Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Escape From Reality (Tagalog)

🇵🇭Meowpyyyyy
--
chs / week
--
NOT RATINGS
12.6k
Views
Synopsis
May kanya-kanyang paraan ang bawat tao upang takasan ang mapait na reyalidad ng mundo, may nanunuod ng K-Drama, nagbabasa, natutulog, nagpipinta, naglalaro ng mobile or computer games at iba pang maraming bagay upang maging abala lamang ang isip at makalimot tayo pansamantala sa sakit na ibinabato sa atin ng mundo. Sa kaso ni Caia Ortaleza, pagsusulat ang kanyang naging takbuhan sa mga panahong siya'y lugmok at luhaan, binibigyan siya nito ng panandaliang comfort at kapayapaan. Umani ng mga papuri at pagmamahal ang bawat kuwentong kanyang natatapos mula sa kanyang mga masugid na mambabasa. Ngunit sa kabi-kabilang isipin, problema sa pamilya at sa kanyang nobyo ay mahihirapan na ang dalaga na tapusin ang dalawang kuwentong kasalukuyan niyang isinusulat. Sa kanyang muling pagbaling sa pagsusulat, sa halip na comfort ay frustration na ang kanyang nadarama sa tuwing sinusubukan niyang simulan muling bumuo ng mga salita, hanggang sa nawalan na siya ng pag-asa at ganang ituloy ang kuwento, napagdesisyunan niyang itigil na ang kanyang nasimulan, pati na ang kanyang pangarap. Pero mukhang hindi gano'n kadaling iwanan ang pagsusulat. Dahil misteryosong mailalahad at magpapatuloy ang kuwento ng isa sa mga karakter niya na simula pa lang ng istorya ang mayroon at kanyang naisulat. Ang karakter na pinakapaborito niya sa lahat ng kanyang nilikha... si Rashiel Azul Allegre. Ang nakakaloka pa ay kasabay ng pag-usad ng kuwento ay mapupunta mismo ang dalaga sa loob ng istorya kung nasaan ang binata, doon ay makakaharap at makakasama niya hindi lang si Azul kundi pati na ang iba pang mga karakter na likha gamit lamang ang makulay niyang imahinasyon. Surprisingly, sa pananatili niya roon ay nakakalimot siya sa lungkot at alalahanin patungkol sa totoong mundo. Sumasaya na hindi niya napapansin. Nalilibang ang isipan na hindi namamalayan. Nakahanap ng kaaway, kakampi, kaibigan, pamilya, kapanatagan pati na ang hindi inaasahang pag-usbong at paglago ng kanyang damdamin. But, reality is way too cruel... because, every story has to reach its own end. Dahil sa nagulo ang kanyang naisip na orihinal na plot ng istorya ay hindi na alam ng dalaga kung saan ba tutungo ang kuwento, kahit na siya pa ang nagmamay-ari nito pati na ng mga karakter na nakapaloob dito, maging siya ay walang magawa kahit na anong pilit pa ang gawin niyang kontrolin ang mga bagay at pangyayari. Patuloy sa pag-usad ang istorya, ngunit walang may alam kung lungkot o saya ang dulong nakalaan sa kuwentong kanyang napasukan.
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

Caia's POV

Nilalasap ko ang masarap na pakiramdam habang nakababad pa rin ang katawan sa kama.

Kanina pa ako gising pero tinatamad pa akong bumangon. Talagang hinihila ako ng higaan at hinahalina.

Dahil sa marupok ako at may kahinaang taglay ay nagpatalo ako.

Nanatili akong nakahiga at nakapikit. Walang pakialam kung anong oras na ba. Lalo ko lamang niyakap ang unan na napakalambot.

"Caia..."

Hinihila na ang diwa ko ng antok noong marinig ko ang pagsambit sa pangalan ko at agad na kumunot ang noo ko.

Mahina lamang ang tinig na para bang bulong at hangin lang na dumaan, pero sigurado ako na hindi ko iyon guni-guni lang at may narinig talaga akong boses.

