Chapter 8 - KABANATA 7

Hindi alam ni Hera kung ilang minuto o oras na ba siyang nakatayo roon at nakatingin lang sa sahig. Mariin na nakapikit ang kaniyang mga mata at pinagpapawisan na rin siya. Hindi niya alam kung paano niya nakayanan ang mga ungol at tunog ng paghahalikan ng babae at ng kaniyang boss.

Napaka laswa ng tunog sa kaniyang pandinig pero kahit ganoon ay nag-iinit ang kaniyang katawan sa hindi malamang dahilan. Kaya nga ay ngayon ay pinagpapawisan na siya. Pero dahil nga ay nilabanan niya ang init na namumuo sa kaniyang katawan ay masasabi niya na parang wala lang din.

Gusto na niyang umalis sa mga harap nito at hayaan ang dala na gumawa ng kababalaghan dito sa living room. Total ay sanay naman siya na ganoon ang kaniyang amo na si Lucas. Palaging pinag-iinitan at may ginagawang kababalaghan. Pero kahit na anong pilit niya ay hindi gumagalaw ang kaniyang paa para umalis.

Parang may kung anong puwersa ang nagpapanatili sa kaniya dito sa loob ng kuwarto. Napahigpit na lang ang kaniyang kapit sa mop na kanina niya pa yakap-yakap. Kaunting tiis pa at matatapos na rin ang dalawa. Hindi naman siguro sila ganoon ka libog 'di ba para gawin iyon sa kaniyang harap?

'Yan ang kaniyang inaakala pero laking gulat na lang niya nang mas lalong lumakas ang ungol ni Harriet kasabay ng tunog nang pagka punit. Mas lalong lumakas ang kabog ng kaniyang puso kasabay nang marahas na pagmulat niya ng kaniyang mga mata. Mas lalong humigpit ang pagkakapit niya sa mop kasabay nang paglunok niya nang paulit-ulit.

Huwag mong sabihin gagawin talaga nila iyon kahit na nandito pa siya sa harap ng mga ito?

Hindi alam ni Hera ang kaniyang nararamdaman. Halo-halo ang mga emosyon na nasa kaniyang puso. Hindi siya makapaniwala na gagawin talaga ng dalawa ang bagay na iyon sa kaniyang harap. Puwede naman na bumalik ulit sila sa silid at doon na magpatuloy. Init na init na ba talaga sila kaya dito na nila gagawin?

Laglag ang panga ba pinakalma ni Hera ang kaniyang sarili. Ayaw niyang maging bato sa harap ng mga ito at maging witness sa pag t*t*lik ng dalawa. Kaya imbes na magsayang pa ng oras, mabilis na tumalikod si Hera at nagsimulang maglakad paalis.

Walang kahit na tunog ang klase ng kaniyang paglakad sa takot na baka ay madisturbo niya ang dalawa. Ayaw niyang mangyari iyon kaya dahan-dahan ang kaniyang bawat pagtapak at sinisigurado talaga na wala siyang kahit ni isang ingay na nagagawa. Malapit na siya sa pintuan ng manaig naman sa kaniyang katawan ang kagustuhan na tingnan ang dalawa bago umalis.

Hindi na niya natiis na ang kaniyang kuryusidad at lumingon kahit saglit lang. Pero ganoon na lang ang pagtalon ng kaniyang puso nang makitang nakatingin din pala si Lucas sa kaniya. Nakaupo ito sa couch habang nasa itaas nito si Harriet, busy sa paghalik sa leeg ng lalaki. Wala ng saplot ang babae sa katawan maliban na lang sa shorts na suot nito.

Napalunok nang paulit-ulit si Hera at mabilis na nag-iwas ng tingin. Hindi na ulit siya lumingon pa at mabilis na naglaho sa paningin ng lalaki. Hindi ine-expect ni Hera na nakatingin din pala sa kaniya ang kaniyang amo. Sobrang lamig ng mga mata nito habang titig na titig sa kaniya. Parang may kung anong bumubulong sa kaniyang isipan na kanina pa nakatingin ang lalaki sa kaniya at hinihintay ang kaniyang paglingon.

Napatampal na lang siya sa magkabila niyang pisngi at mabilis na iniling-iling ang ulo. Gusto niyang iwaksi ang imahe ng kaniyang amo sa kaniyang isipan pero kahit na anong gawin niya ay hindi pa rin ito mawala-wala. Ang guwapo nitong mukha, lalo na ang mga berdeng mga mata na para bang nawalan ng kulay ay nakatatak pa rin sa kaniyang isipan.

