Chereads / Escape From Reality (Tagalog) / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

Caia's POV

I cannot help but to ask myself over and over… why is he wearing that thing?

Hindi pa kami ikinakasal! Hindi pa kami nanunumpa sa harapan ng Diyos at ng mga taong malalapit sa amin!

Lumunok akong muli.

Tumungo ito kapagkwan at may pag-iingat na inalis nito ang pagkakapatong ng kamay ko sa kamay nito.

Umawang ang labi ko dahil sa ginawa nito.

Namuo ang pangamba sa dibdib ko dahil sa hindi magandang ideya na biglang pumasok sa utak ko.

Napaka-unusual ng mga ikinikilos nito, sinasabi at higit sa lahat ay ang singsing nitong suot.

F*ck. Dumating na ba ang kinatatakutan kong mangyari? Ikinasal na ba ito sa babaeng gusto para rito ng pamilya nito?

Nahigit ko ang paghinga ko dahil sa sari-saring isipin at emosyon.

Kung iyon nga… alam ko namang kung papayag ito ay mangyayari ito, e. Palagi kasi nitong sinasabi sa akin ang tungkol sa bagay na iyon, pero f*ck, gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit hinayaan kong mangyari at dumating ito. T*angina, bakit kasi ipinagsawalang-bahala ko?

"I'm really sorry, C-Caia," basag ang boses na sambit na naman nito.

Itinikom ko ang bibig ko, binawi ko na rin ang kamay ko na naiwang nag-iisa sa ibabaw ng mesa at ipinatong na lamang iyon sa kandungan ko.

Inalis ko ang tingin dito dahil parang binibiyak ang puso ko sa nakikita kong ekspresyon nito at sa basag na tinig nito.

Pumikit ako nang mariin kapagkwan bago yumuko dahil ramdam ko ang panunubig ng mata ko.

Makalipas ang ilang sandali ay ikinuyom ko ang palad ko habang nakapatong pa rin ang mga iyon sa kandungan ko. Kumurap ako noong maramdaman ang pagpatak ng likido mula sa mata ko.

Nagsunod-sunod ang pagpatak ng luha ko at ramdam na ramdam ko ang bawat paglapat ng mga iyon sa ibabaw ng kamay ko. Hindi ko na makita kung gaano na ba kabasa ang kamay ko dahil sa mata ko na sobrang nag-uulap ngayon.

Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko at ang panginginig ng labi ko.

How I wanted to scream out and to let out different curses to ease or to lessen the pain.

Ngunit sa halip ay pinahid ko ang luha ko at pilit na tumawa nang mahina, kahit pa nga ang gusto talagang umalpas sa labi ko ay mga hikbi.

Lumunok ako ng ilang beses bago matapang na nag-angat ng tingin, sinalubong ko ang tingin nito na ngayon ay nakatuon na sa akin.

"B-Bagong bili mo? Ano 'yan? Nagpa-practice ka na ba para kapag i-ikinasal na tayo ay hindi ka na maninibago?" parang tangang tanong ko kahit na alam at ramdam kong nangyari na nga ang kinatatakutan ko.

Umiling ito at bumuntung hininga. "How I wish na gano'n na lang sana…"

Naitakip ko ang kamay ko sa mukha ko at doon sumubsob.

"I'm already married, Caia," pag-amin nito.

Hindi na ako nagulat pa sa narinig dahil kinumpirma lang naman nito ang iniisip ko.

"Baliw k-ka. Ang daming puwedeng ibiro bakit ito pa? Gusto mo bang sapakin kita? Hindi ka pa nga nagpo-propose at hindi pa tayo ikinakasal kaya paanong naging k-kasal ka na?" pilit na pagtanggi kong tanggapin ang katotohanan na naiisip ko lang kanina pero dito na mismo nanggaling ang pag-amin.

Hindi ito kumibo.

Hindi pa rin ako nag-angat ng mukha.

D*mn it. Sana ay isa lamang ito sa mga bangungot ko o  isa sa mga panaginip na hindi ko na dapat na matandaan kapag nagmulat ako ng mata. At dapat din ay magising na ako.

"Caia..." he called out.

"Cut the crap. Hindi ka na nakakatuwa, Timmy. Hindi nakakatuwa ang biro mo," sikmat ko rito.

He let out a sigh. "A-Alam ko, ako rin kasi ay hindi natutuwa. Hinihiling ko na lang na sana biro lang ang lahat ng ito. Ipinapanalangin ko na sana hindi na lang ito totoo. Na sana ay posible na ikaw pa rin at ako…"

Tumulong muli ang luha ko.

"Pero hindi na puwede, Caia."

Pinigil ko ang pagtakas ng hikbi at kinagat nang mariin ang labi ko.

"Mabilis ang mga pangyayari. Kaya nga kita tinatawagan nitong mga nakaraang araw at pilit kitang kinokontak, pero wala kang sinagot sa alinman doon. Gusto kong tumakas pero wala ka, hindi kita mahagilap. Ikaw ang gusto kong makasama at hindi siya. Ikaw lang, Caia."

D*mn it. Gano'n din ang nararamdaman ko. Ang sarap sanang marinig na ako lang ang gusto nitong makasama. Pero 'yung katotohanan na nagsusumigaw na pag-aari na ito ng iba? Hindi ko 'yun maaaring balewalain. Bakit ang sakit-sakit?

