Chereads / The Boy Behind The Red Door (Tagalog Version) / Chapter 38 - Heated Cave (Part 1)

Chapter 38 - Heated Cave (Part 1)

Hindi na matiis ni Lesley ang nobyo na naliligo na sa sariling pawis at tila hihimatayin na sa putla ng mukha. Nakayuko lang ito at pagewang-gewang ang lakad. Pansin din niya ang tila kapos at malalalim nitong paghinga. Tumigil siya sa paglalakad at hinawakan ito sa braso saka pinagtama ang tingin nila.

"Bangs, huwag mo pilitin kung hindi mo na kayang maglakad. Pwede naman tayong magpahinga na muna sandali," nag-aalala niyang sabi tapos ay lumingon sa isa pa nilang kasama. "'Diba, Kuya Dan?"

"Oo naman," ani Dan. "Kaysa bumigay ang katawan mo, Sir Kieran. Malilintikan ako kay Boss kapag may nangyari sa'yo."

"H-hindi. K-kaya ko pa," pagmamatigas nito.

Pinaningkitan niya ito ng mata. "H'wag ka na makulit, Bangs. Alam kong hindi na kaya ng katawan mo. Saka, pagod na rin ako kaya magpahinga muna tayo."

Lumapit si Dan ng ilang hakbang sa kanila at sinuri ang katawan nito. Bumuntong-hininga ito at matamlay na tumingin sa kaniya. By his look at her, she knew there is a bad news.

"Sa kondisyon n'ya ngayon, sa tingin ko hindi na n'ya kakayanin pang magpatuloy ng ilang kilometro. Mas makabubuti kung ako na lang mag-isa ang maglalakbay para mas mabilis akong makarating sa hideout."

Hindi siya agad na nakasagot at napatitig sa mukha nito ng ilang segundo. She and Bangs will be left alone in the middle of nowhere. Natatakot siya na baka may mangyaring hindi maganda at wala si Dan para tulungan sila.

"Huwag kayo mag-alala, pinapangako kong babalikan ko kayo agad. Bigyan n'yo lang ako ng apat hanggang anim na oras para makahingi ng tulong."

"P-paano kami ni Bangs? Saan kami maghihintay?"

"May alam akong malapit na kweba rito. Doon kami pumupunta madalas kapag natatapos ang training namin dito sa gubat."

"Kweba?"

"Oo, h'wag kayo mag-alala dahil sinisiguro kong ligtas doon," anito tapos ay pinalibot ang tingin sa paligid. "Itong gubat, dito kami madalas mag-ensayo dahil masyado itong tago. Kaya dito ko rin pinili na dumaan. Alam kong hindi mapapadpad dito ang MNA o kahit sinong tao. Ligtas kayo rito."

Nabawasan ang pangamba niya sa sinabi nito.

"S-sige. May tiwala ako sa inyo. Hihintayin ka namin, Kuya Dan. Ako na ang bahala kay Bangs. Mag-ingat po kayo."

Ngumiti ito tapos ay tinapik nang mahina ang balikat niya.

"Alam kong kaya mo. Hindi ka ordinaryong babae. Matapang, matalino at malakas ka."

Isang ngiti din ang tugon niya rito. Tama si Dan. Marami na siyang nalampasang mabibigat na pagsubok. This is nothing compared to the life and death situations she had with MNA.

Hinatid na sila ni Dan sa kwebang tinutukoy nito tapos ay hindi na nag-aksaya ng oras at nagpatuloy na sa paglalakbay. Naghanap siya ng magandang puwesto sa bukanan ng kweba at saka doon umupo. Inihiga naman niya si Bangs at pinaunan sa mga hita niya habang siya ay komportableng sumandal sa malaking bato sa likod niya.

Napabuntong-hininga na lamang siya habang pinagmamasdan ang mga ulap sa kalangitan. Ang isang kamay naman niya ay nag-umpisang humimas sa ulo ng binata na nakatulog agad.

Nakahinga na rin siya ng maluwag kahit papaano. Salamat ay nakapagpahinga na sila mula sa walang tigil nilang paglalakad.

Mahigit isang araw na silang naglalakbay at hindi pa sila kumakain. Naubos na rin ang natitira nilang isang bote ng tubig kaya nauuhaw na rin siya. Hindi naman sila makadaan sa mga pangunahing kalsada o kung saan may mga tao dahil pinaghahanap pa rin sila ng MNA.

They have no choice but to take the long road to the nearest hideout on foot. Ngunit ayos lang iyon. Hindi bali nang malipasan sila ng gutom at mapagod ng sobra kaysa mawalan ulit ng kalayaan.

"Kamusta na kaya si Mrs. Dapit?" usal niya habang nakatingala at malayo ang tingin.