May tumawag sa pangalan ko.

Pero parang sa pagkakaalala ko naman ay wala akong narinig na bumukas ang pinto at may pumasok sa kwarto ko?

O baka naman sa saglit na sandaling lumipas ay hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako kaya hindi ko naramdaman at nalaman?

"Caia..." ulit noong tinig na napakapamilyar.

So, totoo nga talaga ang narinig ko na may tumatawag sa akin. Hindi lang kasi isang beses, kundi dalawang beses ko na kasing narinig ang tinig.

Dahil tamad na tamad pa ako at gusto ko pa talagang matulog ay hindi ako nagdilat ng mata, "Hmm?" inaantok na tugon ko, baka kasi sakaling kapag sumagot ako kahit na papaano ay tumigil na ito sa pagtawag sa akin.

"Kumusta ka na?" tanong nung malamyos na tinig, na lalong parang inihehele ako.

Lalo kong niyakap ang unan. "Hmm? Nalulungkot at napapagod po. Hayaan ninyo na po muna akong matulog at mamahinga..." namimigat ang mata na sagot at hiling ko.

"Hindi pa rin ba kayo magkasundo ng papa mo?" maingat na tanong nito.

Kahit na hindi ko ito nakikita dahil nakapikit pa rin ako ay tumango-tango ako. "Opo, mukhang wala na pong pag-asa na magkasundo kami."

"Bakit mo naman nasabi?" usisa nito.

"Dahil hindi po kayang suportahan ni Papa ang pangarap ko."

Narinig ko ang paghinga nito nang malalim. "Gano'n ba?"

"Opo. Mahal ko po si Papa pero mahal ko rin po talaga ang pagsusulat..." walang alinlangan kong sagot.

"I know... kumusta naman ang pagsusulat mo?" tila ba malungkot nitong tugon at tanong.

"Bothered po ako, nahihirapan po akong magsulat nitong mga nakaraan," pag-amin ko.

"Why?"

"Ang dalas na po kasi ng pag-aaway namin ni Papa, okupado ng mga negatibong isipin 'yung utak ko. Mukhang nahihirapan pong mag-produce ang utak ko ng mga salita at eksena para sa kuwento na kasalukuyan kong isinisulat. Hindi ko nga po alam kung itutuloy ko pa bang i-publish online 'yung mga chapter na nakaimbak sa drafts. Parang lately ay nawawalan na rin po ako ng gana," tugon ko.

"Huwag mong pangibabawin ang emosyon at mga isipin, Caia," payo nito.

"Paano po? Mahalaga po sa akin si Papa, hindi po puwedeng hindi ako maapektuhan sa pag-ayaw niya sa gusto ko. Hindi ko man po masabi sa kanya, pero importante sa akin ang opinyon niya at higit sa lahat ay mahal ko po siya."

"Alam kong nahihirapan ka. But, do not let your emotions and your feelings lead and guide you to nowhere, Caia," matalinghagang sambit nito.

Lead and guide to nowhere?

Pinilit kong idilat ang mata ko, ngunit sa pagkasorpresa ko ay wala akong taong nadatnan na kasama ko sa kwarto.

Sino ang kausap ko kanina?

Nakiramdam ako at naging alerto.

Maaari kasi na nasa malapit lamang ang taong iyon. I should ready myself kung sakali mang may masama itong balak sa akin.

"Caia..."

Napakurap ako sa narinig na pagtawag na naman sa akin. "W-Who are you?" pinatapang ang tinig na tanong ko habang mahigpit ang kapit sa bedsheet ng kama at inilibot ang tingin sa buong silid na ako lamang ang naroon.

Lumipas ang sandali na naghihintay ako sa sagot pero wala akong natanggap.

F*ck, saan ba nanggagaling ang tinig?

