Halos magkagulo ang mga manonood na siyang mga buhay ma saksi sa kaganapang ito. Hindi alam ng lahat kung bakit pumunta ang limang nilalang na ito na siyang mga pambihirang mga ekspertong nabibilang sa iba't-ibang mga naglalakihang guild.
Rinig na rinig naman ni Zedd Kleon ang iba't-ibang impormasyon mula sa bibig ng mga manonood maging sa kapwa nito mga kalahok sa hindi kalayuan.
Siya naman ay nasa tapat pa rin ng Giant Boulder habang ang limang nilalang ay nasa ere, lumulutang habang nagtatakang nakatingin sa kaniyang gawi.
Narinig pa ni Zedd Kleon ang biglang pagsalita ng mga ito sa bawat isa na animo'y hindi makapaniwala o may malalim pang dahilan.
"Siya na ba yan?! Ang kaisa-isang nilalang na nagpalabas ng kakaibang penomena sa misteryosong Giant Boulder na ito?!"
"Sa tingin ko palang sa binatang iyan ay napakaordinaryo nito at wala akong nakikitang espesyal rito kagaya ng huling nilalang na nakapagpalabas ng kakaibang penomena!"
"Sa tingin ko ay sinuwerte lamang siya. Baka natrigger niya lamang ang giant Boulder dahil sa dami ng gumagamit rito!"
"Kaya nga, pero hindi pa rin tayo nakakasigurong ganon nga. Dapat ay maging patas tayo kahit di natin ginusto ang kakaibang kaganapang ito!"
Ilan lamang ito sa naririnig na usapan ng limang nilalang sa ere. Agaw atensyon kasi ang limang nilalang na ito na bagong dating lamang habang ang suot ng mga ito ay agaw atensyon dahil hindi ordinaryong mga tela ang gamit ng mga ito at napakagarang tingnan.
Kung tutuusin ay hindi niya na dapat pang pagtuonan ng pansin ang mga sinasabi ng mga ito dahil alam na alam niyang wala naman talagang espesyal sa kaniya. He is just an ordinary human being na tinadhanang mabuhay ng simple at mamamatay because of old age kaya wala siyang panghihinayang o galit kung sabihan man siya ng iba ng harap-harapan na isa lamang siyang ordinaryong nilalang.
Maya-maya pa ay mabilis na bumalik sa reyalidad si Zedd Kleon nang mapansin niyang lumapag sa lupa ang limang nilalang na ngayon lamang niya nakita ng malapitan. Talagang nakakakaba at nakaka-intimidate ang presensya ng mga ito. Seeing this kind of martial arts experts in personal really make him feel very ordinary.
Mula ulo hanggang talampakan ay wala siyang binatbat sa mga ito lalo na sa uri ng pamumuhay at kasuotan at wala siyang tanong sa kung gaano kalakas ang mga ito.
Talagang sa unang tingin pa lamang ay wala siya sa liga ng mga ito habang mayroong awkward na atmospera sa pagitan ng mga ito.
"Ikaw ba talaga ang nakapagpalabas ng nakakasilaw na liwanag mula sa malayo?! Nilakbay ko pa ang tatlong bayan mula rito upang malaman kung sino ang nagtrigger ng pambihirang liwanag ma iyon." Sambit ng isang matabang lalaki habang mayroon pa itong hawak na malaking tinapay sa kamay. Hindi naman kasi halatang hindi ito mahilig sa pagkain dahil sa pangangatawan nito at kung paano ito lumamon.
Gayunpaman ay natutuwa si Zedd Kleon dahil hindi naman basehan ito upang hamakin niya ito. Sa mundong ito ay unang pinapahalagahan ang lakas at abilidad na meron ka sa pakikipaglaban kumpara sa panlabas na anyo. Aanhin mo ang sobrang kagandahan o kagwapuhan kung wala ka namang maibubuga sa pagtanggol ng sarili mo at ng iba pa?! Ito ang itinatak niya sa isip niya.