Nasaan na nga ba ito? Nakatakas kaya ang matanda sa mga alagad ni Shane? The last time she saw her, Kali is being chased by a helicopter. The odds of her escaping is too thin. Pero ayaw pa rin niya mawalan ng pag-asa.

Nagpakawala na naman siya ng malalim na hininga.

Magiging ayos din ang lahat, muli niyang sabi sa sarili tapos ay binaling niya ang atensyon sa tunog ng kalikasan na nakapalibot sa kanila.

Ang tunog ng nagkukuskusang mga dahon at mga sanga ng puno na dulot ng ihip ng hangin ay tunay na nagbibigay ng kalma sa pagod niyang isip. Ganoon din ang mahihinang huni ng mga ibon na lalong nagpapagaan ng kaniyang loob. Itinuon pa niya lalo ang atensyon sa mga tunog na iyon hanggang sa kusang sumarado ang mga mata niya at sumuko sa antok at pagod.

"Argh!"

Napamulat ng mga mata si Lesley nang makarinig ng malakas na daing. Agad niyang hinanap kung sino iyon. She saw Bangs writhing in pain in front of her. She immediately jumped at him.

"Bangs! Ano'ng nangyayari sa'yo?!"

Lalo siyang natakot para rito nang tumirik ang mga mata nito at nagkonbulsyon.

"Bangs! Bangs! Ano'ng problema?! Ano'ng nangyayari sa'yo?!"

Hindi na niya napigilang mapaiyak at yinakap ito ng mahigpit.

Narinig na niya ang tungkol sa mga sintomas ng drug withrawal pero ngayon pa lang siya nakakita ng ganito sa personal. Iba pala kapag sa taong mahal mo na nangyayari ito. Mahirap at masakit sa dibdib panuorin, lalo na kung wala kang magawa para rito. If only she could take away the pain.

"Bangs, please, kayanin mo."

Lumipas ang isang minuto at tumigil din ito sa panginginig na sinundan naman ng pagsusuka. Dehydration starts to become very visible on him. Mas bitak-bitak na ang mga labi nito.

Kailangan niyang maghanap ng maiinom na tubig dahil kung hindi, ikamamatay ito ni Bangs. He might be the strongest mutant MNA ever had, but he is still a biological being that requires water in his body to survive. She has to do something about it.

Nang bahagya na itong kumalma. Inalalayan niya itong humiga papasok pa lalo sa loob ng kweba, sa likod ng isang malaking bato. Wala naman sigurong mangyayaring masama rito kung iiwanan muna niya ito saglit. Kailangan kasi niyang umalis at maghanap ng batis o ilog para kumuha ng maiinom.

Nanlaki ang mga mata niya nang tumingin siya sa labas ng kweba. It's sunset. Malapit na palang dumilim. Hindi niya namalayang nakatulog din siya. Nasaan na si Dan? Bakit wala pa ito?

Kinagat niya ang ibabang labi. "Bangs, dito ka lang, okay? Mabilis lang ako. Kukuha lang akong tubig," aniya saka mabilis na tumayo at tumakbo palabas.

Tubig. Tubig. Kailangan kong makahanap ng tubig!

Her mind was only focused on finding water. Maging siya ay uhaw na uhaw at nahihilo na rin. She's hungry, thirsty ang tired. Pero kailangan niyang magpakatatag alang-alang sa kanilang dalawa ni Bangs.

Isang direksyon lang ang tinahak niya para hindi siya madaling maligaw. Mabilis ang bawat hakbang niya habang palinga-linga sa paligid. She needs to find water fast before the night falls. Baka hindi na niya makita ang daan pabalik kapag inabutan na siya ng dilim.

Bumilis ang tibok ng puso niya nang sa wakas ay nakatanaw siya ng ilog. Napuno siya ng pagkasabik at agad na tumakbo sa direksyon nito. Ngunit ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya ay biglang nawalan ng balanse ang isa niyang paa. Nawalan siya ng lupang tatapakan. It was too late when she realized that there is a sinkhole.

Napasigaw siya sa sakit na lumatay sa buong katawan niya nang bumagsak siya sa isang malalim na butas sa ilalim ng lupa. Hindi niya agad ito napansin kanina dahil maliit lang ang bukanan nito na natatabunan ng malalagong damo.

Inipon niya ang lahat ng natitira niyang lakas at tumayo. Hindi niya inimda ang matinding kirot sa kaniyang kaliwang hita at tagiliran. Kailangan niyang makabalik bago dumilim.

