Chereads / The Boy Behind The Red Door (Tagalog Version) / Chapter 37 - Starry Sky (Part 2)

Chapter 37 - Starry Sky (Part 2)

Pinigilan niya ang sarili kahit sobrang nag-iinit ang katawan niya ngayon at panay ang tingin niya sa dibdib nito na kanina pa niya gustong damahin sa mga palad niya at sa loob ng kaniyang bibig. Napalunok na lamang siya sa pagkatakam sa katawan nito.

Lumabi ito at umusog ng upo sa kaniya. Sinandal nito ang ulo sa balikat niya at yumakap sa kaniyang braso.

"Pwede mo naman akong halikan araw-araw."

"Kahit saang parte?"

Tumawa ito at mahinang pinalo ang braso niya.

"Ikaw talaga!"

Ngumiti rin siya tapos ay malalim na huminga. Lubus-lubos man ang pagkabitin niya, hindi niya susundin ang tawag ng laman. Hindi niya ito kayang saktan ng ganoon.

Hindi na bale, siya naman ang gusto nito. Sapat na iyon para makuntento at maging masaya siya. Ang mahalaga ay magkasama sila.

Tumingala na lamang siya at napakurap-kurap habang minamasdan ang napakaraming bituin sa kalangitan na nagkikislapan sa ganda. Ano kaya ang tawag sa mga ilaw na iyon na kumukutitap sa madilim na kalangitan? Parang gusto niyang abutin ang mga ito.

Maya-maya pa ay bigla siyang nakaramdam ng pamilyar na emosyon. He felt a stab in his heart and suddenly saw himself covered in blood ang looking up at the same beautiful starry sky.

Napaigtad siya na pareho nilang ikinagulat ni Lesley. Ano iyong nakita niya? Isa ba iyong ala-ala?

"Bangs?! Bakit? May masakit ba sa'yo?" anang katabi niya na nag-aalalang sinusuri siya.

Kinalma niya ang sarili at humarap dito.

"Ayos lang ako."

Gusto niyang sabihin ang nangyari pero hindi niya alam kung paano ipapaliwanag.

"Sigurado ka okay ka lang?" paniniguro ni Lesley na tinanguan niya.

Ilang sandali lang ay nakaramdam siya ng kakaibang presensya na papalapit sa kinaruroonan nila. His gray eyes looked at the direction where a man suddenly walked out from the dark. Agad siyang tumayo para sugurin ito ngunit humawak si Lesley sa mga kamay niya.

"Sandali! Kakampi natin s'ya," anito tapos ay tumayo rin. "S'ya si Kuya Dan. Isa s'ya sa mga tumulong sa'tin para makatakas tayo sa MNA."

"Gising ka na pala," nakangiting sabi ng lalaki sa kaniya.

Ibinaba nito ang mga dalang napulot na sanga at nagpagpag ng kamay.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?"

Kinunotan niya ito at hindi sinagot. Hirap pa rin siyang magtiwala sa mga tao at nararamdaman niya ang katawan niyang nanginginig sa kagustuhang saktan ito. Kung wala siguro si Lesley sa tabi niya ay baka napatay na niya ito.

"Kuya Dan, h'wag n'yo po s'yang titigan sa mata," ani Lesley.

Ngumiti lang si Dan at umupo sa isang malapad na bato malapit sa apoy na nagsisilbing liwanag at init nila sa gitna ng kagubatan.

"Huwag kang mag-alala. Kaya ko naman ang sarili ko. Isa pa, nariyan ka para kontrolin ang galit niya," sagot ni Dan kay Lesley tapos ay tumingin na ulit sa kaniya.

"Ikinagagalak kitang makilala ng personal, Sir Kieran."

Hindi pa rin niya ito sinagot pero kumalma na ang loob niya. May kakaiba sa lalaking kaharap niya. Ramdam niyang hindi ito normal na tao. Isa rin ba itong katulad niya?

"Magpahinga na kayo. Kakailanganin ninyo ng lakas sa susunod na mga araw. Lalo na kayo, Sir Kieran, hindi madali ang pagdadaanan mong drug withrawal dahil napakaraming taon kang naging dependent sa mga kemikal na inilalagay ng MNA sa katawan mo," sabi pa nito na nagdagdag ng isa pang kahoy sa apoy dahilan para mas lalong lumakas ang siklab nito.

"D-drug withrawal?! Mararanasan ni Bangs 'yon?" sabat ni Lesley na parang natakot sa sinabi nito.

Tumango si Dan. "Oo, naranasan namin lahat 'yon noong nailigtas kami ni Boss."

Kunot ang noo ng dalaga na naaawang tumingin sa kaniya. Lalo tuloy siyang nagtaka. Parang masamang balita yata itong pinag-uusapan nila.

"Gaano katagal titiisin ni Bangs 'yon?" patuloy na usisa ni Lesley habang nakatingin pa rin sa kaniya.

"Hindi ko masasabi. Iba-iba ang epekto sa bawat tao. Maaaring umabot ng ilang linggo o buwan sa tagal niyang pinag-e-eksperimentohan ng MNA."

Kay Dan naman binaling ni Lesley ang tingin.

"Wala ba siyang pwedeng inuming gamot?"

