Chapter 12:
Mr. EM
Annah POV
"Kahit ako sis, still shocked pa rin sa nangyayari kay Lyn," sang-ayon ni Elle sa sinabi ko. Sino ba namang di magugulat pag ganiyan diba. We trust naman si Lyn.
"Wala na tayong magagawa kung hindi ang maniwala. We need to support her," sagot ko naman sa kaniya. Nandito pala kaming dalawa sa supermarket bumibili ng mga kailangan namin good for two days lang naman. Sasamahan namin si Lyn sa kanila kasi napagdesisyonan namin na ipaalam na lang sa mga magulang niya kung ano ang nangyayari sa kaniya at sabi niya may tanyag daw do'n na manghuhula. Malaki raw tiwala niya sa manghuhula do'n sabi ni Lyn. Ipahula niya raw kung ano ang nangyayari sa kaniya. Di ko alam if tama ba ang gagawin niya pero we trust Lyn naman ehh.
"Kaya nga, malalaman at malalaman lang naman din natin 'yan," sabi ko sabay usog ng push cart. Nakapila na kasi kami, may tatlong push cart kaming nakuha. 'Yung iba kasi halos kay Lyn na mga gamit for pagbubuntis niya, foods syempre mga cravings and wants niya at ewan sobrang excited siguro namin na ninang bumili na kami ng gamit ni baby awiiiieee.
"Nandito naman tayo para gabayan siya diba, kahit na may mga katanungan tayo sa mga isip natin, wala tayong magagawa kung hindi maniwala at magpapatatag ng loob para sa kaniya," sabi niya naman at nilagay isa-isa ang pinamili namin sa counter.
"May suki card po ba kayo ma'am?" Tanong sa kaniya ng cashier. Dinukot naman niya ang pitaka niya at kinuha ang suki card niya.
"Ito miss," abot niya sa cashier ng makuha na ang suki card.
"May bibilhin pa ba tayo pagkatapos dito?" Kalabit ko kay Elle. Mamayang hapon ang alis namin papunta kina Lyn. Van ang gagamitin namin and salitan na lang kami sa pagmamaneho. First time kung makakapunta do'n sa kanila. Kami lang kasi ni Jane, Elle at Lyn ang pupunta. Maiiwan si Grace at Joli. Si Joli may importanteng lakad habang si Grace naman volunteer na magpaiwan, beside sa nakakapunta na siya doon, sabi rin ni Lyn na tatlo lang daw ang masasama niya dahil baka di kami magkasya sa bahay nila aytt, no problem may sasakyan naman diba.
"Ang kakainin natin sa biyahe?" Hindi siguradong sagot niya. Ayttt, sabi kasi ni Lyn wala raw kaming kainan na madadaanan, halos daw mga bahay, kahoy at taniman. Siguro napakabongga ng hangin nila do'n.
"Mamaya na lang pag-alis natin, sila na bahala," sabi ko na lang sa kaniya. Mahirap na pag kami-kami lang ang nagdedesisyon diba, mas nice kapag lahat ang sang-ayon.
"8, 983.25 centavos lahat," sambit ng cashier. Grabe kasi 'to makahila ng kung anu-ano si Elle ayytt. Inabot ko sa kaniya ang credit card ni Jane, oo sagot daw niya foods namin. Hayaan niyo na marami naman din 'yong pera ehh BWAHAHAHAHA sana all diba.
After a few moments, lumbas na kami sa super market at pinalagay namin ang mga binili sa compartment ng sasakyan sa mga boy nila. Naka tatlong karton din kami. Grabe tingnan natin kung sinong di lalaki lalo ang tiyan pffft HAHAHAHA. Wala pa namang baby bump si Lyn ilang weeks pa lang kasi kay di pa maumbok ang tiyan niya.
Ako na ang nagmamaneho ng sasakyan. Tahimik lang kaming dalawa ni Elle sa byahe, tanging speaker at paghinga lamang ang maririnig na ingay sa loob ng sasakyan. Hindi naman din gano'n kalayo ang bahay namin sa supermarket. Mga ilang metro lang.
"Wew may delivery boy," sambit ko ng matanaw ko ito sa labas ng bahay namin. Kakaparada lang nito ng kanyang motorsiklo.
"Wew para kanino naman kaya 'yan. May pabonggang bouquet of flowers, with a gift bag and a pack of chocolates," paliwanag ko sa aking nakikita. Siguro kay Jane 'yan, o di kaya kay Grace? Joli? Elle? Or me? Nahh di na tayo aasa sa mokong na 'yon mas gugustuhin niya pang bumili ng pagkain kaysa mga ganiyang mga bagay. Sweet diba? Mahal pa ang pagkain kaysa sa akin chuss ang drama lang ammp.
Hininto ko ang sasakyan malapit sa kaniya at ibinaba ang salamin ng bintana at dumungaw sa kaniya.
"Ano po sa'tin sir?" Tanong ko sa kaniya ng maagaw ang pansin niya sa pagdating namin.
"Magandang umaga po ma'am, may nagpapadeliver po kasing dito ang address na nilagay," sagot niya sa akin.
"Galing kay kanino?" Tanong ko pabalik. Bumaba naman si Elle para pagbuksan ang gate.
Mr. EM lang po ang nakalagay wala pong eksaktong detalye," sagot niya naman habang tinitingnan ang papel na dala-dala niya.
