Parang may mga paru-parong nagliliparan sa tiyan ni Lesley habang tinatahak ang pasilyo patungo sa silid ni Bangs. Her heart beats with excitement as she walk towards the ward with the red door. Araw-araw naman siyang pumupunta rito pero ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong pagkasabik at saya.
Kahit sa eskwelahan kanina ay wala siya sa sarili at ilang ulit na nahuling nakatulala ng mga kaklase niya. All because she can't stop thinking of Bangs, or should she call him Kieran?
Nang makarating na siya sa labas ng ward nito, pinilit niyang itago ang ngiti na kanina pa pumipisil sa mga labi niya. Ayaw niyang magmukhang wirdo sa harap ni Bangs kapag nakita siya nitong pangiti-ngiti ng walang dahilan. She finally opened the door and walked in.
"Bangs! Nandito na ak-" hindi na niya natuloy ang pagbati rito nang makita itong lupaypay at bagsak ang katawan sa sahig na natutulog pa rin.
Wala itong suot pang-itaas kaya kitang-kita niya ang hindi mabilang na mga pasa nito sa balat na mula sa turok ng mga karayom. Mas maputla rin ang balat nito at mukhang pagod na pagod pero wala na ang mga kadena nito.
Walang paglagyan ang awang naramdaman niya at parang may pumiga sa puso niya. Alam niya kung ano ang nangyari rito at alam din niyang si Shane ang may kagagawan nito.
Walang pag-a-alinlangan siyang humakbang sa loob ng dilaw na linya at lumuhod sa harap ni Bangs tapos ay dahan-dahan niyang hinawi ang mahabang buhok na tumatakip sa mukha nito.
"Bangs," mahina niyang pagtawag dito habang hinahaplos ang pisngi nito.
Nanghihina nitong iminulat ang mga mata. His eyes smiled with his lips when he saw her face.
"Lesley," he whispered like he saw an angel.
"Bakit mo hinayaang gawin nila sa'yo 'to?" kunot-noo niyang tanong habang nakatitig sa itim nitong mga mata.
Pinilit nitong umupo at nangungulilang tumingin sa mukha niya.
"Hindi na kita makikita kapag hindi ako sumunod," nanghihina nitong sagot.
Mariin siyang napalabi. "Sino naman ang nanakot sa'yo ng gan'yan? Si Kali na naman ba?"
Mahina itong umiling. "Shane."
Kumuyom ang isang kamao niya. Ginagamit siya ni Shane para magawa nito ang gusto kay Bangs. Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili.
"Sorry, kasalanan ko 'to," naluluha niyang sabi rito. Pinasadahan muli ng kaniyang mata ang kawawa nitong katawan. "Tignan mo ang ginawa nila sa'yo! Napakasama talaga nila!"
Pinunasan nito ang luha niya at pinagpantay ang tingin nila.
"Hindi naman masakit," nakangiti nitong sabi.
Sinimangutan niya ito. "Sinungaling. Hindi ka nga makatayo."
Ngumiti lang ito. "Gutom na ako," pag-iiba nito ng usapan.
Pinunasan niya ang natitirang luha sa kaniyang pisngi at huminga ng malalim.
"Ipagluluto ulit kita ng fried chicken," nakasimangot niyang sabi.
Naiinis siya at wala siyang magawa sa kalagayan ni Bangs maliban sa ipagluto ito ng masarap na pagkain. Pero gayon pa man, hinding-hindi siya mawawalan ng pag-asa na balang araw ay makakalaya sila sa pagkakagapos sa lugar na ito.
Habang hinihintay kumulo ang mantika, kumuha siya ng bimpo at binasa iyon. Lumapit siya kay Bangs at pinunasan ang katawan nitong may bakas pa ng mga likidong ginamit dito.
"Akala ko ba may nagpapaligo sa'yo sa umaga?" reklamo niya.
Mukhang walang naglinis sa katawan nito matapos ang ginawang pag-eksperimento rito. Hindi ito sumagot. Mukhang bumalik na ang dating Bangs. Naturukan na naman kasi ito ng mga dati nitong droga para sa eksperimentong ginagawa rito.
