Chapter 45 - KABANATA 44

"Nathan, nandito ka pala," masayang wika ni Hera sa kaniyang kapatid na lalaki. Ngumiti ito sa kaniya at kaagad na kinarga ang kaniyang anak na nakadipa ang mga braso. Gustong magpakarga sa kaniyang kapatid. Kaagad na binuhat naman ito ng lalaki at pinagbigyan ang kagustuhan ng kaniyang anak na si Chantal.

"Na miss mo ba ako ha? Chantal namin," Nathan said while smiling brightly and began kissing Chantal's cheeks. Napahagikhik ang limang taong gulang na anak ni Hera dahil sa kiliti na dala ng mga halik ni Nathan. Chantal giggled and put her small hands on Nathan's mouth to stop him.

"Yes papa! Chantal misses you." Napailing-iling na lang si Hera sa sobrang sweet ng dalawa sa kaniyang harap. Nilampasan niya ang mga ito at nauna nang pumasok sa loob ng bahay ng kaniyang kapatid. They're currently on her brother's house. Nagpunta lang sila dito dahil nga na m-miss na ng kaniyang ina at mga kapatid ang kaniyang anak.

"Oh Hera, nandito na pala kayo," marahan ang boses na saad ng kaniyang ina. Nakaupo ito sa sofa ng sala at nanunuod ng palabas. Lumapit siya sa may katandaang babae at hinalikan ang pisngi nito.

"Yes ma, medyo natagalan lang kami dahil kay Chantal..." pag k-kuwento niya sa ina. Umupo siya sa tabi nito at pagod na sinandal ang kaniyang likod sa backrest ng sofa. When the soft cushion hits her back, she couldn't help but sighed in relief. Finally, she can now rest.

"What? Why? May nangyari ba?" takang tanong ng babae kay Hera. Walang nagawa si Hera kung hindi sabihin sa ina ang nangyari kanina. Kitang-kita ni Hera kung paano namilog ang mga mata ng kaniyang ina matapos marinig ang kaniyang sinabi.

Napabuntong hininga na lang siya at hinanda ang sarili sa panibagong leksyon na maririnig galing sa kaniyang ina.

"What?! You should be careful Hera! What if you didn't see your daughter? Chantal might get kidnapped!" her mother uttered hysterically. Hera couldn't help but pout her lips. She knows it is her fault already. And besides, it won't happen again.

"Don't worry mom, we won't see that guy again," pagpapakalma niya sa kaniyang ina na taas baba ang dibdib dahil siguro sa mga emosyon sa puso nito. Mahinang tumango lamang ang kaniyang ina. Hindi mapigilang mapangiti ni Hera at tumingin sa screen ng tv.

Everything still felt so unreal to her. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya masanay-sanay na nag-aalala ang kaniyang ina sa kaniya at sa kaniyang anak. Mag d-dalawang taon na mula noong nagkabati siya ng kaniyang pamilya pero kahit ganoon ay hindi pa rin naging panatag si Hera.

The pain and sufferings they caused in the past made her put a wall on her heart. Kahit na kasama niya ang mga ito sa bahay, palaging nakakausap at parang pamilya na talaga, she still keeps her distance on them somehow. Alam ni Hera na napapansin ng mga ito ang kaniyang pilit na hindi mapalapit sa mga ito. Hindi naman nila siya masisi dahil sila lang din naman ang dahilan kung bakit hindi niya magawang magtiwala at buksan ang kaniyang puso para sa mga ito.

Though their relationship right now is better compared to in the past. Mas mabuti na rin ito kaysa naman sa magkasakitan naman sila 'di ba?

Mag dadalawang taon na pala simula noong nalaman niya ang katotohanan tungkol sa kaniyang ina at ama. When she first learned about it, she couldn't help but sympathize her mother but then, no matter how shitty her past is, treating a person who doesn't have anything to do with it is a cowardly thing to do.

Nagalit si Hera sa kaniyang ama. Kaya pala palaging sinasabi nito sa kaniya na intindihan ang ina dahil na g-guilty siguro ang kaniyang ama sa kahayupan na ginawa nito. That's why he always told her when she was still a child to always understand her mother. Since he want her to bare the punishment of his sin.

At dahil sa nakaraan na iyon, pilit na kinalimutan na lang ni Hera ang mga nalaman at namuhay ng payapa. She doesn't want her life to be in trouble and full of pain, especially now that she has a daughter already. She wanted to give her daughter, Chantal, a life that wasn't full of pain and sufferings.

"By the way ma, aalis na pala kami bukas. Bukas na kami lilipat sa bahay na binili ko," basag ni Hera sa katahimikan. Napakurap-kurap ang kaniyang ina dahil sa kaniyang sinabi. Halata sa ekspresyon ng matanda na nalungkot ito.

Her mother, and her sister is living together with her brother Nathan. Napatawad na niya ang mga ito kaya naging ganito na ang kanilang relasyon pero dinidistansya pa rin niya ang kanilang sarili at ang anak. Pero dahil napalapit si Chantal sa mga ito ay wala siyang nagawa kung hindi ang makita rin ang mga ito palagi.

