Chapter 48 - KABANATA 47

Gulong-gulo ang isipan ni Hera habang nakatingin kay Lucas na walang malay. Maputla ang buong mukha nito at mainit, lalo na ang noo nito na para bang sinindihan. Nakahiga ang lalaki ngayon sa kaniyang couch dito sa bahay ng kaniyang kapatid na si Nathan. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya tinulungan ang tao na ito. She was supposed to abandon him just like how he abandoned her but then, herself just acted on its own.

Sa kalagitnaan nang pag yakap ni Lucas sa kaniya, bigla na lang itong nawalan ng malay sa gitna ng ulan pa talaga. At dahil mabigat ang lalaki at maliit siya na babae, nahirapan siya na dalhin ang lalaki papasok sa loob ng bahay. At dahil sobrang lakas ng ulan, sila tuloy dalawa ang basa ngayon.

"Ha... Now what should I do?" namomroblema niyang tanong sa kaniyang sarili at sinamaan ng tingin ang walang malay na si Lucas. They're both wet now and she doesn't know what to do with Lucas. Tumalikod na lang siya at nagpunta sa kaniyang silid para magbihis. Parang mamatay na siya sa sobrang ginaw.

Iniwan niya ang walang malay na si Lucas at pagkabalik niya ay may dala na siyang damit para sa lalaki. It's her brother's clothes. Medyo mas malaki ang katawan ni Lucas kumpara sa kaniyang kapatid. Mabuti na lang talaga at mahilig sa maluwag na damit si Nathan.

Tinitigan ni Hera ang lalaki. Medyo natuyo na ang damit nito. Basa pa rin ang buhok at nanginginig na ang katawan. Partikular na ang maputlang labi nito. Walang naging choice si Hera kung hindi ang lumuhod sa tabi ni Lucas. Napalunok siya at itinaas ang nanginginig na kamay. Hindi niya alam pero bigla na lang nag-init ang kaniyang pakiramdam.

It's not only her feeling but also her cheeks. It's starting to get hot. Her heart was pounding so loud to the point na tuluyan na nga niyang hindi narinig pa ang malakas na pagpatak ng ulan sa bubong ng bahay. All she could her was the sound of her beating heart. Pinahid ni Hera ang pawis na tumulo sa kaniyang sentido at pinakalma ang sarili.

"O-okay, calm down. I-it's not like it's my first time seeing Lucas' b-body..." she mumbled nervously to herself. Tumango-tango si Hera at nilakasan ang loob. Itinaas niya muli ang kaniyang nanginginig na mga palad. Her palms were cold and sweating. Hindi niya alam kung bakit ninirbyos siya nang ganito.

Hindi naman ito ang pinaka unang beses na nakita niya ang katawan ni Lucas. Sa totoo pa nga ay nahawakan at natikman na niya ang lalaki pero iwan niya ba. Parang bumalik siya sa dati kung saan ay hindi pa siya sanay na makita ang katawan nito.

Hera couldn't help but purses her lips up. Normal naman siguro na ganito ang kaniyang maging reaksyon. It's been what? Five years already? Sa loob ng limang taon na iyon, wala siyang kahit ni isang lalaki na inentertain.

"Y-yeah, it's normal..." she said to herself again and started her move. Hinawakan niya ang jacket ng lalaki at binaba ang zipper no'n. Lucas' black shirt welcomed her gaze. Hindi kagaya ng basang jacket nito, tuyo ang suot nitong panloob. All Hera could do is to let out a sigh of relief.

Parang aatakihin siya sa puso kanina. Just thinking about undressing the unconscious Lucas, it makes her head dizzy. Mabuti na lang talaga at may damit ito. Pero ang kaligayahan na kaniyang nararamdaman ay kaagad din na naglaho nang maalis na niya nang tuluyan ang jacket sa katawan ni Lucas.

Basang-basa pala ang panluod nito. Lalo na sa likod. Inis na napakamot na lang si Hera sa kaniyang ulo. Ang kaninang emosyon at nerbyos ay bumalik na naman sa kaniyang katawan. Walang naging choice si Hera kung hindi lumunok nang lumunok habang itinataas ang itim na damit ni Lucas.

Mas lalong nanuyo ang kaniyang lalamunan nang maalis na niya iyon. Good thing Lucas is unconditional right now. Kung nakikita siguro ng lalaki ang kaniyang pulang mukha ngayon na kasing pula ng kamatis ay baka namatay na siya sa hiya.