Sa totoo lang ay simula noong nakita niya ang lalaki ay hindi na ito umalis pa sa kaniyang isipan. Maliban na lang siguro kapag nakapokus talaga ang kaniyang isipan sa trabaho, pero kapag hindi ay ang laman lang ng kaniyang utak ay ang guwapong mukha nito at ang berdeng mga mata nito. Minsan din ay lumalabas ang lalaki sa kaniyang panaginip. Kaya nga lang ay ibang-iba ang lalaki sa kaniyang panaginip kumpara sa realidad.

Naisip niya na rin na baka ay nabaliw na siya dahil palagi ang mukha lang ng kaniyang boss ang kaniyang nasa isipan. Hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganito, o bakit ang kaniyang utak ay ganoon. Pero wala naman din siyang planong malaman ang dahilan. At isa pa ay hindi naman iyon ang pinunta niya dito.

Mabilis na naka move on si Hera sa nangyari, pero ang kaniyang kuryusidad na malaman ang huling sinabi ni Harriet na hindi natuloy kanina ay nanatili pa rin sa kaniyang isipan. Buong araw na ang nakalipas pero hindi pa rin niya ma alis-alis sa kaniyang isip ang huli nitong sinabi.

May pakiramdam si Hera na mahalaga ang sasabihin ni Harriet pero hindi lang natuloy ng babae dahil bigla na lang dumating si Lucas. Hindi alam ni Hera kung makakatulog ba siya nang maayos e sa binabagabag siya ng kaniyang isipan. Hindi na rin naman siya nakapag tanong kay Harriet tungkol sa sinabi nito dahil bigla na lang nawala ang babae. Sa tingin niya ay umalis na ito nang hindi niya nalalaman.

Naging busy din kasi siya sa mga gawain kaya temporaryang nakalimutan niya ang kaniyang kuryusidad. Pero ngayon na tapos na siya sa lahat ng kaniyang trabaho ay bumalik na naman iyon sa kaniyang isip. Nasa living room siya ngayon at nanunuod ng tv. Siya lang mag-isa at sabay na rin siya doon. Hindi pa rin umuuwi si Lucas kaya hindi niya mapigilang mag-alala dahil napakarami pa naman ng kaniyang niluto.

Malaki kasi ang kain ng lalaki at normal lang din naman ito. Hindi rin naman siya nag-aalala na baka ay pumangit ang katawan nito ay dahil may sariling gym naman ito dito sa loob ng mansyon at hobby din ng lalaki ang mag boxing. Sa tuwing kumakain ito ay nasa gilid lang siya nito. Naghihintay kung ano pa ang e-uutos sa kaniya.

Napabuntong hininga na lang si Hera at pinikit ang kaniyang mga mata. Sobrang daming nangyari sa araw na ito. Na sa tuwing iniisip niya ulit ang mga nangyari ay napapabuntong hininga na lang siya. It makes her tired thinking of all the things that had happened this day and the things that will happen in the future. Sana naman ay hindi na ulit mangyari ang nangyari kanina sa hinaharap. Kung saan ay gagawin ng kaniyang boss na si Lucas ang bagay na iyon sa kaniyang harap.

Hindi naman din kasi siya nakaka-angal sa lalaki dahil nga ay boss niya ito. Siya na lang ang mag-aadjust, total ay sanay na rin naman siya.

Natulog si Hera sa gabing iyon na may magulong utak. Kinagabihan, bandang ala una ng madaling araw ay nagising si Hera dahil sa pagkauhaw. Sobrang tuyo ng kaniyang lalamunan pati na rin ang kaniyang labi at sa loob ng kaniyang bibig. Dahan-dahan na inalis niya ang manipis na kumot na nakatabon sa kaniyang katawan.

Mabigat ang katawan lalo na ang kaniyang ulo na naglakad ang babae patungo sa pang-isahang sofa katabi ng cabinet sa kuwarto nito. Naka bestida lang siya kaya ramdam na ramdam niya ang lamig ng madilim na silid kung nasaan siya ngayon. Kinuha niya ang scarf na binigay sa kaniya ng kaniyang Ina noon at ibinalot sa kaniyang sarili.

Habang naglalakad si Hera pababa ay pumasok sa kaniyang isipan ang kaniyang napaginipan na nagpagising sa kaniya. Sa kaniyang panaginip, nakita niya ang kaniyang sarili na nahuhulog sa isang bangin habang nakatingin sa taong tumulak sa kaniya. It's none other than her family whom she loved so much. Kahit na panaginip lang naman iyon ay hindi niya pa rin mapigilang masaktan at makaramdam ng pagkadismaya.

