Chereads / Divine Sovereign Transformation / Chapter 9 - Chapter 1.8

Chapter 9 - Chapter 1.8

Parang nawawalan ng hangin si Zedd Kleon habang makikitang tila nagpupumiglas pa ito habang hindi nito matanggap ang kapalarang sinasabi ng hangal na ginang.

Wala siyang alam sa mga pinagsasabi nito. Ang tanging alam niya lamang ay kailangan niyang mabuhay alang-alang sa mga bagay na sa tingin niya ay kailangan niyang gampanan ng mabuti. Hindi siya maaaring magpatalo lamang sa mga nilalang na sa tingin niya ay mataas at hindi niya abot ang mga ito.

Nakaramdam siya ng kakaibang lakas na tila ba bumuhos sa buong katawan niya. kahit na sakal-sakal siya ng nasabing pwersang nagmumula sa matandang babaeng tila mala-kalansay ang pangangatawan nito sa ere ay ramdam niyang unti-unti siyang nakakahinga sa hindi niya malamang dahilan.

Dito niya naramdaman ang tila pag-init ng isang bagay na nakasabit sa leeg niya. Kung hindi siya nagkakamali ay ang pamanang kwentas na simula pa lamang na ipanganak siya ay naririto na ito. Sabi pa ng nasabing tagapag-alaga niya sa bahay-ampunang kinalakhan niya ay maaaring galing daw ito sa tunay niyang mga magulang.

"Hindi... Hindi maaari ito. Mayroon kang pambihirang holy weapon sa leeg mo. Hindi, sabihin mo binata na isa lamang itong panaginip!" Tila punong-puno ng takot na sambit ng nasabing matandang babaeng mala-kalansay ang kaanyuan nito. Hindi maipagkakailang mayroong nangyayaring kakaiba sa mga oras na ito.

Kitang-kita ni Zedd Kleon ang tila kakaibang puting liwanag na dumaloy sa sariling kwentas niya patungo sa misteryosong matandang babaeng sinakal siya kanina habang ang katawan nito ay animo'y binalot ng kakaibang puting liwanag.

Mas lumalaki at dumadami pa ang enerhiyang dumadaloy sa katawan nito na animo'y hindi ito makatakas sa pagkakakapit ng misteryosong puting liwanag.

May galit ang mga mata ng matandang ginang na nakatingin sa kinaroroonan ni Zedd Kleon na para bang may kung ano'ng laman ang nakakapangilabot na tingin nito sa nasabing binata.

"Binata, hindi ko aakalaing napaniwala mo ako sa kakaibang pwersang bumabalot sa katauhan mo at nagawa mo kong mabitag sa sarili kong kagagawan. Sana ay tinuluyan na kitang paslangin bago mo pa magamit ang taktikang naiisip mong gawin sa akin!" Puno ng galit na sambit ng matandang ginang habang pinipilit pa nitong makawala sa puting enerhiyang umaalpas at rumaragasa galing sa mismong suot na kwentas ni Zedd Kleon.

Nagpupumiglas pa ang matanda habang pilit na nilalabanan ang puting enerhiyang tila siya ang puntirya nito.

Ngunit sa labis na gulat ni Zedd Kleon ay tila ba mas lalong lumalakas ang enerhiyang nagmumula sa kwenta niya patungkol sa misteryosong matandang ginang.

Kitang-kita ni Zedd Kleon kung paano'ng nagsagawa pa ng pambihirang martial arts skill ang matandang ginang ngunit tila ba hindi pabor sa kaniya ang mga ginawa niyang ito.

BANG! BANG! BANG!

Malalakas na pagsabog ang naganap habang kitang-kita ni Zedd Kleon ang patuloy na paglayo sa Kaniyang sariling pwesto ang nasabing matandang babaeng buto't-balat na lamang.

Parang iniiwasan nito ang nasabing puting enerhiyang umaalpas sa katawan ni Zedd Kleon.

May takot ang mga mata nito habang makikitang hindi pa rin ito sumusuko sa ginagawa nitong mga pamamaraan upang mawala ang ganitong klaseng kaganapan na ikapapahamak niya mismo.

