Chapter 12 - KABANATA 11

"How was she?" Kaagad na bungad sa kaniya ni Bryle nang makarating na ito sa hospital. Bumaling ang kaniyang tingin sa kaibigan at nagkibit balikat. Binalik niya ulit ang kaniyang atensyon sa kaniyang cell phone at tinuloy ang kaniyang ginagawa bago pa man makarating ang lalaki dito sa loob ng silid.

"I don't know. Don't worry to much, she's not yet dead," tamad na wika ni Lucas at nagpatuloy sa pagtipa sa screen ng kaniyang cellphone. Napailing-iling na lang si Bryle at lumapit sa kaibigan na mukhang busy. Umupo siya sa tabi nito at tumingin sa gitna kung nasaan ang babae. Nakahiga ito sa stretcher at walang malay.

Busy siya sa kaniyang trabaho nang bigla na lang tumawag si Lucas sa kaniya na papuntahin siya sa hospital dahil nawalan daw ng malay si Hera. Wala naman siyang choice kung hindi pumunta dahil na rin kay Lucas. Kahit na sobrang dami niya pang gagawin sa kaniyang kompanya ay nagawa pa niyang pumunta dito.

Napabuntong hininga na lang siya at pagod na sinandal ang kaniyang likod sa backrest ng sofa. Napakaputla ng mukha ni Hera nang makita niya kanina ang picture na sinent sa kaniya ni Lucas. Pero ngayon ay mukhang okay na ang babae. Kinuha niya ang atensyon ng kaibigan at binuka ang mga labi para magtanda.

"Why did she fainted? Did you do something again?" nakataas na kilay na tanong ni Bryle kay Lucas. Napatigil bigla si Lucas sa kaniyang ginagawa dahil sa naging tanong ng kaniyang kaibigan. His face formed into a deep frown.

"What the, why are you thinking I did something? Kaibigan ba talaga kita?" dismayadong tanong ni Lucas at hindi mapigilang ma offend kahit na sanay na siya sa ugali nito. Napatawa naman si Bryle dahil sa kaniyang naging reaksyon at inakbayan siya. Inis na winaksi niya ang braso nito pero binalik naman agad. Mas lalo siyang nainis at hinayaan na lang ang lalaki na mukhang linisin pa siya ngayon.

"Of course I'm your friend! I know your true colors that's why I'm asking..." makahulugang saad nito ay ngumisi pa. Napailing-iling na lang siya at binulsa ang kaniyang cellphone. Tiningnan ni Lucas ang walang malay na babae at napabuntong hininga ulit.

"I didn't do something. After I talk to you, I decided to go to her room to apologize and I saw her there without any conscious," saad niya na walang halong biro sa kaniyang tono. Napatango-tango si Bryle at mukhang naniwala na sa kaniyang sinabi ngayon lang.

Mabuti naman dahil iyon naman talaga ang totoo. Nagulat na lang siya nang sumalubong sa kaniya kanina ang nakabulagta na babae. Magsisinungaling siya kung sasabihin niya na hindi siya kinabahan. Hindi naman niya kasi ine-expect na mawawalan ito ng malay.

Nagulat talaga siya pero hindi lang iyon ang nakapagpa gulat sa kaniya. Nagulat din siya nang kargahin niya ang babae. Sobrang gaan nito ay liit na para bang mababali na ito kung yayakapin niya ito nang mahigpit. Hindi naman kasi niya napapansin na sobrang payat pala ng babae ay dahil malaki ang mga damit na sinusuot nito, kaya hindi niya napapansin.

Pero nang hawakan niya ang katawan nito ay hindi niya mapigilang magtaka. Sobra-sobra ang pagkain sa mansyon ay binigyan niya ito ng karapatan para kainin kung ano man ang gusto nito. Palagi siyang nauunang kumain kaya hindi niya nakikita kung kumakain ba ito nang maayos. Now that he has a speculation that she's not eating well despite the foods in his fridge, it makes him feel bad at mad at the same time.

Like who wouldn't be mad? Hera is the only maid he has and the only maid who lasted than the other, it makes him want to treasure her atleast.

Nanatili si Bryle at sinamahan siya hanggang sa may tumawag sa kaniyang kaibigan at kailangan nitong umalis. Pumuyag na lang siya at pinaalis ang kaibigan dahil wala naman itong silbi. Pero bago ito umalis ay binigyan siya nito ng isang numero.

Numero daw ito ng Ina ni Hera at inutusan siya nito na tawagan dahil baka ay mag-aalala. Napairap na lang siya sa kawalan at walang nagawa kung hindi tanggapin iyon. Nakatingin lang sa siya sa card na may numero ng Ina ni Hera. Nagdadalawang isip siya kung tatawagan niya ba ito.