Silang tatlo ang nakatira rito dahil patay na ang kaniyang stepfather mag t-tatlong taon na ang nakalipas. Bumalik daw kasi ang sakit nito. Hindi na rin siya nag tanong kung bakit dahil hindi naman siya interesado.

"Ganoon ba?" malungkot na tanong ng ina. Tumango si Hera. Nalulungkot ito dahil alam ng kaniyang ina na baka ay hindi na ulit sila magkita dahil malayo ang bahay na kaniyang binili. Puwede naman silang bumisita sa kanila sa hinaharap.

Even though she's keeping her distance from them, she still let's her daughter Chantal experience having a grandmother, auntie and uncle beside her.

Pagkatapos no'n ay hindi na agad nasundan ang kanilang pag-uusap. Nagpunta na lang si Ann sa guest room na kanilang tinutulugan para magpahinga.

"Hey, here's the clothes you asked me." Napatigil si Lucas sa pag-iisip at napabaling sa pinto ng sala. Sumalubong sa kaniya ang kaibigan na si Vaughn. May dala-dala itong paper bag. Sa gitna ng paper bag ay may malaking logo ng isang sikat na make clothing brand sa bansa.

Tumayo si Lucas mula sa pagkakaupo at kinuha ang paper bag na inabot ng kaibigan. Tiningnan niya ang laman no'n. Pagkatapos ay sinalubong ang mga tingin ng kaibigan.

"Your forgot something," Lucas said coldly when he noticed something. He slowly stretched his hand towards his friend. Tumaas ang kilay ni Vaughn dahil do'n.

"What?" Vaughn asked and acted like he was innocent. Inis na napa buntong hininga na lang si Lucas. Kung hindi lang siguro niya kaibigan ang lalaki na nasa kaniyang harap ngayon ay baka kanina pa niya ito nasapak dahil sa inis. He really doesn't like it when he talked to people who acted dumb and stupid like this guy.

"Seriously, you're short tempered as ever." Napailing-iling si Vaughn at may kinuha sa bulsa nito. Isa iyong nakatuping papel at binigay sa kaniya.

"You owe me with this." Lucas just shrugged his shoulders and open the folded paper. Naramdaman niyang umalis si Vaughn kaya naiwan siya ritong mag-isa.

District 06, House 103

Lucas couldn't help but smirk after reading the written words. Address iyon ni Hera. Tatlong araw na mula noong pinahanap niya si Hera kay Vaughn. Pero dahil tamad naman ang kaniyang kaibigan, umabot pa ng tatlong araw bago nalaman ng lalaki ang kinaroroonan ni Hera.

Pero okay na rin kung natagalan kaysa naman sa hindi mahanap ni Vaughn.

After that, Lucas went inside the guest room he was staying and went towards the shower room to clean himself. Kahapon ay nagpagupit siya dahil hindi naman siya marunong gumupit ng buhok. He started shaving himself and he's done, his original handsome look came back.

It's been awhile since he last saw his face this handsome. Dahil sa tinamad siya noon na ayusin ang sarili at nawalan ng gana, hinayaan na lang niya ang mga buhok sa kaniyang katawan na tumubo. Maging sa kaniyang pang-ibabang katawan ay bumaba na rin ang mga buhok.

And it's annoying as hell. That's why he came to a decision to cut it now.

Sinuot ni Lucas ang damit na pinabili niya kay Vaughn at nang tapos na siya ay lumabas na siya ng bahay ng lalaki at pumasok sa kaniyang kotse. He's going to where Hera and his daughter is. Habang nag d-drive siya papunta sa destinasyon ng babae ay hindi niya mapigilang kabahan.

He never felt this nervous in his whole life. Ngayon lang talaga and it's understandable since his position right now is really blurry. Lucas can already imagine Hera's reaction if she ever saw her. But still, he's excited to see her again.

In the past years of being alone, he had been dreaming of meeting her again. He wanted to see her, to hug her, to feel her presence. Because of it, he almost loses his mind. Good thing Bryle's medicine helped him a lot. He was able to overcome his disease and trauma because of it. Though it took three years, it was still worth it.

Nang makarating na si Lucas sa mismong address, pakiramdam ng lalaki ay sasabog na ng kaniyang puso. Lumabas siya sa kaniyang kotse at kabado na naglakad papunta sa may kalakihang bahay. Nang makalapit na siya roon kaagad na nakita niya ang house number. It was 103.

Kabado na napalunok na lang si Lucas at sa nanginginig na kamay ay pinindot niya ang doorbell. Pero ang kaba na kaniyang nararamdaman ay kaagad din na nawala nang matapos ang ilang pindot niya ay wala pa ring sumasagot.

Kumunot ang kaniyang noo at chineck ulit ang address na binigay ni Vaughn. It was correct. Pinaglalaruan lang ba siya ng lalaki? Bakit walang sumasagot–

Before Lucas could even answer his own question, he suddenly felt a presence behind him.

"Who are you?"

His heart pounded heavily as he slowly turned around. Hera's confused face welcomed his gaze. But that expression suddenly changed when she saw him. From a confused face to a scared expression.

"W-what are you doing here?" Hera asked in a trembling tone. Nanuyo ang lalamunan ni Lucas habang nakatingin sa babae. That eyes of her who used to look back at him with love are now filled with fear.