Chapter Ten:
The Check Up
Lyn POV
"Hmmm," ungol ko habang nakiramdam sa sarili. Nakaramdam ako ng sakit ng ulo at bandang puson ko ackkkk!
Unti-unti kong binubuksan ang mata ko. Sa una blurry pa ito hanggang sa naging normal na.
"Lyn?"
"Girl?"
"Glad you are awake!"
"Thanks God, gising ka na,"
Isang puting curtain ang sumalubong sa akin, puting kisame at puting silid.
Nilibot ko ang paningin ko at do'n ko nakita ang kaninang nag-iingay.
Kumunot ang noo ko ng makita kong may nakakabit sa aking suwero at dextrose. Don't tell me? Bakit ako nandito? Bakit nasa hospital kami? Bakit?
"A-anong nangyari?" Tanong ko sa kanila saka napalunok ng laway dahil sa nagtutuyoang lalamunan ko.
Nagkatinginan silang lahat na wari'y nag-uusap gamit ang mga mata. Ano ba'ng nangyari?
"Uhm a-ahh, i-inom ka muna ng t-tubig tapos k-kumain," nauutal na sagot ni Jane.
"Y-yeah right, kain ka muna," sang-ayon naman sa kanya ni Joli habang natataranta. What's the tea?
"Ano'ng gusto mong kainin? Bilis libre kita," excited na sabi sa akin ni Elle. Anong nangyayari? Bakit sila nagkakaganiyan? Aba't himala kung ililibre ako ni Elle. Alam namin kung gaano ka kuripot at katipid 'yan pagdating sa pera.
"What you feel now girl? Wala bang masakit or what sa iyo?" Tanong naman sakin ni Grace habang inalalayan akong sumandal sa headboard ng higaan. What's with them?
"Sa ulo lang at bandang puson medyo may kirot pero wala lang 'to," sagot ko sa kaniya. Tumango na lamang ito at inabutan ako ng tubig.
"Inom ka muna, 13 hours ka ring natulog," sambit niya para magulat ako ng husto.
"LUHH TOTOO? Ano bang nangyari kasi? Bakit ako nandito?" Tanong ko ulit sa kaniya habang inaabot ang tubig at saka uminom. Hmmm parang nagkabuhay ang lalamunan ko ng nararamdaman ko ang pagdaloy ng tubig. Sobrang nauhaw talaga ako kung kaya't naubos ko ang laman ng isang basong tubig.
"You need supas para manumbalik ang lakas mo," lapit sa akin ni Annah habang may dalang isang bowl.
Lima sila, kahit niisa man sa kanila walang sumagot sa tanong ko? Di ko talaga nahahalata, di ko talaga nahahalata na may something na nangyayari. Ano'ng something naman 'yon? 'Yan ang gusto kong malaman.
"Grace pakibalat naman ang manggang hilaw,"
"Ginagawa ko na nga,"
"Ang bagoong joli, prepare mo na,"
"What? Why na-naman eerr sabi ko ngaaaa!"
"Annah ang ice cream nasaan na?"
"Ready na,"
"Ayan, good,"
Para lang akong tutang nakikinig at nanonood sa mga ginagawa nila. Di ko alam kung matutuwa ba ako? O maiinis sa mga pinapalabas nila. Matutuwa dahil makikita mo talagang inaalagaan nila ako at maiinis dahil di ko alam kung ano ang nangyayari. Wala akong hint kung bakit.
"Say Ahhhhhh Lyn-lyn, susubuan kita," agaw pansin sa akin ni Jane habang nakataas na ang kutsara sa ere na may lamang supas.
Nagmumukha siyang bata at weirdo ammp!
"Huwag, ako na Jane, s-salamat," sambit ko sa kaniya. Nag-iba naman ang mood nito at nalungkot. Binalik niya ang kutsara do'n sa bowl at inabot sa akin.
"Thank you," dagdag kong sabi habang inaabot ang bowl. I can't help but to feel love and care but the same time nakaramdam ako ng pagbabago sa mga kilos nila.
"You need to eat healthy foods na Lyn para lalakas ka," lapit sa akin ni Annah.
