Kinabukasan ay halos ayaw nang tumayo ni Hera at magsimulang mag trabaho. Natatakot siya na baka ito na ang kaniyang huling araw na mukhang mangyayari talaga dahil sa ginawa niya sa kaniyang Amo kahapon. Matapos ang nangyari sa gabing iyon ay kaagad na bumalik siya sa kaniyang silid at doon nagkulong sa pinaka sulok ng kaniyang kuwarto.
Hindi rin siya nakatulog nang maayos kagabi dahil nga sa nangyari. Sobrang lakas at bilis nang tibok ng kaniyang puso kagabi na para bang sasabog na ito. Hindi siya magawang makapagpahinga kagabi dahil sa mga what ifs na pumapasok sa kaniyang isipan. Hindi niya rin mapigilan mapaiyak kagabi dahil sa pinaghalo-halong emosyon na nararamdaman niya.
Nasa isip ni Hera ay baka patay na si Lucas dahil sa kaniyang paghampas kagabi. Hindi na kasi ito nag-ingay pa at mukhang patay na nga. Hindi rin siya bumalik sa silid nito para tingnan kung buhay pa ba ito ay dahil natatakot siya na baka ay may gawin ulit ito sa kaniya tulad kagabi.
Alam ni Hera na lasing ang kaniyang Amo at wala sa sarili kaya nagawa ng lalaki iyon sa kaniya. Sa mga araw na nandito siya ay kahit kailan ay hindi siya trinato nito ng ganoon. More like, he is always treating her as if she's a wind. Okay lang iyon para kay Hera atleast hindi katulad si Lucas sa mga naging amo niya noon na palaging pinagsasamantalahan ang kaniyang katawan.
Kaya noong nagsimula siyang hawakan kagabi ng lalaki ay natakot talaga siya. Syempre sino bang hindi matatakot ay kabahan sa sitwasyon na iyon? Pero hindi katulad sa mga dati niyang amo na galit siya sa mga ito, kay Lucas ay medyo naiintindihan niya ang lalaki kahit na masakit ang mga salita nito. Iwan niya ba pero parang may nagtutulak sa kaniya na intindihin ito.
Kahit na labag sa kalooban ni Hera ang bumangon at e check si Lucas ay wala siyang nagawa kung hindi sundin ang kalahati ng kaniyang isip na nag-uudyok sa kaniya na e check ang lalaki. Kalahati sa kaniya ay gustong manatili sa kaniyang silid at tumakas sa tamang oras kung may nangyari man habang ang kalahati naman ay gustong e check ang lalaki baka napano na iyon.
Kaya wala siyang nagawa kung hindi magbihis at ayusin ang sarili. Pinakalma niya ang kinakabahang dibdib at nagsimula nang maglakad paalis sa kaniyang silid at pumunta sa silid ng lalaki. Tahimik pa rin talaga ang pasilyo na mas lalong nagpapakaba sa kaniya. Sa sobrang lakas nang tibok ng kaniyang puso ay rinig na rinig niya ito.
Nang malapit na siya sa silid nito ay napatigil siya bigla at nagdalawang isip. Paano kung magwala na naman ito at maging ganoon katulad kagabi? Hindi niya alam kung kakayanin ba niya. Baka mapatay na nga niya ang lalaki nang hindi sinasadya kapag ganoon.
Huwag kang matakot Hera, kaya mo 'to.
Pampalakas loob niya sa kaniyang sarili at humigit nang malalim na hininga. Nang kumalma na ang kaniyang puso at bumalik na ulit ang lakas loob niya sa katawan ay nagsimula na naman siyang maglakad. Nang nasa harap na siya ng pinto nito ay napalunok siya nang paulit-ulit. Ramdam niya ang pagtulo ng malamig na pawis sa kaniyang leeg.
Hindi na siya nagdalawang isip pa at mabilis na binuksan ang pinto. Akala niya ay sasalubungin sa kaniya ang nakahiga niyang Amo pero ang sumalubong sa kaniya ay isang malinis na silid. Parang walang kababalaghan na nangyari sa buong lugar. Ang noong mga nagkalat na mga sirang gamit at mga basag na bote ay wala na.
