Chapter 26 - MOM (Part 1)

"Eighteen years ago, I was the luckiest man alive when I got married to the woman with the most beautiful hazel eyes. She was the kindest and most selfless person I have ever met. She respects every living thing it's impossible to hate her. She wouldn't even hurt a fly. Unfortunately, she was born in a family of mad scientists," saad ni Jacoben na may hindi maitagong lungkot sa mga mata.

Tahimik lang na nakikinig si Lesley habang parehong nakatuon ang kanilang atensyon sa babaeng nasa kabilang silid.

"Her name's Maridona, the eldest daughter of Dr. Victor Nobles, a well-known biochemist, and bioengineer. Her mother died giving birth to her psychopath sister."

Pasimple siyang suminghal. Sumasang-ayon siya sa huli nitong sinabi. Shane truly is a psycopath.

Jacoben smirked as he continued. "Imagine having a demon as a father and a lunatic sister, it's a miracle she grew up a different person from that crazy family." Mahina itong umiling. "Anyway, wala pa akong alam noon sa sikreto ng mga Nobles noong kinasal kami ni Mari. Being with her was a dream come true for me. I might not look like a romantic person, but she's the only woman I've ever loved. Life had never been so perfect until I heard a disturbing rumor. My dear wife was pregnant, but the baby's not mine."

Umawang ang labi niya sa huli nitong sinabi. Magtatanong sana siya pero pinigilan niya ang sarili. Hinayaan niyang ituloy nito ang kwento kahit pa kating-kati na ang dila niya sa mga tanong na nabubuo sa isipan niya.

"I was so foolish back then. Pinagbintangan ko pa ang best friend ko noon dahil sa mga walang kwentang tsismis. Turns out, the baby has no father. I did not believe it at first. I mean, how can someone do that? How was that even possible? Kaya nag-imbestiga ako. Sa bandang huli, umamin na rin sa akin ang asawa ko."

Mabigat itong huminga bago nagpatuloy. "Maridona was just ten years old when Victor found out that she has a unique blood. Simula noon kung anu-ano na ang pinag-gagagawa ng demonyong 'yon kay Mari hanggang sa magdalaga s'ya. Hindi ko nga alam kung paano 'yon natiis ng asawa ko, but she survived all the tests and experiments while normally living with other people."

"Victor kept on experimenting her for years. Katulong n'ya rin si Shane na minementor n'ya sa mga kalokohan n'ya. Noong una hindi ako makapaniwala na kaya iyon gawin ni Victor sa sarili n'yang anak. He looked like a loving father on the outside. I was too blind and stupid. I didn't see it until it's too late."

Jacoben paused for a few seconds while his jaw clenches. Biglang tumalas ang tingin nito habang inaalala ang nakaraan.

"When Maridona turned 15, Victor completed his greatest invention, the Nobles Blood. That blood causes a mutation in the cellular level, and it alters the DNA or the genes of a person. Being a mad scientist, he continued his human experimentation. He started kidnapping homeless people. Yung mga nag-mutate na hindi nagkaroon ng psychic ability, binenta n'ya sa black market."

"He deems them useless because they don't have special powers. Pero pumatok pa rin ang mga mahihinang mutant n'ya sa bawat auction. Sino ba naman ang hindi mamamangha kapag nakakita ng isang tao na nagbago ng anyo at naging halimaw? Just the word mutant is enough for them to be popular especially among mafias and secret organizations. His mutants instantly became wonders in the black market. Most of his clients are from outside the country. That's how he multiplied his money, power and fame."

"He keeps the strong mutants and gets rid of the weak. Balak kasi n'yang isalin ang mga naging abilidad nila sa sarili n'ya kaya pinipili n'ya lang ang mutant na itatabi n'ya. He wants to be more powerful, like, literally. He wants those powers to be his own. But, he still haven't found a way to transfer or copy a mutation. Pero hanggang sa naghahanap pa s'ya ng paraan paano gagawin 'yon, mangongolekta muna s'ya ng mga mutants."

"So he founded MNA. He chose a mental hospital because it would be easier to find test subjects. But as the demand for mutants went up, the supply of Nobles Blood became low. Iisang tao lang kasi ang pinagkukunan n'ya, at iyon ang asawa ko."

"Sinubukan naman n'ya na maghanap pa ng ibang carrier pero wala talaga. Only Maridona can carry that blood. So nag-isip s'ya ng paraan. He did something to my wife two months before we got married. I don't know how, wala akong alam sa science, but, my wife got pregnant on her own. It's like Victor made a clone of her inside her body. Kaso, noong lumabas yung baby, katulad lang din sa normal na tao ang dugo nito. The baby did not carry the Nobles Blood. So, they killed her child."

