Chapter 27 - MOM (Part 2)

Hindi na niya napigilang sumabat lalo pa at si Bangs na ang pinag-uusapan.

"Uhm, I'm not sure," sagot nito pero batid niya sa mga mata nitong hindi makatingin ng diretso na nagsisinungaling ito.

"Anyway," humarap muli ito sa silid na nasa kanan nila para ibalik ang atensyon kay Maridona. "Doon na lalong nabaliw si Victor. He has never been so obsessed with something until he met V-03. He wanted to be immortal too."

"Kung ganoon, lahat ng ginagawa nila kay Bangs ay para makuha nila ang mutation n'ya?"

"Yes. Victor is the very definition of greed. He wants to be immortal, and he will do everything for that to happen. Although, he hasn't found a way to transfer or copy his mutation yet. Pero malapit na rin n'yang matuklasan 'yon."

Maraming beses na huminga ng malalim si Lesley habang yakap ang sarili. Akala niya ay si Shane ang pinakamalaking problema niya rito sa MNA. Hindi siya makapaniwalang may taong katulad ni Victor na ganoon kasakim at kasama. How can a person be so heartless and evil? Mahirap kalaban ang mga taong hindi marunong maawa. These people do not hesitate to kill.

"Now, I told you these things to make you understand where I'm coming from and why I need your help," anito na mariing nakatingin sa kaniya.

Tumaas ang pareho niyang kilay rito at mahinang umiling.

"Pero isa lang po akong hamak na janitress. Hindi ko alam kung anong klaseng tulong ang mabibigay ko sa inyo," kunot-noo niyang sagot.

Lumabi ito at ilang segundong tumahimik.

"I haven't told you yet, but there is more to Nobles Blood than just mutating people." Liningon niyang muli ang asawa. "My wife is called the mother of mutants because she can control them. Kaya nga pinatulog s'ya. They're afraid of her power. So she had me promise one thing before they put her in that room. I will find her heir to be the next mother of mutants to free them, and," ibinalik nito ang tingin sa kaniya, "...it's you."

Umawang ang labi niya sa gulat at nanlalaki ang mga matang hindi makapaniwala sa narinig.

"Sa-sandali, Sir Jacoben!"

Kinunotan niya ito ng noo at humakbang paatras.

"Hindi ba't asawa n'yo lang ang compatible sa Nobles Blood?"

Umiling ito. "Not anymore. I have you now. That's why I brought you here and told you about my wife."

"Paano naman po kayo nakakasiguro?!"

"We checked the blood sample you submitted for your medical examination when you applied here. I had someone secretly study your blood, and we saw that you can carry it."

Napanganga siya na tila kinakapos ng hininga.

"Pa-paano kung hindi?! Ikakamatay ko po 'yon, 'diba?"

"Listen." Mariin siya nitong tinitigan sa mukha. "Wala na tayong oras. Nadiskubre na ni Shane kung paano i-reproduce ang Nobles Blood sa labas ng katawan ng asawa ko. They don't need her anymore. Once they turn off the machines connected to her body, she will die. At kahit hindi nila gawin 'yon, she will still die because her body has become too weak. Hindi lang 'yon, malapit na rin matuklasan ni Victor kung paano malilipat sa kan'ya ang mutation ni V-03 at ng iba pang malalakas na mutants dito. When that happens, he will be unstoppable!"

Nanginig ang mga labi niyang natakot sa proposisyon nito.

"Pero walang kasiguraduhan ang gusto n'yong mangyari! Paano kung hindi ko kayanin?"

Ipinatong nito ang dalawang kamay sa mga balikat niya at pinagtama ang tingin nila.

"Do you want to save V-03?"

She felt like something hit her hard. Ginawa niyang misyon sa buhay ang ialis si Bangs sa lugar na ito pero naikwento lang sa kaniya ni Jacoben ang tungkol kay Victor ay naduduwag na siya. Parang pinatunayan niya ang sinabi ni Shane. That she is a helpless and weak little girl.