Napaawang na lang ang mga labi ni Hera at napatanga. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. Totoo ba ito? Bakit ganito ka linis ang buong silid? Namamalik-mata lang ba ako? Nanaginip ba ako kagabi? Why? Weh? Sure ba ito? Bakit ganito ang itsura ng silid?
Ang akala talaga ni Hera ay isang magulong silid ang sasalubong sa kaniya dahil napakagulo talaga ng silid kagabi. Pero sa nakikita niya ay mukhang hindi iyon ang sitwasyon ngayon. Plus hindi niya nakikita ang lalaki.
Napakagat na lang si Hera sa kaniyang pang-ibabang labi at mas lalong kinabahan. Siya lang naman mag-isa ang katulong dito sa malaking bahay. At sila lang dalawa ni Lucas maliban na lang sa gardener na minsan lang pumunta dito sa mansyon. Walang ibang naglinis dito sa loob ng silid ng kaniyang Amo kung hindi ang kaniyang Amo rin.
Napasapol na lang siya ng kaniyang noo. Patay na talaga, yari na talaga siya nito. Mukhang bumalik na sa dati ang kaniyang Amo at mukhang mapapalayas na talaga siya.
Halos maiyak na si Hera nang napagdesisyunan niya na bumaba para uminom ng tubig. Hindi niya makayanan na magtagal pa doon. Sa tuwing nakikita niya ang malinis na silid ay parang sinampal siya ng katotohanan na mapapalayas na talaga siya dahil sa ginawa niyang paghampas sa kaniyang Amo kagabi.
And as usual, tahimik at walang tao. Ine-expect ni Hera na sasalubong sa kaniya ang galit na mukha ng kaniyang Amo pero mukhang wala ata ito sa mansyon. Napabuntong hininga na lang siya at kaagad na dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Mabilis na nilarok niya ang tubig at muntik pang nabulunan dahil sa kaniyang pagmamadali.
Ininom na lang niya ang kaniyang sama ng loob ng tubig. Sa totoo lang ay ayaw niya talagang umalis dito. Like sino ba namang may gusto? Napakalaki ng sahod at isa pa, wala pa nga siyang isang buwan dito at mapapalayas na agad siya. Ano na lang kaya ang sasabihin ng kaniyang Ina? Sigurado siya na magagalit na naman iyon at baka mapatay na talaga siya nito nang tuluyan.
Tahimik na dinaramdam ni Hera ang kaniyang pagkabigo habang nakatingin lang sa kawalan. Lingid sa kaniyang kaalaman na may lalaki pala na papalapit sa kaniyang kinaroroonan.
"What are you doing?" Napaigtad si Hera sa kaniyang kinauupuan nang may bigla na lang magsalita sa kaniyang likod. Nang lingunin niya iyon ay nagulat siya nang makita si Lucas. Nakakunot ang noo nito at mukhang ayos naman ang lagay. Hindi mapigilan mapalunok ni Hera nang paulit-ulit at hindi alam kung ano ang isasagot sa lalaki.
Nakaupo kasi siya sa silya at may tatlong baso na walang laman ang nasa kaniyang harap. May hawak-hawak rin siyang isang baso ng tubig na ngayon ay malapit na niyang maubos. Dahil sa nerbyos na kaniyang nararamdaman ay hindi niya namalayan na naparami na pala ang kaniyang nainom na tubig.
Napailing-iling na lang si Lucas nang hindi nagsalita ang babae at nanahimik lang. Naglakad siya papalapit sa malaking mesa at binaba ang kaniyang dala na pagkain. Maaga siyang nagising ngayong araw dahil sa sumasakit niyang ulo. Ala singko pa lang ata ng umaga nang magising siya dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman.
Parang pinukpok ng matigas na bagay ang kaniyang ulo. Pagkagising niya rin ay sumalubong sa kaniyang paningin ang magulo niyang kuwarto at sugatan niyang kamay. Hindi na rin nagulat si Lucas dahil sanay naman siya na minsan ay ganoon ang sasalubong sa kaniya.
Sa tuwing nag-iinom siya mag-isa at napasobra sa alak ay gumagawa siya ng mga bagay na hindi na niya naaalala kinabukasan. Kaya nang makita niya ang kaniyang nag-iisang katulong na may nerbyos at kinakabahan na ekspresyon ay may pakiramdam siya na may ginawa siyang hindi maganda kagabi.
