Chapter 14 - TVMAE 13

Chapter 13:

Akachan

Lyn POV

"Thank you for accompanying me at the party. Can I ask you to go out with me? Waiting for your response." Basa ko ulit sa card na nakaipit sa flower, di ko mapigilan ang ngumiti. First time 'tong may nag-aya sa aking lumabas. Isa lang naman ang pinakasamahan ko sa party ni Jane maliban sa mga kaibigan ko, 'yung kaibigan ni Zander. May EM pang nalalaman pfftt, Evans Madrigal.

"Hmmmmmm," sambit ko habang inaamoy ang alimuyak ng bulaklak. Nilapag ko ito ng maayos sa lamesa saka kinuha ang gift bag. Medyo mabigat ito, ano kaya ang laman nito? Inalis ko ng dahan-dahan ang mga stapler na siyang nagsasara ng bag.

"Woahhh ang cute yiiiieee," reaksyon ko ng makita ko na ng buo kung ano ang laman. Isa itong spongebob na sakto lang ang laki omooo! Paano niya nalaman na paborito ko ang mga spongebob stuff owshii. Thank you E.M.

Siguro pupuntahan ko na lang kaya siya para na rin makapasalamat ako sa binigay niya. Mamaya pa naman ding hapon ang alis namin. Di ko talaga mapigilan na kabahan sa tuwing maalala kong aalis kami mamaya, ano na lang kaya ang magiging reaksyon nila sa'kin, di ko sila sinabihin sila mama na uuwi ako, ikaw na bahala Diyos sa mangyayari.

Nilagay ko ito sa kama at kinuha naman ang isang box ng chocolates grrrr, mukhang imported to ahh. Napahiga ako sa kama ng ngumingiti at walang pasabing-sabi na nagpagulong-gulong ako sa saya at kilig acckkkkkk! Alam niyo 'yong feeling na parang gusto mong magwala dahil sa sayang nararamdaman mo uwuuuu! Ano ba 'yan bakit kaya niya ito ginawa? Wala lang siguro 'to, imagine someone like me tapos magugustuhan ako ng gano'ng klase ng lalaki, nahhh that's impossible.

* Bzzt Bzzt Bzzt Bzzt*

Nawala ang isip ko sa pag-day dreaming dahil sa pag-vibrate ng phone ko. Umupo ako sa kama at hinanap kung nasaan naman nalagay ang cellphone na 'yon.

Ang kaninang masaya napalitan ng lungkot ang nararamdaman, nang nakita ko ang selpon ko katabi ang isang breast feeding bottle. Nanlumo ako sa mga naiisip ko habang inaabot ang selpon ko, hayyyysss.

"Did you received my gift for you?" Basa ko ng text, imbes na matuwa ako, nalungkot ako. LAlam kong siya 'yon, alam kong si EM or lets say Evans Madrigal. Nagdadalawang isip ako kung sasagot ba ako sa text niya?

Ano ka ba Lyn, huwag ka nga munang mag-isip ng kung anu-ano diyan, baka sabihin sa'yo assuming naku talaga mahirap na!

Kagat labi akong nag-type ng i-rereply ko sa kaniya.

"Oo, salamat :)" reply ko sa text niya. Napahiga ako ulit sa kama ng na-hit ko na ang send button grrr. Wait saan kaya niya nakuha ang phone number ko? Bakit mayroon siya?

*Bzzt *bzzzt *bzzzt *bzzt*

Mabilis pa sa alas kuwatro kong binuksan ang selpon ko na sobrang excited at may ngiti sa labi shaks! Umayos ka nga Lyn, para kang ewan diyan. Kinikilig. Paki mo, gani-ganito 'yong scene sa mga nababasa ko ehh. Wag naman sana mabihag ang puso ackkk STOP!!! Di ako 'to, nabuntis na nga lang saka pa ako gaganito aishhh!

"Good, do you like it?" Basa ko sa text niya. To be honest perfect na perfect, gustong-gusto ko talaga. Sobrang na-appreciate ko, bukod sa firs time kung may nagpaabot sa akin ng ganito, sobrang mapahalaga kasi ako sa mga bagay na ibinibigay sa akin mapaliit man 'yan o mapalaki.

"Kaya nga kahit naguguluhan pa rin ako sa nangyayari, tatanggapin at pahalagahan ko ito," sambit ko sa kawalan habang hinihimas ang tiyan ko. Di pa naman siya nahahalata na may laman na, sooner makikita rin ito ng lahat.

