"Les, Les, Lesley! Babangon ka o hahalikan kita?"
Mahinang bumuga ng hininga si Lesley sa huling sinabi ni Patrick na kanina pang tumatapik sa balikat niya. Naka-ilang balik na ito sa kwarto niya para paalalahan na may pasok pa siya kaya kailangan na niyang gumising ngunit hindi niya ito pinapansin. Wala siyang ganang pumasok o bumangon. Gusto lang niyang matulog magdamag. Napipilitan siyang nagmulat ng mata at saka inilibot ang tingin sa buong silid tapos ay sa mukha na ni Patrick.
"Anong oras na bakit nandito ka pa?" inaantok niyang tanong rito.
"Bakit hindi ka pa bumabangon? Male-late na tayo," anito sa iritadong boses.
Pinilit niya ang sarili na umupo at inihilamos ang kaniyang palad sa kaniyang mukha.
"Hindi ba nga sabi ko, ikaw na lang ang pumasok."
Humalukipkip si Patrick at naniningkit ang mga matang tumitig sa mukha niya.
"Bakit gusto mong umabsent?" Halata ang pagdududa sa tingin at tono nito.
Sa tanong na iyon ay muling naglaro sa isipan niya ang mga nangyari kagabi bago siya umuwi. Nangilabot siya bigla sa naalala. Nag-iwas siya ng tingin kay Patrick at namumutlang hindi maka-imik. Nang hindi siya nagsalita, lumapit ito ng upo sa kaniya at hinawakan ang kanang kamay niyang nakapatong sa hita niya.
"Les?" pabulong nitong pagtawag habang titig na titig sa kaniya.
Mabagal niyang binalik ang tingin dito. Puno ng takot ang mga mata niyang tumingin sa mukha ng binata at alam niyang napansin nito iyon.
"Nag-a-alala na ako sa'yo, Les. Napansin ko pag-uwi mo kagabi parang wala ka sa sarili mo. Hindi ka rin kumain ng hapunan at basta nagkulong ka na lang sa kwarto mo. Tapos ngayon naman gusto mong umabsent. Ikaw na top student, aabsent? Hindi ako naniniwalang ayos ka lang."
Mas humigpit ang hawak nito sa kamay niya tapos ang isang kamay naman nito ay humawak sa pisngi niya.
"Kilala kita. Alam kong may nangyaring hindi maganda sa'yo kagabi. Kaya h'wag ka na magsinungaling, sabihin mo na. Kung hindi, hindi kita tatantanan. Alam mo naman kung gaano ako kakulit 'diba?"
Marahan niyang binawi ang kaniyang kamay tapos ay inalis niya ang isa pa nitong kamay na nakahawak sa pisngi niya. Huminga siya ng malalim at umiling bago ito sagotin.
"Hindi ko pwedeng sabihin. Sorry."
Kumunot ang noo nito. "Bakit hindi?"
"Kasi may pinirmahan akong kontrata sa ospital na 'yon kaya h'wag ka na magtanong. Wala akong pwedeng sabihin sa'yo. Lalo na yung," she paused while remembering what she saw, "yung kagabi," pabulong niyang dugtong.
Mariin siyang pumikit at marahas na iniling ang ulo.
"Basta! H'wag ka na magtanong. Pumasok ka na, Kuya. Leave me alone," sabi niya habang pinipilit burahin sa kaniyang isipan ang mga kaganapan kagabi sa ward 511.
Nang muli niyang tignan si Patrick, nakita niyang seryosong-seryoso ang mukha nito at mariing nakatitig lang sa kaniya. Hindi muna ito nagsalita na tila binabasa ang isip niya tapos ay inilapit nito ang mukha sa mukha niya. Siya naman ay bahagyang napaatras sa ilang.
"Ano bang klaseng ospital 'yang MNA?" puno ng kuryosidad nitong tanong. "Ano'ng nangyari kagabi sa trabaho mo, ha?"
Napalunok siya sa kaba. Naghihinala na ito at hindi iyon maganda. Hindi nito pwedeng malaman ang inililihim niya. Hindi pwede. Matinding pagbabanta ang narinig niya kay Dr. Shane kagabi at alam niyang seseryosohin nito iyon. What she has witnessed, she can't tell a soul.