He felt sorry for her. Kahit na anong pilit niyang alalahanin ang nangyari kagabi ay sumasakit lang ang kaniyang ulo. He can't do anything when that shit started to take over his body like a wild deceased. If only that day didn't happened, then he might still be normal right now.
Tahimik lang si Hera at nakayuko ang ulo. Naramdaman niyang umupo ang kaniyang Amo sa kaniyang harap pero wala siyang plano na harapin ito. Alam niya na may dala-dala itong pagkain at gusto ng kunin ang mga iyon para ilagay sa lalagyan pero natatakot siya na gumawa ng ingay o gumalaw man.
Nang hindi pa rin siya gumagalaw sa kaniyang kinalalagyan ay napabuntong hininga na lang si Lucas. Normally, when his maid started acting like this, he would automatically fired them. But this woman in front of him is something that's why he'll let this slide for now.
Besides, she's the 30th maid. I can't fired her.
Lucas, who seems not normal today did the work that was supposed to be done by her. Ito na ang naglatag ng plato para sa kaniyang sarili. Nagulat na lang si Hera nang may plato na may lamang pagkain ang lumitaw sa kaniyang harap.
Gulat na napatingin siya kay Lucas na nagkibit balikat lang. Parang wala lang sa lalaki ang ginawa nito at nagsimulang kumain na para bang hindi siya nito kinuhanan ng pagkain. Nahihiyang napakagat si Hera ng kaniyang labi. To think na dapat siya ang magsisilbi sa lalaki pero ang lalaki na ngayon ang nagsisilbi sa kaniya.
Ugh, nakakahiya.
"Eat," utos ng lalaki sa kaniya kaya walang nagawa si Hera kung hindi ang sumunod na lang. Pilit na nilulunok ni Hera ang pagkain na nasa kaniyang bibig. E hindi nga niya ito manguya nang maayos dahil sa sobrang awkward ng paligid. Deserve ba niya na makaranas ng ganito? Parang mahihimatay ata siya sa sobrang awkward!
Mukhang napansin ata ng lalaki na hindi siya komportable kaya bigla na lang itong nagtanong sa kaniya.
"Did... Did I do something to you last night?" Lucas suddenly asked which made Hera almost choke to death. Mabilis na binigyan ni Lucas ng isang baso ng tubig ang babae na bigla na lang nabulunan dahil siguro sa kaniyang tanong.
Nang maayos na ang lagay ni Hera ay naiilang na nag-iwas siya ng tingin sa lalaki.
"W-wala naman po..." tanggi niya kahit na ang totoo ay gustong-gusto na niyang sabihin sa lalaki ang ginawa nitong paghawak sa kaniya kagabi. Mukhang hindi nito naaalala ang ginawa niya kagabi kaya mukhang safe siya ngayon at hindi mapapatalsik.
"Don't lie to me." Tumigas ang ekspresyon ng lalaki at mas lalong naging malamig kaya hindi mapigilan ni Hera na kabahan. Nilunok niya ang bumabara sa kaniyang lalamunan at sinabi sa lalaki ang totoo.
"Fuck." Narinig niya itong nagmura matapos niyang sabihin sa lalaki ang nangyari kagabi. Pero syempre ay hindi niya sinabi sa lalaki na hinampas niya ito ng matigas na bagay. Like hello, ayaw niya pang ma tengga.
Yumuko lang si Hera at hindi mapigilang mapangiti. Kanina ay sobrang kinakabahan talaga siya dahil baka ay naaalala ng lalaki ang nangyari kanina at mapatalsik siya. Pero sa mabuting palad ay nakalimot ito at mukhang hindi siya matetengga. Mabuti na lang talaga at nalimutan nito ang nangyari–
"By the way, you said that I almost harassed you right? How did you managed to get away from me?" Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Hera nang dahil sa tanong na iyon. Nahulog ang pagkain na ipapasok sana niya sa kaniyang bibig at napatanga na lang.
Tumaas ang kilay ni Lucas dahil sa kaniyang reaksyon pero parang na estatwa na si Hera at hindi makagalaw. Lucas tilted his head in confusion and later on groaned when a sudden pain pierce through his head.
"And did I bump my head last night? It hurts like hell." At dahil sa huling sinabi ni Lucas ay nawala na nga ng tuluyan sa sarili si Hera.