Paulit-ulit niyang sinusubukang makalabas sa butas ngunit paulit-ulit din siyang nahuhulog sa bawat tangka niyang pag-akyat. Gayonpaman, hindi siya pwedeng sumuko. She tried to climb again at a different spot. Sa pagkakataong iyon, nakaabot ang kamay niya sa tuktok. Her adrenaline increased at the hope of getting out of the 10-feet sinkhole.

Hanggang sa nag-umpisang umiyak ang langit. Nanlaki ang mga mata niyang napatingala sa kalangitan. She started to panick inside. Lalo niyang binilisan ang pag-akyat bago pa man lumakas ang buhos ng ulan at mapuno ng tubig ang butas. Siguradong mahihirapan na siyang makalabas kapag naging maputik at madulas ang lupa.

Inabot at kinapitan niya ang isang ugat ng puno na nasa bukanan ng butas. She celebrated for a moment. Sa wakas makakalabas na siya. Malakas siyang sumigaw habang buong lakas inaangat ang sarili pataas at palabas ng butas. Halos kalahati na ng katawan niya ang nailabas niya nang madulas ang mga paa niya sa tinutuntungan nitong bato. Dahil sa palakas na palakas na ulan, napabitaw din ang mga kamay niya sa basang ugat na kinapitan niya.

Malakas siyang napasigaw at mariing ipinikit ang mga mata. Her body can't take another 10-feet fall. Mababali na ang mga buto niya at hindi na niya kakayaning umakyat mag-isa kahit pilitin niya.

Bangs!

Bago siya tuluyang mahulog, naramdaman niyang may mahigpit na humawak sa kamay niya. Tumingala siya at nakita ang mga mala-dyamante at kulay abong mata ni Bangs na nanlilisik sa kaniya.

Madali lang nitong inangat ang buong katawan niya hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas sa butas. Magkaharap silang napaupo sa tabi ng butas habang hindi siya makapaniwalang napatitig sa mukha nito. He saved her.

"Bangs! A-"

Hindi niya naituloy ang sasabihin nang mapansin ang mga mata nitong matalim ang tingin. Gusto sana niyang magpasalamat sa pagligtas nito sa kaniya pero bakit parang galit ito?

Lumipas ang ilang segundo bago nito ibinuka ang bibig.

"Nangako ka, hindi ka aalis sa tabi ko," mariin nitong pagkakasabi na madilim ang mukha sa kaniya.

"Ka-kailangan kong maghanap ng tubig. Mamamatay ka kapag hindi ako umalis at naghanap ng maiinom," paliwanag niya.

"Ikaw ang muntik mamatay!" he shouted.

Nagulat siya sa pagsigaw nito at hindi nakapagsalita. Pagkatapos ay mabilis nitong hinablot ang magkabila niyang braso.

"Paano kung hindi ako dumating?! Paano kung namatay ka?!"

She looked in his gray eyes. Akala niya ay galit ang nakikita niya sa mga mata nito. Nagkamali siya. It is fear. The fear of losing her.

Masuyo niyang inabot at hinaplos ang pareho nitong pisngi saka puno ng sinseridad na tumitig sa mga mata nito.

"Sorry, kung pinag-alala kita. Pero kailangan kong gawin 'yon. Kung bibigyan ulit ako ng pagkakataon hindi ako magdadalawang-isip na tumakbo sa panganib kahit ilang daang ulit para iligtas ka. Nangako akong aalagaan kita, diba?"

Humigpit ang hawak nito sa mga braso niya tapos ay bigla siyang yinakap ng mahigpit.

"Hindi mo ko naiintindihan. Ako ang dapat na poprotekta sa'yo!"

Tila may kumurot sa puso niya at yumakap din siya rito.

"Naiintindihan kita kasi ganyan din ang nararamdaman ko para sa'yo," she said then she paused for a couple of seconds before opening her mouth again. "Ganito na lang, protektahan na lang natin ang isa't isa para walang away," pabiro niyang sabi.

Hindi ito sumagot pero lalo nitong hinigpitan ang yakap sa kaniya. Hinimas niya ang ulo nito.

"Sorry na. Promise mas mag-iingat na ako sa susunod para hindi ka na masyadong mag-alala sa'kin. Bumalik na tayo. Madilim na saka malakas na ang ulan."

Dahan-dahan itong bumitaw sa kaniya. Kumalma na ito at bumalik na sa itim ang kulay ng mga mata. Pagkatayo ay binuhat siya nito at nag-umpisang maglakad pabalik sa kweba na tinataguan nila kanina.

Nang makarating ay dahan-dahan siya nitong ibinaba sa loob, malayo sa mga talsik ng ulan, tapos ay isinandal siya sa malaking bato na naroon. Inutusan niya itong punuin ang kanilang bote ng tubig mula sa mga patak ng ulan para pareho silang makainom. Sinunod naman nito iyon.

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag