Chapter 30 - Shoot (Part 1)

Matapos kumain ni Lesley kasama si Mrs. Dapit sa Luxies Plate ay hinatid na siya nito pabalik sa MNA. Dito na lang muna siya sa ospital magpapalipas ng oras hanggang mag-umpisa ang trabaho niya mamayang gabi.

She checked her cellphone and saw dozens of missed calls and texts from Patrick. Hindi na siya nasorpresa. Kilala niya ang ugali nito at alam niyang hindi ito agad susuko kaya napabuntong hininga na lang siya. Kailangan na muna niyang lumayo rito.

Sinilip niya ang kaniyang pitaka at napangiti nang makitang may sapat siyang pera para mamalagi muna sa hotel ng ilang araw. For what it's worth, MNA pays their employees well. Buti na lang kakasahod lang niya at malaki ang naitabi niyang pera para sa sarili.

Naglakad-lakad muna siya sa palibot ng MNA para hindi maburyo. Hindi naman nabigo ang ospital sa paglibang sa kaniya. Bukod sa malawak na parking lot, may mga hardin ito na bumusog sa kaniyang mga mata. Napansin niya ring napakalayo ng ibang mga establisyemento rito. There are trees before the main road and a lot more after. Talagang walang makakapansin sa masasamang bagay na nangyayari rito.

Nang mapagod ay umupo siya sa pinakamalapit na bench at binuksan ang bote ng tubig na kaniyang baon. Habang lumalagok ay nahagip ng kaniyang paningin ang isang anino ng tao na nakasilip sa likod ng isang puno sa malayo. Bigla itong naglaho nang titigan niya. Kumunot ang noo niya at nabahala rito. Pakiramdam niya may nagmamasid sa kaniya.

Agad siyang tumayo at mabilis na lumakad papunta sa pinakamalapit na entrance habang hindi mapakaling palingon-lingon sa kaniyang likuran. Pagkapasok ay agad siyang sumilip sa bintanang una niyang nakita habang ang katawan niya ay nakatago sa pader sa gilid.

Tumatagaktak ang pawis niya habang sinusuyod ng mga mata ang lahat ng maabot ng kaniyang paningin pero wala na siyang nakitang anino. Guni-guni lang ba niya iyon?

Sumandal siya sa pader at mariing pumikit.

"Ano na ba'ng nangyayari sa'kin? Nababaliw na yata ako," hinihingal niyang sabi sa sarili.

Dinukot niya ang panyo sa bulsa para magpunas ng pawis sa noo nang may biglang tumawag ng atensyon niya.

"Goodafternoon po, ma'am!" masiglang bati ng lalaking security guard na nagbabantay sa entrance.

Nagtataka niyang inikot ang ulo sa paligid para tignan kung sino ang kinakausap nito. Tinuro niya ang sarili nang makitang walang ibang tao maliban sa kaniya.

"Opo. Kayo po ang kausap ko. Ayos lang po ba kayo?" tanong nitong malawak ang ngiti sa kaniya.

Kanina pa pala nitong pinapanood ang kataka-taka niyang pagsilip sa bintana. Nahihiya siyang tumango saka nag-ayos ng tayo.

"O-opo ayos lang ako. Medyo mainit kasi sa labas. Hinihintay ko kumulimlim," palusot niya habang pinapaypayan ang sarili gamit ang panyo.

"Gano'n po ba?"

Pilit siyang ngumiti. "Oo," aniya tapos ay tumuro sa kaniyang likuran. "Uhm, mauuna na po ako," she awkwardly said.

Mas lumapad pa ang ngiti nito. "Sige, ma'am. Ingat po kayo!"

Naiilang niya itong nginitian at tinalikuran. Akmang hahakbang na siya paalis nang biglang may mapagtanto. That man is familiar. Nakita na niya ang mukha nito kung saan.

Salubong ang kilay niyang lumingon ulit sa security guard. Umawang ang labi niya matapos pakatitigan ang mukha nito. It is the man who went to their house one night. Iyong naniningil kuno ng utang ayon sa ina. Ano ang ginagawa nito rito sa MNA?

The man looked at her too and smiled as if he knows what her thinking. Kumindat pa ito bago nag-iwas ng tingin. Hindi siya makapaniwalang natulala rito ng ilang segundo.

This can't be a coincidence!

Lalapitan sana niya ito nang biglang may humarang.

"Lesley? What are you doing here?"

Puno ng pagtataka niyang tiningala ang lalaking humarang.

"Sir Jacoben?"

Namilog ang mga mata niya rito at hindi makapaniwalang tinignan ito mulo ulo hanggang paa.

"Nandito kayo?!"

Nawiwirdohan itong kumunot ang noo sa kaniya. "Of course I'm here. Is that surprising?"

"Akala ko po kasi bukas pa po kayo makakapasok! Buti naman nandito na kayo!"

"Well, that's true, kung hindi sana nagkaroon ng emergency yung ka-meeting ko. How about you? Aren't you too early for your shift?"

Huminga siya ng malalim tapos ay tiim na tumingin sa mukha nito.

"Kayo po kasi talaga ang pinunta ko rito kaya maaga ako. Kailangan po nating mag-usap tungkol doon sa sinabi n'yo sa akin sa B3. Nakapagdesisyon na ako."

Pasimpleng luminga-linga si Jacoben sa paligid para siguruhin na walang nakikinig sa kanila saka bahagyang yumuko sa kaniya.

