Chapter 11
Confusion
Jane POV
"Lyn, huwag magpapasobra di ka puwedeng ma-stress, tahan na baka mabinat ka," alo ni Annah kay Lyn. Minu-minuto na lang umiiyak siya. Kahit kami nahahawaan na eh. Kahit kami di pa rin makapaniwala sa nangyari, and worst is totoo ba ito? Totoo ba'ng mabuntis ang isang tao kahit na di nagkakaroon ng pagtatalik? Napakaimposible. I know may mga doubts kami sa nangyayari, what if diba nagsisinungaling lang siya? What if itinago niya lang? O di kaya may something na nangyari while she is unconscious? Puwede ring basehan ang mga mitolohiya? Ewan napakaraming posibilidad pero hayyysss.
"B-bakit ko ba n-nararanasan 'to. God knows h-how much m-my body c-clean is. T-tapos m-magigising ka lang na HUHUHUHU b-buntis ka na p-pala," humahagulgol niyang iyak. Kaya pala ang daming strange na ginawa niya, buntis na pala siya, buntis na pala siya ng walang alam. Paano 'yon?
"You know what, there's a little doubt. Di pa rin ako makapaniwala, you got preggy without doing that sexual thing? That's rare," komento ni Grace. Naku sisss.
"Agree, there's a part of me na di ako makapaniwala," sang-ayon ko sa kaniya. Kahit sino sabihan mong buntis ka tapos isa kang certified virgin? You think they will bite that? They might think you're lying.
"Stop it, you're not helping," awat sa amin ni Joli. Pinalabas lang namin kung ano ang aming saloobin sa nangyayari, may mali ba roon?
"D-di ba k-kayo n-naniniwala sa'kin?" Putol na putol na tanong ni Lyn. Mugtong mugto ang mga nito sa kakaiyak. Mula no'ng nalaman niya na may dinadala siya parang nawalan na 'to ng buhay. Palagi na lang nagkukulong sa kuwarto. Pasalamat siya weekends. Kahapon pa lang kami nakalabas sa hospital need kasi ng monitor lagi kasi maselan ang pinagbubuntis niya.
"I trust you naman kaso may mga bagay talaga na kailangan ng assurance," sagot ni Grace sa kaniya dahilan para maiyak ito lalo.
"I can't force you na maniniwala kayo sa akin. Maybe you found it lame reason. Na sa'yo na 'yan kung maniniwala kayo basta alam kong sinasabi ko lang ang katotohanan," straight niyang sagot habang pinupunasana ang nag-uunahang mga luha niya.
"Hindi naman sa di kami naniniwala sa iyo Lyn. We're friends diba so natural magiging concern kami sa kalagayan mo. Ganito na nga ang reaction namin na mga barkada mo, how much more sa labas? Sa ibang tao? Sa parents mo?" Mahabang lintanyang sabi ko. Paano na lang diba? Ano na lang sasabihin ng mga tao sa kaniya? Pustahan tayo kung walang niisang matatawa o di kumagat sa rason na 'yan.
"Isa ka pa Jane. Mapapaisip mo siya lalo,di talaga kayo nag-iisip 'no pshhh!" Inis na awat sa'kin ni Annah. Don't tell me naniniwala sila agad? As in agad-agad talaga? Shakk!
"No, it's okay, kaya ko ang sarili ko," Lyn. Nakahiga kasi ito sa kama niyang nakadapa habang umiiyak.
"Well kung iisipin talaga, may point naman din sila Grace. Maging practical tayo sa panahon ngayon. We all know kung gaano na ka-polluted ang mga attitude at behaviour ng mga tao ngayon," salita ni Elle para maagaw ang pansin namin. Kanina pa 'yan tahimik na nakatayo sa gilid, buti naisipan niya pang magsalita pshh!
"Glad may dila ka pa pala pfft," sambit ko sa kaniyang pabalang.
"Kung totoo man ang sinasabi mong 'yan kailangan ng masusing proseso 'yan," out of nowhere na sambit ni Grace. Alangan naman tatanggap ka na lang na buntis ka without knowing why? Aishh kasakit sa ulo mag isip basta ang alam ko confirm na buntis siya hayyss.
"So di ka naniniwala sa sinabi niya? Ano ba ang pinapalabas mo Grace na nagsisinungaling si Lyn?" Nakaramdam ako ng kaba ng biglang sumingit si Joli na medyo galit dahil sa pamamaraan ng tono ng pagsasalita niya.
Napaangat naman ng tingin si Grace at tiningan si Joli ng walang pakialam. Naku!
"Excuse me, wala akong sinasabing ganyian, ikaw mismo ang nagsabi niyan, huwag mong itulak sa akin kung ano ang naiisip mo," sagot nito sa kaniya na mahihimigan mo talagang naiinis na rin siya.
