Chapter 14:
Biyahe
Elle POV
"Mag ingat kayo sa biyahe, wag kalimutan na mag-pray," paalala sa amin ni Joli. Yes ngayon na ang alis namin papunta kina Lyn and I'm super duper excited kyahhhhhh!!!
"Ma'am Yes Ma'am," tugon naman ni Annah sa kaniya. Alam ko namang mamimiss niya lang kami ehh awiiee.
"Dahan-dahan lang kayo sa pagmamaneho, umayos kayo do'n bawal maingay do'n," bilin naman ni Grace habang nakadungaw sa bintana. Nasa loob na kasi kaming apat, si Annah ang driver tas katabi niya Jane, kami naman ni Lyn sa likuran.
" Oo na, alam namin na ang bungangera namin ammmp," usal ni Jane. Buti alam niya chuss ako pala ang number one HAHAHAHA.
"Ayan matutuo kayong magkontrol sa kaingayan ninyo pfftt, good luck!!!" Grabe talaga, akala mo naman siya si mark tahimik lang pfft HAHAHA.
"Sige na, ingat kayo mwuahh," sabay flying kiss ni Joli. Grabe sis ahh atat lang na paalisin kami.
"Grabe Joli ahh, atat na atat, sige na alis na raw tayo, kulang na lang may shooooo!" Drama ni Annah ammmp. Pareho talaga kami takbo ng utak ayyyttt.
"Wow drama ahh, medyo madilim-dilim kasi baka umulan ng malakas," aytttt nag-aalala lang pala. Ikaw talaga Annah nakapa over react mo BWAHAHAHAHA.
"Sige na see you in two days, babushh!"
"Babushh,"
"Ingat,"
"Bye, bye!"
Paalam nila saka pinagana ang sasakyan. Dumungaw kami sa bintana and wave our hands as goodbye.
"Mag pray muna tayo," usal ni Lyn. Tumango naman kaming lahat. Yumuko kami maliban sa nagmamaneho na si Annah, we pray in our individual mind. Sana Lord safe kami sa trip namin, sana magiging okay na ang lahat pagdating namin do'n, sana maintindihan ng pamilya ni Lyn ang nangyayari sa kaniya ngayon. This is all I pray in Jusus name, Amen.
Tiningnan ko sila at tapos na rin sila. Sana talaga, sana maliwanagan na ang lahat.
"Alas tres trenta tayong umalis, mga alas siyete ng gabi tayo makadating do'n," sambit ni Lyn sa amin. 5 hours daw kasi ang estimated na oras niya ang biyahe namin kasi naka-private vehicle kasi kami kumpara pag mag-co-comute lang daw, kalahating araw pa draw.
"Medyo, mahaba-haba rin ang biyahe natin," usal ko naman. May dala kaming kumot at unan dito, sinabihan na kasi kami ni Lyn maging handa raw kami.
"Kaya nga, pagdating natin do'on, sigurado akong gising pa sila lalo na si Inay, siya lagi ang nahuhuli sa pagtulog lalo na't minsan si Itay matagal umuwi," sabi ni Lyn sa amin. Excited na akong ma-meet ang parents, kapatid at ang mga tao do'n.
"Excited na talaga ko sobra kyahhhhh!!!" Tili ni Jane sa kawalan. Ayytt, di lang naman siya, kaming lahat.
"Iyan girl, bawal 'yang tili-tili na 'yan doon," suway sa kanya ni Annah habang nasa daan lang ang tingin.
"Grabe ahh, alam ko na 'yan. Sabi ko nga tatahimik na lang ako," naiirita namang sagot niya kay Annah, hala HAHAHAHA.
"Ito naman, tampo agad, wala dito si Xyrus besh para suyuin ko ammmp," asar sa kanya ni Annah, tiningnan lang siya ng masama ni Jane at inirapan, pffttt.
"Speaking for that boyfriend thing, alam ba ng mga jowa niyong sasama kayo sa'kin?" Tanong ni Lyn. Aytt kailangan pa pala magpaalam? Akala ko hindi na charot HAHAHAHA.
"Si Frank sinabihan ko na kanina, dinaanan namin bago kami namili," sagot ko naman sa tanong niya. Wala namang problema si Frank, busy din naman sa pag-aaral ng bagong piyesang tutugtugin nila, malapit na rin iyon. Hirap magkaroon ng boyfriend na member ng famous na band group daming babae na nagkakandarapa, buti na lang loyal sa akin awiieee iba talaga ganda natin neyy. Siyempre dapat present ako diyan 'no, hello girlfriend is here pooooooo. Wala pa yata akong absent every performance nila. Siyempre supportive girlfriend is present kyahhhh!
