Chapter 49 - KABANATA 48

"Hmm..." Lucas couldn't help but groaned softly when he felt like someone was pulling his cheeks in a violent way. Dahan-dahan na minulat niya ang kaniyang mabigat na mga mata. Kahit na uminom na siya ng gamot kagabi, hindi pa rin siya tuluyan na gumaling at medyo masakit pa ang ulo. Pero mabuti na rin na ganito kaysa naman sa sobrang init ng kaniyang katawan.

"Ah, you're awake."

Muntik na siyang atakihin sa puso nang pagkamulat niya ng kaniyang mga mata ay may isang maliit na tao ang sumalubong sa kaniyang paningin. Nakaupo ito sa kaniyang katawan at titig na titig sa kaniya. Na para bang inoobserbahan nito ang kaniyang mukha. Nang makilala ni Lucas kung sino ang taong ito na nasa kaniyang katawan, kaagad na pinakalma niya ang kaniyang sarili.

Taas baba ang kaniyang dibdib at sobrang lakas nang pagtibok ng kaniyang puso. Ang kaninang inaantok pa niyang katawan ay biglang nabuhayan dahil doon. After how many years, ngayon lang ulit siya nagulat nang ganito. At ang dadalhin ay hindi lang basta-bastang tao. It was his daughter, staring darkly at him as if she finds him unpleasant.

"Who are you? Chantal haven't seen you before," masungit na wika ng limang taon gulang na batang babae sa kaniya. Napangiwi na lang si Lucas dahil sa ekspresyon ng anak. Her expression doesn't look friendly at all. Does she find him unpleasant? Kaya pala grabe na lang ito makahila sa kaniyang pisngi na nagpagising sa kaniya. His cheeks were still throbbing.

So her name is Chantal and it wasn't Luciana?

Tinitigan ni Lucas ang anak. Hindi niya alam kung bakit nandito ito. Mukhang alas singko pa ng umaga. Wala naman sinabi si Hera tungkol kay Chantal kagabi. Sila lang din naman dalawa ni Hera kaya ang nasa isip niya ay wala ito. But then, their daughter was here. So close to him.

Hindi mapaliwanag ni Lucas ang kakaibang emosyon na bumalot sa kaniyang puso. Kung inoobserbahan niya ang anak, ganoon din ito. They look really so much like each other. Pero ang kaibahan lang ay mukhang masungit ang kanilang anak na babae. Her cute chubby cheeks were so red and she was pouting, as if she's trying to hold something.

Naiilang na si Lucas sa mga titig nito kaya magsasalita na sana siya pero mabilis na pinutol siya nito.

"You have the same face as Chantal. I hated it!" Parang sumabog na ang kinikimkim nito at sinabi na sa kaniya. Napaawang na lang ang labi ni Lucas.

"M-mom told Chantal that I'm unique! B-but…"

Hindi mapigilang mataranta ni Lucas at napabangon nang magsimulang umiyak si Chantal. Kaagad na hinawakan niya ang maliit na mukha nito at pinahid ang walang humpay na pagtulo ng masasaganang luha sa pisngi nito.

"H-hush now, we don't have the same face." Kahit na ayaw sabihin iyon ni Lucas ay napilitan na lang siya. Does their daughter really dislike having the same face as his? Somehow, hindi niya tuloy mapigilang masaktan at gustong magmukmok, pero dahil matanda na siya, hindi na bagay iyon sa kaniya.

Kung ano-ano lang ang sinabi ni Lucas kay Chantal para lang tumahimik ito. Nang balingan pa kasi niya ang kama, tulog pa si Hera. At dahil palaging naiiwan ang kambal na anak ng kaniyang kaibigan sa kaniya, hindi na ito ang unang beses na nagpatahan siya ng bata.

"Y-you're lying mister! Mom will be mad!" segunda naman ng kaniyang anak at medyo napalakas pa ang boses. Mas lalo tuloy siyang nataranta dahil doon. Paano na lang kung nagising bigla si Hera at maabutan na ganito ang kanilang sitwasyon? Baka ay hindi na nga siya mapatawad ng babae.

