Chapter 13 - KABANATA 12

Ang pait at sakit na naramdaman ni Hera ay nasa kaniyang puso pa rin kahit na isang araw na ang nakalipas mula nang mangyari ang kaganapan na 'yon. Hindi niya alam kung bitter lang ba siya o ano pero masakit pa rin talaga sa loob at hindi siya kaagad maka move on.

Sa lahat ng tao, siya ang mas nakakaalam kung ano ang ugali ng kaniyang Ina at kung ano ang turing nito sa kaniya. Pero mas pinili niya ang mag bulag-bulagan sa katotohanan at maniwala sa kaniyang pantasya na kahit kailan ay hinding-hindi magiging totoo. Iwan niya ba kung bakit nagpaka martyr pa siya sa kaniyang Ina.

Halos lahat na ata ay ginawa niya para lang mahalin din siya nito katulad ng pagmamahal nito sa kaniyang mga kapatid. Magsisinungaling siya kung sasabihin niya na kahit kailan ay hindi siya nagalit sa kaniyang Ina sa pagiging unfair nito at pagiging walang puso pagdating sa kaniya, pero kahit na anong gawin niya ay Ina pa rin niya ito. Ito ang nagluwal sa kaniya at nagpalaki.

Noong buhay pa ang kaniyang Ama ay normal naman ang kanilang pamilya maliban na lang sa may sekreto itong anak sa labas at kabit. Hindi siya ganoon ka lapit sa kaniyang Ina noon dahil palagi itong wala kaya sila lang ng kaniyang Ama ang palaging magkasama. Naaalala niya pa na sa tuwing nagtatanong siya sa kaniyang Ama tungkol sa kaniyang Ina ay palagi nitong iniiba ang usapan o minsan naman ay pagsasabihan siya na intindihin ito.

Bata pa lang siya ay 'yon na palagi ang sinasabi sa kaniya ng kaniyang Ama. Ang intindihin ang kaniyang Ina kahit na anong mangyari. Kaya din siguro na lumaki siya na ganito. Parang nawalan na siya ng karapatan na sundin ang kaniyang sariling kagustuhan dahil sa tuwing iniisip niya na sundin kung ano talaga ang gusto niya ay palaging lumilitaw ang imahe ng kaniyang Ama.

Parang na imprenta na sa kaniyang utak at puso na intindihin ang kaniyang Ina kahit na anong sitwasyon. Kahit na siguro mapatay siya nito ay kailangan intindihin niya pa rin ito kung bakit nagawa ng kaniyang Ina iyon. Sometimes, it makes her think that her own Father manipulate how she thinks. Just when will she finally be friend on this?

Hindi niya alam. Pagod na rin siya kakaintindi sa kaniyang Ina. Totoo na martyr siya pero hindi naman niya hahayaan ang sarili na magpatuloy sa ganito. She also felt pain and fall into depression. She deserves to be happy even if it's not from them. But she wonders when will that happiness come?

Hindi niya alam kung makakalaya pa ba siya sa mga salita ng kaniyang Ama na hanggang ngayon ay hindi niya magawang suwayin kahit na patay na ito. Is this really brainwashing? She doesn't know.

"Hoy! Bilisan mo nga diyan!" Hindi mapigilang mapaigik ni Hera nang tinulak siya ng kaniyang kapatid na babae papasok sa kanilang bahay. Napakagat siya ng kaniyang labi at pinakalma ang sarili.

Kanina lang nang ma discharge siya sa hospital. Hindi naman kasi ganoon kalala ang kaniyang nararamdaman. Nawalan lang siya ng malay dahil sa pagod 'yon lang, pero mukhang nag over react si Lucas at sa hospital agad siya dinala.

