Chereads / The Boy Behind The Red Door (Tagalog Version) / Chapter 32 - The Escape (Part 1)

Chapter 32 - The Escape (Part 1)

"Shoot these vermins and feed their bodies to my pets."

Mariing pinikit ni Lesley ang mga mata para hintayin ang pag-ulan ng bala sa kaniyang katawan, pero ilang segundo na ang nakakalipas ay wala pa siyang naririnig na kahit isang putok ng baril. Naramdaman na lang niyang may humawak sa braso niya at hinila siya pataas. She opened her eyes and saw it was Jacoben who is helping her stand.

Puno ng pagtataka niyang pinabalik-balik ang tingin kay Jacoben, Shane at sa apat na lalaking nakatitig lang sa kanila.

"What is going on here? Why are you letting them stand?! I said shoot them!" Nanlalaki ang mga mata ni Shane na tumuro sa kanila. "Shoot them idiots!" ulit pa nito pero tila bingi ang apat na hindi gumalaw.

Ngumisi si Jacoben na ngayon ay nakatayo na ng maayos at pumamulsa.

"Don't waste your energy. They're not gonna do it."

"What is this?!" nanggagalaiting linapitan ni Shane ang mga tauhan at paulit-ulit na tumurong muli sa kanila ni Jacoben. "Are you deaf?! I said shoot them!" sigaw nito pero sa humihiyaw na doktor tinutok ng mga lalaki ang baril.

Napaigtad at mabilis na napaatras ng ilang hakbang si Shane na nagulat sa ginawa ng apat at hindi makapaniwalang natulala sa mga ito.

"I believe I outsmarted you. Who's the genius now?" nakangising saad ni Jacoben. Wala na ang kaninang takot at galit sa mukha nito.

"What's going on here?!" sigaw ni Shane na humarap na sa kanila.

"Exactly what's supposed to happen," sagot ni Jacoben na nagkibit-balikat.

Kitang-kita ang pagkalito sa mukha ng doktor.

"Sir Jacoben," singit ni Lesley na halos kapos na hiningang lumingon sa apat na lalaki. "Ano'ng nangyayari?"

Nginitian siya nito. "Don't worry. Everything is going according to plan," kalmadong sagot nito tapos ay binalik nang muli ang tingin kay Shane na tinignan ito mula ulo hanggang paa at saka malawak na ngumiti.

"Well, well, well... Look what we have here?" mapang-asar nitong sabi tapos ay mabagal na naglakad palapit kay Shane.

"Patas naman akong tao. Dahil sinabi mo sa akin kanina kung paano mo nalaman na pupunta kami ni Lesley dito, sasabihin ko sayo kung bakit bumaliktad ang sitwasyon natin ngayon."

Pumalibot ito ng tingin sa buong paligid saka sa mukha na ulit ni Shane na hanggang ngayon ay hindi makapaniwala.

"Here in MNA, I control who gets to work here and not. I decide where the employees go and what they do. And with that authority, I assigned these guys as your bodyguards. Are you connecting the dots now?" anito saka tumuro sa apat na nakatutok pa rin ang baril kay Shane.

"In other words, they're my men, not yours. Pinahiram ko lang sila sa'yo," he said then all of a sudden his face went dark. "And now, I want you to look closely at them," pabulong ngunit mariin nitong pagkakasabi.

Sabay-sabay na tinanggal ng apat na lalaki ang helmet na tumatakip sa malaking parte ng kanilang mukha.

"Don't you remember them Doctor Shane? Hmm?" ani Jacoben na nagtaas ng kilay.

Sinuri ni Lesley ang apat na lalaki hanggang mahagip ng mga mata niya ang tattoo sa kamay ng isa sa mga ito. It is the same design she saw on the jacket the mysterious security guard was wearing on the night he visited their house.

"Crimson Clan..." she whispered.

Naalala niyang nasambit ito ng ina. Malamang ay ito ang sinisimbulo ng dalawang letrang C na nasa gitna ng disenyo ng tatu.

"I don't know any of you!" ani Shane matapos isa-isang mabilis na tinignan ang mukha ng apat.

"Ganoon ba? Alright." Liningon ni Jacoben ang lalaki na tila pinakabata sa kanila. "Let's help her remember."

Umangat ang dulong labi ng lalaki. "Oo ba!"

Ilang segundo lang ay nagbago ang kulay ng balat nito. It became pitch black. Para itong anino. His pupils dilated it almost covered the white on his eyes. Tapos ay nagtaas ito ng noo at masamang tumingin kay Shane.

"Naaalala mo na ba? Ha? Doctor Shane?"

Umawang ang labi ni Shane at nanginginig ang mga kamay na tinuro ang lalaki.

"This is impossible! We auctioned you at the black market!"

"Good. Now you remember," ani Jacoben. "Seems to me you have made powerful enemies Shane."

"What have you done Jacoben?! We sold him to the Lee's! To the freaking Lee's! What did you do?!"

"The Lee's are the least of your problems, you know. You'll have a bigger problem than them. I can assure you that."

"This is a mistake! You are making a mistake Jacoben! My father will not let this go easily! We both know what happens to people who betray him!"