"Alam niyo, ano ba talaga ang nangyayari dito?" Tanong ko sa kanila, ilang ulit ko na bang tanong ito. Natigil naman sila sa ginagawa nila at nagtinginan, nag-uusap ang kanilang mga mata na parang bang aishhhhh ewan!
"Ayan na naman kayo eh, nag-uusap through eye contact aishhh!" Inis kong reklamo. Kainis kaya nagmumukha akong tanga dito eh!
*Tok *Tok*Tok*Tok*
"May tao,"
"Save by a knock,"
"Wait bubuksan ko,"
"No, ako na,"
"Kahit magbubukas mag aaway pa,"
"Ako na nga sabi eh,"
Natataranta nilang kilos. Hayys ewan ko na talaga.
"Ikaw pala doc, pasok ka," napatingin ako sa pintuan at nakita ko ang isang doctor.
"Maiwan muna namin kayo Lyn," paalam ni Elle at nagsilabasan silang lahat. Umayos ako ng pagsandal at nilapag muna sa gilid ng hospital bed ang supas.
"Kumusta ang pakiramdam?" Bungad niya sa akin at tinitingnan ang dextrose at monitor.
"Okay lang naman po, medyo nahihilo lang," sagot ko sa kaniya.
"Normal lang yan, aalisin lang natin 'tong nakakabit sayo dahil nakakain ka na naman," usal niya. Binigay ko ang kamay ko, napangiwi ako ng maramdaman ko ang suwero sa balat ko. Mabilis lang naman dahil aalisin na. Buti na lang at tulog ako ng lagyan ako nito siguradong masakit sobra.
"Ayan, okay na," ani nito pagkatapos. Isa siyang doctor na lalaki na nasa mid 30's na, matangkad, maputi at siyempre may mukha ring maipagyayabang.
"What you mean po ba na normal lang 'tong pagkahilo na nararamdaman ko?" Curious kong sa kaniya habang hinihimas ko ang kamay ko, medyo may bahid ng kirot.
"Yup normal lang 'yan, saka marami ka pang mararanasan at pagdaanan. Tuwing sabado ng linggo may check up ka palagi dito para ma-monitor namin ang kalagayan mo," sagot nito para magtataka ako. Bakit kailangan pa ng linggong-linggo na check up?
"Po? Bakit po doc kailangan may check up tuwing linggo? Wala namang nangyayari sa akin ah," protesta ko sa sinabi niya.
"You need to take lahat ng vitamins na ibibigay namin sa iyo," ani niya di man lang sinagot ang tanong ko.
"Doc, pakisagot ako puwede?" Inis kong sabi. Langya wala akong paki if feeling close or what naiinis na kasi ako, hindi ko na mawari kung anong mga palabas ito pshh!
"Calm down, bawal kang ma-stress," langya sagad. Masasapak ko 'to eh.
"According to the result test, your baby is healthy but you need to be careful kasi maselan ang pagbubuntis mo - - -
0-0
0-0
0-0
Ano'ng sabi niya ulit? Is he pertaining to pregnancy? Is he crazy, isn't he?
"What? Buntis? Baka maling records 'yan, di akin 'yan," hysterical kong sagot sa kaniya. Naku, huwag namang magbiro ng ganiyan doctor minus 100 points ka talaga sa langit. Napahawak ako sa dibdib ko at naramdaman ko ang pagkarera ng malakas na pintig ng puso ko. Kinakabahan ako sobra.
"Edelyn Sanchez, hindi ba ikaw 'yan?" Basa niya sa records name at tumingin sa akin na nakakaloka dahilan para kabahan ako ng sobra. Lord ano po'ng nangyayari? Goshhhh!
"Congratulations, you're one week and one day pregnant," ani ng doctor.
O--O
O--O
O--O
"WHAAATT! BUNTIS AKO DOC? IMPOSSIBLE PAANO NANGYARI 'YON?" Napasigaw ako dahil sa hindi ko malamang dahilan, hindi ko maipaliwanag kung bakit nangyayari 'to?
