Chereads / Divine Sovereign Transformation / Chapter 10 - Chapter 1.9

Chapter 10 - Chapter 1.9

Isang may edad na lalaki ang bigla na lamang lumitaw sa tapat ng malaking pintuan ng nasabing organisasyon.

Pagkakitang-pagkakita pa lamang ng lahat ng mga nilalang sa loob ng malawak na field na ito ay mabilis na nagbigay-galang ang lahat maging ang babaeng tila mainit ang ulo nito sa mga oras na ito.

"Mistress Ylesia, masyado namang mainit ang ulo mo. Kahit kailan talaga ay wala sa lugar ang pagiging mainitin ng ulo mo." Seryosong sambit ni Prime Leader Javial at mabilis naman itong lumingon sa binatang nasa paanan lamang ng nasabing binibining si Ylesia.

"At ikaw naman Parzival, bakit ba palagi ka nalang nang-iistorbo sa aking pagpapahinga ngayon?" Seryosong tanong ni Prime Leader Javial kay Parzival habang makikitang hindi nito nagustuhan ang pagiging makulit kausap nitong binata.

Hindi na nakakapagtaka na kilala niya ang binatang nagngangalang Parzival dahil isa ito sa personal niyang disipulo na siyang pinag-iinitan palagi ni Mistress Ylesia. Kung hindi niya kilala ang pag-uugali ng mga ito na animo'y mga aso't-pusa ay baka napagkamalan niyang magkasintahan ang mga ito na palaging nag-aaway.

Mabilis namang tumayo ito dahilan upang mabilis na napaatras ang nasabing binibini na si Mistress Ylesia. Alam niya na kung gaano kalikot ang isip ng personal na guro nila at ayaw niyang masabihan naman ng mga katagang ayaw niyang marinig man lang.

"Narito ako upang ihatid sa inyo ang isang malaking balita na nangyari sa Sora, mayroong kakaibang nangyari sa selection at iyon ay ang pagdating ng malalaking mga nilalang." Tila hinihingal pa na sambit ni Parzival.

"At hindi naman bago iyon Parzival. Napaka-istupido mo talaga. Malamang ay maraming malalaking mga pangalan ng tao ang bayan ng Sora." Seryosong saad ni Mistress Ylesia upang pigilan ang sasabihin pa ni Parzival sa Prime Leader nila. Nakakahiya talaga ang pag-uugaling ito ng binata para sa kaniya dahil palagi itong nangungulit na bisitahin ang pinuno nila.

"Hindi iyon ang tinutukoy ko Mistress Ylesia. Iba ito, iba sa naiisip mo!" Malakas na wika ng binatang si Parzival habang hindi nito mapigilang magtaas ang tono ng pananalita nito.

"Grrr... Umayos-ayos ka Parzival dahil baka hindi kita matantiya at mapaslang kita. Ano'ng iba? Ibang mga tao ba? Haha..." Sarkastikong saad ni Mistress Ylesia habang makikitang tila nanggigigil siyang nakatingin sa gawi ni Parzival.

Malakas na itinaas ni Prime Leader ang kanang kamay nito upang pigilan ang gagawin pa lamang ni Mistress Ylesia. Alam niyang namimisikal ito ngunit nagkainteres siya sa nasabing balitang hatid ni Parzival.

"Sabihin mo ang nasagap mong impormasyon Parzival. Batid kong may nais kang sabihin sa akin." Simpleng turan ni Prime Leader Javial habang makikitang intersado ito sa nais sabihin ni Parzival.

"Patungkol ang balitang nasaksihan ko mismo. Kompletong dumating ang limang miyembro ng iba't-ibang naglalakasang mga guild at isa na rito ay ang malakas na ekspertong galing pa mismo sa Golden Star Guild." Seryosong pahayag ni Parzival habang makikitang gusto nitong sabihin ang nasabing balitang ito na mainit-init pa.

"Patungkol lang doon? Hahah napakasimple naman --- ehhh Golden Star Guild?! Wait, nagkamali ba ko ng pagkarinig?!" Sambit ni Mistress Ylesia habang makikitang biglang nagulat sa napagtanto niyang laman ng nasabing balita.

'Dumating ang Golden Star Guild? Bakit naman nangyari iyon?!" Sambit ni Prime Leader Javial habang makikitang maging ito ay nagulat din sa nasabing pangyayaring ibinalita ni Parzival.

At dito ay nagsimula ang mahabang usapan sa pagitan ng Prime Leader at nina Parzival maging ni Mistress Ylesia. Halos nagimbal ang mga ito sa nasabing balita lalo pa't ang nasabing nilalang na nasa usapan ay ang isang binatang galing sa bayan ng Altania, bayang pinag-iinitan ng lahat dahil sa mga nangyari noon.