Hindi tuloy niya maiwasang isipin kung paano napipigilan ni Bangs ang sarili na hindi maging bayolente sa kaniya. The side effect of the drugs they give him is extreme violence. Pero heto at hinahayaan nitong hawakan niya.
"Uhm, Bangs, bakit ang bangis mo sa ibang tao tapos sa akin hindi?" hindi niya napigilang tanong habang maingat na pinupunasan ang likod nito.
Nahinto niya ang ginagawa dahil humarap ito sa kaniya at tinitigan siya sa mata. His eyes have the same sparkle when they kissed.
"May iba akong nararamdaman," sagot nito na may makahulugang ngiti.
She felt her heart skip a beat. Napadaing ito ng mariin niyang kurutin ang tagiliran nito.
"Puro ka kalokohan!" pagalit niya rito tapos ay tumayo siya at mabilis na naglakad papunta sa maliit nitong kusina.
Narinig niya ang mahina nitong pagngisi nang umalis siya sa tabi nito. Siya naman ay tumalikod para itago ang pamumula ng pisngi niya. Then she remembered what Shane said. Bangs was horny for the first in this asylum and that's because of her. Naalala na naman niya ang pinagsaluhan nilang halik. Lalo tuloy nag-alab ang pisngi niya.
Kunwari ay abala siya sa pagpiprito at nakatalikod dito upang itago ang kaniyang hiya. Pasimple niyang liningon si Bangs na nakangiti habang pinagmamasdan ang likod niya. Bumilis na naman ang tibok ng puso niya nang magtama ang tingin nila. Agad siyang nag-iwas ng tingin tapos ay kinagat niya ang ibabang labi. Ganito na ba niya ito kagusto?
Nang matapos siyang magluto, inihain na niya rito ang piniritong manok. Katulad ng dati, nagpasubo ito sa kaniya. Pinakalma niya ang sarili at ang puso niyang napakabilis ng tibok. She tried her best to act normal.
"Kieran Lanz Kingsley," she said while feeding him. "Pamilyar ba sa'yo ang pangalan na 'yon?"
Umiling agad ito tapos ay bumuntong hininga siya. Wala talaga itong naaalala sa nakaraan nito. Kahit ang sarili nitong pangalan ay hindi nito alam. Ang dami pa naman niyang tanong dito tungkol sa mga nabanggit ni Shane. Naging magkaklase nga ba sila dati? Pero matanda na si Shane at si Bangs ay bata pa.
"Gusto ulit kitang halikan," biglang sabi ni Bangs na pumutol sa malalim niyang pag-iisip. Kanina pa pala ito nakatitig sa mga labi niya na may pagnanasa.
Pinaningkitan niya ito ng mata. "Hindi ba sabi ko sa'yo hindi iyon gawain ng magkaibigan?"
Tinagilid nito ang ulo at inosente ang mukhang kumurap-kurap sa kaniya.
"Pero sinagot mo ang halik ko," sagot pa nito.
She blushed. Totoo ang sinabi nito pero nahihiya siyang aminin iyon.
"H-hindi naman kita hinalikan a?! Na-nagulat lang ako sa ginawa mo kaya hindi kita naitulak agad. First kiss ko kaya iyon!" kunwaring galit niyang sabi. "Tapos ninakaw mo ng ganun-ganon lang? Hmph!"
Wala namang nagbago sa emosyon ng mukha nitong may makahulugang tingin at ngiti sa kaniya.
"Tama na nga 'yang kapilyuhan mo! Tara na, toothbrush ka na," paglilihis niya ng usapan.
Inalalayan niya itong makatayo at maglakad papuntang lababo nito. Nanghihina pa rin kasi ang buong katawan nito at nahihirapang kumilos. She helped him brush his teeth then they went back to their place earlier. She checked her to do list for today and she was surprised at the last note. It was written by Shane.
Make sure to inject him with the drug. It's to prepare him for the experiment later.