Chereads / The Boy Behind The Red Door (Tagalog Version) / Chapter 23 - Wrong Turn (Part 1)

Chapter 23 - Wrong Turn (Part 1)

Labag man sa kaniyang kalooban, hindi ngayon pumasok si Lesley sa eskwela upang makipag-usap sa nagrerebelde niyang kuya. Pinilit siya ng ina-inahang makipag-ayos dito dahil kung hindi ay palalayasin na siya nito at tuluyang itatakwil.

Masama ang loob niya pero nandoon pa rin ang kaniyang pagmamahal sa pamilyang ito. Lalo na ngayon na nalaman niya ang pinaghuhugutan ng galit ni Amanda sa kaniya. Her real family killed Patrick's father and grandparents. Alam niyang hindi dapat pagbayaran ng anak ang kasalanan ng mga magulang pero nakokonsensya pa rin siya at gusto niyang bumawi sa lahat ng pighati na naranasan nito. She somehow feel responsible for what happened to them.

Kanina bago umalis si Amanda patungong salon na pinagtatrabahuan ay tinanong niya kung bakit siya nito kinupkop gayong malaki ang kasalanan ng tunay niyang pamilya rito. Amanda said that she took her in to save herself and Patrick. Lalo siyang naguluhan sa sagot nito kaya sinundan pa niya iyon ng iba pang tanong pero nagalit na ito at sinabing huwag na siyang magtatanong ulit ng tungkol sa nakaraan nilang dalawa.

Gayon pa man, hindi siya susuko sa pagtuklas ng katotohanan. Kung ayaw nitong sabihin sa kaniya, maghahanap siya ng ibang tao na sasagot sa mga katanungan niya. Pero saan siya mag-u-umpisang mag-imbestiga? Sino ang lalapitan niya?

Ginigisa niya ang nilulutong karne ng baboy at gulay nang marinig niyang bumukas ang pinto sa sala. Binaba niya ang hawak na sandok at hininaan ang apoy tapos ay sinilip kung si Patrick ang dumating. Kanina pa kasi niya ito hinihintay. Malapad siyang ngumiti nang makitang ang binata nga ang pumasok.

"Kuy-," Naalala niya ang sinabi nitong naiinis itong tawagin na kuya. "Patrick, buti dumating ka na," bati niya rito.

Tipid itong ngumiti sa kaniya. "Ano'ng niluluto mo? Ang bango."

Linawakan pa niya ang kaniyang ngiti. "Yung paborito mo, menudo."

Tumango-tango ito tapos ay umupo sa mahaba nilang sopa.

"Matagal pa ba?"

"Medyo, kakaumpisa ko pa lang e."

"Sige tapusin mo muna bago tayo mag-usap."

Natahimik siya saglit sa kaba na bigla niyang naramdaman.

"Okay," tanging nasabi niya.

Pag-uusapan nila ang mangyayari sa relasyon nilang dalawa. Hinihiling niya na sana ay hindi ito pumayag sa gusto ng ina. Ayaw niyang ibigay ang sarili kay Patrick. Her heart already belongs to someone else.

Natapos na siyang magluto kaya hinain na niya ito sa kanilang bilog na lamesa. Kusang pumunta si Patrick sa hapag-kainan nang maamoy ang masarap niyang luto. Pinuri pa nito ang talento niya sa kusina bago umupo sa harap niya at sinimulan nang kumain. Nakakailang subo na siya nang umpisahan na nito ang pag-uusap nila.

"Tinawagan ako ni Mama. Nakwento n'ya yung nangyari sa inyong dalawa kanina. Saka yung napagkasunduan n'yo."

Bumagal ang pagnguya niya. Tumango siya saka inubos ang nasa bibig.

"Anong plano mo?"

She tried to remain calm. Itinigil nito ang pagsubo at mariin siyang pinakatitigan.

"Gusto kong maging tayo."

Natigilan siya sa pagkain at may kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib niya. Kunot-noo siyang nag-angat ng tingin dito.

"Sigurado ka na ba d'yan?" she asked hoping he will reconsider.

Tumango ito. "Hindi ko kayang makita ka na hawak ng ibang lalaki. Ako ang nauna sa'yo Lesley. Akin ka," diin nito.

Humigpit ang hawak niya sa kutsara at tinidor. Hindi siya isang bagay para angkinin nito at wala itong karapatang gawin iyon. She is not his possession. Mariin niyang pinakatitigan ang pagkain sa harapan habang tinitimpi ang inis sa sinabi nito.