Pinahid ni Hera ang tumulong pawis sa kaniyang noo at mas binilisan ang ginawa. Nang sa wakas ay natapos na siya, pagod na napasalampak na lang siya sa sahig. It was a bit easy changing Lucas' upper clothes pero pagdating sa ibaba ay halos mawala na siya sa kaniyang sarili.

It was so difficult! Nakapikit siya habang bumababa ang pang-ibabang suot nito ay sinisigurado talaga na hindi niya masasagi ang nakabukol sa gitna ng mga hita nito.

Nang matapos na siya ay tumayo na si Hera ay nagpunta sa kaniyang silid para kumuha ng kumot. Kinumutan niya ang walang malay pa rin na si Lucas at nilagyan ng basang bimpo ang noo nito. While taking care of him, Hera couldn't help but reminiscing the past. If only faith was on their side, both of them wouldn't have suffered like this.

She still loves Lucas but forgiving him wasn't easy you know? She's willing to give him another chance if he'll just tell her the truth why he suddenly changed...

Sa mga sandaling iyon, pinili ni Hera na alagaan si Lucas kahit na gustong-gusto nang magpahinga ng kaniyang katawan. Inalagaan niya ang lalaki at nag-isip nang kung ano-ano hanggang sa bumaba ang temperatura ng katawan nito.

Tumayo mula sa pagkakaupo si Hera matapos niyang e check ang init sa katawan nito. Hindi kagaya kanina na sobrang init ng lalaki, ngayon ay medyo okay na at hindi na nakakapaso. After how many hours of taking care of him, she's finally able to rest. Hera let out a long yawn and stretch her muscles.

Medyo nanubig ang kaniyang mga mata dahil sa ginawang paghikab. She can also feel her body slowly losing its energy to move. Kaya bago pa man siya bigla na lang mag blackout dito sa sala, napagpasiyahan ni Hera na magpunta sa kaniyang silid. But before she could do that, a warm hand suddenly wrapped around her wrist.

"H-hera..." it was low and really weak voice. Napalunok si Hera nang paulit-ulit at dahan-dahan na humarap ulit kay Lucas. Gising na ang lalaki. His eyes were still half close but he's definitely conscious and wide awake. Tinatagan ni Hera ang kaniyang puso at nagsalita.

"Y-you suddenly lost consciousness earlier. You need to stay here for the whole night since it was still raining outside," she said casually and stared at him. Walang naging reaksyon ang mukha ni Lucas sa kaniyang sinabi. Blangko pa rin iyon. Imbes na magsalita ay hinigpitan lang nito ang pagkakahawak sa kaniya.

"After this... Will you throw me away again?" Napatikom siya ng kaniyang labi at hindi alam ang isasagot. Kalahati sa kaniya ay gusto nang makipag-isa kay Lucas at pag-usapan ang lahat pero may parte rin sa kaniya na natatakot.

He's sick right? What if his sickness got into him again? Will he beat her again too?

Nang hindi magsalita si Hera, napagpasiyahan ni Lucas na bumangon. Kahit na sobrang bigat ng kaniyang katawan at masakit ang kaniyang ulo na para bang pinupukpok iyon, tiniis lahat ng lalaki ang nararamdaman at umupo sa couch na. Hera was still standing in front of him kaya hinila niya ang babae paupo sa kaniyang tabi. Bubulyawan na sana siya ni Hera pero mabilis na pinutol niya ang babae.

"Can… Can I tell you something?" he asked, still feeling lifeless.

"H-huh?"

"The reason why I suddenly left you after we went to your father's grave. I know it's already too late but…"

I felt like I needed to tell it to you…

Lucas continued inside his mind. Between the two of them, Lucas knows too well that Hera deserves to know the truth. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang niyang naisipan na sabihin iyon sa babae. Hindi niya mahanap ang sagot.

Hera became silent. Kinuha ni Lucas ang pagkakataon na iyon para e kuwento kay Hera ang lahat. At habang siya ay nag k-kuwento ramdam na ramdam niya ang sakit sa kaniyang puso. But then seeing how Hera cried, he couldn't help but feel comfort and love for the first time after five years.

"W-why are you telling me this now?! You could have told me earlier!" galit na sigaw ni Hera sa kaniya at pinagsusuntok ang kaniyang dibdib. Malungkot na napangiti na lang si Lucas.

He honestly didn't expect her to react this way. He thought Hera might not care if he told her the truth, but her reaction was actually opposite to what he had expected.

