Chapter 25 - A Broken Heart

"May, may boyfriend na ako..."

Bangs have never felt so much pain and anger when he heard those words. Mas malala pa ang galit, lungkot at inis na nararamdaman niya ngayon kaysa noong hindi siya nito binisita ng ilang araw at mas masakit pa sa lahat ng eksperimentong pinagdaanan ng katawan niya. Kakaibang kirot sa dibdib ang dulot nito.

He can barely control the rage he is feeling. Kung hindi lang si Lesley ang nasa harapan niya ay baka nagbago na naman siya ng anyo at nag-amok.

He is under the effects of drugs but he can feel and think normally when Lesley is around. Because of her, he can control all negative emotions and thoughts he always has. She cures him of his insanity. She calms the monster in him. She gives him peace of mind and hope. And she makes him feel emotions he never felt before. But this same girl is breaking his heart right now.

"Bangs?" muling tawag nito nang hindi siya sumagot.

Nababasa niyang natatakot ito sa nanlilisik niyang mga mata. He is angry, but not at her. He is angry at himself. Kung normal lang sana siya, kung hindi siya nakakadena at kung hindi siya isang halimaw, baka nasa kaniya ang pagtingin nito.

"Iiwan mo na ba ako?" he finally had the courage to ask.

Nakita niyang nagulat ito sa tanong niya at mabilis na inabot ang mga nakakuyom niyang kamao.

"Hindi Bangs!" Mariin siya nitong tinitigan sa mukha. "H'wag kang mag-isip ng gan'yan! Hindi kita iiwan! 'Diba nangako ako sa'yo? Aalagaan kita at gagawin ko ang lahat para mailabas ka rito."

Tumingin din siya sa mga mata nito. "Tapos?"

Kumunot ang noo nito. "Ta-tapos?"

"Magkakasama ba tayo pagkatapos?"

Hindi ito nakasagot at dahan-dahang nagbaba ng tingin. Lalong nanikip ang dibdib niya sa reaksyon nito.

"Dahil ba ganito ako?" Hindi niya mapigilang tanong sa baritono niyang boses. "Kapag naging normal ako, pipiliin mo ba ako?"

Naka-awang ang mga labi nitong nag-angat muli ng tingin sa kaniya at mas lalong hinigpitan ang hawak sa mga kamay niya.

"Ano ba'ng sinasabi mo, Bangs? Hindi naman mababa ang tingin ko sa'yo! May, may mga pinagdadaanan lang akong problema sa pamilya ko, pero, hindi naging basehan kung ano ka kaya nagboyfriend ako ng iba. Medyo komplikado kasi ang sitwasyon ko ngayon, Bangs. Hindi rin naman 'to naging madali sa'kin... Patawarin mo ko."

"Masaya ka ba kapag nand'yan s'ya?" biglang tanong niya.

Tila may sariling buhay ang bibig niyang tuluy-tuloy na nagsalita.

"Araw-araw mo ba s'yang gustong nakikita? Madalas mo bang iniisip kung nasaan s'ya at ano'ng ginagawa n'ya kapag wala s'ya? Gusto mo ba s'yang halikan palagi? Yung puso mo ba bumibilis ang tibok kapag nakikita mo ang ngiti niya? Nangangarap ka rin ba na makasama s'ya habang buhay?"

It was the longest paragraph he ever said since he woke up in MNA but every word came from his heart. He meant all of it. Hindi napigilan ni Lesley na mapaluha sa mga tanong ni Bangs. Hindi siya tanga para hindi maintindihang ito ang nararamdaman ng binata para sa kaniya.

Kung alam lang nito ang totoo, mas higit pa ang nararamdaman niya para rito. She wants to kiss him and say how much he means to her. But she can not do it. She wants to obey her mother. All her life she wanted her affection. She grew up obeying her to gain her love.

Ang pagmamahal naman talaga ni Amanda ang gusto niya simula't sapul pa lang. Kaya nga siya pumayag na magtrabaho sa MNA ay dahil inutos nito. At ito rin ang isa sa mga dahilan ng pananaliti niya. She can't just disobey her. Lalo na ngayon na malaki pala ang atraso niya rito.

"Kung hindi naman kita makakasama, ayoko nang umalis dito," saad nito sa mababang boses.

Binawi nito ang mga kamay at umupo sa isang sulok malayo sa kaniya na nakatalikod. Iyon na ang huling beses na may narinig siyang salita na lumabas sa bibig nito.

Simula noon hindi na ito nagsalita at nawalan na ito ng sabik sa pagdalaw niya. Sa tuwing papasok siya sa ward ay hindi na ito naka-abang. Palagi na lang itong nakahiga sa isang sulok at nakatalikod. Halos hindi na rin ito kumakain.

Hindi niya alam kung hanggang kailan ito magiging malamig sa kaniya. Nadudurog ang puso niya para rito. She misses his sweet smile and his deep voice calling her name like she is everything to him. Hinihiling niya na sana ay bumalik na sila sa dati. Hindi na niya ito kayang makitang ganito.