Akmang magsasalita pa sana siya ng bigla na lamang nakisawsaw yung isa sa mga limang dumating na nilalang na siyang ikinalingon naman ni Zedd Kleon at ng matabang lalaking pinaniniwalaan niyang isang malakas na eksperto sa kung saang guild man ito nabibilang.
"Wag mong sabihin taba na naniniwala ka na siya ang nagpalabas ng kakaibang penomena kanina. Hindi natin alam kung may lakas nga ang patpating binatang ito!" Supladang sambit ng babaeng martial arts experts na isa sa limang kakadating pa lamang na nilalang rito. Halatang may iba itong gustong ipunto at iyon ay ang pagdudahan ang nasabing binatang si Zedd Kleon na nasa harapan lamang nilang lima.
"Malamang ay siya ang nagpalabas ng kakaibang penomenang iyon. Kung hindi ay hindi siya ang nasa harap nating lahat." Sambit ng isang pang babaeng eksperto habang makikitang tila ipinapahiwatig nitong itong binatang nasa harapan nila ang nagpalabas ng kakaibang enerhiya at lakas.
"Hmmp! Tinanong ba kita huh?! Hindi ako magsasayang ng laway sa katulad mo!" Malditang wika ng babaeng eksperto na isa sa limang dumating sa lugar na ito.
Halatang mayroong alitan ang dalawang babaeng nakasuot ng magagarang kasuotan. Sadyang mayroong malaking harang sa dalawang kababaihan.
Natahimik naman si Zedd Kleon sa kaniyang pwesto dahil ayaw niyang ma-offend ang sinuman sa limang nilalang na naririto.
"Wag mo silang intindihin binata. Sino ka pala at bakit mo napaliwanag ang misteryosong Giant Boulder na ito? Kahit ako man ay hindi mapailaw ang nasabing bagay na ito kahit gustuhin ko mang mangyari." Puno ng siglang wika ng isang lalaking nakasuot ng kulay asul na kasuotan habang may nakaukit na mga kakaibang disenyo rito.
Sa limang ekspertong nasa harap niya ay ito lamang ang may guts na kausapin siya ng mahinahon at walang pakialam sa dalawang kababaihang tila may malalim na alitan sa isa't-isa.
"Ako si Zedd Kleon at isa lamang akong ordinaryong tao. Nagmula lamang ako sa ordinaryong bayan sa isa sa mga karatig-bayan rito." Tipid na sagot ni Zedd Kleon habang pinipilit nitong wag mautal. Pinanatili niyang mahinahon ang sarili niya sapagkat ayaw niyang magmukhang arogante sa mga ito. Naniniwala siyang hindi na niya makakasalamuha pa ang mga ito dahil ito na ang una't-huling beses na makakausap niya ang naglalakasang mga indibidwal na hindi niya kalebel ng lakas at may mga taglay pa ang mga ito ng kapangyarihan hindi katulad niya na walang maibubuga kahit na ano.
"Zedd Kleon? Interesting, hindi ko aakalaing sa harap naming lima ay nagawa mo pang maging mahinahon. Mahirap na angkan? Pinaglololoko mo ba kami huh? Kaming lima ay nagmula sa mga aristokratong pamilya ngunit ikaw na nagpalabas ng kakaibang penomena ay mula sa mahirap na bayan?! Iniinsulto mo ba ang kakayahan naming lima?!" Malditang sambit ng babaeng eksperto habang makikitang naniningkit ang mata nitong nakatingin kay Zedd Kleon.
Ramdam ni Zedd Kleon ang unti-unting pag-init ng atmospera sa pagitan niya at ng limang mga nilalang na kadarating lamang. Hindi alam ng nasabing binata kung ano ang gagawin niya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya at mas nangingibabaw ang pakiramdam ng pagkatakot rito.