Mabilis na tiningnan ni Lucas ang natutulog na si Hera at nang makitang hindi ito nagising, napabuntong hininga na lang siya. Noong nagpapatahan siya sa kambal na anak ng kaniyang kaibigan, he never find it hard but right now, calming his own daughter is so hard.

"O-okay, C-chantal will believe what you said…" mahinang wika ng kanilang anak at tumigil na sa pag-iyak. Napangiti na lang si Lucas at pabagsak na humiga. After how many minutes of trying to stop his own daughter from crying, she finally stops. Kung ano-ano lang ang kaniyang sinabi. Hindi nga siya makapaniwala na napaniwala niya ito. Pakiramdam ni Lucas ay nawalan siya ng sampung taong lifespan dahil sa sariling anak.

"What's your name, mister?"

Napatingin si Lucas sa anak nang tanungin siya nito. Nakatingin din ang limang taong gulang niyang anak sa kaniya na may kakaibang kislap sa mga mata nito. Chantal has the same face as if but her eyes were the same as Hera. Hindi namana ng kaniyang anak ang kaniyang berdeng mga mata. But it's fine for him though.

Their unique deep set of green eyes are the trademark of Whitfield. Anyone, especially first-born is normally born with green eyes. Mukhang hindi iyon nakuha ng kaniyang anak, but still. Hindi naman din iyon kawalan para sa kaniya. Ever since he first saw Chantal, he already loves her and accepted her for who she is.

"I'm Lucas…" pagpapakilala niya sa kaniyang sarili sa anak. Lucas doesn't know why but he felt something ticklish inside his heart. Hindi niya rin magawang tawaging kilig o kaligayahan iyon dahil kakaiba iyon sa kaniyang pakiramdam.

Ngumiti nang malapad si Chantal. Ang mukha nito ay parang anghel na bagong silang lang. Hindi kagaya kanina na sobrang sungit ng ekspresyon nito, ngayon ay parang hindi na makabasag pinggan sa sobrang bait at inosente.

"And I'm Luciania Chantal. Isn't my name pretty?" she asked giggling. Lucas couldn't help but grin and nodded his head. Sumasang-ayon sa sinabi ng kaniyang anak.

"Indeed, it's pretty just like the owner," he replied, smiling softly. He never really smiled so softly like this towards other people. Kay Hera lang at kay Chantal. He guess, this soft personality of him is only exclusively for Hera and their daughter only.

After what he said, Chantal looks like she was taken aback. She then puffed up her cheeks. Mas lalong naaliw si Lucas habang nakatitig sa mukha ng anak. Para na itong isang pufferfish dahil sa nakalubong pisngi nito. Gusto niyang kurutin iyon pero pinipigilan niya ang sarili. Nag-iwas ng tingin si Chantal sa kaniya.

"Mister looks handsome…"

Nanlaki ang mga mata ni Lucas at mas lalong naaliw dahil sa narinig.

"Really?" he asked, amused. Kitang-kita ni Lucas kung paano namula ang matabang pisngi ni Chantal. Lucas already knows that he's handsome but hearing it directly at the mouth of his own daughter still hits different.

"Yes…"

Lucas could only laughed after hearing his daughters shy response. Hindi na niya napigilan ang sarili at nanggigigil na pinisil ang magkabilang pisngi nito. Mahina lang dahil baka ay masaktan niya ang anak.

"O-ouch, ish hursh mishter." Binitawan ni Lucas ang pisngi ng anak at natatawang napailing-iling na lang. His daughter was so cute to the point that his heart couldn't help but throbbed. May ganito ka cute ba talaga na bata ang nabubuhay? Sa tingin niya ay ang anak lang nila ni Hera ang pinaka cute sa buong mundo.

Lucas and his daughter talks about different things. More like, tinatanong lang siya nang kung ano-ano nang kaniyang anak. She seems curious about him and so, he replied to her every question with a smile. Hanggang sa sabay sila ni Chantal natigilan nang marinig ang boses ni Hera.