"Ahh para kanino naman 'yan kuya?" Tanong ko ulit. Grabe question and answer muna tayo BWAHAHAHA. Napakamot ito sa ulo niya, aytt!
"To Miss Lyn Sanchez," sagot niya na para magulat ako ng sobra.
"WOAHHH!! FIRST TIME TO AHH, SIGN NA BA 'YAN PARA MAGKAJOWA NA SIYA AWOOOTSS!!!" Halong gulat at saya na reaction ni Elle. Yeah happy for her or no way? May connect ba ito sa pagbubuntis niya? Sino si Mr. EM? Umayy lubayan mo muna ako over think, wag tayong mangunguna sa pangyayari.
"Sige kuya, kami na lang magbibigay niyan sa kaniya," dagdag ni Elle. Tumango na lang ang delivery boy saka may pinalagdaan kay Elle, a proof na natanggap na. Shak!
Pinasok ko na lang ang sasakyan sa garahe-an at pinatay ang makina. Akala ko pa naman sa kanila 'yon, kay Lyn pala. Kung kailan siya may dinadala saka pa may taong nagka-interest sa kaniya. Ewan ko na talaga.
Jane POV
"Nasaan si Lyn?" Bungad ni Annah ng pagkapasok niya. Naagaw naman ang pansin namin sa panonood.
"Wow anong bungad 'yan girl?" Reak ni Joli sa kaniya. Kaya nga parang ano lang.
"Nasa kuwarto niya naghahanda na," sagot ko sa kaniya at binalik ang tuon sa aking pinapanood.
"WOWWW SWEET NAMAN MAY PA BULAKLAK AT TSOKOLATE PA TALAGA AYIIIIE!" Napalingon ako ng dis oras sa kanila dahil sa impit na sigaw nitong katabi ko. May bitbit na isang bouquet ng bulaklak si Annah at isang pakete ng chocolate tas gift bag naks naman. Ano 'yan maagang pamasko ayyttt!
"Ammmp, hindi may nadatnan kasi kaming delivery boy kanina sa labas kaya nagpresenta na lang si Elle na siya na lang daw ang mag-abot nito kay Lyn," paliwanag ni Annah sa amin dahilan para ako'y mapatili ng sobra.
"KYAHHHHHH!!!"
"FOR REAL??"
"TALAGAAA?"
"NAKS KANINO RAW GALING?"
"OMG!!!!"
"SWEET NAMAN NG SENDER KYAHHH!!!"
"Ano ba ang kinaiingayan niyo diyan?" Sambit ni Lyn habang pababa sa hagdan. Goshh girl, may bonggang flowers, chocolate at ano kayang laman bg gift bag, medyo malaki-laki din kasi ito uwuuuuuuu!
"Kaya pala nag-iingay kasi may natanggap na naman si Elle ng flowers kay Frank Owshii, pahingi ako ng tsokolate ahh hihihi," walang alam niyang sabi. Naku girl sayo 'yan kaya.
"No, these are for you," sabi ni Elle sa kanya dahilan para mawala ang ngisi nito sa kaniyang labi, napalitan ng blankong emosyon.
"Huwag mo nga ak---
"May nakita kaming delivery boy kanina sa labas, sabi may nagpapadeliver at para sa'yo raw," putol sa kaniya ni Annah.
"To Miss Lyn Sanchez, from Mr. EM," basa ni Elle sa card na nakadikit sa gift bag.
"Ayiiiiieeee sino 'yang Mr. EM Lyn ah,"
"Ayiiieee luma-love life na siya ayiiiiie!!!"
"Enebeeeeee,"
Kahit na nagulat pa rin ito, tinanggap niya lang ito ng binigay ito ni Elle sa kaniya. Di niya alam kung ano ang dapat niyang i-akto.
"B-baka prank lang 'to, s-sino naman aber si Mr. EM na 'yan?" Nauutal niyang sambit habang inuusisa ang bulaklak na may halong pag-aamoy na rin.
Nakatingin lang kaming apat sa kaniya. Wala si Grace kung napapansin niyo, maagang umalis.
May kinuha siyang white card galing sa flower para ma-excite kami kung ano ang nakasulat. Binasa niya ito ng sa mata lamang that made us disappointed. Out of nowhere bigla siyang nataob sa kanyang kinatatayuan at namumula ang pisngi. Awoo ano kayang nakalagay?
"Damot naman sis, ano ang nakasulat?" Dabog ni Joli. Kaya nga I feel something fishy here ahhh.
"W-wala sabi, thank you, 'yon l-lang," nauutal niyang sagot. Weee? Talaga 'yon lang ba talaga?
"Ehh bat ka namumula diyan ayiiee aminin," asar ko sa kaniya para magbago ng expression ang kanyang mukha.
"A-anong n-namumula? W-wala ahh. Bahala nga kayo diyan, balik muna ako sa taas," nauutal niyang sambit at tumalikod paakyat sa kuwarto niya. Aytt ano ba 'yon?
" lAyyttt,"
"Ano ba 'yon?"
"Feel something fishy aytt,"
"Ammmp,"
Panghihinayang namin at saka binalik ko na lang ang panonood. Sino kaya 'yong Mr. EM na 'yon, naku mukhang naamoy ko na ang pagkakawala ng bisa ng kanyang pagiging NBSB ahh. Pero ewan, bahala na basta nandito lang ako, kami para sa kaibigan namin. Good luck our dear Lyn.