"Tumanggi ako. Ilang beses, p-pero hindi na ako nabigyan pa ng pagkakataon na tumakas at nanghina ako noong si Mommy na mismo ang nagsalita at kumausap sa akin. Tutol din siya sa desisyon at gusto ni D-Daddy para sa buhay ko pero hindi na raw niya kayang makita pa na lagi kaming nag-aaway. Si Mommy na ang nakiusap sa akin para sa ikatatahimik at ikakaayos ng p-pamilya namin. Ayoko sana, pero noong umiyak siya sa harapan ko mismo?" halata sa boses na naiiyak at nahihirapan na pagkukuwento nito.

Sumikip ang paghinga ko.

Kasalanan ko. Hindi na dapat ako umalis. Dapat ay tiniis ko na lang ang nararamdaman ko hanggang lumipas iyon. Hindi ko dapat ito iniwan.

But, this is too much, everything is too cruel.

Ano bang kamalasan ang mayroon ako? Hindi ko pa nga maayos-ayos ang gusot sa pagitan namin ni Papa, pinoproblema ko ang unti-unting pagkawala ng interes ko sa pagsusulat, 'yung panaginip na paulit-ulit na nagpapagulo sa isip ko tapos ito naman ngayon?

Umalis lang ako saglit upang makahanap sana kahit papaano ng kapanatagan tapos ganito ang babalikan at dadatnan ko? May daragdag pa pala sa sakit na dala-dala ko… mawawala rin ito sa akin. Bakit naman gano'n? Nasaan ba ang suwerte ko at tila tinakasan ako? Bakit isang bagsakan naman yata ang mga hindi magagandang pangyayari na dumadating sa akin? Bakit sabay-sabay? Kung kailan ang dami kong problema saka pa ito nangyari? At ang nakakainis at masakit pa sa lahat, kung nagawa kong ipaglaban noon ang pagmamahal ko sa pagsusulat, pero sa pagkakataong ito bakit hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon para ipaglaban ang taong mahal ko at ang pagmamahalan namin?

Pinalis ko ang luha sa pisngi ko bago nag-angat ng mukha at pinakatitigan ang kaharap ko. "Napagod ka ba sa a-akin? Masyado ba akong pasaway? Sumobra na ba ang pagiging suwail kong anak kay Papa? Iyon ba? Tell me… babaguhin ko, Timmy. Sabihin mo at babaguhin ko ang dapat kong baguhin. O baka naman kailangan nating kausapin ang pamilya mo? Harapin natin sila?" giit ko na parang hindi narinig ang pahayag nito.

D*mn. Wala na akong pakielam kung magmukha man akong desperada at tanga. Ang alam ko lang sa mga oras na ito ay ito ang nararapat at kailangan kong gawin.

Umiling ito. "Wala kang dapat na baguhin sa sarili mo, Caia. Nakalimutan mo na ba ang lagi kong sinasabi sa iyo? Mahal kita, mahal ko ang lahat-lahat sa iyo. Hindi mo kailangang isakripisyo ang tunay na ikaw para lang magustuhan o mahalin ka ng iba," malumanay na sambit nito.

He's right. Gustuhin ko man, bakit ko pa nga ba babaguhin ang sarili ko gayong hindi na kami pupuwede pa? Useless lang iyon dahil nakatali na ito sa iba.

"Mahal mo ako at mahal kita, p-pero bakit kailangan na magkaganito at mapunta ka sa iba?" mapait na tanong ko.

Hindi nakaligtas sa akin ang pagtulo ng luha nito na agad nitong pinalis bago ako nginitian na may kalakip na lungkot. "Mahal kita, Caia. Mahal na mahal kita. Alam mo at naipadama ko sa iyo iyon sa mga nakalipas na taon na magkasama tayo. Pero alam mo ba kung ano ang napagtanto ko recently?"

Napatitig ako sa mismong mata nito na sa tuwina noon kapag tinitignan ko ay nakakapawi ng mga alalahanin ko at lungkot dahil puno iyon ng sigla, saya at palaging may kislap, ngunit iba ngayon ang nakikita ko, malayong-malayo sa noon. Kahit anong pilit ang gawin kong hanap ay hindi ko na makita pa ang mga gustong-gusto kong nakikita na positibong emosyon na kayang lumarawan sa mga mata nito sa kung ano mang nadarama nito. Sa halip, kapansin-pansin na para bang pagod na pagod ang mga iyon, kapos sa sigla, malungkot at walang kislap.

"Na mahal ko rin ang pamilya ko—ang mga magulang ko. Na hindi ko pala sila kayang patuloy na saktan at biguin," dugtong nito sa sinasabi nito.

Gusto kong mapatawa nang pagak.

Kaya ano? Ako na lang ang pinili mong biguin at saktan ngayon?

Nanginginig na ipinagsalikop ko ang mga kamay ko sa aking kandungan.

Dismayadong-dismayado ang pakiramdam ko.

Tama naman ang sinasabi nito at ang naging desisyon nito bilang isang mabuting anak, pero bakit nasasaktan ako nang sobra? Pakiramdam ko ay sobrang talunan ako? Kahit na nga ang totoo ay hindi ko man lang ito naipaglaban at natapos ang laban na wala akong kaalam-alam.

Sinapo ko ang ulo ko gamit ang isang kamay ko na nanginginig pa rin.

"Alam kong disappointed ka sa akin. Pero patawarin mo ako dahil hindi ko na pala kayang ma-disappoint pa ang pamilya ko sa akin. Maraming pagkakataon ko na sa kanilang naipadama iyon sa mga naging desisyon ko sa buhay."