"NOOO! BAKA NAGKAMALI LANG PO KAYOO!" Sigaw ko ulit sa kaniya at naguguluhang umupo ulit. Hinawakan ko ang tiyan ko at nag-uunahan ang aking mga luha. Jusko! Hindi puwede 'to, napakaimpossibleng pangyayari. Paano ako mabubuntis kung, kung wala man lang nakagalaw sa'kin, kung wala man lang akong lalaki? Jusmeyo! How it could be? Argghhhh!!! Wala pa nga akong first kiss, buntis agad. How could it be?
Nararamdaman ko ang panginginig ng tuhod ko at pagngitngit ng mga ngipin ko. How come? I'm really sure na di ko ginawa ang bagay na 'yon. My squad always with me and I always with my books. Don't tell me I got preggy because of readings and the great father of my pregnancy is my books. Uwuuuu mababaliw na talaga ako HUHUHU.
"Just calm down miss, just calm down okay. What's the problem?" Pakalma sa'kin ng doctor, langya paano ako kakalma sa ganitong sitwasyon? Ano na lang ang sasabihin nila sa akin? Sino ang maniniwala na buntis ako? Sinong maniniwala na mabuntis ng maaga ang kagaya ko, ang kagaya kong nerd na teenager na walang alam gawin kung di ang mag-aral at makikipag-usap sa mga notes at libro ko. Tapos ganito ang mangyayari sa akin? Arghhhh this is insane!!!
"How do I calm down doc? Sabihin mo sa akin imposible bang mabuntis ang isang tao kahit birhen pa ito?" Tanong ko sa kaniya ng harap harapan na ikanagugulat niya.
At sino bang hindi mawindang kung isang virgin ka pa tas malalaman mo isang araw buntis ka na? Ano 'to joke? Kung joke man ito, pwess hindi nakakatawa swear. Iisipin ko pa lang, di ko na alam ang gagawin ko. Paano ang pag-aaral ko? Ano na lang ang sasabihin sa akin nina mama? Kaibigan ko? Ackkkk!
Napailing-iling na lang ako sa naisip ko at nakayukong lantang-lanta na.
"You mean, you haven't tried s3x yet?" Tanong sa'kin ng doctor para ikakalaki ng mata ko, kilabutan nga siya tanong niya. Napaka straight forward naman ng doktor na ito. Hello kaka-18 ko lang kaya saka 'yang mga salita na yan, nakakatindig balahibo grrrr!!! Too vulgarrr.
"Oo and I'm proud of it. Kaya imposibleng mabuntis ako, baka mali lang ho kayo," sagot ko sa kaniya. Napa-smirk na lang siya at binigyan ako ng Pregnancy Test, umay dapat ba talagang mag-pregnancy test pa ako? Bakit kasi nangyayari 'to aishhhhhhh!
"Baka hindi mo alam kung paano gamitin 'yan?" Natatawang sabi niya sa akin habang may kung anu-anong nililista.
Di na lang ako sumagot sa kaniya. Tumayo na lang ako at pumasok sa CR dala dala ang PT. Alam ko kung paano gamitin ito dahil siyempre sa mga educational purposes tas siyempre by reading na rin ng kung anu-ano.
Pagkapasok ko sa CR nag-sign of the cross muna ako. Lord naman sana for this second time, totoong mali lang. Di ko talaga alam kapag positive 'to, how come???
Iniihan ko ang PT at hinintay ang result. 101% ang kutob kong hindi talaga, malakas ang kumpiyansa ko dahil I'm still fresh and holly.
P
E
R
O
.
.
.
*dug *dug *dug *dug
Nawala ang ngiti sa aking labi, nag-uunahan ang mga luha, kabog na kabog ang dibdib ko. Sana nanaginip lang ako, sana hindi ito totoo.
Nanginginig na ang aking paa, humawak ako sa pader bilang suporta dahil any time puwede na akong matumba dahil nawalan na ng lakas mga paa ko.
Napaupo ako sa sink habang tinitingnan ang Pregnancy Test result, dalawang guhit so ibig sabihin, napatakip ako sa mukha at sinabunutan ang sarili ko. Impossible, dalawang ulit na itong test, maaring magkamali ang una, pero ang pangalawa ay hinding hindi, hindi ko na alam. Iisa lang ang ibig sabihin nito,
"I'm a Virgin Mother at Eighteen."