Kali just received a call from the front desk that a janitress is asking to see her in her office. Napahalakhak siya nang marinig kung sino itong naghahanap sa kaniya.
"I'm busy right now but let her in. I'm sure she wants to see me hand her resignation. I can make time for that."
"Okay po, Ma'am. Papupuntahin ko na po s'ya."
"Thank you." Ibinaba na niya ang telepono at itinabi ang pinagkaka-abalahan niya kaninang laptop. Ilang minuto lang ay nakarinig na siya ng tatlong mahinang katok sa pinto. One corner of her lips smiled. "Come in."
Marahan na bumukas ang pinto at sumilip ang kaniyang hinihintay. "G-good evening po," bati nito bago pumasok.
"So, how may I help you, Miss Madrigal?" malapad ang ngiti niya rito. Hindi na siya makapaghintay na papirmahin ito ng resignation papers.
"Y-yes po." Lumunok muna ito bago magpatuloy. "Uhm, gusto ko pa sanang sabihin n—"
"Wait!" Itinaas niya ang kanang kamay para maputol ang sasabihin nito. "Let me guess. You want to resign, right?"
Hindi na niya itong hinintay na makasagot. Agad siyang tumayo at kumuha ng ilang papel sa drawer sa likod niya.
"Don't worry. I am expecting this and I am not angry at all. Employees come and go. We understand that. Especially in your case. I can only imagine how hard and scary it was for you last night. Kaya naiintindihan ko kung bakit gusto mo nang umalis," malapad na ngiti niyang sabi.
Linapitan niya si Lesley na tahimik na nakatayo sa harap ng lamesa niya at inabot ang ilang dokumento na kakukuha lang niya at isang ballpen.
"Just sign it and you are free. Isang araw ka pa lang naman nandito kaya pakakawalan ka namin," aniya saka bumalik sa kina-u-upuan niya kanina.
Ilang segundo lang nitong minasdan ang inabot niyang mga papel saka tumingin sa mukha niya. Bahagyang tumaas ang isa niyang kilay nang hindi ito kumibo at tila malalim ang iniisip na nakatingin sa kaniya.
"Marami pa akong gagawin. I would really appreciate it if you sign it now and not waste my time."
Kumunot ang noo niya nang ibinaba nito sa lamesa ang mga papel at ballpen.
"Uhm, I-I want to stay," kinakabahan nitong saad.
Tumaas ang dalawa niyang kilay. Baka nagkamali lang siya ng dinig.
"Say what?"
"Hi-hindi po ako magre-resign. Sorry po."
Namilog ang mga mata niya at naglabasan ang mga ugat niya sa leeg. This is not what she wants to hear from her. Sinusubukan yata siya nito.
The girl has an apologetic look on her face. Hindi mapakali ang mga magkahawak na kamay nito sa harapan. Huminga ito ng malalim bago nagsalitang muli.
"Pasensya na Mrs. Dapit pero gusto kong manatili. Pumunta ako rito para sabihin 'yon at para mag-request po sana na ibahin ang task one. G-gusto ko po sanang ako na ang bahala sa kakainin ni V-03 tuwing gabi."
Lalong nanlaki ang mga mata niya. Hinahamak ba siya nito? Gusto nitong manatili kahit na pinagtatabuyan na niya ito. At higit sa lahat, ang proposisyon nitong baguhin ang task one. Hindi siya makapaniwalang natulala rito.
"M-mrs. Dapit?" mahinang pagtawag nito sa pangalan niya nang hindi siya sumagot.
Huminga siya ng pagka-lalim upang makabawi sa pagkagulat. She needs to calm down or she might have a heart attack.
"Is it just me or did I hear you say you want to stay and, and you want to change his diet?!" She can not believe the bravery of this girl.
Ngumiti ito. Hindi tulad kanina, wala nang kaba sa mukha nito. "Hindi po kayo nagkamali ng dinig."
That's it! This girl is really trying her patience. Napatayo siya at nanlalaki ang mga matang nasigawan ito.
"Why?! After everything I told you, why?!"
