'Hera is the daughter of the man who abandoned him and made his life even heller than it already is.'
Iyan ang naglalaro sa isipan ni Lucas habang nakaupo ang lalaki sa bar counter at umiinom. Hindi alam ng lalaki kung ilang oras o araw na ba siya na roon. Ang gusto lang niya sa oras na 'yon ay ang uminom nang uminom hanggang sa makalimutan niya ang lahat ng nalaman niya sa araw na iyon.
Hindi ine-expect ni Lucas na sa lahat ng tao, bakit si Hera pa ang naging anak ng taong kinasusuklaman niya? Kahit na ilang taon na ang nakalipas, ang sakit na dinulot ng taong iyon ay nasa puso niya pa rin. Kahit kailan ay hinding-hindi niya malilimutan ang mukha at pangalan ng taong umabandona at mas lalong sumira sa kaniyang buhay.
All those years, he only not suffer because of his dad's cruelty but also because of that bastard's lies. Kung hindi lang siguro siya humingi ng tawad kay Mateo noon na kaniyang ninong at ang nag-iisang kaibigan ng kaniyang ina, hindi siguro magiging ganito ang kaniyang buhay.
Alam ni Lucas sa kaniyang sarili na walang kasalanan si Hera sa ginawa ng ama nito sa kaniya. But then, sa tuwing tinitingnan niya ang nakangiting mukha ng babae, hindi niya mapigilang makaramdam ng kakaibang lamig sa kaniyang batok.
Just the thought of Hera being that bastard's daughter already makes his heart trembled because of anger. Sa tuwing nakikita niya ang mukha ni Hera, hindi niya mapigilang maalala ang mga pinagdaanan niya dahil sa papa ng babae. When looking at her face who looks exactly as that bastard, he couldn't help but feel pain and anger at the same time.
He knows that Hera is innocent but what can he do? Everytime he looks at Hera's innocent smile, he couldn't help but feel traumatized. Ang inosenteng mukha ng babae ay kagayang-kagaya ng kay Mateo.
"T-tito, p-please help me and my m-mother," nanginginig ang boses na pakiusap ng sampung taong gulang na si Lucas sa kaibigan ng kaniyang ama at ang pangalawa na niyang magulang.
Sobrang sakit ng katawan ng batang si Lucas lalo na ang kaniyang mga binti dahil paulit-ulit na hinampas iyon ng kaniyang lasing na ama. Mabuti na lang at nawalan ito ng malay dahil sa sobrang kalasingan at nakatakas siya. Pagkalabas niya ng bahay nila ay roon niya nakita ang lalaki.
"Hmm? What's wrong Lucas?" marahan ang boses na tanong ni Mateo sa sampung taong gulang na si Lucas at nag squat sa harap ng batang lalaki para magpantay ang kanilang mga tingin.
Hindi na mapigilan ng sampung taong gulang na si Lucas ang umiyak dahil sa sakit na nararamdaman. Pakiramdam niya ay nagdudugo na ang mga sugat niya sa binti dahil sa sobrang hapdi at sakit.
"F-father is beating m-me again and also m-mother, please help us," the poor child begged. Maamo ang mukha na ngumiti lamang si Mateo. Ang inosenteng mukha ng may edad ng lalaki ay parang anghel sa paningin ng batang si Lucas.
"Don't worry, I'll help you, I promised."
That was what that bastard Mateo said to him in the past. Ang akala ni Lucas na tutulungan na siya ng lalaki ay hindi na tuloy. Imbes ay nagsinungaling si Mateo sa kaniyang ama. Dahil doon ay mas lalong naging malala ang kaniyang buhay.
Lucas felt so betrayed. Sa mga oras na iyon, napagtanto niya na demonyo ang lalaking iyon na nagtatago lang sa maamo at inosenteng mukha nito. That bastard who hide behind his angelic mask, there's no way he'll forgive him.
Kaya pala noon, noong una niyang nakilala si Hera, he felt like he have seen her face before. Nang malaman niya rin na magkapareho pala ng apelyido ang hayop na iyon at sa Hera, hindi niya iyon pinansin dahil alam niya na maraming tao sa bansa ang magkakapareho ang apelyido pero hindi naman nanggaling sa iisang pamilya.
He overlooked that fact and continued loving Hera. But then after learning the truth, he couldn't even bring himself to look at her. The pain and suffering her father had caused him was so great and traumatizing that up until now, he still couldn't overcome it. Perhaps, he was just a coward. Natatakot siya sa kaniyang nakaraan at hindi magawang labanan iyon.