Natatakot lang talaga ako sa mga posibleng mangyayari, natatakot ako sa mga sasabihin ng tao, sana maintindihan nila inay't itay ang sitwasyon ko ngayon. At sana pagdating namin doon, masagot na ang katanungan namin sa aming mga isip.

Kaya nga sobrang-sobra ang pasasalamat ko sa mga kaibigang nasa tabi ko, balang araw makakabawi rin ako sa kanila. Maraming, maraming salamat Panginoon na binigay mo sila sa akin.

*Kringggggg!*

Napaangat ako ng tingin at tiningnan kung sino'ng tumatawag.

"LUHHH?" Bulalas ko ng mabasa ko kung sinong tumatawag, an unknown number shak si EM 'to.

"He-hello?" Salita ko agad ng pagkasagot ko sa call.

"Hey," narinig ko sa kabilang linya. Ackk, bakit ang ganda naman yata ng boses niya.

"B-bakit ka n-napatawag?" Nauutal kong salita. Shak, grabe ang kaba ko hanggang langit. Hearty relax ka muna diyan.

"Why? Is there something wrong if I want to call my f---u---t--u----r----e, " sagot niya sa kabilang linya na di ko masayadong narinig ang dulo dahil biglang nagkalabo kasi ang signal.

'Call my ano? Hina kasi ng signal di ko narinig," naks di na utal ahh, improve ammp. Kinagat-kagat ko ang kuko ng daliri ko habang naghihintay sa sagot niya. Gawain ko kasi ito pag na-iintense ako sa nangyayari ehh. For your information, malinis 'tong kuku ko hmmp!

"*chuckles* nothing," tingnan niyo, wala namang nakakatawa sa sinabi ko ahh. And aside from that english siya ng english aish!

"I heard that you're coming home, can I come with you too?"

O-O

O-O

O-O

"HUH? ANO'NG SINABI MO?" Hysterical kong sabi. Sasama raw siya? Luhhhh close ba kami? Sino ba 'to? Binigyan niya lang ako ng ganito tapos umayyyyyy!!!

Napatayo ako ng wala sa oras, grabe kumabog ng kumabog ng sobra naman itong dibdib ko, naku po!!! I need to chill myself, kailangan kong mapanatag. Baka tataas ang blood pressure natin aishhh!

Inhale

Exhale

Inhale

Exhale

"Just kidding, hey what's happen to you? Are you okay? Why I heard doing something respiratory air breathing process?"

"N-nahh, I'm okay," sagot ko sa kanya ng makabawi na ako sa aking hininga. Medyo kumalma naman ito at napaupo na lang ako.

"Are you sure?" Paninigurado niya. Napapikit na lang ako, mahihimigan mo talaga na nag-alala ang boses niya.

"Oo sure, salamat," grabe ahh friend na ba kami?

"No problem, by the way did you saw a card in the flowers bouquet?" Tanong niya. Napatakip naman ako sa bibig ko ng maalala ang nakasulat do'n. Nag-iinit na naman sina pisngi omooo!!

"U-uhm, o-oo," ikli kong tugon. Sino ba kasing di nauutal sa ganitong eksena grrr.

"Good, I won't take no as an answer." Wow ha? Sino ba 'to?

"Get rest, after you come back, let's go outside. Be safe akachan, see you!!!"

*toot toot toot toot*

Lakas naman talaga ng lalaki na 'yon. Naglagay pa siya ng question mark kung walang option hmmp! Ano nga sabi niya ulit? Akayan? A-akahan? Aba't ewan kung anu-ano ang pinagsasabi.

Pero in fairness kyahhhhh! Ang caring niya ammmp. Di ko alam pero na-eexcite ako sa mangyayari. Oo mangyayari, dahil mangyayari pa. Puwedeng magbago ang nasa isip mo o di kaya ay magkakatotoo.

Di ko i-dedeny na nasisiyahan ang puso ko sa nangyayari ngayon. Aishh pinagsasabi ko ba. Nilapag ko na lang ang selpon ko sa ibabaw ng kama saka ako humiga. Magpahinga muna tayo para sa mamayang biyahe natin. Niyakap ko ang spongebob stuff toy na binigay niya at pinikit ang mga mata ko.