Nakita na lamang ni Zedd Kleon ang sarili niya na nakaharap sa direksyon ng mismong kakaibang nilalang na halos kalansay na lamang ito kung titingnang maigi ngunit ramdam na ramdam niyang buhay pa ito.
Halos matuod na lamang si Zedd Kleon sa kaniyang sariling sitwasyong kinakaharap lalo na at mukhang hindi siya tatantanan ng nilalang na ito.
Ang isa pa sa nakakapagtaka ay wala siyang nararamdamang kasamaan mula sa nilalang na ito o talagang hibang lamang siya.
Buong lakas ni Zedd Kleon na ilayo ang sarili mula sa pagkakaharap sa nilalang na tila kinontrol ang sarili niya paharap rito.
"A-ao'ng kailangan mo sa akin nilalang?! Hindi ko nais na labanan ka." Puno ng kaseryusohang sambit ni Zedd Kleon habang kitang-kita na pinipigilan lamang nitong mautal.
Hindi man sa panlalait o kung ano pa man ngunit nakakatakot ang nilalang na nasa harapan niya. Kung hindi lamang siya kinokontrol nito kanina ay aakalain niyang patapos na ang buhay nito sa huling hantungan ngunit parang nagkakamali lamang siya.
"Zedd Kleon? Ito ba ang pangalan mo binata?! Sa wakas ay nakahanap na rin ako ng aking bagong successor." Puno ng kaseryusohang sambit ng isang malumanay na boses ng babae.
Halos hindi makapaniwala naman si Zedd Kleon sa malamyos na tinig ng buto't balat na masasabi niyang isa palang babae. Ngunit sa anyo nitong halos ilang piraso na lamang ang kulay puting buhok nito sa ulo ay mahirap i-recognize na isa pala itong babaeng martial arts expert.
Ngunit ganon na lamang ang pagbusangot ni Zedd Kleon nang masabi nito ang pagiging successor daw na hinahanap niya na hindi naman maitatangging siya ang tinutukoy nito.
"Successor? Nagpapatawa ka ba? Ako magiging successor mo? Teka lamang pangit este magandang binibini. Ako ay isa lamang ordinaryong nilalang at wala akong alam sa pinagsasabi mong successor." Puno ng kaseryusohang turan ni Zedd Kleon hababg kitang-kita sa mga mata nito ang labis na pagtataka at hindi maitatangging inayawan nito ang paunang pambungad ng halos kalansay na lamang na nilalang na napaglipasan na ng panahon sa anyo pa lamang nito.
Bahagyang napatahimik ang mala,-kalansay na nilalang habang makikitang natigilan ito sa isinagot ng binatang si Zedd Kleon ngunit mabilis din itong nagwika muli.
"Hindi ka isang ordinaryong binata lamang Zedd. Nakatadhana ka na papalit bilang protektor ng bayang ito. Hindi mo naman siguro hahayaang mawasak ang bayang ito hindi ba?!" Puno ng kaseryusohang saad ng babaeng nilalang habang makikitang ino-obserbahan nito ang kilos at magiging desisyon ng nasabing binata.
"Hindi. Hindi iyan totoo binibini. Hindi ko kailanman obligasyon na iligtas ang bayang ito. Ano'ng pakialam ko sa bayang ito na ginawang katawa-tawa ang bayang aking pinagmulan. Alam mo ba kung anong bayan ang tinutukoy ko ha? Alam mo ba ang pakiramdam ko ngayon?!" Tila hindi naniniwalang turan ni Zedd Kleon habang makikitang hindi ito naniniwala sa pinagsasabi ng buto't balat na babaeng nilalang. Paano ba naman ay hindi siya naniniwala sa mga sinasabi nitong mawawasak ang bayang ito.
Paano mangyayari iyon eh andito ang pinakamalakas at pinakamaimpluwensiyang guild na Golden Star Guild maging ng malalakas na mga ekspertong katulad ni Master Uriel at iba pa. Kaya hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ng misteryosong nilalang na bigla na lamang nagpakita sa kaniya mula sa pagkahati ng isang malaking bundok sa bulubundukimg parte ng bayang ito.
"Hindi ko alam ang iyong nararamdaman ngunit alam kong binabagabag ka lamang ng salitang nagmula sa bibig ng mga walang kwentang nilalang. Kung hindi ako nagkakamali ay ang tinutukoy mo ay ang bayan ng Altania tama ba 'ko?!" Simpleng sambit ng kausap na nilalang ni Zedd Kleon. Tila himulaan pa nito ang masasabing obvious naman na alam ng lahat na ang Altania ang pinakamahinang bayan na pinag-uusapan ng lahat.
"Maski ikaw ay alam mo ang kababaan ng aming bayan na ginawang katawa-tawa ng lahat ng karatig-bayan. Sino ang hindi babagabagin sa nga mga nilalang na wala man lang gustong gawin kundi hamakin kaming nakatira doon!" Patutsada naman ni Zedd Kleon na halatang hindi na natutuwa sa usapang ito. Masakit isiping ganon ang tingin ng lahat ng mga karatig-bayan sa kanilang bayang pinagmulan.
Malakas na humalakhak ang babaeng buto't-balat na lamang habang bakas sa katawang lupa nito na napaglipasan na ito ng panahon.
"Anong tinatawa-taws mo binibini? O mas mabuti sanang sabihin na gurang. Ano'ng nakakatawa sa sinasabi ko ha?! Nasisiyahan ka bang lugmok ang bayan namin at sirang-sira ang imahe ng bayan namin sa lahat?!" Inis na wika ni Wong Ming habang bakas ang emosyon nito habang sinasabi ang mga katagang ito.
"Sino ba naman kasi ang hindi matatawa sa pinagsasabi mo binata? Edi patunayan mo na hindi kayo ganon. Kung tutunga-tunganga ka lamang ay magiging mahina ka habang buhay ka at walang magsasalba sa kahihiyan na sinasabi mo kundi ikaw lamang." Hamon naman ng buto't balat na babaeng nilalang na gudtong i-insist ang gusto nitong mangyari sa binatang si Zedd Kleon.
"Para lamang doon ay tutulungan kita binibini o kung sino ka man. Ang alam ko lamang ay hindi iyon sapat na dahilan upang tanggapin ko ang sinasabi mong pagiging successor ko. Wala ring kwenta ang pinagsasabi mo." Patapos na sambit ni Zedd Kleon na kitang-kita na hindi nito gustong ipilit pa ng matandang ginang ang gusto nitong mangyari.
"Sigurado ka ba binata sa iyong pinagsasabi?! Baka magsisi ka kung hindi mo tatanggapin ang aking alok. Hindi pa huli ang lahat upang pag-isipan ang inaalok ko sa'yo." Wika naman ng matandang babaeng buto't-balat habang makikitang seryoso ito.
"Pagsisisihan? Ano pa ang pagsisisihan ko kung alam ko namang wala akong dahilan upang mabuhay ng matagal at magpakabayani para lang sa iba." Puno ng kaseryusohang sambit ni Zedd Kleon habang halatang hindi pa rin ito kumbinsido sa pinagsasabi ng buto't balat na nilalang.
"Wala ka bang bagay na gustong mangyari o maganap man lang? Wala ka bang pangarap binata na kahit na ano man lang? Sayang ka binata kung ganyan lamang ang nasa isip mo." Sunod-sunod na tanong naman ng matandang babae habang nakahawak ang kamay nito sa kulay puting roba na suot-suot nito.
"Para ano? Para mapakinabangan ako ng ibang nilalang habang alam mong ikaw pa ang magmumukhang masama?! Ganon ba ang gusto mong mangyari?!" Seryosong wika ni Zedd Kleon habang kitang-kita sa mata nito ang pait habang nakatingin sa direksyon ng matandang babaeng nakasuot ng kulay puting roba na buto't-balat.
"Hindi iyon ang nais kong ipahiwatig binata. Alam mong wala sa bokabularyo ko ang ganoong klaseng mga bagay-bagay. Pangit man ang aking mortal na anyo ay hindi ko naman kinakalimutan ang mabubuti pang magagawa ko." Sambit naman ng matandang babaeng napaglipasan na ng panahon habang gusto nitong ipunto na hindi ito gagawa ng masama kundi isang mabuting hangarin ang nais nito.
"Mabuting magagawa mo?! Bakit ako itong kinukulit mo ha?! Isa lamang akong ordinaryong nilalang at bago lamang ang lahat ng bagay-bagay na katulad nito. Hindi ko kailanman gugustuhing maging bayani ng bayang ito o ng aking bayan. Pwede bang hayaan mo na lamang na masira ang mga bagay sa mundong ito na itinadhanang masira?! Ganon din naman iyon dahil doon din mauuwi ang lahat." Simpleng sambit ni Zedd Kleon habang kitang-kita na tinatamad na itong makipagtalastasan sa matandang aleng bigla-bigla na lamang lumitaw.
"Hindi ko aakalaing ang bigat ng loob mo lalo na ang kawalan mo ng pag-asang tulungan ang sarili mong umunlad maging ang bayan na iyong pinagmulan. Hindi ko aakalaing sa lahat ng nilalang ay ikaw pa ang biniyayaan ng lebel ng talentong pinapangarap ng lahat." Seryosong wika ng matandang babae na makikitang parang hinayang na hinayang ito sa talentong meron ang nasabing binata.
"Ano'ng magagawa ko kung may talento akong ganon kataas. Wala pa rin iyong silbi dahil hindi ako kailanman magiging cuktivator. Itinatak ko na sa isipan ko na magiging ordinaryong nilalang lamang ako!" determinadong sambit ni Zedd Kleon habang kitang-kita na buo na ang desisyon nito.
Mabilis na tumalikod na lamang si Zedd Kleon sa direksyon ng nasabing babaeng nilalang habang naglakad ito paalis sa lugar na ito. Hindi niya aakalaing mag-aaksaya siya ng oras sa nilalang na ipinagpipilitan ang sarili ng mga itong baguhin pa ang desisyon na matagal na niyang napagdesisyunan.
Hindi siya positibong tao na naghahangad ng anuman sa mundong ito. Sapat na ang mamuhay siya at mamatay ng isang ordinaryong nilalang. Wala na rin naman siyang dahilan upang gumawa ng mga bagay na maaaring ikapahamak at baguhin ang buhay niya.
Ngunit bago pa makalayo-layo si Zedd Kleon ay mabilis na may dumapong palad sa likod niya dahilan upang naging puti ang dalawang mata nito. Kitang-kita kung paanong nanginig ang buong katawan niya na animo'y may kakaibang nangyayari rito.
"Pasensya na binata ngunit hindi ko hahayaang mawasak ang bayang ito dahil sa wala akong magawa. Pagkatapos nito ay hahayaan kitang piliin ang gusto mong tahaking daan."
Ito ang huling narinig ni Zedd Kleon na mga katagang binitawan ng matandang babaeng nakasuot ng kulay puting roba bago siya lamunin muli ng walang hanggang kadiliman.