"Me, may jowa ba ako? Chuss HAHAHAHA, ang saya nga ng mokong na 'yon dahil wala ako. Siguro nag-paparty na 'yon ng malala, naku talaga pag malaman ko lang talaga na mang-babae, pasensyahan na lang talaga, puputolin k--------
"PUPUTULIN ANG ALIN???" Sigaw naming tatlo na nagkasabay pa talaga, kahit na si Jane na sabi tatahimik lang pero nakisabay ito sa pagsigaw.
"Wow ha kailangan talaga sabay, puputulin ko 'yong ano niya," sagot niya.
"ANO'NG ANO???" Sabay ulit naming tanong, as in kulang na lang malaglag ang butiki sa ibabaw dahil sa gulat ayttt.
"Langya dapat ba sumigaw? Ang sakit sa tainga. Puputulin ko ang baywang niya para maging manananggal na siya ammp!!!" Irita niyang sagot sa amin.
"Aytt that's gross,"
"Ang harshh!"
"Umayy ka girl,"
"Ayan tumahimik din pshh," ngisi niyang sabi. Langya lang, grabe naman makapagsalita 'to kala mo di jowa niya pfftt.
"Iba talaga nagagawa ng pag-ibig, nakakabaliw," biglang sabi ni Lyn dahilan para tumingin ako sa kanya ng gulat na gulat. Wow galing from her?
"WOAHHH LYN, galing talaga sa'yo 'yon?" Usisa ko sa kaniya. Napangiti na lang ito at napalingon-lingon. Luhh???
"Bakit? Through of observation, tingnan niyo ang effect sa inyo nagiging baliw na kayo ayttt HAHAHAHA," Natatawa niyang sagot, asus talaga lang ahh.
"Ikaw nga walang jowa eh bakit nabuntis ka BWAHAHAHA," salita ni Jane para uminit ang atmosphere sa loob ng sasakyan. Nakita ko namang siniko ito ni Annah sabay dilat ng mata.
"Kaya nga ehh, ewan ko nga, nakakabasag ng ulo sa kakaisip," sagot naman ni Lyn.
"Hey di ko intention na ma-offend ka it supposed to be a joke hihihihi," depensa ni Jane kay Lyn. Anong klaseng joke ba 'yon ayttt.
"Nahhh okay lang, beside tama ka naman din, sana talaga pagbalik natin, maliwanagan na," mahinang boses na sabi ni Lyn. Hinawakan ko naman ang balikat niya, nandito lang kami para sa'yo handang damayan ka.
"Ikaw kasi ayusin mo joke mo," sabi ni Annah. Here we go again.
"Sabi ko na nga tatahimik na lang talaga ako hmmp!" Sagot naman ni Jane. Ayan na naman sila, the Tom and Jerry pfttt BWAHAHAHAHA.
"No worries, okay lang," kahit di niya sabihin ramdam namin na naninikip ang dibdib niya. Alam kong nasaktan siya sa sinabi ni Jane.
"Enough for that heavy atmosphere HAHAHAHA, may maraming mga foods diyan Lyn baka may gusto kong kainin," agaw pansin ko sa kanila. Kinuha ko ang bag ng mga junk foods.
"Bawal ka nito Lyn, di ka na kakain ng junk food, you need to eat healthy foods na for our pamangkin," agaw ko sa Junk food na hinablot niya.
"Fresh milk at pizza na lang ang kakainin mo," sabay abot ko sa kaniya nito. Kahit labag man sa loob niya, wala itong magawa kung hindi abutin na lang. Ayan very good, kailangan niya maging healthy para sa baby.
"How about me naman, di ako makakain ng maayos ayytt," reklamo ni manong driver este ni Annah pala.
"Maglaway ka na lang muna diyan pffftt," asar sa kanya ni Jane sabay belat nito.
"Sige lang Jane, ikaw na naman papalit sa'kin mayamaya makakaganti rin ako bleeee," belat din sa kaniya pabalik ni Annah. Mga ewan talaga.
"Pikit na lang muna ako ahh, sundin niyo lang ang direksyon ng google map, gisingin niyo na lang ako pagdating sa parte na 'yan," sabay duro ni Lyn sa isang lugar.
"Sige Lyn pahinga ka na lang muna diyan," sabi sa kaniya ni Annah habang tinitingnan siya sa salamin. Kinuha ko naman ang fresh milk in pack na naubos niya, 250 ml lang naman kaya mabilis lang naubos. Ang pizza naman isang slice lang ang nakuha.
Inabot ko sa kaniya ang unan para mas comfortable siya. Nilakasan ng konti ang air con, at nagpatugtog ng music.
Namayani ang katahimikan sa amin. Nakasandal lang ako sa upuan habang kumakain ng piattos na barbeque flavor, si Jane na isang pringles at si Annah naman seryoso at tutok na tutok ito sa daan. Isang oras pa lamang ang lumipas mula ng nagbiyahe pa kami. May apat pa na oras pa ang natitira. Sana magiging okay na ang lahat. Tiwala lang tayo, wag ka sana mawalan ng pag-asa Lyn. Guide us oh Lord!