Noong isang araw kasi ay nakita niya si Hera sa kusina. May tinatawagan ito pero hindi naman sumasagot. Makalipas ang ilang beses na pag try ng babae ay sinagot na rin ng nasa kabilang linya. At dahil may nag-uudyok sa kaniya na makinig sa tawag na iyon ay nanatili siya sa kaniyang puwesto.

Sa kaniyang pakikinig ay nalaman niya na Ina pala iyon ni Hera. Just by listening to their conversation, Lucas can already tell that Hera and her Mother doesn't have a good relationship. So calling her Mother right now won't really be a good idea but since Hera seems to love her Mother, he guess he doesn't have a choice.

Well it's not like it's his business if Hera's Mother hate or what. He just needs to call her and it's done.

After one ring, Hera's Mother automatically answered. He cleared his throat and began introducing himself.

Sobrang bigat ng mga mata ni Hera nang magising siya mula sa kaniyang mahimbing na tulog. Hindi lang ang kaniyang mga talukap ang mabigat pati na rin ang kaniyang ulo. Pero hindi kagaya noon ay medyo magaan na ang kaniyang nararamdaman. Nang minulat niya ang kaniyang mga mata ay sumalubong sa kaniya ang puting kisame at ang nakakasilaw na liwanag.

Pinikit niya ulit ang kaniyang mga mata at binuksan ulit ang mga iyon. Sinanay niya ang kaniyang paningin sa liwanag at nang okay na ay napatigil siya nang mapagtanto na nasa hospital pala siya. Napapikit ulit siya ng kaniyang mga mata nang pumasok sa kaniyang isipan ang mga nangyari ay kung bakit ganito ang kaniyang nararamdaman ngayon.

Dahil ito sa kaniyang Amo kaya hindi maganda ang kaniyang nararamdaman. Minulat niya ang kaniyang mga mata ulit at napalinga-linga. Natigilan siya nang makita niya ang kaniyang step father na nakaupo sa upuan katabi ng kaniyang kama. May ngisi sa labi nito at may kakaibang kislap sa mga mata habang nakatingin sa kaniya.

"U-uncle!" Kinakabahang bumangon si Hera paupo. Nanlalaki ang kaniyang mga mata habang gulat na nakatingin sa lalaki. Ang kaniyang puso ay nagsimulang bumilis ang tibok dahil sa pinaghalo-halong emosyon na kaniyang nararamdaman ngayon. Pero mas nanaig pa rin ang gulat.

Hindi niya alam kung bakit nandito ang kaniyang stepfather. Akala niya ay ang mukha ni Lucas ang sasalubong sa kaniya dahil ang lalaki lang naman ang magdadala sa kaniya sa hospital dahil sila lang naman dalawa sa mansyon. Iyon ang kaniyang akala kaya hindi niya talaga ine-expect na makita ang kaniyang step father sa kaniyang tabi.

"Hera... Gising ka na, pinag-alala mo ako, lalo na ang Mama mo." Hindi alam ni Hera kung ano ba ang kaniyang magiging reaksyon. Hinawakan ng lalaki ang kaniyang kamay kaya mabilis na binawi niya iyon. Mas lalong nagwala ang kaniyang puso sa kaba dahil sila lang naman dalawa dito sa silid. Napalunok na lang siya nang paulit-ulit at hindi nag-isip ng negatibo. Pinilit niya ang sarili na ngumiti sa lalaki.

"Kamusta pakiramdam mo?" tanong ulit nito.

"A-ah, okay naman po ako..." sagot ni Hera sa lalaki. Tumango ito sa kaniya at binalingan ang pintuan na mas lalong nagpakaba pa sa kaniya lalo. Why the heck is he checking the door? Huwag mong sabihin may plano itong masama?

Sobrang lakas na nang kabog ng puso ni Hera dahil sa kaba at nerbyos na kaniyang nararamdaman. Kahit na nagwawala na ang kaniyang loob ay pinilit niya ang sarili na hindi matakot at maging kalma.

"N-nasaan po pala si Mama?" Napakagat si Hera sa loob ng kaniyang labi nang manginig ang kaniyang boses nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Napabaling ulit ang atensyon ng kaniyang step father dahil sa kaniyang pagtanong.

"May binili lang, baka babali–" Hindi na natuloy ng lalaki ang kaniyang sasabihin sana nang biglang bumukas ang pinto. Sabay na napatingin sila doon at hindi mapigilan ni Hera na magulat nang makita ang kaniyang Ina, pati na rin ang kaniyang half sister na kasama si Lucas.