"Gusto raw po kayong makita ni Sir Alonzo sa opisina niya," anang magandang babae sa front desk nang dumaan siya sa lobby.

Pauwi na sana siya dahil katatapos lang ng shift niya.

"Bakit daw po?"

"Hindi sinabi. Pumunta na lang po kayo."

"Ah, sige pupunta na ako. Salamat!" Ano kaya ang pakay nito sa kaniya? Ngayon lang niya ulit ito makikita.

Minadali niya ang bawat hakbang papunta sa opisina ni Jacoben. Nang malapit na siya ay sinilip muna niya ang lamesa sa harap ng silid nito para tignan kung naroon ang sekretarya nito. Nakita niyang walang tao kaya tumuloy na siyang lumakad papuntang pinto.

Kakatok sana siya nang may marinig siyang nag-uusap.

"Bakit ngayon mo lang sa akin sinabi 'to? Do you know how risky it is?"

"I know, Kali. But we have no choice. Malapit na nilang makuha ang gusto nila kay Lanz. And Mari is... she's... she is dying."

Kilala niya ang may-ari ng dalawang boses. Sina Sir Jacoben at Mrs. Dapit iyon. Alam niyang hindi maganda ang makinig sa pribadong usapan ng ibang tao pero kakaibang kuryosidad ang naramdaman niya kaya idinikit pa niya ang tenga sa pinto.

"What do you mean Mari is dying? She is being taken care of by the best doctors that we have here. Victor won't let her daughter die! He needs her blood. He needs her alive!"

"Not anymore. Thing is, Shane has found a way to reproduce her blood cells outside her body. They don't need Maridona anymore."

"What?! Is that true?"

"Yes, that's why I decided to tell you about our plan. You're the only person I can trust here, Kali. I need your help."

"I... I need to think about it first Jacoben."

"Sure. Let's talk again tomorrow."

Kieran Lanz Kingsley is Bang's real name. Ito ba ang tinutukoy ni Jacoben na Lanz? At bakit nila pinag-uusapan ang anak ni Victor Nobles na halos dalawang dekada nang patay dahil sa leukemia?

Nataranta siya nang makarinig ng mga papalakas na yabag. Agad siyang lumayo sa pinto at tumalikod. Nagkunwari siyang tinitignan ang abstract painting sa pader sa tapat ng opisina ni Jacoben.

Bumukas ang pinto at lumabas doon si Mrs. Dapit. Pasimple niya itong liningon para tignan kung nasaan na ito. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang malayo na ang masungit na matanda. Lumapit na siyang muli sa pinto at saka kumatok.

"Get in!"

Marahan niyang binuksan ang pinto at sinilip kung nasaan si Jacoben. Nakita niya itong nakaupo sa harap ng desk at abala sa laptop nito.

"Good evening po," nakangiti niyang bati tapos ay tumuloy na siyang pumasok.

Itinigil nito ang ginagawa at mabilis na sinara ang laptop. Inayos nito ang asul na tuxedo at malapad ang ngiting humarap sa kaniya.

"Good evening to you too! Long time no see! Kamusta trabaho? I hope MNA is not too cruel to you."

Pilit siyang ngumiti. "Okay pa naman po ako. Buhay pa."

Ngumisi ito sa sagot niya. "Yes, I knew you're a strong girl."

"Uhm, bakit n'yo po pala ako gustong makausap?"

"Oh, yes," tumayo ito. "I want to show you something really important. Please follow me," sabi nito habang naglalakad papuntang pinto. Mukha itong nagmamadali.

"Saan po tayo pupunta?"

"You'll see when we get there."

Bahagyang kumunot ang noo niya. Malayo ang sagot nito sa tanong niya. Dapat ba siyang mabahala sa bagay na ipapakita nito?

"Let's go?" anyaya nito tapos ay pinauna siyang humakbang palabas ng kwarto.

"Ano po 'yong ipapakita n'yo?" isa pa niyang tanong habang naglalakad sila sa pasilyo patungo sa elevator.

Tumingin ito sa mukha niya. "We will visit a very special person."

He was smiling but she can tell something is wrong by how sad his eyes are.

Nawala ang ngiti niya. Parang may kung anong bagay ang bumabagabag kay Jacoben habang naglalakad sila. Bigla itong naging seryoso at tahimik. Kinabahan tuloy siya sa pupuntahan nila.

Nakapasok na sila sa loob ng elevator. Nanlaki ang mga mata niya nang maglabas ito ng black card na ginagamit lamang sa mga pinakaimportanteng lugar sa MNA. Palakas ng palakas ang kabog sa dibdib niya habang sinusundan ng tingin ang daliri nitong pinindot ang buton na B3 tapos ay itinapat ang black card sa scanner.

"Uhm, Sir Jacoben? A-ano po ang gagawin natin sa B3?" kinakabahan niyang tanong.

