Chapter 16 - TVMAE 15

Chapter 15:

Arrival

Lyn POV

"Malapit na ba tayo?" Tanong ni Annah, ikailang ulit na kaya iyan nagtanong aytt. Nasa rough road na kasi kaming part ng daan papunta sa bahay namin, nasa sulok kasi nakapuwesto ang bahay kaya mahirap talaga ang daan dito, lubak-lubak kaya nga siguro nagrereklamo dahil nga di sila sanay sa ganitong daanan. 

"Oo konti na lang," sagot ko sa kaniya habang dumudungaw sa bintana. Medyo makulimlim na rin. Maghahari na naman si buwan.  Tiningnan ko ang wrist watch ko, kaya pala alas sais trenta na. 

"Medyo masakit na kasi sa puwet, patalon-talon ammmp," reklamo ni Jane aytttt so sorry to them narasan pa nila ang ganito. 

"Akala mo naman may puwet pfftt HAHAHAHAHA," asar ni Elle sa kaniya na siya na ang nagmamaneho na naman. 

"Di nga ako nagreklamo na nahihirapan ako sa pagmamaneho aytt," dagdag niya pa ulit. Di na lang sila umimik, tumingin na lang sila sa labas ng bintana. 

"Liko ka diyan Elle tapos hinto muna diyan sa may malaking kahoy," sabi ko kay Elle na agad naman niyang sinunod. I'm home. Ilang buwan na lang din mula nang di ako nakauwi dito. Miss ko na si Inay. 

Tiningnan ko ang bahay namin, ang bahay na gawa lamang sa half cement saka plywood at ilang kawayan na parte.  

Nakita ko ang sinag ng aming ilaw at narining ang mga ingay nila. 

Hininto ni Elle ang sasakyan batay sa sinabi ko sa kaniya. Pagkahinto niya ay parang nabunutan ng tinik sa puwet ang mga 'to at nauna akong bumaba sa sasakyan. 

"Thanks God we're arrived safely," tugon ni Elle. Yeah buti di kami nasiraan ng sasakyan kanina, malayo pa naman ang taga-ayos. 

Medyo kinakabahan ako sa mangyayari. Hindi pa ako handa pero dapat maging handa, hindi ko alam kung ano ang sasabihin nila lalo na si Itay, Dios ko gabayan niyo po ako, kami. Sana magiging maayos na po ang lahat. 

"This is it na talaga, makilala ko na ang family mo sis," excited na sabi ni Jane. Ewan ko kung ma-excited pa rin kayo pag nakita mo si papa grrr!!! 

"Kinakabahan ako langya," usal naman ni Annah. Kaya nga, I feel her. 

"Kaya natin 'to, laban!" Pampalakas loob na sabi Jane,  kaya nga laban, kung ano man ang mangyayari, it's doesn't change the fact na may ganito na, na buntis ako. 

Hinawakan ko ang tiyan ko at hinimas himas, ang suwerte mo napakabait ng maging mama mo, kahit na may katanungan siya sa kaniyang isip, nagawa ka pa rin niyang tanggapin. 

"Tara na," aya ko sa kanila. Tumango naman ito. Nauna akong naglalakad papuntang gate ng bahay namin na gawa sa kahoy at kawayan na pader. Tinulak ko ito at pumasok na agad at sinara naman ulit ng makapasok na sila. 

Nakakamiss din ang lugar na ito. Miss ko na magwalis ng sobrang haba, malaki rin kasi ang lupa namin dito. Wala ng nagpagala-gala sa labas na mga tao. Maaga talaga ang mga tao ditong mamahinga.

Bumuntong hininga muna ako, tiningnan ko sila sa likod, tahimik lang ito, pinaninindigan talaga nila na di sila mag-iingay ayyytt.

*Tok Tok Tok Tok*

"N-nay Arlyn?" Tawag ko kay inay pagkatapos kung kumatok. Kinakabahan ako sobra grrr.

"N-nay?" Tawag ko ulit sa kaniya.

"May tao yata sa labas, tingnan mo nga pang," nataob ako ng marinig ko ang boses ni nanay na inutusan si tatay na siya na ang magbubukas ng pinto. Jusmey marimarrr tulongg!!!

Hinawakan ni Annah ang kamay ko, alam niya yatang nanginginig na ako sa kaba.

Napapikit na lamang ako ng unti-unting bumukas ang pintuan at dumungaw si Tatay Eddie.

"Sino po s--- Edelyn?" Gulat niyang sabi ng makita ako sa labas. Ngumiti naman ako sa kaniya at humalik sa pisngi sa pisngi niya.

"Tay," tawag ko sa kaniya at yumakap. 

"Naku Inday bakit di ka nagsabi na uuwi ka ngayon? Tapos may mga kasama ka pa, pasok kayo, pasok," aya sa amin ni Tatay. Yes ang bait sobra ng tatay ko, the best father pero baliktad naman pag may di naiintindihan hayyssss.

"Ano'ng sabi mo? Inday? Umuwi si Inday?" Narinig kong boses ni Inay na kay sarap sa pandinig, 'yong tipong nararamdaman mo na sabik na sabik ito sa iyo. 

Nauna akong pumasok sa loob na agad ikinagulat ni inay at lumapit ito sa akin agad para ako ay yakapin ng mahigpit at hinahagkan sa noo.

