Chereads / The Boy Behind The Red Door (Tagalog Version) / Chapter 24 - Wrong Turn (Part 2)

Chapter 24 - Wrong Turn (Part 2)

"O? Ba't ganyan ka makatingin? Nabitin ka ba?" panunukso nito.

"A-ano?"

"Don't worry, mamaya hindi na kita bibitinin."

Pinaningkitan niya ito ng mata. "Ang assuming mo! Kiss mo yung mukha mo!"

Tinawanan lang siya nito. "Ang sweet mo talaga."

"Hmph!"

Tumawa lang ulit ito. Mukhang bumalik na ang dati nitong sigla at ugali. Siguradong matutuwa si Amanda sa kaniya. She made Patrick very happy and she needs to be contented with that. Kahit pa pakiramdam niya ay ginigiling ang puso niya at gusto niyang umiyak.

Naging mas malabo na ang magkaroon sila ni Bangs ng mas malalim na relasyon. Pero kahit na may nobyo na siya ay tutuparin pa rin niya ang pangako rito. She will not abandon him. She will still look for a way to save him from that hell called MNA.

Dumating na ang hapon at naghanda na siya sa pagpasok sa MNA. Inaayos niya ang laman ng sling bag niya nang may biglang yumakap sa kaniya mula sa likod.

"H'wag ka na bumalik don," bulong ni Patrick sa tenga niya habang mas pinahihigpit pa ang yakap sa kaniya.

Pinakalma niya ang sarili. "Kailangan kong magtrabaho. May kontrata ako roon," kalmado niyang sagot para hindi nito mahalatang naiilang siya sa pagyakap nito.

Sumimangot ito. "Ihahatid sundo ulit kita para makita ng mga tao don na may nagmamay-ari na sa'yo."

Marahan niyang inalis ang kamay nitong nakayakap sa kaniya at humarap dito.

"Wala kang dapat ipag-alala kasi wala namang magtatangkang agawin ako sa'yo. Okay?"

Ngumiti ito. "Mabuti naman kasi may paglalagyan talaga sila."

Sininghalan niya ito. "Ang yabang mo talaga!"

Nginisian lang nito ang sinabi niya tapos ay hinawakan ang pisngi niya.

"Pakiss muna bago tayo umalis."

She blushed a little. Hahalikan na naman siya nito. Ayaw niya pero nangako siyang susubukan itong mahalin at kasama sa relasyon ang mga ganitong bagay.

Masasanay din ako. Kiss lang naman. Maliit na bagay, kumbinsi niya sa sarili.

Pinikit niya ang mga mata at hinintay ang pagdampi ng labi nito sa kaniya. But instead, she felt his lips on her neck. Namilog ang mga mata niyang napadilat sa ginagawa nito. Ilang segundo niyang napigil ang hininga. Gusto niya itong itulak pero hinayaan na lang niya ito.

It's just a kiss on the neck. Not a big deal, kumbinsi pa niyang muli sa sarili.

Lumipas ang ilang minuto ay inahon na nito ang ulo at pilyong ngumiti sa kaniya.

"Tara, ihahatid na kita," anito pagkatapos ay lumabas na ng kwarto niya.

Matamlay niyang hinimas ang bahagi ng kaniyang leeg na hinalikan nito. Walang buhay ang mga labi niyang may pekeng ngiti at ang mga mata niyang walang kasing lungkot habang nakatingin sa linabasan nitong pinto. She did not feel excited nor aroused by it. She felt disgusted. Malayong-malayo ito sa naramdaman niya kay Bangs.

Huminga siya ng malalim at pinagkibit-balikat na lang ang hindi magandang nararamdaman. Pinagpatuloy na niya ang pag-aayos ng bag niya tapos ay sumunod na rin sa nobyo.

Nagpahatid na siya kay Patrick sa MNA. Abot tenga ang ngiti nito sa buong byahe habang magkahawak ang mga kamay nila. Sana ay ganitong saya rin ang nararamdaman niya ngayon.

Nang makarating na sila sa tapat ng MNA ay nagpaalam na ito na humalik pa sa pisngi niya. Hinintay niya itong makalayo bago siya tuluyang pumasok.

Hindi maipinta ang mukha niya habang naglalakad sa pasilyo ng Basement One. Pakiramdam niya ay wala siyang mukhang ihaharap kay Bangs. She gave herself to someone she does not love. Para lang makabayad ng utang na loob. Napakababa ngayon ng tingin niya sa sarili. Hindi naman niya ito nobyo pero pakiramdam niya ay pinagtaksilan niya ito.

Malalim siyang huminga nang makarating na siya sa tapat ng pulang pinto. Pinilit niyang ngumiti saka pumasok. Sana lang ay hindi nito mapansin na may kakaiba sa kaniya ngayong araw. At sana ay maitago niya ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"Bangs! Nandito na ako!" masigla niyang bati rito.