"C-chantal, baby? H-how are you here already?" nauutal na tanong ng kagigising lang na si Hera. Namimilog ang mga mata nito at sobrang gulo ng buhok. But nevertheless, she was still as stunning as ever.

"Momma!" Chantal exclaimed and immediately get off from Lucas. Umakyat ito sa kama at mahigpit na niyakap siya.

"Chantal misses you so much!" Niyakap ni Hera pabalik ang anak at napatingin kay Lucas na nasa ibaba. Nakatingin din pala ang lalaki sa kanila at may kakaibang kislap sa mga mata.

"Momma misses you too. Did you come back here with your papa?" Nang dahil sa huling salita na kaniyang sinabi, nakita niyang nawala ang kislat sa mga mata ni Lucas at naging blangko ang buong mukha. Hera wanted to immediately explain. Ayaw niyang may maisip na iba si Lucas pero dahil may kailangan pa siyang itanong sa anak, hindi na muna niya iyon pinansin.

"Yes! Papa said to Chantal that we must go home because you're alone, that's why we are here!" pag k-kuwento nito. Tumango-tango lang si Hera. Wala namang text or tawag ang kaniyang kapatid. Mukhang gusto pa ata siyang supresahin ng dalawa. May gusto pa sa nang itanong si Hera sa anak pero nang maramdaman ang mga titig ni Lucas ay napatigil siya.

"A-ah, si N-nathan ang tinutukoy niyang papa…" Kahit na wala namang sinabi si Lucas, pakiramdam ni Hera ay dapat na magpaliwanag siya. Ang madilim na mukha ni Lucas ay kaagad na lumiwanag dahil sa kaniyang sinabi. Hera could only let out a sigh of relief because of it.

"By the way mommy, why is mister in your room?" Both Hera and Lucas turn stiff after hearing Chantal's words. Napaawang ang labi ni Lucas habang siya ay nataranta na. Humiwalay siya sa anak at napatingin kay Lucas bago sinagot ang tanong nito sa nauutal na boses.

"A-ah, that's…" Hindi mahanap ni Hera kung ano ang isasagot sa anak. Chantal was looking both at her and Lucas with curious and innocent eyes. Napakagat na lang si Hera ng kaniyang labi. She doesn't have any idea of how to introduce Lucas to Chantal!

In the past years, Chantal has never looked for her father. At hindi niya rin alam kung bakit. Chantal is a bright kid compared to kids her age. Nagtaka nga siya noon pero hindi na lang niya pinansin dahil mas okay na rin iyon na hindi nag hanap si Chantal ng papa. She didn't realize it before but right now, it's actually troublesome.

"Is he my father?" Matalinong bata si Chantal, at alam niya iyon pero sa ganitong sitwasyon, hindi niya naisip na maiisip iyon ng anak. Chantal is still five years old. Kahit sino sigurong magulang ay magugulat.

"Yes, he is…" malamyos pero kabado ang boses na sagot ni Hera. Hindi nagsalita si Chantal. Imbes ay gumalaw ito ay nagtago sa kaniyang likod. She can feel her daughter's hand grip on her nightdress.

"Chantal?" she called her name, confused at her actions.

"Chantal's shy, mommy…" Mas lalong kumunot ang noo dahil doon. Tatanong na sana kung bakit nang ilapit ng anak ang bibig nito sa kaniyang tainga.

"Chantal shouted at him earlier…"

Nanlaki ang mga mata ni Hera kasabay nang mas lalong pagpula ng buong mukha ng kaniyang anak. Niyakap siya nito at binaon ang mukha sa kaniyang likod para hindi niya makita ang mukha nito. Hindi napigilan ni Hera ang sarili at tumawa nang malakas.

Si Lucas, na kanina pa tahimik ay umupo sa kama katabi nila.

"What did she say?" kuryusong tanong ng lalaki. Ngumiti si Hera.

"She said she's shy since she shouted at you earlier." Natigilan si Lucas pagkaraan ay natawa rin ito. Tumagal iyon ng ilang minuto hanggang sa napagpasiyahan ni Hera na iwanan muna ang dalawa para mag-usap. Pumasok siya sa banyo ng silid at naghilamos.