Dapat ay sasama siya kanina kay Lucas pabalik sa mansyon nang bigla na lang nakialam ang kaniyang Ina. Sinabihan nito si Lucas na hayaan daw siya muna manatili sa bahay ng ilang araw dahil namimiss na daw nila siya. Gusto niyang masuka nang sabihin ng kaniyang Ina iyon pero ayaw naman niyang ipakita ang kaniyang reaksyon.

She's just a human and she grow tired by their shitty attitudes and mask at all times.

"Huwag mo naman akong itulak Natalie. Kung gusto mong pumasok nang mabilis, e 'di maglakad ka sa unahan," walang emosyon na saad ni Hera at malamig na tiningnan ang kaniyang kapatid. Wala siya sa mood ngayon para makipag anohan sa kaniyang kapatid.

Sa totoo lang ayaw niya munang bumalik dito hanggang sa hindi pa siya handang umalis at bumukod na, pero dahil nga ay nakialam nag kaniyang Ina at pinauwi talaga siya ay hindi niya mapigilang mainis.

Ano na lang kaya ang iisipin ni Lucas? Nakakainis talaga. Hindi alam ni Hera kung dala ba ito ng kaniyang period o hindi pero wala talaga siya sa mood ngayon.

"Aba! Ba't sumasagot kana ngayon Hera? Akala mo kung sino, sabit lang naman sa pamilya." Nang dahil sa binulong ng kaniyang kapatid na si Natalie ay napatigil siya. Humarap si Hera kay Natalie na matapang ang mukha na tiningnan siya pabalik. Gumalaw ang kaniyang panga sa inis at pinatulan ang pagiging makitid ang utak ng kapatid.

"Anong sinabi mo? Ulitin mo nga Natalie," wika ni Hera sa kapatid at nilapitan ito. Napaigtad ito sa kaniyang biglang paglapit pero hindi umatras.

Kahit na anong pagtitimpi ang kaniyang gawin ay may oras talaga na sasabog na siya. Wala itong respeto sa kaniya kahit na mas matanda pa siya, kaya hindi niya rin ito rerespetuhin sa pagkakataon na 'to bilang nakakabata niyang kapatid. Tao lang din siya at nagagalit.

"Eh ba't ko uulitin? Kasalan mo kaya hindi mo narinig! Bingi ka ba? Mabuti pa umalis ka na lang sa harap k–" Hindi na niya napigilan pa ang sarili at nasampal ito nang pagkalakas-lakas. Umalingawngaw ang tunog ng paglagatak ng kaniyang palad sa mukha nito. Natahimik si Natalie at napahawak sa mukha nito na ngayon ay nakatingin sa gilid.

Nanlaki ang mga mata ni Hera nang ma realized kung ano ang kaniyang ginawa. Nagsimulang bumilis ang tibok ng kaniyang puso sa kaba at nerbyos. Hahawakan na sana niya ang mukha ng kapatid na ngayon ay hindi makapaniwala dahil sa kaniyang ginawa. Pero bago pa man niya mahawakan ito ay winakli ni Natalie ang kaniyang kamay.

"N-natalie... H-hindi ko sinasadya–" Hindi na natuloy ni Hera ang kaniyang sasabihin sana nang samaan siya nito ng tingin.

"Shut up! Anong hindi mo sinasadya? You clearly slapped intentionally!" sigaw nito sa kaniya. Mas lalong kinabahan si Hera nang makita ang pamumula ng pisngi na kaniyang sinampal kasabay nang pamumuo ng mga luha sa mga mata nito.

Napakagat siya ng kaniyang pang-ibabang labi at hindi alam ang sasabihin. Guilty siya. Totoo na sinadya niya iyon dahil nagpadala siya sa kaniyang emosyon. At ngayon ay nagsisi na siya sa kaniyang ginawa.

Kahit kailan ay hindi niya ito napagbuhatan ng kamay. Kahit na sobrang nasasaktan na siya sa mga sinasabi nito sa kaniya at sa klase nang pagtrato nito. Ngayon lang talaga at hindi niya alam kung ano ang gagawin para patahanin ang kapatid.

