Chapter 31 - Shoot (Part 2)

Ilang segundo siyang natahimik dahil sa kakaibang tingin nito. "Ano po 'yon?" kinakabahan niyang tanong.

"My secretary told you that I won't be here until tomorrow, right? And I told you that's true and that I came back here because he didn't show up."

Tumango siya. "Opo. Hindi po ba 'yon totoo?"

"No, no. Totoo 'yon. But it wasn't a business meeting."

Kumunot ang noo niya. "Ano po'ng ibig n'yong sabihin?"

"I'm supposed to meet Kit, he's one of my informants and he's around your age. He was to deliver a flashdrive containing all information about V-03 to me but he went MIA. I called my other informant and he told me that Kit has been taken by NSF. He got caught and I'm not sure if he's still alive. "

Humakbang siya ng isa palapit saka salubong na kilay na pinagtama ang tingin nila.

"Kung ganoon alam na ni Shane ang binabalak natin?!"

"We don't know, but we can't take chances."

Umawang ang labi niya. "Sir Jacoben, kaya po ba bumalik kayo rito ay para umpisahan na yung plano? Kasi alam n'yong nandito ako at pumapayag na ako sa alok n'yo, dahil sinabi ni Mrs. Dapit. Tama ba?"

"Yes," sagot nitong diretso rin ang tingin sa kaniya. "Thanks to your impeccable timing, the odds are still with us.

Napakagat siya ng labi at mahigpit na napahawak sa sling ng kaniyang bag dahil sa kaba na bigla niyang naramdaman.

"Pa-paano po 'yan? Hindi n'yo pa po nasasabi yung buong plano sa'kin. Kung ngayon na natin gagawin hindi ko alam kung ano ang dapat mangyari. Ayokong maging pabigat."

Tumayo ito ng tuwid at pinatong ang isang kamay sa balikat niya.

"Don't worry, you just need to follow me down to B3. And, we don't have a choice. They got Kit. It will only be a matter of time before they find out everything," sabi nito tapos ay inalis na ang kamay sa balikat niya at muling pumamulsa.

Ngumuso ito saka bahagyang nagtaas ng balikat.

"Pero kung nagdadalawang-isip ka, okay lang. We can go on with our plan B. You can go home," saad nitong parang nangongonsiyensya. "Warn your family and hide until this is over. I told you that I won't force you so I—"

"Gagawin ko!" putol niya rito. "Medyo, uhm, kinabahan lang ako, pero, gagawin ko." Lumunok siya tapos ay tinapangan ang tingin dito. "Sinabi ko na sa inyo, buo na ang loob ko. Ililigtas ko si Bangs at ang lahat ng nakakulong dito kahit anong mangyari."

Malalim siyang huminga tapos ay nagtaas ng noo. Tila naghahamon ang mga mata niyang tumingin kay Jacoben.

"Hindi pa po ba tayo aalis? Hindi na kasi ako makapaghintay na pabagsakin si Shane," she confidently said. Wala nang pag-aalinlangan sa mukha niya.

Ilang segundo itong natulala sa kaniya bago malapad na ngumiti. "That's my girl," mabagal nitong pagbigkas na may pagkamangha sa kaniya. She can not help but smile too.

"Alright! Let's go."

Hindi na sila nag-aksaya ng oras at agad na silang sumakay sa elevator pababa ng B3. Naririnig niya ang nakabibinging tibok ng puso niya sa sobrang kaba pero linalabanan niya ito. Iniisip niya si Bangs para humugot ng tapang at lakas. Kapag nagtagumpay sila ni Jacoben, magiging malaya na sila ng binata. Matatapos na rin ang lahat ng paghihirap nito.

Pareho sila ni Jacoben na nakatitig sa pinto ng elevator na ilang segundo na lang ay bubukas na. Kumuyom ang kamao niya at malalim na huminga. Wala na itong atrasan.

"Here we go," ani Jacoben na inayos ang suot na tuxedo.

She heard the elevator ding and the door opened. Pero imbis na humakbang palabas ay natulos sila sa kinatatayuan. Dahil kasabay ng pagbalot ng liwanag sa loob ay mga baril na nakatutok sa kanila.

"Well, well, well..." anang boses na pamilyar sa kaniya.

In front are four NSF pointing their guns at them with Shane standing in the middle.

Gumuhit ang isang butil ng pawis sa kaniyang noo habang hindi makagalaw sa kinatatayuan. Nagtinginan sila ni Jacoben na madilim ang mukha sa kaniya.

"Look what we have here," ani Shane na nakangiting humahakbang palapit sa kanila. "My brother-in-law and a nobody."

Hindi sila nagsalita ni Jacoben pero kita niyang nagtatagis ang mga bagang nito habang matalim ang tingin sa harapan. Humalukipkip si Shane at taas ang isang kilay na pinagsalit-salit ang tingin sa kanila.

"You really thought you can outsmart me? Me? Shane Nobles? A genius?!"

Sumenyas ito sa mga tauhan nito. Kinaladkad sila palabas ng elevator at pinaluhod sa harap ng nakangising doktor habang napapalibutan sila ng apat na kalalakihan na nakatutok ang mga baril sa kanilang ulo.

