orion, ngunit mayroon lamang mahalagang kaganapan ang nangyari na gusto kong ibalita sa iyo ng personal." Seryosong sambit ni Master Uriel habang makikitang desperado na itong malaman ng Guild Master nila.

"At ano naman iyon Uriel? Mas importante ba iyon kaysa sa ipinapagawa ko sa'yo?!" Tila nagtatakang tanong ng Guild Master habang makikitang tila naguguluhan ito sa sinabi ni Master Uriel.

"Opo Master. Ang gusto kong ihatid sa iyong balita ay ang pagkakaroon ng Ancient Boulder Examination. Mayroong kaganapan na hindi ko pinalampas sa pagkakataong ito." Sambit ni Master Uriel habang makikitang ito ay sabik na sabik ng ibahagi ang kaniyang sariling nalalaman.

"Kung gayon ay ibahagi mo sa akin ang patungkol riyan. Maging ako ay nagtataka sa maaaring malaman kong balita mula sa iyo." Wika ni Guild Master Orion habang makikitang gusto nitong malaman ang balitang hatid ng isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang mga disipulo niya na si Uriel.

"Ito ay patungkol sa binatang nagngangalang Zedd Kleon, mayroon itong talentong nakatataas sa lahat. Divine Rank ang lebel ng talento nito." Sambit ni Master Uriel habang kitang-kita na pigil ang paghinga nito sa pagkakasabi nito.

"Divine Rank? Matapos ang ilang dekada ay nagkaroon muli ng Divine Rank sa kasaysayan ng kontinenteng ito. Magandang balita ito para sa atin Uriel! Puntahan mo na at nang aking masiyasat ito." Masayang wika ni Guild Master Orion habang makikitang hindi pa rin ito humaharap sa gawi ni Master Uriel.

"Kasalukuyan siyang nasa isang silid ng mga outer disciple Guild Master at nagpapahinga pa. Ngunit may malaking problema tayo Master Uriel." Seryosong sambit ni Master Uriel habang makikitang tila hindi ito masaya sa huling bahagi ng pangungusap na sinalita nito.

"Problema? At ano naman iyon Uriel?!"nagtatakang tanong ni Guild Master Orion habang makikitang gusto nitong malaman ang gustong ipahiwatig ni Master Uriel.

"Iyon ay patungkol sa pinagmulang bayan ng binatang nagngangalang Zedd Kleon. Nagmula siya sa bayang pinagmulan din ng isang nilalang na mayroong Divine Rank din. Si Al----!" Seryosong sagot ni Master Uriel ngunit kakikitaan ng panginginig sa tono ng pananalita nito.

"Wag mo ng ituloy ang sasabihin mo Uriel. Kahit pangalan nito ay hindi natin dapat pang sabihin lalo pa't nagdulot ito ng pait at tinik sa alaala ng lahat ng saksi ng matinding labanan at digmaan noon." Malakas na saad ni Guild Master Orion habang makikitang hindi nito nagustuhan ang mga narinig nito.

"Opo Master, humihingi ako ng paumanhin sa pangyayaring ito. Ang inaalala ko lamang ay ang kalagayan ng binatang si Zedd Kleon. Pangunahing target siya ng ibang malalakas na guild at nangangamba akong aatakehin tayo ng mga iyon." Seryosong pahayag ni Master Uriel habang makikitang maging ito ay nahihirapan sa pagdedesisyon sa binatang si Zedd Kleon. Malamang ay pagbabantaan nila ang nasabing binata dahil sa nagawa ng dating miyembro ng bayang pinagmulan din ng kaaway nilang lahat.

Hahahahahaha!!!!

Malakas na halakhak lamang ang namayani sa buong bulwagang ito na galing mismo kay Guild Master Orion.

Maya-maya pa ay nagsalitang muli si Master Uriel.

"Ano po ang ibig niyong sabihin Guild Master Orion? Bakit parang tuwang-tuwa pa kayo?!" Puno ng pagtatakang turan ni Master Uriel habang makikitang naguguluhan ito.

"Hinding-hindi mangyayari na maging banta ang mga iyan sa binatang si Zedd Kleon. Most likely ay ipapa-hunting lang ng mga iyan ang binata upang tingnan ang kapasidad nito. Hindi sila mangingiming paslangin ang binatang iyan ng harap-harapan habang nakatingin tayo sa kanila hahahaha!" Saad ni Guild Master Orion habang makikitang tila natutuwa pa ito sa pangyayaring ito.

"Pero Guild Master, sayang ang talento ng binatang si Zedd Kleon. Maaari natin itong magamit sa hinaharap lalo pa't mas magiging malakas ang Guild natin kung mapapabilang ito ss mismong Guild natin." Seryosong sambit ni Master Uriel habang makikitang hindi ito lubos na sumasang-ayon sa kagustuhan ng lider nila.

"Ang talento ay isang bahagi lamang ng pagiging martial arts expert ngunit kung hindi nito mapoprotektahan ang sarili niya ay hindi na natin sakop iyon. Maraming napapaslang na mga eksperto bawat araw sa iba't-ibang parte ng mga mapanganib na lugar sa mundong ito kaya kasalanan niya na iyon kung magiging mahina siya." Seryosong sagot naman ni Guild Master Orion kay Master Uriel.

Napatango naman si Master Uriel habang makikitang tila nauunawaan niya na ang gustong ipahiwatig ng Guild Master nila. Tama lahat ng sinasabi nito, nakadepende pa rin iyon kay Zedd Kleon kung magiging malakas siya o mahina siya o maging ang pagkabigo nito ay lahat nakasalalay pa rin sa kapalaran at kakayahan nito.

"Tama po kayo Guild Master. Hindi na po natin iyon problema pa. Masasabi kong nakasalalay ang kaligtasan nito sa kamay nito at maging ang pagtatagumpay nito." Seryosong sambit ni Master Uriel habang makikitang sumasang-ayon ito sa sinabi ng Guild Master nila.

"Siya nga pala, siguraduhin mo Uriel na magiging maayos ang bawat araw na pamamalagi rito ng binatang nagmula sa Bayan ng Altania at nais kong ang pinakamatandang master, iyon ang magtuturo sa kaniya" Seryosong sambit ng isang matandang lalaki sa ma-awtoridad nitong boses. Kitang-kita sa mga mata nito ang tila hindi makabasag-pinggang desisyon nito na layon sa binatang nagngangalang Zedd.

"Opo Guild Master Orion. Masasabi kong hindi pangkaraniwan ang binatang ito lalo pa't batid niyo na rin kung gaano kataas ang talentong meron ito ngunit ang matandang iyon ay si Master Abba po ba?!" Tila nanginginig na wika ni Master Uriel habang makikitang hindi nito mapigilang magulat pa rin sa maaaring mangyari sa binata kapag kay Master Abba ito sasailalim sa pag-eensayo. Kakaiba at kinatatakutan ang matandang iyon lalo pa't wala itong napapabalitang may disipulo ito. Takot na takot ang lahat maging siya sa matandang ito lalo pa't kakaiba ang pamumuhay nito kumpara sa kanilang mga naunang masters. Napakatanda na nito at walang may alam kung ilang taon na ang edad nito.

Ngayon pa lamang ay tila naawa na siya sa maaaring mangyari kay Zedd Kleon lalo pa't sa matandang hukluban pa na katulad ni Master Abba ito napunta at magiging disipulo pa siya nito.