Chapter 14 - KABANATA 13

Sa mga sandaling iyon, ang nasa isip lang ni Hera ang ipalabas ang lahat ng sakit na kinimkim niya sa matagal na panahon. Nawalan na siya ng pakialam sa kaniyang paligid. Ang gusto lang niya ay ang iiyak ang sakit at pagkapagod na nararamdaman. Wala siyang pakialam kung yakap-yakap niya ngayon ang kaniyang Amo at parang bata na umiiyak sa dibdib nito.

Tila na blangko ang kaniyang isip. Pagod na pagod na ang kaniyang puso kakaintindi sa ugali ng kaniyang Ina at mga kapatid. Kung ituring siya ng mga ito ay parang hindi siya ng mga ito kadugo. Minsan din ay naisip niya na baka nga hindi siya tunay na anak ng kaniyang Ina. Pero imposible rin naman kasi iyon dahil kamukha niya ang kaniyang Ina at ang kaniyang kapatid na si Natalie. Isa lang naman ang ibig-sabihin no'n, pamilya sila pero hindi pamilya ang turing ng mga ito sa kaniya.

Pilit na nilulunok ni Hera ang katotohanan na hindi siya parte ng pamilya, na outcast ang turing ng mga ito sa kaniya. Pero ano nga ba ang magagawa niya? Gusto lang din naman niya na makaramdam ng pagmamahal. Gusto lang din naman niyang mahalin din siya ng kaniyang Ina kagaya nang pagmamahal nito sa kaniyang dalawang nakakabatang kapatid.

Noong namatay ang kaniyang Ama at napunta siya sa kaniyang Ina at Stepfather, akala niya ay sasaya ulit ang kaniyang buhay kahit na bago na ang kaniyang magiging Ama. Pero pangarap lang pala niya iyon. May dalawa pala siyang kapatid na tinago ng kaniyang Ina noon. Noong naglayas ang kaniyang Ina mahigit isang taon at nang umuwi ay malapit nang mamatay ang kaniyang Ama, tila ba naghihintay ito ng tyempo para makalaya nang tuluyan.

Pero kahit na masakit tanggapin na may mga kapatid pala siya ay tinanggap pa rin ni Hera ang katotohanan. Nangarap din siya na maging mabuting kapatid sa mga ito dahil kahit na magkaiba sila ng Ama ay kapatid niya pa rin ang mga ito sa Ina. Pero siya lang pala ang may planong ituring ang mga ito na kapatid. Lingid sa kaalaman ni Hera na hindi pala siya gusto ng dalawa niyang nakakabatang kapatid.

Hindi alam ni Hera kung bakit nagpakatanga pa siya noon at maging sa ngayon. Likas na ata na ganito siya. Ang magpaka martyr sa mga taong walang ginawang maganda kung hindi ang saktan siya. Namana niya ata ito sa kaniyang Ama, na hanggang sa pagkamatay nito ay mahal pa rin ang kaniyang Ina kahit na tinalikuran na siya nito at ilang beses na sinaktan.

Masakit man tanggapin ang katotohanan pero alam niya na darating ang araw na makakalaya din siya sa kadena na pilit siyang hinihila pabalik sa kaniyang pamilya, pamilya nga ba? O mga taong nanakit sa kaniya? Hindi niya alam, sa ngayon ay ayaw lang muna niyang isipin pa ang mga taong iyon.

She wanted her heart to rest, even just for a while. Even if that means she has to completely shut off her mind and focused on something that will greatly help her cope up with the pain.

Ang bawat pagkislap ng mga ilaw na nanggagaling sa sasakyan ang nakapukaw bigla sa kaniyang isipan. Ang iba't ibang kulay ng mga ilaw samahan pa ng mga tunog nang pabusina ng mga kotse ay mas lalong nagpapabuhay sa kaniyang isip. Hindi alam ni Hera kung ilang minuto o oras na ba siya na nakatitig lang sa labas ng bintana at pilit na ine-enjoy ang sarili sa pamamagitan ng pagtingin-tingin sa mga dumadaang kotse na nasa harapan at nasa kaniyang gilid.

The night is still young. Despite the rainy night, Hera can still see people having fun on the side of the road. Maulan sa gabing iyon dahil may low pressure area daw na papalapit. Mostly, ayaw niya talaga na maulan. Dahil sa rason na hindi gumagana ang kaniyang utak kahit na anong pilit niyang paganahin ito. Pero sa pagkakataong ito, she wonder why she finds the rain comforting.

Is it because she feels like the night sky was also considering her feelings? She doesn't know. Pakiramdam ni Hera ay nakikiramay rin ang kalangitan sa kaniyang sitwasyon ngayong gabi.