"Jusmeyong bata ka, hindi man lang nagsabi na uuwi ka para naman makahanda kami ng paborito mo," usal ni mama habang nagyayakapan pa rin kami. Hindi ko napigilang maiyak dahil sa tuwa, nakakapangulila rin pala sa piling at kanlungan ni inay.

"At sino naman 'tong mga magagandang dalaga na kasama mo?" Tanong ni mama at kumalas naman ako sa yakap niya.

"Nay, tay sila 'yong mga kaibigan ko na tumulong sa akin doon na itinuturing akong kadugo at kapatid na," sagot ko naman ni Inay. 

"Upo kayo, pasensiya na kung wala kaming upuan na maganda hehehe," aya ni tatay sa kanila. Tumango naman sila at umupo na lang. Yung upuan kasi namin gawang kahoy lang. May lumang sofa kami pero nasa sala. Kasi pagbukas mo ng pintuan unang matatanaw mo ay ang kusina.

"Kumain na ba kayo?" Tanong sa amin ni inay. Busog din naman kami kasi may pagkain naman doon sa sasakyan baka rin kasi masuka ako makawari na sila na nagdadalang tao ako umayy. 

"Bakit mo pa tinatanong, maghanda ka ng makakain nila," sabi ni tatay kay nanay.  Diba bait ng mga parents ko. 

"H-huwag na po, busog din kami sa biyahe eh," sagot ni Jane sa kanila.  Nasa gilid lamang sila, tahimik pero nakagala ang mata. Pasensiya na lang sila kung ganito lang kami. 

"Naku naku, di ako naniniwala diyan," sagot sa kaniya ni tatay.  Ayttt ganiyan talaga si tatay sinisiguradong busog ka. 

"May dala naman po kaming pagkain sa sasakyan, kunin na lang po namin," usal ni Elle at tumayo silang lahat at lumabas. I'm sure kinakabahan ang mga 'yon. 

"Ano'ng sabi ulit Inday, nagsasakyan lang kayo? Aba't mayaman pala ang mga 'yon?" Usisa ni inay habang naghahanda ng hapagkainan. 

"Ayy oo naman nay, mga anak 'yan ng mga bigateng negosyante, kilala ang mga niyan doon?" Sagot ko sa kaniya at tumulong sa paghahanda. Kumuha ako ng mga plato't kutsara. 

"Mga bigatin pala 'yan, di ba 'yan mag-iinarte dito?  Wala tayong pang-mayaman na gamit," 'yan din ang problema ko. Pero sabi nila challenge raw kaya go lang! 

"Sinabihan ko na ang mga 'yon pero go lang daw sila," sagot ko kay itay.  Nasaan kaya mga kapatid ko bakit ang tahimik yata.

"Nasaan pala sila nay, bakit kayo lang dalawa ni tatay dito?" Tanong ko. Bumukas na naman ang pinto at niluwal silang Elle na may dalang-dalang pagkain. May bucket meal ng Jollibee, ihaw ng Mang Inasal saka tatlong chooks to go na lechon manok. 

"Maagang natulog, may pasok pa bukas," sagot ni inay.  Tumango na lamang ako, kaya pala. 

"Aba't ang dami niyo palang dala," sabi ni tatay ng makita ang dala-dala nila. Naku tay, marami pa doon sa sasakyan. May dalang groceries niyan at bigas. 

"Puwede ko po bang ipasok sa loob ng bakuran niyo ang sasakyan?" Tanong ni Elle kay tatay. Oo nga pala, wala namang magnanakaw dito pero baka paglaruan mabasag pa ang salamin. 

"Oo naman bakit hindi," sagot sa kanya ni tatay at lumabas ito para gabayan si Elle. 

"Hali na kayo, upo na kayo, kain na, pasensya na kayo," aya sa kanila ni inay. Ang nakahain kasi, ay adobong talong na may itlog, kinilaw na isdang tamban, sabaw ng native chicken na may papaya at prinitong isdang tilapya. 

"Naku po okay lang po, mas gusto pa nga naming mga 'yan eh," Jane. 

"Kaya nga po,  paborito ko po 'yang isdang tilapya mehehe," Annah. 

"Diba sabi ko sayo nay, di 'yan maaarte," Lyn. 

"Naku kayo talaga, di lang pala kayo magaganda ang babait pa saka may galang," Nanay Arlyn. 

"Hihihi mahiya man ako uyy," Annah. 

"BWAHAHHAHA sige na kain na kayo," Nanay. 

Umupo na rin ako, sakto na pumasok ulit si Elle at umupo na rin. We pray first saka kami kumain. Siyempre tikim-tikim sila sa mga nakahain sa mesa.  Masaya kaming kumakain habang nakamasid lamang silang nanay't tatay sa amin na natutuwa. Pero di ko pa rin maiwasan makaramdam ng kaba sa tuwing naalala ko ang rason kung bakit kami naririto. Buti na lang di nagtanong sila kung bakit kami naririto,  bukas ko na lang ipapaalam sa kanila. Sana talaga makinig sila sa akin. At sana pag-uwi namin malinaw na ang lahat. 

Dahan-dahan lang ako sa pagkain at ingat na ingat baka maduwal ako ng dis-oras. Sumabay ka muna sa'kin paglilihi. Huwag mo muna ako ibuking sa kanila. Jusmeyy!!!