Katulad ng dati, nakatayo ito malapit sa dilaw na linya at sabik na nakangiti sa kaniya.

"May dala akong pagkain para sa'yo, pero luto na 'to. Sana kainin mo pa rin kahit hindi mo nakita paano 'to niluto," nakangiti niyang sabi.

Inilabas niya ang tupperware na may lamang pagkain mula sa kaniyang sling bag tapos ay tinanggal ang takip.

"Tada! Ang tawag dito ay menudo."

Tumagilid ang ulo nitong pinagmasdan ang hawak niya.

"Ako naman ang nagluto nito kaya kainin mo, okay?"

Kumuha siya ng kutsara at bumalik sa harapan nito. Susubuan niya ito nang hawakan siya nito sa pulsuhan. Natapon ang pagkain sa kutsara at muntik pa niya itong mabitawan. Pagagalitan sana niya ito nang bigla siya nitong hinalikan. Yumakap ang isang kamay nito sa bewang niya at pinagdikit pa ang mga katawan nila.

Masuyong gumagalaw ang mga labi nito na tila tinutukso siyang sagutin iyon. She was able to pull her lips for a bit then she looked in his eyes. He was longing for her. Parang kahapon lang ay magkasama sila pero lubos ang pangungulilang nabasa niya sa mga mata nito.

"Ku-kumain ka muna," halos pabulong niyang saad.

Mahina itong umiling. "Mamaya," sagot nito tapos ay binitawan siya.

Kinuha nito ang hawak niyang kutsara at pagkain tapos ay inilapag iyon sa sahig.

"Bangs, an-"

Hindi na nito pinatapos ang pagsasalita niya at muling yumakap sa kaniya. Then he kissed her again. Ramdam na ramdam niya ang malakas na pagtibok ng puso niya. Hindi na niya kayang itanggi sa sarili na na-miss din niya ang mga labi nito. Ipinikit niya ang mga mata at nakipagsabayan dito.

Pansamantala niyang nakalimutan ang tungkol sa kanila ni Patrick. Sa mga oras na iyon, si Bangs lang ang tanging laman ng isip niya at ang pinagsasaluhan nilang mainit na halik.

Yumakap siya sa leeg nito at mas lalong pinagdikit ang mga katawan nila. Nang bahagya niyang minulat ang mga mata, may napansin siyang mahinang pulang ilaw na kumikislap sa isang sulok sa kisame. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung ano iyon.

She immediately pulled from their kiss. "Oh my God! May CCTV nga pala!"

Napalingon din si Bangs sa dakong tinitignan niya pero wala itong naging reaksyon. Mas lalo pa nga nitong hinigpitan ang hawak sa kaniya.

"Bitiwan mo muna ako Bangs. May nanonood sa'tin!"

Imbis na pakawalan sa mahigpit nitong pagkakayakap ay muli nitong sinakop ang mga labi niya.

"B- Mmm!"

Pumalag siya pero hindi ito nagpatinag. Giniya siya nito palapit sa pader saka isinandal. Mabilis nitong iginapang ang isang kamay papasok sa ilalim ng polo niya hanggang sa makarating ito sa dibdib niya. Nahigit niya ang hininga ng pinisil nito iyon. The butterflies in her stomach went wild.

Hindi niya napigilang mapa-ungol sa ginagawa nitong pagmasahe sa isang dibdib niya habang mas pinapalalim ang halikan nila. She is feeling so much pleasure that she does not care if someone is watching them.

Wala na siyang pakialam sa CCTV o kung may nanunuod sa kanila. She likes the feeling of Bangs' hand on her breast. Everytime he pinches her nipple, her mind goes crazy. Ngayon lang niya ito naranasan sa buong buhay niya.

From her lips, Bangs kisses trailed down to her neck. Nadadarang na siya sa sobrang sarap na pinararamdam nito nang bigla itong tumigil at dahan-dahang bumitaw sa pagkakayap nila. Puno ng pagtataka siyang tumingin sa mukha nito.

"M-may problema ba?"

Her voice sounds frustrated. Nabitin kasi siya. Hindi ito sumagot at madilim ang mukhang nakatitig sa leeg niya. Bigla siyang napahawak sa parteng iyon nang may maalala.

No way!

Nanakbo siya sa bag niyang nakapatong sa lamesa at kinuha ang maliit niyang salamin. Halos hindi siya makahinga nang tumama ang hinala niya. Patrick left a kissmark on her neck.

Ang lalaking iyon talaga!

Kinakaban siyang lumingon kay Bangs habang kagat-kagat ang ibabang labi. She is so dead!

Mahigpit siyang napakapit sa bag niya nang magtama ang tingin nila. Napakadilim ng mukha nito at gumagalaw ang pangang nakatitig sa kaniya. And his eyes, they were gray again.