Kumuyom ang kamao nito at matapang na nakipagtitigan sa kaniya. Her eyes are not the same as before. Nag-a-alab ang mga ito.
"Alam ko pong wala kayong tiwala sa kakayahan ko. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na ayaw na ayaw ninyo sa akin. Pero Mrs. Dapit, buo na po talaga ang loob kong manatili kahit ano pa ang sabihin n'yo. Gusto ko pong magtrabo rito sa ospital bilang taga-alaga ni V-03."
She paused then took another deep breath then pressed her chest with her right hand. "Please, give me a chance. I promise I can handle him, Mrs. Dapit. Hindi ninyo pagsisisihan ang pagkuha sa akin!" buong puso nitong sabi.
Nagmamakaawa ang mga mata nitong puno ng matinding emosyon. This girl is dead serious about staying. It made her curious.
"But why?" tanong niya habang kunot na kunot ang noo rito. "Ano ang mayroon dito? Ano ang mayroon sa pasyenteng iyon bakit pinagpipilitan mo ang sarili mo rito?"
Yumuko ito at kinagat ang ibabang labi. Ilang segundo itong malalim na nag-isip bago inangat muli ang ulo at tumingin sa mukha niya.
"Pakiramdam ko po kasi, konektado kami sa isa't isa..."
"Ha?!"
Napatanga siya sa sagot nito. Hindi niya mawari ang ibig nitong sabihin.
"Basta po mahirap ipaliwanag. Saka may iba pa po akong dahilan pero hindi na po 'yon importante. Hindi na bale kung ano mang dahilan ang mayroon pa ako. Ang mahalaga naman po ay ang magawa ko ang trabaho ko ng maayos, hindi po ba?"
Marahas siyang napabuga ng hangin at pabagsak na napa-upo sa upuan niya.
Unbelievable!
She looked at the woman in front of her with anger and amazement. Naiinis siya dahil hindi nasunod ang gusto niya ngunit humanga siya sa ipinakita nitong determinasyon.
Malakas ang loob nito higit sa akala niya. She underestimated this young lady.
"You are one brave girl," kapos na hininga niyang sabi.
Mukhang wala na siyang magagawa. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit ito ang kinuha ni Jacoben. This lady in front of her is special. She is something else.
"Fine," she defeatedly said. "Do what you want. Change his diet if you need to. You have my permission."
Tuwang-tuwa itong napatakip ng bibig at abot tenga pa ang ngiti.
"Thank you po!"
"Basta ako binalaan kita. That patient is a monster," paalala niya. Ngumiti lang ito at binaliwala ang sinabi niya.
She still can not believe what just happened. Noong una niya itong makita, mukha itong dalagitang walang alam sa mundo. She looked so innocent, so fragile. Kaya naman ganoon ang pagka-dismaya niya nang ito ang italaga kay V-03. But this same girl showed her some real guts just now. She was impressed.
Linamukos niya ang resignation papers sa harap niya at ibinato ito sa basurahan sa tabi ng mesa niya tapos ay binaling na niyang muli ang atensyon sa dalaga.
"May kailangan ka pa ba? Kung wala na, go out of my office. Go to your monster pet," masungit niyang sabi. "Sana lang ganyan ka pa rin kadeterminado kapag nakita mo na ang tunay na kulay ng halimaw na 'yon."
Lumulundag ang puso ni Lesley sa saya sa sinabing iyon ni Kali. Sa wakas ay nabigyan siya nito ng pagkakataon na patunayan ang kaniyang sarili. She felt proud of herself.
"Hindi ko po kayo bibiguin! Maraming salamat po ulit!" tuwang-tuwa niyang sabi.
Napakagat-labi pa siya sa sobrang pagkasabik. Hindi niya maitago ang saya nang lumabas siya sa opisina ni Mrs. Dapit. Hindi mabura-bura ang malaki niyang ngiti. She got the permission to cook what she likes and most of all, she was able to impress that intimidating woman. May tanong pa sana siya kay Mrs. Dapit pero baka mairita niya ito lalo at magbago ng isip. Sa ibang tao na lang siya magtatanong.