Masarap sana sa tenga ang boses na pakinggan. I have never heard someone called my name that way at 'yung paraan kung paano ako nito kausapin kanina? It's as if may kakaibang emosyon, hindi ko maintindihan, tila ba may halo-halong pagmamahal, suyo, lambing at hindi ko alam kung pangungulila ba iyon.

Pero, sino ba ito?

Pamilyar ang tinig, ngunit hindi ko alam kung sino ba ang nagmamay-ari niyon.

Bumangon na ako at tinanggal ang kumot na nakatabon sa kalahati ng katawan ko.

Ibinaba ko ang paa ko sa sahig at tumayo, hindi na ako nag-abala pa upang magsuot ng sapin sa paa.

Maingat at mabagal ang paglakad na nagtungo ako sa pinto upang alamin kung sino ang nagmamay-ari sa tinig, maaari kasing nasa labas ito, since wala ito sa kuwarto.

Hinawakan ko ang seradura ng pinto at sunod-sunod akong napalunok bago napagpasyahang pihitin iyon. Nang mabuksan ko naman na ay wala muli akong nasumpungan kundi ang malinis na sala, ang katahimikan at pag-iisa.

Nasaan ang mga kasama ko sa bahay at nasaan na ang tinig na kumakausap sa akin?

Nagtataka man ay sumulong pa rin ako at kalaunan ay naupo sa sofa na naroon habang iniikot ang paningin sa paligid. Alerto pa rin ako, patuloy na nakikiramdam at naghihintay sa kung ano mang susunod na mangyayari, ngunit wala naman akong maramdaman na ibang presensiya kahit na lumipas pa ang ilang sandali.

Halusinasyon ko lamang ba iyon? O baka naman... multo?

Kahit na may takot sa mga supernatural beings ay kataka-taka at napansin ko na hindi ako gaanong natatakot ngayon. Bagkus ay nangingibabaw ang kuriyosidad ko, marahil ay dahil sa lambing ng tinig nung babae na kay sarap sa tenga.

"Caia."

Napapitlag ako noong marinig muli ang tinig.

D*mn. Nababaliw na ba ako at kung ano-ano ang naririnig ko?

"Who are you?" ulit ko sa tanong ko.

"It doesn't matter. Makinig ka sa akin, Caia. H'wag mong pahintulutan na kainin ka ng lungkot, lalo na ang sukuan mo ang pangarap mo dahil dadalhin ka nito sa mundong hindi para sa iyo. Kahit anong mangyari ay kailangan mong bigyan ng katapusan ang bawat kuwentong iyong nasimulan na. Ipagpatuloy mo at tapusin. Manatili ka na lamang r'yan at maging matatag ka sana."

Naguguluhan na nagpalinga-linga ako.

Ano ba ang pinagsasasabi nito? Mundong hindi para sa akin? Saan 'yon? At ano 'yon? May gano'n ba? Saka kailangan kong tapusin ang nasimulan kong kuwento? Paano kong gagawin iyon gayong nahihirapan nga akong bumuo ng mga eksena upang dugtungan ang istorya? Saka bakit ako nito ipinu-push? Kabaligtaran ng nais ni Papa ang gusto nitong gawin ko?

Sino ba ito at parang kilalang-kilala ako? At sa tono ng pananalita nito ay parang may alam ito na hindi ko alam, hindi ko dapat malaman at mapuntahan?

Lumunok ako na puno nang lito bago sumagot. "S-Sino ka ba?" patuloy na tanong ko.

Sobrang nalilito ako dahil sa mga sinasabi nito at kung bakit pa nito kailangang sabihin sa akin ang mga bagay na nagpapagulo lalo sa magulo ko nang isipan.

Isa pa, bakit kanina ko pa napapansin ang tila ba pag-aalala sa tinig nito na para bang may ugnayan kami sa isa't-isa at may mangyayari na hindi dapat o hindi maganda?

Ang weird, I can really feel the familiarity kahit na alam ko sa sarili ko na hindi ko naman ito kilala.