"Let's not talk about that here," pabulong nitong sabi na tinanguan niya.

"Let's go to my office," anyaya nito pero bago pa man ito makahakbang ay hinawakan niya ito sa braso tapos ay naniningkit ang mga mata niyang tumingin sa security guard na abala sa pag-inspeksiyon sa mga pumapasok.

"Kilala n'yo po yung guard na 'yon?" tanong niya.

Jacoben looked at the man she is staring at. "Oh, him? He's one of the new employees I hired a few weeks ago."

Kunot-noo niyang binalik ang tingin kay Jacoben. "Kayo po ang nagpasok sa kan'ya?"

Tumingin din ulit ito sa kaniya. "Yes. Why? Do you know him?"

Ilang segundo siyang natahimik tapos ay binitawan ang braso nito at umiling.

"Hindi po. Nagtataka lang ako kasi wala na yung dating guard. Medyo naging close na kasi kami ni ateng guard na pinalitan n'ya," pagsisinungaling niya.

"Oh, don't worry," nakangiti nitong sabi. "That woman still have a job. I just assigned her in different location." Tumango siya bilang tugon. "Come on. We still have something more important to talk about," anito tapos ay nag-umpisa na silang maglakad.

Habang papunta sa opisina nito ay hindi maalis sa isipan niya iyong misteryosong security guard. Sigurado siyang iyon ang lalaki na bumisita sa kanila noong gabing nagtapat ng pag-ibig sa kaniya si Patrick.

Crimson Clan...

Naalala niyang nabanggit ito ng ina noong gabing iyon. Ano ang ibig sabihin noon?

She intently stares at Jacoben's back as she remembers the day her mother told her she will work at MNA. May kausap ito sa telepono noong araw na iyon na kaibigan daw ng ina niya at handa siyang bigyan ng trabaho. Si Jacoben siguro ang kaibigang tinutukoy ng ina dahil naalala niya kung paanong basta-basta na lang siyang tinanggap nito para makapagtrabaho rito. Malakas ang kutob niyang hindi aksidente na narito siya at ang lalaking iyon.

Iniling niya ang ulo para isantabi muna ang mga pagdududa niya. She has to focus on their plan first. Saka na lang niya kukulitin si Jacoben ng mga tanong kapag natapos na sila sa kanilang misyon. Masyadong importante itong gagawin nila para matuon ang atensyon niya sa ibang bagay.

Pagkarating nila sa opisina, binilinan nito ang sekretarya na ikansela lahat ng appointment tapos ay sinarado ang pinto. Lumakad ito papuntang desk na nasa gitna ng silid at bahagyang umupo sa ibabaw. Pumamulsa ito at seryosong tumingin sa kaniya.

"So, what's your decision?" tanong nito.

Hindi na siya nagpaligoy-ligoy. "Pumapayag na akong isalin sa'kin ang dugo ng asawa n'yo."

"Are you sure? Because there is no going back once we started."

Mabilis siyang tumango. "Pinag-isipan ko 'to ng maraming beses kaya siguradong-sigurado na ako. Marami nang winasak na buhay ang MNA, kasama na ang sa akin at kay Bangs. Ayokong mabilanggo dito at matulad kina Mang Ernesto at Aling Rosana."

Makahulugan siyang pinagmasdan ni Jacoben. "Is that the only reason?"

Umiling siya at tumahimik ng ilang segundo.

"Noong una gusto ko itong gawin para sa aming dalawa lang ni Bangs. Pero ngayon..."

Kumuyom ang mga kamao niya at puno ng emosyong tinitigan ang portrait ng building ng MNA na nakasabit sa pader sa harapan niya.

"Sa tuwing lumalakad ako sa hallway ng B1, naririnig ko sa ulo ko yung bulong ng bawat pasyente roon. Mahina ang mga boses nila noong una kaya hindi ko napapansin, pero habang tumatagal palakas ng palakas. Nararamdaman ko yung galit, lungkot, pighati, sakit at sobrang pangungulila na nararamdaman nila kahit hindi ko sila nakikita. Hindi ko alam kung paano pero parang may pising nakakonekta sa akin sa bawat isang mutant dito. Nararamdaman ko ang bawat presensya nila. Yung iba mabigat sa dibdib, yung iba magaan, may mga mainit at malamig, pero iisa ang sinasabi nila... Gusto nila akong lumapit."

Bahagyang umawang ang labi ni Jacoben at nabalot ng pag-aalala ang mukha.

"Ano'ng sinasabi nila sa'yo sa tuwing lumalapit ka?" salubong na kilay nitong tanong.

"Iba-iba," sagot niya. "Sumisigaw sila ng tulong, kalayaan, kamatayan at paghihiganti. Naririnig ko sila sa ulo ko kapag tumatapat ako sa pinto ng ward nila," she said then looked at Jacoben with frustration. "Hindi sa nagpapakabayani ako, pero, hindi ko na rin kayang magbulag-bulagan. Sobrang maling-mali yung ginagawa nila Shane at Victor. Walang bahid ng pagkatao! Kailangan nang tumigil ang MNA!"

Jacoben sighed and turned around to look at the painting too.

"Yeah... I couldn't agree more. This place is hell on earth. With real demons and monsters."

"Sir Jacoben, hindi tayo pwedeng matalo," diin niya.

Mahina itong tumango at yumuko na tila may malalim na iniisip. Pagkakuwan ay lumabi ito at tumingin sa kaniya.

"Well... I need to tell you something."