Dalawang oras na ang nakakalipas mula noong natagpuan siya ni Lucas na palakad-lakad sa gitna ng kalsada. Kung hindi lang siguro magaling mag drive ang lalaki ay baka nasagasaan na siya nito. Mabuti na lang talaga at aksidente siyang natagpuan ni Lucas, baka ay kung ano na ang nangyari sa kaniya kung hindi siya natagpuan nito kung sakali at malala ay ma rape pa siya habang wala siya sa kaniyang sarili.

Tahimik na nakaupo si Hera sa passenger seat ng kotse ni Lucas. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana at hindi umiimik. Kanina pa din sila pa ikot-ikot dito sa plaza na para bang nagpapalipas lang sila ng oras at tila ba binibigyan siya ni Lucas ng oras para pakalmahin ang kaniyang sarili.

Ngayon na bumalik na siya sa kaniyang pag-iisip ay hindi niya mapigilang mahiya dahil sa nangyari kanina. Sigurado siya na sobrang lakas nang pag-iyak niya kanina nang matagpuan siya nito, at may gana pa talaga siya na yakapin ang lalaki. Nakakahiya, ginamit niya din ang panyo ni Lucas para sa kaniyang ilong. Sobrang dami na niyang utang sa lalaki at nahihiya na talaga siya sa punto na hindi na niya ito matingnan.

Napanguso na lang si Hera at mas lalong humigpit ang pagkakakapit sa malinis na panyo ni Lucas na binigay sa kaniya bago silang dalawa sumakay sa kotse nito. Bale, tatlong panyo na ng lalaki ang nagamit niya. At ang lahat ng iyon ay sobrang bango at nakakagaan sa loob. Pero nahihiya pa rin talaga siya.

Like how dare she act like that towards her boss? It's embarrassing. Kung puwede lang siguro e rewind and panahon ay ginawa na niya. Nakakahiya talaga, gusto na lang niyang magpalamon sa lupa para hindi siya nito makita.

But still, hindi niya mapigilang humanga sa kaniyang Boss. Hera thought that Lucas is not different from those wealthy people. 'Yong mga tao na sobrang arte, pero bobo naman.

"I see you're not crying anymore." Napaigtad si Hera nang bigla na lang magsalita si Lucas na kanina pa nanahimik. Napalunok siya nang paulit-ulit at pinigilan ang sarili na huwag lumingon sa lalaki na ngayon ay nakatingin na sa kaniya. Ramdam niya ang mainit na titig nito na mas lalo pang nagpapainit sa kaniyang magkabilang pisngi.

"I-I didn't cry..." she mumbled softly and tried so hard to not spare a glance at him. Napa ingles tuloy siya nang wala sa oras. Halatang hindi lumaki sa Pinas ang lalaki dahil kahit kailan ay hindi niya ito narinig na nagsalita ng Tagalog. Samahan pa ng accent nito na sa tuwing sinasabi nito ang katagang no, ay nor ang kaniyang naririnig.

Narinig ni Hera ang pagtawa ni Lucas nang mahina. Ang mahina at malalim na pagtawa nito ay nagpadama sa kaniya ng kiliti at kakaibang emosyon sa kaniyang loob. His deep tiny chuckles were arousing and so good in her eardrums.

"Oh really?" mapaglarong tukso ni Lucas kay Hera na nagpanguso sa babae. Hindi siya sanay na ganito umakto ang kaniyang Amo, but somehow, she finds his teasing comforting. Nakalimutan niya ang sakit na kaniyang nararamdaman at pansamantalang sumaya kahit na saglit.

"Yes po..." 'Yon lang ang kaniyang sagot at nag-iwas na ng tingin sa lalaki. The way Lucas is acting right now is so good to be true. Hera always see Lucas as a person who's always emotionless and doesn't talk much. Hindi naman ito malamig pero hindi lang talaga ito palasita. Hindi siya sanay at pakiramdam ni Hera kapag nagpatuloy pa na ganito ang pag akto ng lalaki sa kaniya ay tuluyan nang sasabog ang kaniyang puso.

Ah, just why is he being playful and indifferent today? It makes me feel something I shouldn't have felt.

Iyon ang huli nilang pag-uusap bago nagpasiya si Lucas na umuwi na sa mansyon nito. Halos mag alas dose na ng gabi nang makauwi na silang dalawa. Sobrang daming sasakyan sa edsa na halos hindi na nga makausad ang sasakyan ni Lucas. Mabuti na lang at hindi na sila na traffic pa at nakauwi na.

Sobrang bigat na rin kasi ng kaniyang talukap at parang bibigay na ang kaniyang katawan sa antok. Pero syempre hindi niya hinayaan ang sarili na makatulog. Sobrang dami na niyang kahihiyan na nagawa sa harap ni Lucas at ayaw na niyang dagdagan pa iyon. Kaya kahit na parang bibigay na siya ay pinipisil talaga niya ang kaniyang para hindi siya makatulog.