Sila lang dalawa ngayon papasok sa bahay ay dahil nahuli ang kaniyang Ina at step father. May bibilhin lang daw ang dalawa kaya pinauna na sila. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa Ina, baka–

"Mom! S-sinampal po ako ni A-ate Hera..." Natigilan si Hera nang makita ang kaniyang Ina at Step father na papalapit sa kanila. Nanlaki ang mga mata ng Mama ni Hera nang makita ang mukha ni Natalie na umiiyak at may marka ng palad sa pisngi. Pati rin ang step father ni Hera ay nagulat din. Mabilis na lumapit ang dalawa sa umiiyak na si Natalie.

"M-mom, it hurts..." Humagulgol ang kaniyang kapatid sa braso ng kaniyang Ina na hindi mapakapit. Ang mukha ni ay puno ng pag-aalala at gulat habang ang mukha naman ng Step father ni Hera ay ganoon rin. Ang kanilang reaksyon ay parang may nagyaring masama kay Natalie kahit na wala naman talaga.

Nanginginig si Hera sa kaba at nasa tabi lang habang dinadamayan ng kaniyang Ina at Step father ang kaniyang kapatid. Ang bawat hagulgol ng kaniyang nakakabatang kapatid ay mas lalong nagpasikip ng kaniyang puso.

Dapat ay pinigilan niya ang kaniyang sarili dahil kahit na anong sabihin niya na hindi siya nito nirespeto ay kapatid niya pa rin ito.

But that's clearly bullshit. Hindi ba puwede na isipin niya muna ang kaniyang sarili?

'Yan ang sinisigaw ng kabilang parte ng kaniyang isip at alam niyang mali iyon. Hindi dapat siya makaramdam ng ganoon, na deserve ng kapatid niya na masampal. Kapatid niya pa rin ito...

Sa mga sandali na nakapokus lang ang kaniyang Ina at step father sa pagpapatahan kay Natalie, si Hera ay nasa malalim na pag-iisip. Nalilito siya. May parte sa kaniya na nagsasabi na deserve ni Natalie ang masampal dahil sa pagkawalang hiya nito. May parte din sa kaniya na nagsasabi na hindi iyon tama at dapat na huminga siya ng tawad.

Gulong-gulo si Hera at hindi alam kung ano ang susundin o gagawin. Sigurado siya na dahil sa kaniyang ginawa ngayon ay mas lalo siyang mapapalayo sa mga ito.

"Hera! Mag-usap tayo sa loob," may diin na saad ng kaniyang Ina at kaagad na pumasok sa loob ng kanilang bahay kasama ang kaniyang kapatid at step father. Napalunok na lang si Hera at napatingin sa paligid nang mapagtanto na nanunuod pala ang kanilang mga kapitbahay.

Hindi na siya nagsayang pa ng oras at mabilis na pumasok sa loob. Nang makapasok na siya ay kaagad na sinampal siya ng kaniyang Ina. Napabaling ang kaniyang mukha dahil sa sobrang lakad nang pagsampa nito sa kaniya. Pakiramdam ni Hera ay naalog ang kaniyang utak dahil sa lakas no'n.

Ang tunog rin ng pagsampal sa kaniya ay umalingawngaw sa loob ng kanilang bahay. Dahan-dahan na itinaas niya ang kaniyang kamay at hinawakan ang pisngi na sinampal ng kaniyang Ina. Humarap siya sa babae at sinampal ulit siya sa kabila. Napapikit si Hera sa sakit nang magkabila niyang pisngi. Gusto niyang maiyak sa sakit pero parang namanhid na ata ang kaniyang puso.

"Wala kang karapatan na sampalin ang kapatid mong hayop ka! Pinalaki ko 'yan na hindi pinapadapuan ng lamok pero ikaw!" Hindi pa nakuntento ang Ina ni Hera at sinabutan pa siya hanggang sa napahiga na lang siya sa sahig.