"H-ha?! Wa-walang nangyari kagabi s-sa trabaho ko," pagtatanggi niya.
Hindi niya maitago ang kaba sa nauutal niyang dila at sa mga mata niyang hindi makatingin ng diretso. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili.
"T-tama na nga 'yang pag-a-assume mo. Masama lang talaga ang pakiramdam ko kaya ayokong pumasok."
Nakahinga siya ng maluwag ng ilayo na ni Patrick ang mukha nito sa kaniya pero naroon pa rin ang duda sa mga mata nito.
"Hindi mo ako maloloko Lesley." Naniningkit pa rin ang mga mata nito sa kaniya. "Ano nga kasi 'yon? Hindi naman nila malalaman na sinabi mo. Alam mo namang marunong ako magtago ng sikreto," pilit nito.
Marahas siyang umiling. "Kahit na, malalaman nila."
"Hindi, hindi nila malalaman. Sige na sabihin mo na."
Lumabi siya at matalim na tinignan si Patrick.
"Basta!" pagmamatigas niya. "Basta hindi pwede! Pumasok ka na baka pagalitan pa tayo ni mama!"
"Lesley sinabi ko na-"
"Umalis ka na!" hindi niya napigilang sigaw dito.
Maging siya ay nagulat sa kaniyang inakto. Napakurap-kurap siya rito.
"So-sorry. Hindi ko sinasadyang sigawan ka ng ganoon."
Nagbaba siya ng tingin. Patrick was taken aback and paused for a few seconds then his face went dark.
"Kanina pa umalis si mama kaya hindi niya malalamang umabsent tayong dalawa," mariin nitong pagkakasabi na may bigat sa boses.
Alam niyang galit na ito. Bahagyang namilog ang mata niya sa sinabi nito at tiningala niya ito.
"Tayong dalawa? Hindi ka papasok?"
"Ano sa tingin mo?"
"Kuya naman e!"
"Hangga't hindi mo sinasabi ang totoo hindi ako aalis dito."
Marahas siyang bumuga ng hangin at mariing napapikit. Pagdilat niya ay kunot na kunot ang noo niyang napatitig sa kapatid.
"Sorry talaga. Hindi ko tlaga pwedeng sabihin."
Mahigpit siyang kumapit sa kumot na nasa hita niya at nagbaba ng tingin.
"Tama na Patrick, please. Tama na. Pagod na ang isip at katawan ko. Please h'wag mo na dagdagan ang sakit ng ulo ko ngayon at pumasok ka na," pagmamakaawa niya tapos ay nag-angat na ulit ng tingin dito. "Sige na naman. Parang-awa mo na. Marami akong iniisip ngayon at mga problema. Huwag ka na dumagdag. Huwag mo akong piliting sabihin sa'yo kasi hindi nga pwede at hindi ko rin alam kung paano sasabihin o ipapaliwanag," halos nangingiyak na niyang sabi. "Pakiusap, gusto ko munang mapag-isa."
Lumukob ang kakaibang lungkot sa mukha ni Patrick at sandali itong tumahimik na tila malalim ang iniisip. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan ay tumayo ito at matamlay siyang hinarap.
"So, hindi ako katiwa-tiwala, gano'n?" mapakla itong tumawa. "Sorry, akala ko may kwenta akong kapatid. Gusto ko lang naman makatulong sa'yo pero nakakadagdag lang pala ako sa problema mo. Sorry ha?" sarkasmo nito.
Napanganga siya sa sinabi nito. "A-ano? Anong pinagsasabi mo riyan?!"
Hindi ito sumagot at padabog na lumabas sa kwarto niya. Bumagsak ang balikat niya at naka-awang ang mga labi habang nakatitig sa pintong linabasan nito. Hindi siya makapaniwalang iniling ang kaniyang ulo tapos ay bagsak siyang humiga muli at tumitig sa kisame. Ngayon pa talaga ito nagtampo at sumabay sa mga problema niya.
"Bwisit!"
Nagtaklob siya ng kumot at mariing pumikit. Wala na siyang lakas para isipin pa ang pagtatampo ng kuya. She just wants to rest now. She wants to forget everything that happened last night. But as the silence in her room takes over, the blurry images of last night's terror started to get clearer.