"Wrong!" hindi napigilang sigaw ni Jacoben tapos ay galit nitong tinuro ang mukha ni Shane. "YOU don't know what we are capable of! Kinuha ni Victor ang lahat ng bagay na mahalaga sa'min! WE are the ones who are not letting you go!" anito tapos ay huminga ng malalim para kumalma. "We will destroy you. Tandaan mo 'yan," he added before taking one step backwards.

Umiling si Shane na hindi natinag sa sinabi ni Jacoben. Nagtaas ito ng noo at pinaningkitan sila ng mata.

"If you think you can win against us, then you're dreaming. Even if you kill me, you can't defeat my father."

Sininghalan lang ito ni Jacoben. "Malalaman natin. Sadly, I know you won't be around anymore because you'll die before him."

"What? You're gonna kill me now?" walang emosyong sagot ni Shane.

"Nope. But someone else will. When the time comes. "

"Whatever!" ani Shane na matapang pa rin ang tingin sa kanila. "You won't get out of here alive anyway. That girl can't take the Nobles Blood. She will die as soon as it enters her veins. Your plan has failed before it even started."

Tumaas ang isang sulok ng labi ni Jacoben. "You think I don't know that? Did you really think that was our plan? Alam kong bugged ang B3! That's common knowledge. Sinadya ko talagang marinig mo ang pag-uusap namin. I needed you to focus on me while my other men execute the real plan. Ang hindi ko lang inaasahan ay ang pagkawala ni Kit."

Kumunot ang noo ng doktor. "What are you talking about?"

Bago pa man makasagot si Jacoben ay biglang tumunog ang alarm ng MNA hudyat na may hindi magandang nagaganap. Lahat sila ay napatingala sa nakabibinging alingawngaw na nanggagaling sa mga speaker. Kasabay noon ay ang pagpalit ng mga ilaw sa pula at dilaw.

MNA's red alarm has been activated. May isang mutant ang nakawala sa kulungan nito. Namumula sa galit ang mukha ni Shane na itinulak si Jacoben.

"What did you do?!"

Agad namang nakabawi si Jacoben sa pagtulak nito tapos ay nakangiting tumingin sa mga mata nito.

"I'm not here for Maridona, Shane. I'm here for my bestfriend," he said while fixing his tuxedo.

Ilang segundong napaisip si Shane hanggang sa umawang ang labi nito.

"No, you can't be talking about— No! You can't do that!"

"Yes I can, and I will."

Lalong nagpuyos sa galit ang doktor at susugod sanang muli nang ilapit ng apat na lalaki ang kanilang mga baril dito.

Hindi nakagalaw si Shane sa kinatatayuan at naghihimutok sa sobrang galit na sumigaw.

"I'm going to kill you! Mark my words Jacoben! I will kill you! You fooled me! "

"Yes! And you fell for it! I thought you're a genius?" pang-aasar pa rito ni Jacoben.

"Jacoben, kailangan na nating umalis dito," anang lalaki na may pulang buhok.

Tumango si Jacoben tapos ay humarap na kay Lesley.

"Hey, I'm sorry I lied. But it is to fool Shane, not you. Someday, I'll tell you the real story. Okay?"

Tipid siyang ngumiti at tumango rito. Gustuhin man niyang umalma at magtanong pa upang maliwanagan, mas nangingibabaw sa kaniya ngayon ang kagustuhang makatakas.

She thought she was going to die for real earlier when Shane commanded to shoot them. Akala talaga niya ay katapusan na niya. Akala niya ay hindi na niya makikita si Bangs at maiiwan ito upang magdusa sa MNA. Iyon ang halos dumurog ng puso niya kanina nang akala niya ay mamamatay na siya. Naiwan pa rin ang takot na iyon ngayon sa dibdib niya kahit alam niyang kasama ito sa plano ni Jacoben at wala siyang dapat ipag-alala.

Lalo niyang napagtanto kung gaano kabigat at kadelikado itong pinasok niya. Tila mas pinalakas ng takot na iyon ang kagustuhan niyang mailigtas at makasama si Bangs sa lalong madaling panahon. Tumatakbo ang oras at mabigat ang kalaban nila. Life is too unpredictable and short.

"Damn you, Jacoben! You won't get away with this!" sigaw ni Shane bago siya igapos sa paa at kamay ng apat na lalaki.

They plastered her mouth with duct tape then they locked her in the storage room before running to the elevator.

"Bakit hindi pa natin pinatay ang babaeng 'yon?!" usal ng isa sa mga lalaki na naging itim ang balat kanina. Bumalik na ito sa normal na anyo ngayon.

"Because it's not part of the plan, Leo," kalmadong sagot ng lalaking pinakamatanda sa apat.

Puti na ang buhok nito ngunit katangi-tangi ang asul nitong mga mata. Mukha rin itong banyaga.

"Pero bakit?! Pagkakataon na sana natin 'yon!" naiinis na sagot ng lalaking tinawag na Leo.

"Dude! Chill! Sa tingin mo hindi namin gustong pira-pirasuhin yung baliw na 'yon?" sabat ng isa na may pulang buhok. Mukhang kasing-edad lang niya ito. "Kung pwede lang tinulungan pa kita. Kaso hindi nga pwede dahil may usapan tayo kay boss. Gets?"

"Her life is only for the Kingsley's to take. That's the deal we made," dugtong ng matanda.

Suminghal lamang si Leo at hindi na umimik pero kita ang tinitimpi nitong inis sa mga nanlilisik nitong mata.