Chereads / Divine Sovereign Transformation / Chapter 7 - Chapter 1.6

Chapter 7 - Chapter 1.6

Nakita na lamang ni Zedd Kleon ang sarili niya sa isang pamilyar na lugar. Mula sa atmospera maging sa mga bagay-bagay na nakikita niya sa kapaligiran ay alam na alam niya kung anong pook siya naroroon.

Ito ang parte ng bayan na palaging pinupuntahan at palaging pinupuntahan niya sa bayang pinagmulan niya kung saan siya lumaki. Ito ay ang bayan ng Altania.

Mula sa kapaligiran na kulay luntian at nasa isang pabilog na gawa sa naglalakihang mga batuhan siya naroroon.

Paborito niya ang lugar na ito na tinatawag bilang The Circle Rock Formation. Masasabing ang lugar na ito ay napaglumaan na at sobrang tagal ng nakatirik sa lugar na ito.

Nakita niyang tila nilulumot na at masyadong kakaiba ang tekstura ng mga batuhang ito na sa pagkakatanda niya noong isang araw lamang ay nilinisan niya ito at tinanggal na ang mga damong tumutubo ngunit ngayon ay parang lumago bigla.

Nagtataka si Zedd Kleon sa pangyayaring ito dahil hindi naman ito ganito at parang ang lugar na ito ay kakaiba at tila walang buhay. Hindi niya maintindihan ang nangyayari dahil parang ambilis at nakakapagtaka.

Hindi siya sanay sa ganitong klaseng senaryo. Hindi siya makakalimutin. Gulong-gulo man siya ay mabilis niyang tiningnan ang kaniyang bagong inukit lamang na letra kahapon bago niya nilisan ang lugar na ito.

Agad niyang hinanap sa mga pabilog na naglalakihang mga batuhan ang bagong mga sinulat niya rito ngunit ganon na lamang ang pagtataka niya nang mapansin niyang tila nilulumot na ito at may mga damo ng tumutubo sa bahagi kung saan tandang-tanda niyang dito niya isinulat iyon.

Kailangan pang bunutin ni Zedd Kleon ang mga tumtubong mga damo at mga lumot upang kumpirmahin ang kaniyang mga naiisip na alam niyang dito niya iyon inukit.

Ganon na lamang ang pagkabigla ni Zedd Kleon nang makita ang mga inukit niyang mga letra noong nakaraang araw ay nandoon pa rin.

Halos panawan ng ulirat si Zedd Kleon nang malaman niyang iisa lamang ang ibig sabihin ng lahat ng ito. Matagal siyang nawala sa lugar na ito. Nakakapagtaka at nakakapanghilakbot ang ganitong klaseng pangyayari dahil na rin sa mga bagay na hindi niya aakalaing mangyayari sa kaniya.

Ngunit agad ding napatanaw si Zedd Kleon sa hindi kalayuan sa bandang direksyon kung saan ang mismong bayan nila. Ang lugar na kinaroroonan niya ay maituturing na bandang kabukiran habang ang tirahan niya ay nandoon sa mismong bayan na sa mababang parte lamang na natatanaw niya.

Ang mismong kakaibang napansin niya ay ang tila mga lumilipad na mga sasakyang panghimpapawid na animo'y hindi pangkaraniwan sa mga paningin niya dahil na rin sa mga hindi naman talaga ito ang natural na eksena sa pang-araw-araw na pamumuhay niya.

"Paano'ng nangyari ito. Sasakyang panghimpapawid? Hindi maaari ito! Ang sasakyang pandigma ng lahi ng mga Warmongers, bakit sila nadito?!" Puno ng pagkabahalang naisawika ni Zedd Kleon nang mapansin niyang tila may masama siyang naiisip sa paglitaw ng sasakyang panghimpapawid ng mga lahi ng Warmongers.

Sa libro niya lang nakikita ang sasakyang panghimpapawid ng Warmongers ngunit alam na alam niyang ito iyon at hindi siya nagkakamali sa kaniyang mga hinala.

Hindi maganda ang kutob niya rito lalo na at mukhang hindi gagawa ng mabuti ang kung sinumang nakasakay sa sasakyang panghimpapawid na lumilipad kapantay ng mga kaulapan.

Walang pag-aalinlangang tumakbo ng napakabilis so Zedd Kleon patungo sa direksyon ng nasabing bayang kinabibilangan niya.

Kahit may kalayuan ay buong lakas na pinatulin pa lalo ng binata ang kaniyang pagtakbo tandang hindi niya hahayaang mawasak ang bayang pinagmulan niya kung saan siya lumaki.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Ilang minuto lamang ay malapit na malapit na si Zedd Kleon ay saka niya nakita ang tila paglabas ng pulang liwanag sa sasakyang panghimpapawid ng mga Warmongers. Kitang-kita niya ang tila pag-atakeng gagawin nito sa sariling bayan niya.