Maya-maya pa ay bigla na lamang naging mabagsik ang puting enerhiyang umaalpas sa mismong katawan ni Zedd Kleon at mabilis na kumapit ito sa katawan ng matandang ginang na tila ba hindi ito nilulubayan.

"Humanda ka binata. Mapapaslang mo man ako ngayon ngunit ipinapangako ko sa'yo, hindi magiging madali ang buhay mo dahil makakaharap mo din ang matitinding mga kaaway mo sa hinaharap----accckkkkkk!!!" Pasigaw na sambit ng matandang ginang sa nakakatakot na boses. Kitang-kita sa tono ng boses nito ang labis na kaseryusohan habang makikitang sa huling pagkakataon ay ginamit nito ang kaniyang sariling kakayahan bago binalot ng puting liwanag ang katawan nito na siyang nagkaroon ng malakas na pagsabog sa lugar na ito.

BANG! BANG! BANG!

Kasabay nito ay ang pagsakop ng isang nakakabinging katahimikan habang makikitang unti-unting bumalik ang lahat sa dati.

Maya-maya pa ay narinig na lamang ni Zedd Kleon ang malakas na ingay na nagmumula sa mga manonood habang siya ay walang napansing kakaiba sa mga nilalang na naririto. Walang bakas ng anumang bagay o pangyayaring naganap. Para bang siya lamang ang nakasaksi ng lahat ng kaganapang nangyari kani-kanina lamang.

"Bakit ako lamang ang nakasaksi ng lahat ng kaganapang nangyari kanina. Hindi ba nila napansin ang paglitaw ng matandang ginang na iyon? O ang pagkapaslang nito na hindi man lang nagkaroon ng bakas ng buong pangyayari?!" Naguguluhang saad ni Zedd Kleon sa Kaniyang sariling isillpan lamang habang nakita niya lamang ang kaniyang sariling naglalakad palayo sa lugar na ito. Tila ba nagfast forward ang lahat at tila ba hindi ito napansin ng sinuman.

...

Sa isang bayan na hindi nagkakalayo sa kinaroroonan ng bayan ng Sora ay nakatatag ang isang organisasyon. Tinatawag ang mga nasabing organisasyon sa katawagang "White Hunters Organization.

Kasalukuyan kasi ang mga itong nagtitipon sa isang malawak na field na sobrang lawak. Kitang-kita na may kung ano'ng klaseng kaganapan ang bumulabog sa kanila sa araw na ito.

"Bakit mo kami ipinatawag Prime Leader Javial?! May gagawin ba kaming misyon sa mga oras na ito?!" Nagtatakang sambit ng isang lalaking may kayumangging balat habang makikitang may hitsura ang isang ito.

Sa kasuotan at pananamit nito ay halatang isang baguhan lamang ito sa nasabing organisasyon habang kasalukuyan itong napatigil sa pag-eensayo sa gitna ng field na ito upang pumunta sa may gilid banda mismo sa tapat ng bahay-tuluyan ng Prime Leader Javial.

BAM!

Malakas na bumagsak ang pangangatawan ng binatang nagsalita. Kitang-kita ang namamawis nitong katawan sa lupa at napaigik ng hindi inaasahang marahas na pagbagsak ng katawan nito sa magaspang na tekstura ng lupa.

"Manahimik ka Parzival. Isa ka lamang hamak na Novice member ngunit anlakas ng loob mong maging bastos sa harap ng ating Prime Leader. Hindi ako natutuwa sa iyo binata!" Istriktang wika ng babaeng nakasuot ng napakaseksing outfit na pandigma habang kitang-kita ang magandang hubog ng pangangatawan nito na bumagay sa angking ganda ng nasabing babae.

Halos napaluwa naman ang mga mata ng lahat ng mga saksi sa buong pangyayaring ito lalo na kung paano nila nakita ang kabuuang presensya ng istriktang babae. Sinong mag-aakala na sa maamong mukha nito ay naglalaman ito brutal na pamamaraan sa mga bagay na hindi nito gusto.