May ngiti sa mga labi ang kaniyang Ina at kapatid habang normal na malamig at seryoso naman ang mukha ni Lucas. Hindi mapigilan mapalunok ni Hera nang magtama ang kanilang paningin ni Lucas. Nang makita niya ulit ang berdeng mga mata nito ay bumalik na naman sa kaniyang isipan ang nangyari. Pero dahil nga ay mas nananaig pa ang kaniyang gulat kaysa sa nararamdaman niya ngayon kay Lucas ay hindi na niya iyon pinansin.

Kaagad na lumapit sa kaniya ang lalaki at hinawakan ang kaniyang noo. Napapikit siya dahil sa ginawa ng lalaki.

"How's your feeling now?" malamig na tanong nito pero para kay Hera ay may kakaiba sa tono nito. Napamulat siya ng kaniyang mga mata at tiningnan ang lalaki.

"O-okay lang naman po..." Kung wala siguro ang kaniyang pamilya dito sa loob at sila lang dalawa ay baka namatay na siya sa sobrang awkward. Mabuti na lang talaga at nandito sila.

"Hera anak! Kamusta ang pakiramdam mo? Pinag-alala mo ako ng sobra!" Nagulat si Hera nang sabihin iyon ng kaniyang Ina at kaagad na niyakap siya nang mahigpit. Lumayo naman ang kaniyang step father at lumapit ang kaniyang kapatid na babae para yakapin din siya.

"Wala bang masakit sayo ate? B-bakit mo inaabuso ang katawan mo? Halos mahimatay na si Mom kanina dahil sa pag-aalala!" Napaawang ang labi ni Hera dahil sa gulat. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari at kung bakit nagkakaganito ang kaniyang Ina at kapatid.

Basa ang mga mata ng mga ito ay mukhang maiiyak na talaga habang yakap-yakap siya. Humiwalay ang dalawa sa kaniya at pasimpleng pinahid ang mga basang mata nila. Hindi pa rin makagalaw si Hera at gulat lang na nakatingin sa kanila.

Pinahid ng kaniyang Ina ang luha nito at humarap kay Alexander na seryoso at walang emosyon ang mukha na nakatingin sa kaniya, na para bang inoobserbahan nito ang kaniyang reaksyon.

"P-pasensiya na Sir Lucas dahil nag-abala ka pa na tawagan kami. Itong si Hera naman kasi ay hindi marunong mag-alaga sa kaniyang sarili. Ako na humihingi ng pasensya..." mahinahon na wika ng kaniyang Ina. Tumango lang si Lucas at hindi pa rin nagsalita.

Nagkatinginan ang kaniyang kapatid, Ina at step father kaya hindi niya mapigilang pangunutan ng noo. Pagkatapos ay bigla na lang lumapit ang kaniyang kapatid kay Lucas at hinawakan ang braso nito.

"Pasensiya na talaga Sir Lucas dahil sa aking kapatid ay naabala ka pa–"

"It's okay, I was the one who made her like this. I practically owe her." Natigilan ang tatlo dahil sa sinabi ni Lucas bigla. Nakita ni Hera ang pagtindig ng kanilang mga tainga na para bang may maganda silang narinig.

Hindi niya mapigilang kabahan nang lumapit ang kaniyang Ina sa kaniya at nilagay nito ang kamay sa likod. Napaigtad s'ya nang kurutin nito ang kaniyang balat sa likod at hindi binitawan. Habang ang kaniyang kapatid ay paulit-ulit na hinaplos ang kaniyang buhok.

"T-talaga? May utang ka kay Hera?" hindi makapaniwalang tanong ng kaniyang Ina. Tumango na man si Alexander.

"Yes, I'll pay her once she's already fine–"

"No! I mean sir, puwede mo kaming bayaran bilang kapalit. May sakit pa si Hera ngayong mukhang hindi niya 'yan matatanggap... 'Di ba Hera?" Gusto niyang mapangiwi dahil sa sakit ng pagkusot nito sa kaniyang likod at kahit na ayaw niyang pumayag ay wala siyang nagawa kung hindi tumango.

Nagtagal ang tingin ni Lucas sa kaniya bago dahan-dahang tumango. Nanlaki ang mga mata ng kaniyang Ina sa tuwa ay niyakap siya. Mapait na napangiti na lang si Hera. Parang may kung anong bumara sa kaniyang lalamunan na sobrang hirap lunukin.

Ngayon ay napagtanto na niya kung bakit bigla na lang nagbago ang pagtrato ng kaniyang Ina at kapatid sa kaniya. They were all after Lucas, her boss. Gusto niyang umiyak.

Ang tanga niya sa part na umasa siya na nag-alala na talaga ang mga ito, pero ang totoo ay niluluko lang pala siya. Napayuko na lang siya at blangko na napatingin sa kaniyang nakakuyom na kamay.

Ah, just what did I do to deserve a family like this?