...

"Master Uriel, hindi ko maintindihan kung bakit dinala mo ako dito sa Golden Star Guild. Hindi ako nararapat dito." Wika ni Zedd Kleon habang kitang-kita sa mga mata nito ang labis na pagtutol. He even insisted na wag na siyang dalhin sa nasabing guild ngunit dinala pa rin siya ng sapilitan ni Master Uriel dito ng walang pag-aalinlangan.

"Dito ka nararapat Zedd Kleon. Wag mong pakinggan ang sinasabi ng lahat na nagkamali lamang ang pagpili sa iyo ng nasabing Ancient Boulder. Hindi ito nagkakamali at mas lalong walang magandang dulot kung itatanggi mo pa iyon." Seryosong sambit naman ni Master Uriel habang makikitang ayaw nito ang labis na pangambang bumabalot sa puso't isipan ng binatang dinala niya sa mismong guild nila.

"Pero hindi maaari iyon. Isa lamang akong ordinaryong nilalang at wala akong alam sa mga bagay-bagay na patungkol sa cultivation o kung anuman. Gusto ko lang ng ordinaryong buhay katulad ng iba, iyon lang." Saad ni Zedd Kleon habang kitang-kita sa mga nito ang labis na lungkot.

"Ngunit hindi ka isang ordinaryong nilalang lamang Zedd. Pinagpala ka pagdating sa talento. Masasayang lamang ang talento mo kung hindi mo magagamit ito. Balang araw ay malalaman mo rin ang gusto kong sabihin sa'yo." Seryosong wika ni Master Uriel habang makikita ang kakaibang lungkot sa mga mata nito ngunit agad rin itong nawala ng ngumiti ito ng matamis.

Hindi nito gustong takutin ang binata o kung anumang masasamang bagay na naiisip nito. Para sa kaniya ay mas makabubuti kung dadalhin niya ito rito dahil baka sa masasamang nilalang o organisasyon pa ito mapunta. Kung mangyayari iyon ay mauulit na naman ang nangyari noon na lubos na ikasisira ng kapayapaan ng lugar na ito.

Napatahimik na lamang si Zedd Kleon sa sinabing ito ni Master Uriel. Ikinalma niya ang kaniyang sarili lalo pa't wala rin namang silbi ang pagtutol niya rito dahil ito rin naman ang masusunod.

Hindi nga nito pinakinggan ang tatlong naglalakasang mga nilalang sa bayan ng Sora na personal na pumunta ang mga ito eh siya pa kayang isang ordinaryong nilalang lamang na gustong mabuhay ng mapayapa at kontento na sa kung ano man ang meron siya sa buhay niya.

"Ginagawa ko lamang ang nararapat Zedd at hindi ko gustong pilitin ka ngunit ipangako mong hindi ka gagawa ng masamang bagay dahil hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo ang patungkol sa nangyaring digmaan noon hindi ba? Kung bakit galit na galit ang lahat sa bayan ng Altania--." Seryosong sambit ni Master Uriel habang makikita ang labis na lungkot sa boses nito.

Napatango na lamang si Zedd Kleon dahil sa sinabing ito ni Master Uriel. Sino ba naman ang hindi malalaman ang nangyari noon dahil isa sa nangunang kalaban sa nasabing digmaan ay ang itinuturing na isa sa mga heneral ng Black Triangle Sect na galing pa sa bayan ng Sora, si Aladdin Altania na kakambal ng itinuturing na bayani ng nasabing bayan na si Cronus Altania.

Ito rin ang dahilan kung bakit malaya nitong napaslang si Cronus Altania dahilan upang mas humaba pa ang taon ng malawak na digmaang nangyari noon.

Kung hindi dahil sa naglalakihang mga organisasyon lalo na ng pag-exist ng Golden Star Guild ay baka naging pangunahing kuta na ng Black Triangle Sect ang bayan nila.

"O siya aalis na ako Zedd. Masyado ng mahaba ang usapan natin at alam kong pagod ka na rin sa mahabang paglalakbay natin patungo rito kaya ang silid na ito ay nakatalaga sa'yo. Sana ay maging masaya ka sa Golden Star Guild na magiging pangalawa mong tahanan mula sa oras na ito." Seryosong sambit ni Master Uriel habang makikitang nag-uumpisa na itong maglakad palabas ng silid na ito.

Kasabay ng pagkawala ng yabag maging ng pigura ni Master Uriel ay ang pagkawala ng tensyon sa malawak na silid na kinaroroonan niya.