"Hindi na mahalaga pa kung sino ako. Hindi mo na iyon kailangan pang malaman."

Napakunot ang noo ko. "B-Bakit hindi?"

Ang daya nito, noong nagtatanong ito ay sinasagot ko naman ang mga tanong nito kanina. Pero bakit 'yung simpleng tanong ko rito ay hindi nito masagot?

"Dahil iyon ang mas makakabuti para sa kapakanan mo," tugon nito.

Napakurap ako at pilit na dina-digest ang narinig na parang ang bigat sa pandinig ko.

Bakit puro kapakanan ko ang iniisip at sinasabi nito?

"Mas mainam na manatili ka na walang alam at hindi mo ako kilala."

Pero tutol ang nararamdaman ko sa sinabi nito.

Umiling ako nang sunod-sunod. "No! Magpakita k-ka, please," pakiusap at pilit ko, kahit na walang kasiguraduhan kung magugustuhan ko ba ang kung ano man na maaari kong makita.

"Ipagpatawad mo, pero hindi maaari. Alagaan mo sana ang sarili mo palagi... paalam," sa halip ay masuyo ang tinig na sagot nito.

Lumingon ako sa kung saan-saan upang malaman kung saan ba nanggagaling ang boses pero hindi ko matanto at matantiya ang eksaktong lugar.

"S-Sandali!" pigil ko na malakas ang tinig.

Ngunit walang tugon mula rito sa halip ay dumilim ang paligid ko, kasunod niyon ay may nakakabinging ingay akong narinig. Para akong mabibingi at mababaliw sa napakatinis na tunog na iyon. Kahit na tinakpan ko na ang tenga ko ay naroon pa rin, parang tumitining. Napakasakit sa tenga at tumutugon sa ulo.

Idiniin ko ang pagkakasapo ng kamay ko sa magkabila kong tenga, pero wala iyong epekto at walang naitutulong sa akin.

Halos mamilipit ako. Unti-unti ay nakaramdam ako ng panghihina at bumibilis ang pintig ng puso. Halos kapusin na rin ako sa paghinga.

D*mn it.

Ano ba iyon, bakit ayaw tumigil? Ano ba ang nangyayari? May iba pa bang tao? Nasaan na 'yung nagsasalita kanina? Bakit hindi ito magpakita para tulungan ako?

Nang hindi na ako makatiis pa ay pumikit ako nang mariin at sumigaw nang malakas upang maibsan sana ang nadarama kong hirap. Pati na rin nagbabaka-sakali na mayroong maaaring makarinig sa tinig ko upang tulungan ako sa ano mang posibleng paraan para mawala ang matinis na tinig at ang dilim.

"Caia!"

Habol ang paghinga na napadilat ako ng mata, medyo gumaan ang loob ko noong makakita ako ng liwanag at mawala na ang matinis na tunog, ngunit napamaang ako noong mapatingin ako sa puting kisame.

Hindi totoo. Panaginip na naman.

It was the same dream that I've been dreaming almost everyday.

"Caia!" malakas na tawag muli sa pangalan ko.

Kabaligtaran nung tinig sa panaginip ko na kay suyo.

Tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Manang Estela habang niyuyugyog ang balikat ko at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko. Tumigil lamang ito noong makita at matanto na nakadilat na ako habang nakuon ang mata rito.

"Salamat sa Diyos at nagising ka rin. Nananaginip ka ba nang masama?" tanong nito na maging sa tono ay hindi maipagkakaila ang pag-aalala.

Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok ko na naligaw sa noo.

Lumunok ako dahil sobrang tuyo ng lalamunan ko. Hindi ko magawang sumagot.

"Teka at ikukuha kita ng tubig," paalam nito, marahil ay napansin ang sunod-sunod kong paglunok.

Kahit na pinipilit ko pang pinapayapa ang paghinga ko ay nakuha ko namang tumango.