"Go to your room and lock the door," may diin na saad ni Lucas bigla na nagpatigil sa kaniya sa pag-akyat sa hagdanan. Nagtataka na lumingon si Hera sa lalaki. Nakapamulsa ito habang may seryosong ekspresyon ang mukha. Napalunok nang paulit-ulit si Hera dahil sa klase ng tingin na binibigay ni Lucas sa kaniya.

Kahit na naguguluhan ay tumango na lang siya. Kaagad na nagpaalam siya sa lalaki at nagmamadaling umakyat sa pangalawang palapag. Sobrang lakas nang tibok ng puso ni Hera habang binabaybay ang daan patungo sa kaniyang silid.

Hindi niya alam sa kaniyang sarili kung bakit ganoon na lang ang epekto ni Lucas sa kaniya. Wala naman din siyang sakit para makaramdam nang ganoon. Nalilito siya dahil hindi pa niya nararanasan ang ganito noon. Si Lucas lang ata ang nagpapaganito sa kaniyang katawan na hindi niya maipaliwanag kung ano.

Lucas both gave her these dangerous and tempting vibes. Kahit na hindi man niya aminin ay guwapong-guwapo talaga siya sa lalaki. Ito na ata ang pinaka guwapong lalaki na nakilala niya, pati na rin pala si Sir Bryle na sobrang pogi rin.

Napailing-iling na lang si Hera sa naiisip at pumasok sa kaniyang silid para magpahinga. Kinaumagahan nang magising si Hera ay magaan na ang kaniyang pakiramdam, hindi kagaya kahapon. Eh paano bang hindi? Eh nasa panaginip lang niya naman si Lucas.

Hindi alam ni Hera kung bakit bigla na lang niyang napaginipan ang lalaki. Kakaiba ang mga galaw nito na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mapigilan pamulahan ng magkabilang pisngi sa tuwing naaalala niya ang Lucas sa kaniyang panaginip. He's way too different to the point that she started having butterflies.

Wala siya sa kaniyang sarili nang bumaba siya papunta sa kusina para magluto ng umagahan ni Lucas. Palaging pumapasok sa kaniyang isipan ang kaniyang napaginipan kaya napatulala na lang siya minsan. Mabuti na lang din at hindi nasunog ang kaniyang mga niluto.

Napabuntong hininga na lang si Hera at kinuha ang upuan para gawin iyong patungan. Tumayo siya sa upuan para maabot ang bagay na kaniyang gagamitin para sa pagluluto na hindi niya maabot. Maliit kasi siya at hindi niya abot ang mga kagamitan na nasa loob ng hanging cabinet.

Malapit na sana niyang maabot iyon nang bigla na lang gumalaw ang upuan. Napasigaw si Hera sa takot pero bago pa man tumama ang kaniyang katawan sa matigas na sahig ay may bigla na lang sumalo sa kaniya. And because she's shocked of the sudden slipped of the chair, her whole body, specifically her whole weight was put into the person who caught her. Causing for the both of them to fall down.

Mariin na napapikit si Hera ng kaniyang mga mata at hinanda ang sarili sa impact ng kaniyang pagkahulog. Pero lumipas ang ilang segundo ay walang sakit na dumaan sa kaniya. Dahan-dahan na binuksan niya ang kaniyang mga mata at nagulat nang sumalubong sa kaniya ang napakalapit na mukha ni Lucas.

Ilang dangkal na lang at maghahalikan na silang dalawa. Seryoso ang mga mata ni Lucas habang nakatingin sa kaniya pabalik. Napahigit si Hera ng kaniyang hininga at mabilis na umupo. Hindi niya namalayan na nakapatong na pala siya sa kaniyang Amo. Gosh! Another kahihiyan na naman.

Hindi napigilan ni Hera na mapatakip ng kaniyang mukha gamit ang kaniyang palad. Nahihiya siya sa mga nangyayari. Kung hindi lang sana siya tanga ay hindi sana siya mahuhulog ay sasaluhin ng kaniyang Amo. Gusto na lang niyang magpalamon sa lupa sa sobrang kahihiyan.

Wala sa sarili na gumalaw si Hera, dahilan nang pagdaing ni Lucas bigla. Natigilan si Hera nang marinig ang pagdaing ng lalaki, na tila ba nahihirapan ito. Mabilis na inalis niya ang dalawa niyang palad sa pagkakatakip sa kaniyang mukha at kinakabahang tumingin kay Lucas.

Natatakot siya na baka nabagok ng lalaki ang ulo nito sa sahig dahil sa pagsalo nito sa kaniya. Sumalubong sa kaniya mga mata ang pulang-pula nitong mukha. He looks like he's suffering that makes Hera even more nervous.

"S-sir Lucas... A-ayos lang po ba kayo?" nag-aalala niyang tanong sa lalaki at sinubukang gumalaw. Because of what she did, Lucas growled and held the side of her waist tightly. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ni Hera nang may maramdamang tumutusok sa kaniyang gitna.

"Stay still, damn it!"