"Bigyan mo tayo ng chance," pagpapatuloy nito. "Marami na rin tayong pinagsamahan kaya alam kong matututunan mo rin akong mahalin."

Bumigat ang kaniyang bawat paghinga at hindi niya napigilang kagatin ang labi. Paano naman ang nararamdaman niya? Wala ba siyang karapatang magdesisyon para sa sariling kaligayahan? Kahit nakapagbitaw na siya ng salita kay Amanda ay umaasa siyang hindi ito papatulan ni Patrick. She already rejected him. Bakit ba ito masyadong mapilit?

"P-pero, pero Pat-"

"Tumingin ka sa mga mata ko," putol nito sa kaniya.

Sumunod siya at tumingin sa mga mata nitong nagsusumamo sa kaniya.

"I love you Lesley... Mahal na mahal kita. Hindi kita kayang isuko ng ganun-ganon lang," puno ng emosyon nitong sabi.

Parang may pumilipit sa puso niya at nanubig ang mga mata niya.

"Pero may gusto na akong iba. Hindi ba sinabi ko 'yon sa'yo?"

Tumiim ang panga nito. "Alam ko," matigas nitong sagot. "Bakit sa tingin mo hindi ako umuwi kagabi? Nasasaktan ako kapag nakikita kang pumapasok sa trabaho kasi alam kong magkikita na naman kayo."

Tuluyan na niyang binitawan ang hawak na kubyertos at malungkot ang mga matang tumitig sa kaniyang plato.

"Patrick pwede bang pag-isipan muna natin 'to mabuti? Masyado kasing mabilis ang pangyayari." Nangungusap ang mga mata niyang tumingin muli sa mukha ng binata. "Buong buhay ko tinuring kita bilang isang pamilya, bilang kuya. Tapos isang araw magiging boyfriend kita? Hindi, hindi ko alam, Patrick. Hindi ko alam kung kaya kong ibigay ang gusto mo."

Tumalim ang tingin nito. "Pasensya na pero tulad ng sinabi ko kanina hindi kita basta-basta susukuan," pagmamatigas nito. "Ayoko. Hindi kita ibibigay sa iba nang hindi mo sinusubukang mahalin ako."

Nanginig ang mga labi niya. "Patrick parang awa mo na pag-isipan muna natin 'to. Baka nabibigla ka lang," pilit niya.

Malalim itong huminga tapos ay tinaasan siya ng kilay.

"Sabi ni Mama gagawin mo raw ang gusto ko. Kaya nga ako umuwi rito kasi makikipagsundo ka raw sa'kin. Mali ba ako ng akala? Sabihin mo lang para makaalis na ako ngayon."

Natikom niya ang bibig. Totoo ang sinabi nito. Sumang-ayon siya sa gusto ni Amanda bilang kabayaran daw sa pagdurusang pinagdaanan ng kanilang pamilya dahil sa tunay niyang mga magulang. Kaya nga siya hindi pumasok sa eskwela at pinagluto ito ng paborito nitong ulam. She was supposed to make Patrick happy. Pero umasa siyang bibigyan siya nito ng konsiderasyon. Hindi niya akalaing mas determinado pa pala itong maangkin siya.

Halos isang minuto siyang natahimik at natulala sa pagkain sa harap niya. Just like the deal with Shane, she can not escape the deal with Amanda. Kumuyom ang mga kamao niya. Bakit parang lahat na lang ng tao ay gustong kontrolin ang buhay niya?

Matamlay siyang nag-angat ng tingin sa binata.

"Okay... Subukan natin..."

Pilit niyang pinipigilan ang mga luhang gustong umagos sa mga mata niya. She is lying to her own heart and to Patrick's. Sana nga ay magkatotoo ang sinabi nitong balang araw ay matutunan niya rin itong mahalin.

"Talaga? Seryoso ba 'yan?" hindi makapaniwalang tanong nito.

Pilit siyang ngumiti saka tumango. "I'm yours now."

Sa sobrang tuwa nito ay napasuntok ito sa hangin.

"Yes!" masaya nitong sigaw tapos ay dali-dali itong tumayo at lumakad palapit sa kaniya upang yumakap. "Salamat! Hindi ka magsisisi, promise! Papatunayan kong tayo talaga para sa isa't isa!"

Yumakap din siya rito at muling pinilit na ngumiti.

"Sana nga."

Bumitaw ito sa pagkakayakap at mabilis siyang hinalikan sa labi na ikinagulat niya.

"Salamat binigyan mo ako ng chance," sabi pa nito tapos ay umupo nang muli.

Siya naman ay natulala rito. That was their first kiss.