Bago ito umalis ay inalalayan pa ako nitong umupo. Nagpasalamat ako rito at tumuloy na rin ito, mabilis ang kilos na kumuha ito ng tubig.

Habang wala ito ay inayos ko naman ang sarili ko, kahit na bukas pa kasi ang aircon ay noon ko lang napansin na tagaktak pala ang pawis ko sa noo at leeg ko, sobrang init din ng pakiramdam ko.

Medyo nanghihina man ay pinilit kong tumayo, naghilamos ako at mabilisang pinunasan ko ang pawis ko bago nagpalit na rin ng damit.

"Mukhang masama ang naging panaginip mo," puna ni Manang noong makabalik at iniaabot sa akin ang baso.

Masama nga bang maituturing iyon, gayong tila ba binibigyan ako nito ng babala palagi? At parang kampi ito sa akin, kabaligtaran ng mga sinasabi nito ang nais ni Papa.

Hays. Hindi ko na alam.

Kaagad na tinanggap ko ang baso at uminom.

"Matagal kitang sinusubukang gisingin pero patuloy ka lang sa pag-ungol at biling-baliktad ang ulo. Akala ko ay hindi na kita magigising kanina," may pag-aalalang sambit nito bago hinaplos ang ulo ko.

Napatitig ako sa mukha nito.

Mukhang natakot ko pa ito at napakaba. Sa dalas ng panaginip kong iyon sa tuwina ay ito ang unang beses na inabutan ako nito sa gano'ng estado.

Ngumiti ako rito nang bahagya upang maibsan ang nararamdaman nito at ibinaba ang baso sa mesang maliit na nasa gilid ng kama. "Gising na po ako. H'wag na po kayong mag-alala pa, Manang," pagpapakalma ko rito.

Bumuntung hininga ito. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Hindi ako tumango, hindi rin sumagot nang diretsa.

Matipid lamang akong ngumiti.

Alam ko naman kasi sa sarili kong hindi ako maayos.

Paano nga ba akong magiging maayos gayong sa halos gigising ako ay sobra ang kabog ng dibdib ko at habol ang paghinga dahil sa panaginip na iyon na paulit-ulit?

Kung dati kasi ay hindi ganito kadalas ang panaginip kong iyon na parang totoong-totoo, ngayon ay halos araw-araw na nitong mga nakalipas araw.

Iisang panaginip. Tinig na alam ang pangalan ko. Tinig na laging nagpapaalala. Tinig na tila ba nag-aalala. Tinig na mukhang kilala ako nang sobra. At higit sa lahat ay tinig na walang mukha na maipakita.

Hindi ko maintindihan kung bakit ba iyon nang iyon na lamang ang napapanaginipan ko.

Kung para saan kaya iyon at ano kaya ang ibig sabihin niyon?

Marami naman sana akong puwedeng mapanaginipan, pero bakit iyon pa?

Sa tuwina tuloy, kapag nakawala na ako at nagising ay parang hinang-hina ako at pagod. Hindi ko tuloy mapigilang ma-curious sa tinig kaya gusto ko talaga itong hanapin.

Pakiramdam ko kasi ay hindi lamang ordinaryong panaginip iyon, para kasing totoong-totoo. Kung totoo man ang hinuha ko, gusto ko talaga itong makilala at mukhang dapat ko itong makilala.

Pero paano? Paano ko itong hahanapin gayong sa panaginip lamang kami nagtatagpo at ni hindi ko alam ang hitsura nito?

"Kung maayos ka na ay halika na sa labas. Kumain ka na at baka ma-late ka pa sa pupuntahan mo mamaya," pagyaya nito kapagkwan.

Napakurap ako at kinagat ang labi ko.

Muntik ko pang makalimutan na pupunta ako sa book signing na dadaluhan ko. Masyado kasing naging okupado ang isipan ko nitong mga nakaraan sa sari-saring isipin at nararamdaman.

Pinilit kong ipahinga muna ang isip ko at nagpahila kay manang, inakay naman ako nito hanggang sa komedor.