"I'm sorry…" Mas lalo lang nagalit si Hera sa sinabi ni Lucas at mas pinagsusuntok ang matigas na dibdib nito. Hindi ininda ni Hera ang sakit sa kaniyang mga kamao. Galit na galit siya ngayon. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman.

"I can deal with you punching me like this but you need to stop now Hera, you're hurting yourself."

Hinuli ni Lucas ang kaniyang kamay at hinila siya para sa isang mahigpit na yakap. Hindi na nag matigas pa si Hera at niyakap nang mahigpit ang lalaki. Her heart is shaking painfully for him. Nasasaktan siya. All her life, she has been questioning him. Now, she couldn't help but regret.

Ganoon ang kanilang posisyon hanggang sa kumalma ang puso nilang dalawa. Nakasandal ang ulo ni Hera sa matigas na dibdib ni Lucas. After he told her everything, pakiramdam ni Hera ay bumalik sila sa dati, but still…

"I'll win you back again…" Lucas murmured and slowly kissed the top of her hair. Nagsimulang uminit ang kaniyang pisngi dahil doon.

"Don't be mistaken, I didn't forgive you yet…" namumula ang pisngi na wika ni Hera pagkatapos nilang mag-usap ni Lucas. Sumilay ang isang ngiti na ilang taon na niyang hindi nakita sa guwapong mukha ni Lucas. Mas lalong kinilig ang kaniyang puso dahil doon kaya hindi niya napigilan ang sarili at binaon ang ulo sa matigas na dibdib nito para itago ang namumulang mukha.

"I know… I'll wait, Hera." Hera could only pursed her lips up. She really can feel that Lucas was being sincere here. Ramdam na ramdam niya talaga na pinagsisihan ng lalaki ang ginawa nitong pananakit sa kaniya. Tao lang din si Lucas at kung sino mang tao siguro ang nasa sitwasyon nito noon, siguro ay madadala rin ang taong iyon sa galit.

But what's important here is that they both decided to move forward. Although, may parte pa rin sa kaniya na hindi pa kayang tanggapin si Lucas at hindi magawang ibukas ulit ang sarili sa lalaki, alam ni Hera na darating ang araw na tuluyan na niyang mapapatawad ang lalaki.

After all, the two of them were just victims of abuse and harassment from the people they both considered as their family. Though their circumstances were different, the pain and sufferings are partly the same. Totoo nga siguro ang sabi nila. Na walang ibang makakaintindi sa 'yo kung hindi ang tao lang na may katulad na karanasan sa buhay ng sa'yo.

Sa gabing iyon ay sa iisang silid sila ni Lucas natulog. Pero syempre ay hindi niya katabi ang lalaki. She still trembles everything the thought of her and Lucas sharing the same bed crossed her mind. Naalala niya ang nangyari noon. Lucas noticed that she's trembling kaya ito na ang lumayo at sa sahig matutulog.

"S-sigurado ka ba na diyan ka lang?" nakangiwi niyang tanong kay Lucas. Tumango lang ang lalaki sa kaniya at kinumutan ang sarili. Hera could only let out a sigh. Kahit na hindi naman siya nagsalita kanina, parang alam na ni Lucas na hindi siya komportable. It is as if he reads her mind without her telling a single word.

Ito na ang bumaba. Nanahimik ulit ang buong silid at ang paghinga lang ng isa't-isa ang kanilang naririnig. Kanina pa tumigil ang ulan kaya natahimik ulit ang buong lugar. Dahil sa katahimikan, ang kaninang antok na kaniyang nararamdaman ay bumalik. Naging mabigat ang talukap ng kaniyang mga mata.

Before Hera closes her eyes, a thought suddenly crosses her mind.

Now that everything has been solved, si Chantal na lang. Hindi niya alam kung paano ipapakilala si Lucas sa anak.

Dinala ni Hera ang problemang iyon sa kaniyang pagtulog. Kinaumagahan, nagising siya dahil sa mahinang hagikgik. Napamulat siya ng kaniyang mga mata at napatangin sa kung saan nanggaling ang mahinang tawa na iyon.

Her heart pounded because of the sight that welcomed her. Lucas was still laying down on the floor with her daughter, Chantal above him. Naglalaro ang dalawa at nagtatawanan. Napaawang na lang ang kaniyang labi at hindi alam ang magiging reaksyon.

Those two, just when did they become so close?