She was hurt even though it's just a dream. Why? Because that dream of hers would likely to happen in real life. She knows her family too well. Alam niya rin na wala itong pake sa kaniya at hindi pamilya ang turing sa kaniya, pero nag bulag-bulagan siya sa katotohanan at pilit na pinapaniwala ang sarili sa kasinungalingan.

Namuhay siya sa kasinungalingan mula noong namatay ang kaniyang Ama. Noong buhay pa man ito ay alam na niya sa murang edad na may kabit ang kaniyang Ina. Nagkasakit ang kaniyang Ama at wala doon ang kaniyang Ina para mag bigay ng lakas at alagaan silang dalawa ng kaniyang Ama. Imbes ay nasa kabit niya ito. Alam iyon lahat ng kaniyang Ama katulad niya pero kahit kailan ay hindi ito nagsalita ng masama.

Naalala niya pa rin hanggang ngayon ang huling sinabi nito. Na kahit na bata pa siya noon at walang ka alam-alam sa mundo ay tumatak iyon sa kaniyang isipan hanggang siya ay tumanda.

"Huwag mong sisihin ang iyong Ina, sapagkat nangyari ang lahat ng ito dahil sa akin. You know your Mother, she's selfish and only think of herself. Perhaps it was my fault for not giving her what she wants. Before I die, I wanted you to understand your Mother..."

And she did understand her Mother. Kahit na ganoon ang kaniyang Ina sa kaniya ay hindi niya pa rin maipagkakaila na mahal na mahal niya ito. Na kahit na saksakin man siya nito sa harap ay mapapatawad niya pa rin ito. That's because she needs to understand her. That's what her Father told her before he dies.

"You need to understand your Mother..."

Mariin na napapikit si Hera nang kaniyang mga mata nang lumitaw sa kaniyang isipan ang imahe ng kaniyang ama. Maputla at halos kalansay na ang mukha nito habang sinasabi ang mga katagang iyon. Even though he is her Father, she couldn't help but feel scared to him.

Nagpakawala siya nang malalim na hininga at kinalma ang sarili. Nang bumalik na ulit sa dati ang kaniyang paghinga ay nagsimula ulit siyang maglakad. Hindi niya namalayan na napahinto na pala siya. Pero bago pa man siya makababa sa pangalawang palapag ay may narinig siyang malakas na ingay mula sa pinakadulo ng palapag.

Nagsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan nang makarinig siya nang nakakahindik balahibo na daing at sigaw. Nagsimulang bumilis ang tibok ng kaniyang puso habang nakatingin sa madilim na pasilyo. Nandoon ang silid ng kaniyang amo na si Lucas.

Nakatayo lang siya doon at gulat pa rin na nakatitig lang. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin. Just by listening to the groaning and screaming, she can already tell that it's her boss who is rampaging right now. Napalunok nang paulit-ulit si Hera at nagdalawang isip kung maglalakad ba siya papunta doon or hindi.

Nag-aalala siya para sa kalagayan ng kaniyang amo. Hindi naman ito nangyari noon kaya hindi niya talaga alam kung ano ang kaniyang gagawin. Maliban sa mga sigaw at daing, nakarinig rin siya ng mga pagkabasag ng gamit. Mas lalo siyang kinabahan nang mas naging malala pa ang kaniyang mga naririnig.

Hindi na siya nagdalawang isip pa at nagsimula nang maglakad papunta doon. Mabuti na lang din at hindi ganoon ka dilim ang pasilyo. Nakikita niya pa rin ang daan dahil na rin siguro sa ilaw na nagmumula sa bilogang buwan na tumagos na nakabukas na bintana. Habang mas papalapit siya ay mas lalong lumalakas ang daing at ang mga pagkabasag.

Kahit na natatakot siya ay nilakasan niya ang kaniyang loob. Hindi niya alam kung bakit nagkakaganito ang kaniyang boss. Ang una dapat niyang gawin sa sitwasyon na ito ay tawagan si Sir Bryle pero paano niya gagawin iyon? Eh wala nga siyang load!

Nang makarating na siya sa tapat ng pinto ng kuwarto ni Lucas ay bigla na lang natigil ang mga daing at pagkabasag. Pero kahit na ganoon ay hindi pa rin siya nagpa kampante. Hinawakan niya ang seradura ng pinto at dahan-dahang pinihit.

Nang mabuksan niya na ito nang tuluyan ay sumalubong sa kaniya ang magulong silid. Nagulat siya pero hindi iyon ang mas nagpagulat pa sa kaniya. Kung hindi ang lalaki na nakatayo sa gitna ng magulong silid na iyon.

Hinihingal ito at duguan pero hindi iyon ang nakaagaw ng pansin sa kaniya, kung hindi ang hawak-hawak nito sa kamay.