Nakahanda na roon ang pagkain at inumin kong gatas tuwing umaga.

Umupo ako. "Saluhan n'yo na po ako," hiling ko.

Umiling ito. "Panunuorin na muna kita. Parang namamayat ka. Hindi ka yata nakakakain nang maayos," puna nito at naglagay nang naglagay ng pagkain sa plato ko.

Nangiti ako at nagsimulang kumain. Ito naman ay binantayan nga ako sa bawat pagsubo. Hindi ko naman ito binigo at dinamihan ko ang kain na nais nito.

Pinagbigyan ko ito, ayoko kasing mag-alala ito sa akin. Ayokong dumagdag pa sa alalahanin nito, alam ko naman kasi na may mga sarili rin itong isipin at problema. Kaya nga kahit gustong-gusto ko nang sabihin dito ang tungkol sa panaginip kong paulit-ulit at kakaiba ay pinipigilan ko ang sarili ko... kahit pa na alam ko naman na dadamayan at mauunawaan ako nito.

Nagpaalam na ako rito noong makapag-ayos ako upang magtungo sa event na pupuntahan ko.

Habang nasa biyahe ako ay nakatanggap naman ako ng mensahe.

Timmy: Nasaan ka na? Ang sabi ni Manang ay umalis ka? Bakit hindi mo ako hinintay?

Nakagat ko ang labi ko at nasapo ang sariling noo.

D*mn. Sa dami yata ng iniisip ko ay nagiging makakalimutin na ako. Kanina, 'yung tungkol sa book signing, ngayon naman ay si Timmy.

Hays. I'm hopeless.

Nagtitipa ako upang mag-reply.

Me: Sorry. Nasa byahe na ako. Nawala sa isip ko na susunduin mo ako.

Katulad na nang inaasahan ko ay kaagad naman akong nakatanggap ng reply mula rito.

Timmy: It's okay. Doon na lang tayo sa venue magkita. Susunod na lang ako. Be safe, okay? I love you.

Napangiti ako.

Walang tanong at walang rant, kahit pa nga alam kong naabala ito at napagod. Sa halip na magalit ay cool lang ito.

Sa simpleng mga sinabi nito ay kaya nitong pakalmahin ang sistema ko at maibsan ang mga alalahanin ko. He's always been my medicine.

Me: I love you too, Timmy. See you. Be safe too, okay? Hihintayin kita.

Timmy: I will. I bet, mauuna pa ako sa'yo. Ikaw ang hihintayin ko.

Napanguso ako at hindi mapigilang mag-alala.

Me: Bad. Huwag kang mag-overspeeding. Magkikita rin naman tayo.

Timmy: Ayokong naghihintay ka sa akin.

Me: Tsk. Tigas ng ulo.

Timmy: I'll drive safely.

Me: Pasaway.

Timmy: I just don't want you waiting for me. Is that a bad thing? Mas gusto ko na ako ang naghihintay sa'yo para salubungin ka.

Napabuga ako ng hangin.

Totoo iyon. Ayaw na ayaw nitong naghihintay ako para rito. Sa mga lakad namin, kapag hindi kami magkasabay na makakapunta lalo na kapag hindi on the way ang lokasyon kung nasaan ako at tinatanggihan ko ang alok nitong susunduin ako ay palagi nitong sinisigurado na ito ang nauuna sa tagpuan.

Me: Sweet. Kaiyak.

Timmy: Hahahaha! Hindi man lang kinilig.

Timmy: See you, my lovely and my forever favorite author.

Napailing-iling ako bago napangiti nang maliit habang nakatitig sa mensahe nito.

Hindi na ako nag-reply pa, baka kasi nagda-drive na ito at maaksidente pa ito kung patuloy akong sasagot sa mga mensahe nito.

Magkikita at makakapag-usap rin naman kami maya-maya lang. Makakahintay ang mga sasabihin namin sa isa't-isa.