On the other hand, Lucas and Chantal was looking at each other. Para bang nasa isang staring contest silang dalawa. No one was backing out. Kung kanina ay nahihiya si Chantal, ngayon ay palaban na. Naiilang na napakamot na lang si Lucas sa kaniyang sentido.

"I-i'm sorry for showing up late," Hera heard Lucas apologized sincerely.

Nakatayo siya ngayon sa likod ng nakasarang pinto. Wala naman talaga siyang plano na makinig sa usapan ng mag-ama pero hindi niya napigilan ang sarili.

"It's fine, daddy…" Hera couldn't help but feel amazed because of her daughter's fighting spirit. Parang wala lang talaga sa anak na ngayon lang nagpakita si Lucas. Hera continued to listen more.

"Don't leave us again daddy… Chantal doesn't want mommy to cry again during the night."

Nagulantang si Hera dahil sa narinig. Para siyang natuklaw ng ahas at hindi makagalaw.

Just what did she hear?

"Chantal didn't look for you in the past because it will only hurt mommy…" her daughter continued and as Chantal speak, pakiramdam ni Hera ay unti-unting nadudurog ang kaniyang puso. Hanggang sa hindi na niya nakayanan at napaiyak na lang siya.

Kaya pala hindi ito naghanap noon… Chantal, her daughter, just what did she do to deserve a daughter like her?

In the whole time that Lucas and Chantal was having a conversation, Hera was feeling different emotions the whole time. Hanggang sa natapos ang dalawa at lumabas na siya, hindi pa rin tapos ang dalawa. Hinayaan lang niya ang mga ito dahil ramdam niya na excited at masaya si Lucas at Chantal.

Lumabas na lang si Hera at kinausap ang kaniyang kapatid na si Nathan.

"Daddy, look at these people. They are looking at us," Chantal giggled. Kasalukuyan na gumagala sila ngayon. Nasa gitna nila ni Lucas si Chantal. Nakahawak sa kanilang kamay. Hera smiled at her daughter.

"It's because you're beautiful, baby." Nag ningning ang mga mata ni Chantal matapos marinig ang kaniyang sinabi.

"Hehe, mommy's even more beautiful!"

Lucas, who was listening to the whole conversation butted in.

"Both of you are beautiful in my eyes." Napatitig na lang si Hera kay Lucas. Alam ni Hera na sobrang corny no'n pero hindi niya pa rin mapigilan na kiligin.

"B-bolero." Natawa si Lucas nang mautal siya.

"I'm not, I'm just telling the truth Hera…" Lucas' golden orbs glistened. Hera felt like she was captivated by his green eyes. Mabilis na nag-iwas siya ng tingin kay Lucas.

It's been a week already yet Hera felt like it's already a year. Nagkaayos na sila ni Lucas pero syempre, hindi pa rin sila bumabalik sa dati. She still felt scared of him and doubt him a bit but she knows it will fade in the future. Hindi lang talaga sa ngayon.

Buong oras na gumagala sila, masasabi ni Hera na iyon na ang pinakamasaya. Nang makauwi na sila galing sa pamamasyal, nakatulog na si Chantal sa kaniyang bisig. Si Hera ang unang bumaba sa kotse ni Lucas habang dala-dala ang anak.

"Hera wait, let me carry Chantal," pigil ni Lucas sa kaniya. Mabilis na umiling si Hera.

"No it's fine," tanggi niya at naglakad na. Ganoon na lang ang pagkabog ng puso ni Hera nang madulas siya. Mariin na pinikit niya ang kaniyang mga mata at mahigpit na niyakap ang anak. Hinintay niya na bumagsak ang katawan pero imbes na simento, isang matigas na katawan ang sumalo sa kanila.

"Fuck…"

Hera immediately opened her eyes and found Lucas lying on the ground. Sinalo siya ng lalaki.

"L-lucas!" Her called out his name in horror when she saw blood dripping down from his handsome face.