"Hindi maaari ito! Hindi!" May galit na wika ni Zedd Kleon habang hindi nito nagugustuhan ang pangyayaring kaniyang masasaksihan ng mismong dalawang mata niya.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Kitang-kita ni Zedd Kleon ang paglipad pababa ng mga naglalakihang bolang apoy na tila naglalaman ng mabagsik na pwersang kayang puminsala ng mga bagay-bagay sa kalupaang tatamaan nito.

Isa... dalawa... tatlo.... Hanggang sa hindi mabilang na mga naglalakihang bolang apoy ang tila nalalaglag sa ere na animo'y hindi papaawat sa kasalukuyang katahimikan ng bayan ng Altania.

Nanlilisik ang mata ni Zedd Kleon na tinatanaw ang sinapit ng bayan niya.

Walang pag-aalinlangan na sumugod paabante si Zedd Kleon upang suungin ang kasalukuyang inaatakeng bayan nila.

Pagkapasok na pagkapasok pa lamang ni Zedd Kleon sa naturang bayan ng Altania ay rinig na rinig niya ang malalakas na hikbi at mga ingay na nagmumula sa mga kabayan niya. Ang iilan pa sa mga ito ay naaalala niyang mga kapitbahay niya pa.

Habang tinatahak ang magulong bayan nilang inaatake ay napagdesisyunan niyang subukang pakinggan ang mga ingay na naririnig niya sa hindi kalayuan. Kung hindi siya nagkakamali ay iyon ang mismong bahay-ampunang kinalakihan niya noon.

Magulo man ang kapaligiran ay alam ng puso't isipan niya kung saan ito mismo nakatirik ang nasabing bahay-ampunang siyang nagbigay ng pagkakataon sa kaniya upang mabuhay sa pangalawang pagkakataon.

Masakit man isipin ngunit nakaramdam ng pagkahabag si Zedd Kleon sa naging takbo ng pangyayari lalo na sa mga batang walang mga magulang katulad niya na kinupkop at nanirahan sa loob ng bahay-ampunang iyon.

Naalala niya pa na merong mga inosenteng sanggol ang bagong dating doon sa kanila dahil na rin sa iniwan ng mga magulang nila. Napakasakit man isipin ngunit ganoon din siya, ganoon din ang kalagayan niya noon. Walang pagkalinga at walang magulang ang handa siyang buhayin kaya siguro iniwan na lamang siya sa kung saan-saan.

Ilang kabahayang natutupok ng apoy siyang nadaraanan habang masasabi ni Zedd Kleon na sirang-sira na talaga ang bayan nila dulot ng pag-atake. Sa ganitong lagay ay alam niyang burado na sa mapa ang nasabing bayan nila, bayang walang pag-unlad ilang henerasyon na ang nagdaan.

Hindi na naghintay pa ng kung ano-ano si Zedd Kleon at mas binilisan pa ang pagtakbo niya. Hindi naman siya nabigo at narating niya ang nasabing bahay-ampunang natanaw niya sa hindi kalayuan.

Kitang-kita niyang tinutupok ang bahay ampunang medyo may kalakihan ang sukat nito. Kitang-kita niya na mayroong mga batang nasa loob nito na sa tingin niya ay na-trap matapos ang pagsiklab ng apoy rito. Gawa lamang sa kahoy at mga light materials ang nasabing bahay-ampunang minsan na siyang kinupkop nito.

Uwahhh! Uwwaahhh! Uwwaahhh!

Tulong! Tulong! Tulong!

Rinig na rinig ni Zedd Kleon ang iyak ng mga sanggol sa loob at mga batang nag-iiyakan habang humihingi ng tulong.

Ganon na lamang ang panlalaki ng mata niya nang sa isang iglap ay bigla na lamang natumba ang mga haligi ng bahay-ampunan.

Napasalampak na lamang sa lupa si Zedd Kleon habang lumabas doon ang masaganang luha matapos niyang mahuli sa pangyayaring ito. Wala din kasi siyang magagawa dahil isa pa rin lamang siyang ordinaryong nilalang, isang ordinaryong taong hindi pa nagsisimulang magcultivate.

Hinang-hina siyang nakasalampak sa lupa. He is just a mortal being at hindi pumasok sa isip niya na mangyayari ang lahat ng ito ng hindi inaasahan. Parang pakiramdam niya ay wala siyang kwentang tao dahil kahit ang inosenteng mga sanggol at mga batang humihingi ng tulong ay maski isa ay wala siyang nailigtas.