Gulung-gulo ngayong ang isip niya dahil sa takot na unti-unting sumasakop sa kaniya. Paanong nalaman ni Shane ang plano nila? Will someone save them? Ito na ba ang katapusan niya? Nag-umpisa nang manginig ang mga kamay niya na gumagapang sa buong katawan niya.

Bangs... I'm sorry...

"You know, Jacoben, I wasn't really surprised when I found out you are planning something against us. I always knew you'll make a move someday ever since I sedated your wife," ani Shane na nakakrus ang braso.

"Nasaan si Kit?" matapang na tanong ni Jacoben na may nakamamatay na tingin.

"Dead of course! And if you're thinking that we found out because of him, no. He died with his mouth shut. I admire that loyal dog of yours."

Nagtagis ang bagang ni Jacoben. "You're gonna pay for it," mariin niyang sabi habang galit na galit na na nakikipaglaban ng titigan kay Shane. "Karma is a bitch Shane. And it's gonna come for you. One way or another," he added.

Tinawanan lang ito ni Shane. "Oh no, Jakey, your Kit has already paid for your stupidity and I believe that's what karma is." Dumukwang ito para ilapit ang mukha kay Jacoben. "I found out about your plan because of you. And not because of Kit. This is your fault, Jacoben. Kit's death is your fault too and everything that will follow!"

Shane paused a few seconds then scoffed at him.

"After everything my father did for you, you still betrayed him. You are an ungrateful bastard. Do you know that?" nangugutya nitong sabi tapos ay tumayo na ulit ng tuwid.

"And you're a psychopath. Crazy bitch," sagot ni Jacoben.

Shane smirked. "Whatever."

Humakbang si Shane palayo at muling pinagkrus ang braso.

"This entire floor is bugged. I heard your conversation with this janitress over here when you told her about Maridona and your stupid plan," sabi nito na tumuro sa kaniya. "But what really caught my attention is the story you told her. Most of it is true, except for two. One, we didn't kill Maridona's child. It's either you are making us look more evil to provoke her more or you are hiding something. Second, I am never close to discovering how to reproduce Maridona's blood outside her body. So, why did you lie? You even told her to become the next mother of mutants. Did you really believe that it's going to work? Is that how stupid you've become over the years?"

Hindi sumagot si Jacoben na nagbaba ng tingin.

"Oh, I think I know. You did that to convince this poor girl over here, right? So she would go along with your stupid plan?"

Nanginginig ang mga labi ni Lesley na tumingin kay Jacoben.

"Sir Jacoben, totoo ba ang sinasabi n'ya? Kasinungalingan lang 'yon para mapapayag ako?"

Saglit lang siya nitong tinignan tapos ay nagbaba na ulit ng tingin.

"I'm sorry..."

Shane's laugh echoed on the walls. Nanlulumo siyang napaupo sa sementong sahig at nagbaba ng tingin. She bit her lips to stop her tears from falling. This plan was a suicide.

"You two are pathetic. Don't bother answering my questions Jacoben. I don't care anymore. Your plan was stupid anyway. You're just wasting my time," ani Shane saka sumenyas sa mga tauhan niya. "Shoot these vermins and feed their bodies to my pets!"

Halos ibalibag na ni Amanda ang pinto ng kaniyang bahay nang pumasok siya. Nagmamadali ang mga paa niyang makarating sa kaniyang kwarto nang madaanan niya si Patrick na nakaupo sa sopa sa sala at tulala. Gusto niyang itanong kung ano ang problema nito pero may mas mahalaga siyang dapat gawin.

"Pat, kailangan muna nating umalis rito sa bahay. Mag-impake ka na. Mamaya ko na lang ipapaliwanag," mabilis niyang sabi tapos ay dumiretso na siya sa kaniyang kwarto para kumuha ng mga dadalhin sa paglayas nila.

"Huwag ka masyadong magdala ng marami, malayo ang byahe natin. Saka importante lang ang mga dalhin mo. Hindi rin kailangan ng maraming damit," pasigaw niyang sabi para umabot sa sala ang boses niya. "Narinig mo ba ako? Naintindihan mo ba?"

Huminto siya sa pagkalkal ng drawer nang wala siyang narinig na tugon mula rito.

"Patrick?"

Nagtataka siyang lumabas ng kwarto at sumilip sa sala pero wala na doon ang anak.

"Patrick?!"

Tumakbo siya papuntang kwarto nito pero wala rin ito roon.

"Patrick nasaan ka? Patrick!"

Natataranta siyang bumalik ulit sa sala. Kumunot ang noo niya nang magawi ang mga mata sa sahig kung saan ito naroon kanina. Isang lukot na litrato ni Lesley ang kaniyang nakita.

Nabitawan niya ang damit na hawak nang mapalingon naman sa nakabukas na pinto palabas ng kanilang bahay. Sigurado siyang isinara niya ito kanina pagpasok niya. Iniling-iling niya ang ulo nang mapagtanto ang balak nitong gawin.

"Hindi, hindi, hindi! Patrick!"

Nanghihina ang mga tuhod niyang lumapit sa pinto at dumungaw sa labas. Buong lakas na isinigaw niya ang pangalan ng anak pero wala nang Patrick na bumalik. Iyon na ang huling beses na nakita niya ang anak.