He was still the same as the weak ten year old Lucas he used to be. Because of what he learned, the way he treated Hera changed. Kahit na ayaw niyang saktan ang babae, hindi niya mapigilan ang sarili. Sobra siyang nasaktan at pakiramdam niya ay pinaglalaruan lang siya ni Hera.
Maybe Hera was also the same as her father. He doesn't know. Gulong-gulo na siya at hindi alam ang gagawin. Kaya napagpasiyahan niya na umalis muna para makapag-isip-isip siya. But then, a text message suddenly come and it was from Bryle.
"We found your mother. I'm sorry dude, but she's dead already. She killed herself years ago."
The woman, who protect him when he was a kid and the woman who became harsh and cruel at him just so the two of them could survive was already dead. Ang kaniyang galit sa ama ni Hera ay mas lalong lumalim sa punto na hindi mapigilan damayin ni Lucas sa kaniyang galit.
Ilang taon na ba mula noong iniwan siya ng kaniyang ina mula noong mamatay ang kaniyang ama? Hindi na niya mabilang. Inutusan niya si Bryle na hanapin ang ina dahil alam ni Lucas sa kaniyang sarili na kagaya niya, nagdurusa rin ang ina at sinisisi ang sarili sa nangyari noon.
"M-mother! I-it hurts, please..." The poor ten year old Lucas cried and tried to ran away from her mother. Pero bago pa man siya makalayo ay mabilis na hinila siya ng kaniyang ina.
Nanlaki ang mga mata ng batang si Lucas sa takot ng makitang itinaas ng kaniyang ina ang kamay nito na may hawak na latigo. Her mother was crying while looking down at him.
"L-lucas my love... I-i'm sorry son," her mother cried and lashed him until he couldn't take it anymore and he passed out.
Hindi kagaya sa ibang mga bata na sa murang edad ay naglalaro ang mga ito at walang ibang emosyon na nararamdaman kung hindi ang saya, ang buhay ni Lucas noong bata pa siya ay malayo sa saya. Puro sakit lamang iyon at paghihirap.
Kagaya ng kaniyang ama, his mother began beating him too. Pero hindi kagaya ng kaniyang demonyong ama, may dahilan ang kaniyang ina kung bakit siya binubugbog nito. Everytime her mother tried to beat him, her father became pleased and happy.
Umuupo ito sa kanilang harap habang pinagmamasdan siya na binubugbog ng kaniyang ina. Because of her mother harrassing and beating him, misnan na lang siya saktan ng kaniyang ama. Mabuti na rin iyon dahil sa paraan na nasa ng kaniyang ina, kahit na pareho silang nagdurusa, they were still able to survive.
Pero dahil sa kasinungalingan na sinabi ng ama ni Hera, sobrang nagalit ang kaniyang ama sa punto na muntik na siyang mamatay. Ang kaniyang ina na nanginginig habang pinagmamasdan niya na sinasaktan at hindi nakatiis at kumuha ng patalim at pinatay ang kaniyang ama.
Sa wakas, ang tao na nagpahirap sa kaniyang buhay ay namatay na. Akala ni Lucas ay liligaya na siya dahil namatay na ang kaniyang ama, pero akala lang pala niya iyon. Hindi niya alam kung ano ang nangyari pero bigla na lang nagbago ang lahat at umalis ang kaniyang ina natapos siguraduhin ng babae na mapupunta sa kaniya lahat ang kanilang yaman.
Parang bula na naglaho ang kaniyang ina. That's why when he got the position on their company, kaagad na pinahanap niya ang kaniyang ina. He was so guilty and longing for her. In the middle of him looking for his mother, may natanggap siyang mensahe galing sa hindi kilalang numero.
"Don't look for me and continue living without any pain."
Kahit na walang pangalan iyon ay alam na ni Lucas na galing iyon sa kaniyang ina. Her mother wanted him to live without pain this time for all his life he's only been feeling pain. But then hindi niya sinukuan ang ina at hinanap ito.
Sa mga araw na nagtatrabaho siya para mas lalong mag bloom ang kanilang kompanya, he heard countless of rumors about him killing his own father. Pero wala siyang ginawa at hinayaan lang iyon. He continued living as a murderer in the minds of other people despite being a victim himself.
Lucas has always felt like he was lifeless and empty. Pero nang makilala niya si Hera ay nagbago ang kaniyang mundo. Pero kahit ganoon ay nagawa pa rin niyang saktan si Hera at kamuhian ito dahil nga sa dahilan na anak ito ni Mateo at sa pag-aakala na baka ay pinaglalaruan lang din siya nito. Naging kagaya siya ng kaniyang ama na kinamumuhian niya.