Napasinghap si Lesley sa narinig. How can someone murder a baby in cold blood? Paano iyon naatim ni Victor? Kahit pa hindi normal ang pagkabuo nito, galing pa rin ang batang iyon kay Maridona, sarili pa rin niya itong dugo't laman. Mahina siyang umiling at pinakatitigan si Maridona sa kabilang silid na puno ng awa.

Kunot na kunot ang noo ni Jacoben na umiiling ng ulo. "She always smile. Like nothing is wrong. She always help the people around her. Pero s'ya pala ang may pinakamalaking problema. Nakukuha pa n'yang unahin ang ibang tao kaysa sarili n'ya. And I never heard her complain about her family. In fact, she loves them."

Rinig ang gigil sa boses nito sa huli nitong sinabi habang gumagalaw ang panga at umiiling. Hindi talaga nito tanggap ang sinapit ng asawa sa pamilyang dapat ay minahal ito.

"Even after everything her father and sister did to her, she still tried to understand them. You know, I don't believe in angels, but after I met her, I think they do exist." Naiirita itong lumingon sa kaniya. "But they don't deserve that. They don't deserve her love and forgiveness. They don't deserve her at all."

Parang may kumurot sa puso niya habang pinagmamasdan ang mukha ni Jacoben na puno ng galit, pagsisisi at pangungulila.

"But you know, I don't deserve her too," anitong walang kasing lungkot ang mukha. "Ako ang asawa n'ya pero wala akong nagawa para iligtas s'ya. I promised to protect her but look where she is now. Wala akong kwentang asawa," puno ng pait nitong sabi. "This is all my fault. Kung naging malakas lang sana ako," dugtong pa nito habang kuyom na kuyom ang kamao at nakayuko.

"Pero hindi n'yo pa rin s'ya iniwan," sabat niya.

Napatingin ito sa kaniya at siya naman ay mariin ding nakatitig sa mukha nito.

"Siguro nga wala kayong nagawa noon pero nag-stay kayo sa tabi n'ya bilang asawa pa rin n'ya sa kabila ng lahat ng natuklasan n'yo. Nandito pa rin kayo sa MNA kahit na alam n'yong kahit anong oras pwede kayong patayin ni Victor. Para sa'kin iyon ang pinakamahalaga sa relasyon. Kahit anong mangyari, hindi n'yo iiwan ang isa't isa."

Lumabi siya at pasimpleng ngumiti.

"Sa tingin ko kaya hanggang ngayon buhay pa ang asawa n'yo dahil lumalaban din s'ya para sa inyo. Nakikita n'ya yung lahat ng effort n'yo para sa kan'ya. Saka siguro para hindi kayo masiraan ng bait dito sa MNA kaya kumakapit pa rin s'ya kahit mahina na s'ya. Alam ko dahil pareho po tayo ng sitwasyon. Iyan din ang nararamdaman ko kay Bangs. Pero hindi natin kasalanan bakit sila nakakulong dito. Kaya h'wag n'yo nang sisihin masyado ang sarili n'yo, Sir Jacoben. Pinoprotektahan pa rin natin sila sa paraang alam natin," aniya tapos ay matamis niya itong nginitian. "Kaya swerte din po sa inyo ang asawa n'yo, dahil hindi n'yo s'ya sinukuan."

Natulala ito sa mukha niya na parang may pinipigilang dumaloy na emosyon. Maya-maya pa ay huminga ito ng malalim at nangungusap ang mga matang tumingin ulit sa asawa. Isang minuto ang lumipas bago itong nagsalita muli.

"Mana ka sa nanay mo," anito saka nakangiti nang humarap sa kaniya.

Tila naglaho ang lahat ng galit at inis nito kanina. Kahit halos pabulong, malinaw niyang narinig ang sinabi nito.

"Kilala n'yo ang nanay ko?!" gulat na gulat niyang tanong.

"No. Hula ko lang," nakangisi nitong sagot tapos ay umayos na ng tayo at humarap muli sa asawa. "I'll continue the story now," he added.

Napakurap-kurap na lang din siyang napatingin kay Maridona. Akala niya ay kilala na talaga nito ang mga magulang niya. Biro lang pala.

"One day, he got Kieran Lanz Kingsley."

Mabilis niyang liningon ulit si Jacoben nang marinig ang pangalan ni Bangs. Nakaabang ang nanlaki niyang mga mata sa sasabihin nito tungkol sa binata.

"Aside from extraordinary senses, speed, strength and an ability to paralyze a person with his mind, his mutation stopped him from aging."

"Ilang taon na si Bangs?" biglang tanong niya.