"Mayroon pero hindi ibig sabihin hindi n'ya pagdaraanan 'yon. Tutulong lang ang gamot na iyon para maibsan ang paghihirap niya kahit kaunti."

Mabigat ang dibdib na nagpakawala ng hangin ang dalaga. "Ayos lang," nakasimangot nitong sabi. "Ang mahalaga ay mababawasan ang mga sintomas na pwede n'yang maramdaman."

Tuluyan nang nagsalubong ang kilay niya dahil wala siyang naintindihan kahit isa sa pinag-usapan ng dalawa patungkol sa kaniya. Humigpit ang hawak ni Lesley sa magkasiklop nilang kamay tapos ay humarap ulit sa kaniya.

"Bangs, makinig ka. Sa mga susunod na araw, makakaramdam ka ng mga hindi magagandang bagay sa katawan mo, pero pinapangako ko sa'yong aalagaan kitang mabuti kaya h'wag ka mag-alala. Hindi ako aalis sa tabi mo. Kailangan mo lang tiisin muna hanggang sa makarating na tayo sa hideout."

"Hindi ko naiintindihan," naguguluhan niyang sagot.

"Nasanay na kasi ang katawan mo sa mga kemikal ng MNA. Ngayong hindi mo na makukuha ang mga kemikal na 'yon, magkakaroon ng negatibong reaksyon ang buong sistema mo. Pero kapag nalampasan mo 'yon, magiging malinis na ang katawan mo sa mga side effects ng eksperimento nila sa'yo. Hindi ka na basta-basta mananakit at laging galit sa mga tao. Mas makokontrol mo na ang sarili mo. Kapag nangyari 'yon, pwede ka na ring mamuhay ng parang isang normal na tao katulad ni Kuya Dan."

Umaliwalas kaagad ang mukha niya nang marinig ang mga huli nitong sinabi. Magiging normal na siya at babalik ang kaniyang katinuan sa pag-iisip.

Ibig sabihin, mas magiging karapat-dapat na siya kay Lesley dahil hindi na siya ituturing na isang mabangis at nakakatakot na halimaw. Hindi na niya kailangang ikahiya at itago ang sarili sa mundo. Mas lalo na rin niyang mababantayan ang dalaga sa mga lalaking magtatangka na umagaw rito. Ito na yata ang isa sa mga pinakamasayang araw niya.

"Salamat," hindi niya napigilang sabi kay Dan na nakangiti sa kaniya.

Hindi naman mawari ang ekspresyon ni Lesley na nagulat sa sinabi niya.

"Nagpasalamat ka?!"

Kinunotan niya ito ng noo. May mali ba sinabi niya?

"Wow, Bangs! Marunong ka na palang mag-thank you! Saan mo natutunan 'yan?" dugtong pa nitong aliw na aliw sa kaniya.

"Walang anuman, Sir Kieran," sagot ni Dan sa pasasalamat niya.

"Ang galing naman ng Bangs ko!" patuloy na papuri ng dalaga sa kaniya.

"Marami pa akong kayang gawin," sagot niya rito.

"Alam ko at hindi na ako makapaghintay na mas makilala ka pa. Ang tunay na ikaw."

Nginitian niya ito. "Kung hindi mo ako pinigilan kanina nakilala mo na sana ang tunay na ako."

Agad na natigil ito sa pagngisi at kinakabahang mabilis na lumingon kay Dan at sa kaniyang muli. Palihim nitong pinandilatan siya ng mga mata habang kagat ang labi saka pasimpleng kinurot siya sa kamay.

"Oo na, biro lang," aniyang nagpipigil ng tawa.

Hiyang-hiya pa rin ito sa kamuntikang pagtatalik nila.

"Magpahinga na kayo," singit ni Dan na nakangiti pa rin sa kanila. "Ako na ang bahala rito," dugtong pa nito.

"Thank you po, Kuya Dan," sagot ni Lesley. "Tara na, Bangs. Inaantok na rin ako," anyaya nito tapos ay giniya siyang mahiga sa kanina nilang pwesto.

Umunan ito sa braso niya at yumakap sa kaniyang katawan. Sandaling namayani ang katahimikan dahil sa lalim ng kanilang mga iniisip, tapos ay nagsalita na rin ito.

"Alam mo, sobrang saya ko talaga ngayong araw, Bangs. Hindi pa rin ako lubusang makapaniwala na malaya ka na sa MNA. Sana bukas makarating na tayo sa hideout para mas maging kampante na tayo. Sana maging maayos na ang lahat," anito sa pahinang boses tapos ay hindi na napigilang humikab. "

Goodnight, Bangs..." usal pa nito bago tuluyang ipinikit ang mga mata.

Tinignan niya ang nahihimbing nitong mukha. Siguro ay sobra ang pinagdaanan nito ngayong araw para mapagod ng ganito, ang bilis nakatulog. Gusto pa naman niya itong kausapin pa. Hanggang ngayon ay nasa tuktok pa rin siya ng saya dahil sa mga pinagtapat nito kanina.

Marahan niyang hinaplos ang mukha nito at mariing hinalikan sa noo. He closed his eyes and hugged her tight and closer to him. He will never let her go. Nang mga sandaling iyon, ipinangako niya sa sarili na poprotektahan ito kahit buhay pa niya ang maging kapalit.