"Get lost!" malakas na sigaw ni Lucas kay Hera nang subukan na naman siyang kausapin ni Hera. Lasing na lasing siya at hindi alam kung ano ang ginagawa. Ang kawawang si Hera na naiiyak na sa takot ay dali-daling umalis.
Ang puso ni Lucas ay mas lalong sumikip habang nakatingin sa papalayong likod ng babae.
That's right, you should get away. Kung mananatili ka sa aking tabi ay baka mas lalo lang niyang masaktan.
Kahit na hindi gusto ni Lucas, ginawa niya ang lahat para layuan siya ni Hera. Ayaw niyang manatili pa si Hera sa kaniyang tabi dahil baka ay hindi na niya mapigilan ang sarili at magawan niya ito masama.
Tiniis niya ang sakit sa tuwing nakikinig siya sa mga iyak ng babae tuwing gabi. Sa tuwing tinitingnan niya ang mga mata nito na puno ng sakit. Tiniis niya lahat iyon dahil gusto niyang layasan siya ng babae. He became just like his father to save Hera.
Kahit na grabe ang galit niya sa ama ni Hera, ang katotohanan na mahal niya ang babae ay hindi pa rin magbabago.
Kaya hangga't nasa tama pa siyang pag-iisip, he wanted Hera to leave already before he finally loses it. But then after waking up and finding Hera nowhere to be found, pakiramdam ni Lucas ay namatay ang kalahati ng kaniyang buhay.
"W-why am I feeling like this? I-isn't this what I want?" nanginginig ang boses na tanong ni Lucas sa kaniyang sarili habang nakatingin sa walang laman na silid ni Hera.
Napaupo na lang siya sa kama ni Hera ay napasabunot sa kaniyang sarili. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya. Ito naman ang kaniyang gusto. Ang umalis si Hera pero bakit siya nasasaktan?
He wanted to see her already. He wanted to feel her presence. He wanted to hug her but he knows it's too late already. Nasaktan na niya ang babae at hindi na mababago pa iyon.
Walang nagawa si Lucas sa araw na iyon kung hindi ang magsisi sa kaniyang ginawa. Sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi. Tingin natin ang desisyon na ating ginawa ay tama pero sa huli ay ang desisyon na iyon lang din naman ang magpapahirap sa atin.
Ang kaniyang desisyon na saktan si Hera para lumayas ito ay siyang naging malaking pagkakamali na ginawa niya sa kaniyang buhay.
Pero kahit ganoon ay pinanindigan ni Lucas ang kaniyang desisyon. Hindi niya hinanap si Hera kahit na sobrang patay na patay na siya na hanapin ang babae at kunin ulit ito pabalik sa kaniyang mansyon. Ilang taon na ang lumipas pero hindi man lang alam ni Lucas kung paano siya naka-survive sa mga araw na iyon na wala si Hera sa kaniyang tabi.
"Dude, you need to relax. Take a walk," suhestiyon ng kaniyang kaibigan na si Vaughn sa kaniya nang makita siya ng kaibigan na nakahiga sa couch ng mansyon ng kaibigan na parang wala ng buhay.
Kahit na ayaw ni Lucas ay wala siyang nagawa kung hindi ang bumangon. Walang buhay na naglakad siya sa labas at sa bawat tao na kaniyang nadadaanan ay napapatingin ang mga ito sa kaniya.
Well it's understandable since he looks like hell right now. Sobrang haba na ng kaniyang buhok at may biguti na rin siya. Wala siyang ligo at ayos sa kaniyang sarili. Hindi niya pinansin ang mga bulong ng mga tao at basta na lang naglakad. Hinayaan ang kaniyang paa na dalhin siya kung saan.
Hanggang sa natagpuan na lang ni Lucas ang kaniyang sarili na nabangga ng isang batang babae na tumatakbo.
"Aww!"
"Hey, are you alright?" nag-aalalang tanong ni Lucas sa batang babae at inalalayan ito. Sa tingin niya ay nasa limang taong gulang iyon. Nakahawak ang batang babae sa noo nito at hinagod-hagod iyon. Pagkatapos ay tumingala ang batang babae sa kaniya.
"Yup mister! Hehe," the young girl giggled and smiled beautifully. Natigilan si Lucas at pakiramdam niya ay natuklaw siya ng ahas ng makita ang mukha ng batang babae.
Ang berde nitong mga mata at ang mukha na kagayang-kagaya ng sa kaniya noong bata pa siya. There's no way this child is…
Before Lucas could even think about something, a familiar voice was suddenly heard. That voice that he had been longing to hear for how many years.
"Luciana!" It was Hera.