Ang alam niya ay sa Basement Three ginagawa ng MNA ang lahat ng eksperimento nila. This is the most important of all the floors in this building. Bakit siya dadalhin doon ni Jacoben?

"Don't worry too much." Ngumiti ito sa kaniya. "Just consider this a little tour. I promise nothing will happen to you."

Malalim siyang huminga para pakalmahin ang sarili. "O-okay."

Gusto niya ulit magtanong kung ano ba talaga ang ipapakita nito pero pinigilan niya ang sarili. Malaki ang tiwala niya kay Jacoben. Something is telling her that he is a good man and she should trust him. Kaya tahimik lang siyang sumunod dito kahit parang napa-praning na siya sa kaba hanggang sa bumukas na ang pinto ng elevator. Pinauna muli siya nitong humakbang palabas tapos ay sabay na silang naglakad.

Hindi maawat ang ulo niyang palinga-palinga sa paligid. Ito ang unang beses niya rito. Ano kaya ang mga makikita niya? Will she see monsters like Rosana and Bangs? What kind of laboratories do they have in here? And how do they conduct their human experiments?

Akala niya ay makakadiskubre na naman siya ng bagong kaalaman tungkol sa MNA pero sa ibang direksyon ang linalakad nila. The signs on the wall says that the main laboraties are pointing at the opposite direction they are going. Base sa nakasulat sa pader, papunta sila sa tinatawag na Nobles Blood Supply Department. A few more steps and they entered a huge room with a sign "MOM".

Maya-maya pa ay tumigil ito sa paghakbang at lumingon sa kanan nila.

"We're here."

She looked at her right too and saw a huge glass window. Humakbang pa siya palapit para makitang mabuti ang bagay na nasa kabilang bahagi ng salamin. She saw a woman lying on a bed full of tubes and machines connected to her body in a room the same size as Bangs' ward. Ito ba iyong sinasabing gustong ipakita ni Jacoben sa kaniya?

"Her name is Maridona Nobles. Daughter of MNA's founder, Victor Nobles," ani Jacoben na humakbang din palapit at pumamulsa. "This facility is named after her."

Puno ng pagtataka at gulat niya itong liningon.

"Narinig ko po sa mga nurse noon na matagal na daw patay ang panganay na anak ng may-ari. Paano po ito nangyari?"

"Hindi iyon totoo. Those are fake news Victor spread to hide her," sagot nito habang nakapako pa rin ang tingin sa babae.

Naging malungkot ang mga mata nitong tila napakaraming pighati na ang pinagdaanan sa buhay. Kumunot ang noo niya. She sees Jacoben as a care-free and a happy-go-lucky person, until now. Binalik niya ang tingin sa babae.

"Kung tinatago n'yo s'ya sa mga tao, bakit n'yo ako dinala rito?"

Huminga ito ng malalim at ngumiti saka humarap sa kaniya.

"I heard things about you and the boy behind the red door."

Namula ang pisngi niyang napatingin dito. She still have that shy reaction when people ask her about Bangs.

"He-he's not a boy," sagot niya saka nag-iwas ng tingin.

Teka? Bakit iyon ang nasabi niya? It sounded like it has a another meaning.

Tumawa ito. "Right, right. Sorry I am used to calling him that. He was always a boy until he met you." Tumaas-taas ang kilay nito sa kaniya na parang nanunukso. "He's a man now, isn't he?" makahulugan nitong sabi.

Lalong uminit ang pisngi niya. Maridona Nobles was their topic. Paano naman kaya napasok si Bangs sa usapan nila? Naiilang na tuloy siya.

"Ano naman pong kinalaman ni Bangs dito?" nakanguso niyang tanong.

Tumawa itong muli tapos ay unti-unting naging seryoso ang mukha.

"Because I know a couple who were just like you."

Tumingin siya sa mukha nito at nakita na naman niya ang kakaibang lungkot sa mga mata nito.

"You know, I am a man with a broken heart. I envy you and V-03. Because at least you two still have a chance."

Sumeryoso na rin ang mukha niya. Hindi na siya makasunod sa mga sinasabi nito. What does he mean by that?

"Sir Jacoben, bakit n'yo po talaga ako dinala rito? At ano po itong mga sinasabi n'yo? Hindi ko maintindihan."

Binalik muli nito ang atensyon sa babae sa loob ng silid.

"Do you know the history of MNA? How it was founded?"

Iniling niya ang ulo. "Hindi. Pero sabi sa handbook, itinatag ni Dr. Victor Nobles ang MNA para sa ala-ala ng pumanaw niyang anak dahil sa leukemia."

"I see..." Muli itong ngumiti at tumingin sa kaniya. "I brought you down here to fulfill my woman's dying wish."

Humakbang ito ng isa palapit sa kaniya at mariing pinakatitigan siya sa mukha.

"Listen carefully. I will tell you a very old and dark secret about a woman whose blood transforms people. Her name was Maridona Nobles. They called her MOM, the Mother Of Mutants. And... she's my wife."