Kumuyom ang mga kamao niya saka kagat-labing tumango. Pinakalma niya ang sarili sa takot na muntik nang lumamon sa kaniya at tinapangan ang tingin dito.

"Gusto ko s'yang iligtas. Ipinangako ko 'yon sa kan'ya."

"Then do it! Save him from this hell. Save the people trapped in here," diin nito tapos ay inilapit ang mukha. "And free yourself from Shane," he added.

Inalis na nito ang mga kamay sa balikat niya at umatras.

"Kapag nasalin na sa'yo ang dugo ng asawa ko, you will have power over the mutants," pagpatuloy nito. "They will listen to every word you'll say. Pinatulog nila ang asawa ko ng mahabang panahon dahil sa kapangyarihang 'yon. MNA currently has three hundred mutants in this facility. If you can control them, then you have yourself an unstoppable army."

Mariin siyang pumikit at nag-isip mabuti. Napakalaking responsibilidad ang inatang sa kaniya ni Jacoben. He wants her to lead the mutants. Hindi siya siguradong kakayanin niya iyon. Sariling buhay nga niya ibang tao ang kumokontrol. Pakiramdam niya hindi siya karapat dapat sa dugo ni Maridona.

Nanginginig ang kamay niyang humawak sa sariling braso.

"P-pag-iisipan ko po."

It is still too much for her to process. Kailangan muna niya itong pag-isipan mabuti. Bumuntong-hininga ito pero ngumiti rin.

"Okay. That's fine. I understand. Ayoko namang pilitin ka kahit gaano pa kaimportante itong misyon natin. I just want you to know about it and I trust you."

Nginitian din niya ito. "Maraming salamat po, Sir Jacoben."

Buti na lang maunawain itong tao. Malayong-malayo sa iba na gusto siyang kontrolin at nagdedesiyon para sa kaniya. Ilang sandali pa ay lumakad ito papuntang pinto.

"Come on. Let's go up."

He escorted her to the upper ground. Nakayuko lang siya at tila wala sa sarili habang naglakakad sila pabalik sa opisina nito. Pinag-iisipan niyang mabuti ang gagawin. Papayag ba siya sa gusto nito? Gagana ba talaga ang plano nila?

Nang makarating na sila ay inabutan siya nito ng calling card.

"Call me if you need anything," nakangiti nitong sabi.

Itinabi niya ito sa bulsa ng bag niya tapos ay tipid na ngumiti.

"Uuwi na po ako. Maraming salamat."

Tatalikod na sana siya nang pigilan siya nito.

"Wait! I have a question."

"Ano po 'yon?"

"Why do you want to save him?"

Si Bangs ang tinutukoy nito. Nagulat siya sa bigla nitong tanong. Hindi siya agad nakasagot at nahihiyang nag-iwas ng tingin.

"K-kasi, uhm..."

"Do you love him?"

Lumabi siya saka mahinang tumango.

"Uhm, oo, mahal ko s'ya. Pero hindi na 'yon mahalaga ngayon. Mayroon na akong ibang dapat mahalin," she bitterly said.

Kumunot ang noo nito na halatang hindi naintindihan ang sinabi niya.

"You know, one thing I learned in life is to treasure every moment with the person you love so you can go on with no regrets. V-03's clock must have stopped, but yours is still ticking. Who knows when will be the last time you can show your feelings for him. Buti nga kayo nakakapag-kiss pa. Ako nga miss na miss ko na ang asawa ko."

She blushed a little but at the same time she realized something deep. Naalala niya ang kwento nilang mag-asawa. Napaisip siya bigla at parang nanikip ang dibdib niya sa bagay na ngayon lang niya napagtanto.

"Don't take things for granted, Miss Madrigal. You don't know how long you'll be together. Especially sa sitwasyon natin ngayon. Walang kasiguraduhan na mananalo tayo. So, love him while you still can, and again, treasure every moment," anito tapos ay ipinatong ang isang kamay sa ulo niya.

"Mag-ingat ka sa pag-uwi."

Pagkasabi noon ay pumasok na ito sa loob ng opisina at iniwan siyang nakatulala sa pinto nito.