"WALA KA NGANG SINASABI PERO 'YAN ANG PINAPALABAS MO!" Sigaw ni Joli para matauhan kaming lahat. Sinasabi ko na nga ba.
"EDI SORRY KUNG ANG PAGKAKAINTINDI MO AY GANIYAN PERO YOU CAN'T REGRET ME FROM SAYING THAT. DON'T ME, I KNOW ALL OF YOU HAVING A DOUBTS. HUWAG MONG IPASUBO SA AKIN LAHAT!" Sagot ni Grace para tumaas na talaga ang tension sa kuwarto. Umiiyak lang si Lyn habang nakikinig sa amin. Napasabunot na lang si Joli sa sarili.
"Guys kalma lang, chill. Paano natin malulutas diba kung tayo mismo ay di nagkakaintindihan," pakalma sa kanila ni Annah. Dunno, di ko na alam talaga.
"Tumahimik na kayo, huwag kayong mag-away ng dahil lang sa akin. Wag kayong mag alala, mamaya aalis na muna ako dito, uwi mo na ako sa amin para wala ng problema," sabi ni Lyn para tumahimik kaming lahat at nakulong sa sariling pag-iisip.
Bumangon siya at umupo sa kama. Nakaalalay pa rin sa kanya si Annah.
"Sorry for bringing this mess. I can't afford na mag-aaway lang kayo dahil sa akin," nakangiting sabi niya habang pinapahiran ang mga luhang rumaragasa sa pisngi niya. Dunno pero nakaramdam ako ng awa. Nararamdaman ko na lang ang pag-init ng mga sulok ng mga mata ko. Umiwas ako sa kaniyang tingin at napayuko na lang, naiiyak na ako.
"NO! Di ka aalis dito, diba may problema ring hinaharap ang pamilya mo? S-sorry sa inasta ko b-but I can't let you go h-home," protesta ni Grace at namamaos ang boses. Maybe she's maldita pero she have a heart as soft as cotton.
" lY-yeah me too, a-ayaw kong umalis ka Lyn. Sorry. Sorry s-sissy," naiiyak na sambit naman ni Joli para mapangiti akong may mga luha sa aking mga mata. Mga balialw talaga, kahit ano'ng mangyari mananatiling nasa ibabaw ang pagkakaibigan.
"O-ne for all, a-all for one tayo diba? K-kaya sabay natin 'tong haharapin," saad ni Elle na naluluha na rin.
"LET'S FIGHT TOGETHERRRR!!!" Sigaw ni Annah para manumbalik ang mga lakas namin. Ang drama diba.
"Ang drama niyo, naiiyak tuloy ako langya HAHAHAHA," dagdag niya pa sabay punas sa kanyang mata. Pagdating sa iyakan wala talagang ligtas, lahat apektado at mabilis maiyak.
"Basta ninang ako," Joli.
"Ikaw lang? Ako rin," Grace.
"Kayo lang dalawa, tayong lahat uyy," Annah.
"Excited na ako sobraa," Elle.
Reaksyon nila at nanumbalik na ang tensyon kanina. Ohh diba bongga, pagkakaibigang puno ng pagmamahalan.
"S-salamat talaga sa inyo. K-kayo pa muna makakapitan ko sa ngayon. Nasa shock stage pa rin ako sa nangyayari," emosyonal na sabi ni Lyn. Siyempre naman kay bilis kaya ng mga pangyayari.
"No worries, we're here for you Lyn. Supportive Mommy Ninang hereee," pampakalma sa kaniya ni Joli. Owshii Mommy Ninang ganda naman.
"Pahingi nga ng mahigpit na yakap," nakabukas niyang brasong sabi. Nagsitayuan naman kami at lumapit sa kaniya. Nagyakapan kaming lahat habang nakangiting may mga luha sa aming mga mata.
"No worries girl, you can count on me," Elle.
"Yeah we can be the father of your baby," Annah.
"Ohh diba bongga, isang mama tapos limang papa awiitts," Jane.
"Sabay natin 'tong haharapin. Fight!" Joli.
"Let's solve this together. Laban!" Grace.
"Basta nandito lang kami para sa iyo. Basta lalaban ka rin para sa sarili mo," sabi ko naman habang nakayakap pa rin kami sa isa't isa.
"Thank you so much, ang sarap sa pakiramdam," owshi talaga ang sarap lalo na at may masasandalan ka sa tuwing down na down ka. Kay sarap magkaroon ng ganitong klaseng mga kaibigan. Walang halong plastics at kaartehan. Kahit ano man ang mangyari at problemang dumating, mananatilig matatag at sabay sasabak ang lahat. Well kami yata 'yan. We called our group 'Animme" short for anim me, diba anim kami? Kaya animme.
"I LOVE YOU ALL," Lyn.
"WE LOVE YOU TOOOOO," Koros naming sagot sabay nakangiti at nagtatawanan na. One of my precious gems that I have are them, my sisters, my partners in crimes and my best of friends.