"M-ma, tama na po..." nanginginig na pagmamakaawa niya sa Ina at hinawakan ang pulsohan nito para patigilin sa paghila sa kaniyang buhok. Hindi alam ni Hera kung saan ba ang parte ng kaniyang katawan ang masakit. Lahat ata. Puso, mukha, ulo at katawan. Pagod na pagod na siya sa sakit at gusto na lang niyang umalis.

Hindi niya alam kung makakayanan pa ba niya ang pagmamaltrato sa kaniya ng kaniyang Ina at mga kapatid. Hindi alam ni Hera kung ilang minuto o oras na ba siyang nakahiga at hinahayaan ang Ina na bugbugin siya. Nakatingin lang ang kaniyang Step father at kapatid sa kaniya habang binubugbog siya ng kaniyang Ina. Hindi man lang ito tumulong o patigilin ang babae.

Somehow, it makes her think na they really don't care even if she dies right now.

"A-ahh," napaigik siya sa sakit ng hilain ng kaniyang Ina ang kaniyang buhok dahilan nang pag-upo niya mula sa pagkakahiga. Mahigpit na hinawakan nito ang kaniyang baba ay inangat ang kaniyang mukha. Nagtama ang kanilang paningin at gusto na lang umiwas ni Hera nang makita ang mga mata ng Ina na puno ng galit habang nakatingin sa kaniya pabalik.

"Huwag ka nang magpapakita ditong hayop ka kung ayaw mong mapatay kita. Pasalamat ka at anak kita kung hindi, iwan ko na lang." Pagkatapos nito sabihin ang mga katagang iyon ay hinila siya nito palabas ng bahay.

Pagod na napapikit si Hera ng mga mata at napahawak sa naninikip na puso. She's wondering if she can die from too much pain.

Nakaupo lang si Hera sa labas ng kanilang bahay at blangko na nakatingin sa harap. Sa sobrang sakit na kaniyang nararamdaman ay hindi mapigilang mamanhid ng kaniyang puso at katawan. Wala ring kahit na isang luha na tumulo sa kaniyang mga mata. Parang pagod na pagod na ang kaniyang katawan sa punto na tinatanggap na lang nito ang lahat ng sakit.

Nang gumabi na ay nagsimulang maglakad si Hera paalis ng kanilang bahay. Hindi niya alam kung saan siya pupunta ngayon. Blangko ang kaniyang isipan at gusto na lang niyang magpahinga sa sakit na kaniyang nararamdaman.

Deserve ba talaga niya na tratuhin nang ganito? Kahit kailan ay wala siyang tinapakan na tao o sinaktan sa buong buhay niya. Naging mabait siya mula bata siya hanggang paglaki kaya bakit? Why is she suffering to the point that it's almost pointless living in this world? It's like living right now is a curse.

"Hey!" Napatingin si Hera sa harap nang may sumigaw sa kaniya. Sumalubong sa kaniya ang isang itim na mamahaling kotse. Napatingin siya sa tao na sumigaw sa kaniya at napakurap nang makita si Lucas na nakakunot ang noo. Nang makita siya nito ay nanlaki ang mga mata ng lalaki sa gulat at kaagad na lumapit sa kaniya.

"Hera! What the hell happened to you?" gulat na sambit ng lalaki at hinawakan ang kaniyang magkabilang braso. Hindi sumagot si Hera at blangko lang na nakatingin sa mga berde nitong mga mata na puno ng pag-aalala.

While staring at his eyes full of worry, a tear suddenly fell down her left eye followed by another and another until she doesn't realized anymore she's finally crying. Humagulgol siya sa harap ng lalaki at kahit na naguguluhan si Lucas ay niyakap niya nang mahigpit ang babae na puno ng pasa ang mukha at may magulong buhok.

Why are you staring at me with your eyes full of worry? Is that fake too? Are you just like my Mother who treated me as if I'm not her child?