She can hear her screams in her head like what happened last night is happening now. She can smell the stinking black blood splattered on her white uniform, she can hear and feel the terror in her deafening screams for help and she can see Ernesto's mutilated body beneath the horrifying monster he called his wife. Paulit-ulit niyang naaala ang mga ito kahit ano mang pigil niya.
Hindi niya namalayang tumulo na pala ang mga luha niya at nanginginig na ang buong kalamnan niya sa takot. Mas lalo niyang diniinan ang pagkakapikit ng mga mata niya. Pinipilit niya muling matulog kahit pa kagigising pa lang niya para hindi na niya maalala ang nangyari kagabi sa ward 511.
Lumipas ang dalawang araw at nakakulong pa rin siya sa kuwarto niya. Tumawag siya sa MNA kahapon at sinabing may trangkaso siya kaya hindi siya nakapasok. Nakapagtataka namang hindi siya sinesermonan ng ina-inahan sa pag-a-absent niya sa eskwelahan at sa trabaho. Si Patrick naman ay hindi pa rin siya pinapansin.
"Papasok na po ako sa trabaho mamaya," sabi ni Lesley habang nagtatanghalian silang tatlo ni Amanda at Patrick sa hapag-kainan.
"Mabuti naman," ani Amanda na hindi siya liningon.
Panay lang ang pagsubo nito sa pagkain mula sa plato. Tulad ng dati wala pa rin itong pakialam sa kaniya.
"Ihahatid sundo kita mamaya," sabat ni Patrick.
Tututol sana siya nang magsalita ang ina.
"At bakit? Kaya naman niyang umuwi mag-isa," mataray nitong sabi tapos ay nanunuya siyang tinignan.
"Oo nga Kuya. Sanay na naman ak—,"
"Marami akong nababalitaang holdapan ngayon sa lugar nila. Marami kasing adik doon," pagrarason ng kapatid.
Marahan siyang umiling at pilit itong nginitian.
"Kuya, h'wag na. Kaya ko naman ang sarili k-"
"Huwag ka nang umangal," putol nito.
May talim ang tingin nito sa kaniya at may diin sa bawat salitang binitawan kaya hindi na siya sumagot pa. Masama pa rin ang loob nito sa kaniya dahil hindi niya ito mapagkatiwalaan sa mga sikreto at problema niya. Nagdadamdam pa rin ito.
Nagtatakang napalingon si Amanda sa kapatid tapos ay sa kaniya naman.
"May problema ba?" anito.
"Wala," sagot ni Patrick na masama pa rin ang titig sa kaniya.
Hindi na nagtanong pa ang ina na nagkibit-balikat na lang at nagpatuloy na sa pagkain.
"Aabangan kita sa labas ng MNA mamaya h'wag mong kalimutan," paalala pa nito. Napipilitan siyang tumango at kagat-labing bumalik sa pagkain.
Kinahapunan, hinatid na siya ni Patrick sa trabaho ngunit wala itong sinabing kahit ano. Wala silang imik habang magkasama. Basta hinatid lang siya nito at iniwan sa tapat ng trabaho niya. Ni hindi nga ito nagpaalam sa kaniya. Dahil dito ay mabigat ang dibdib niya. Bakit ba hindi ito makaintindi sa sitwasyon niya? Mas lalo lang tuloy siyang nahihirapan.
Nakayuko siya na naglalakad papuntang locker niya. Mabagal ang bawat hakbang niya at may hindi maitagong kaba sa mukha. Sinabi niya sa sarili niyang hindi na siya babalik rito dahil sa nangyari noong nakaraang araw pero naalala niya ang pangakong binitawan niya kay Bangs. She can not leave him just like that.
Papasakay na siya ng elevator ng may tatlong nurse ang inunahan siyang makapasok sa loob at nagmamadaling nag-scan ng kani-kanilang ID. Hindi nga pinansin ng mga ito ang pagbundol sa kaniya dahilan para mapahinto siya sa paglalakad at masamang tinignan ang mga ito.
"Miss? Can you hurry up?!" naiiritang sabi ng babaeng nurse na pinandidilatan siya.
"Pasok na!" mataray na sabat ng isa pa sa mga nurse na bumundol sa kaniya.
Naiinis man, dali-dali na lang rin siyang pumasok at kinunotan ng noo ang mga ito na hindi man lang nanghingi ng tawad sa pagbangga sa kaniya. Mukhang may emergency na pupuntahan ang mga ito kaya hindi na niya pinatulan. Nakasimangot siyang pinagmamasdan ang tatlo na hindi mapakali sa mga kinatatayuan nila.
Saan kaya ang tungo ng mga 'to?
Kinabahan siya ng mapansing iisang floor ang pupuntahan nilang lahat. Basement One. She wondered what is happening down there.
Nang bumukas ang elevator ay nagsitakbo ang mga ito na lalong ikinataka niya. Nang humakbang siya palabas, may ilang security personnel ang mabilis na dumaan sa harap niya at muntik na naman siyang mabangga. Bigla siyang kinabahan. Something wrong is definitely going on in here. Lalong sumama ang kutob niya nang iisa ang pinupuntahan nilang direksyon.
"Bangs..." kinakabahan niyang bulong sa sarili.
Nakisabay na rin siya ng pagtakbo dahil sa pag-a-alala hanggang sa matanaw na niya ang ward na may pulang pinto. Sana hindi tama ang kutob niyang may nangyaring masama kay Bangs.
Napahinto siya sa paglalakad ng mapansin ang maraming tao na nasa labas ng ward ni Bangs at may mga bitbit na kakaibang baril. 'NSF'. Iyon ang nakasulat sa likod ng mga uniporme nitong pangsundalo.
May iilan ring nurse at doktor ang nasa tapat ng pinto at kitang-kita niya ang takot sa mga mata nito. Natulos siya sa kinatatayuan at nagdalawang isip na tumuloy. She suddenly remembered Rosana, Ernesto's wife, and what happened in ward 511 two days ago. What if Bangs is a monster too?
Maya-maya pa ay may duguang lalaki na halos wala nang buhay ang naka-stretcher na inilabas ng ilang nurse mula sa ward ni Bangs. Nakilala niya ito. Isa ito sa mga doktor ni Bangs sa umaga.
Napatakip siya sa bibig sa gulat at takot nang dumaan ito sa harap niya. The man is not breathing and is missing an ear. Puno ito ng malalalim na sugat sa katawan at naliligo sa sariling dugo. Namimilog ang mga mata niyang napatitig sa pulang pinto.
Para siyang hindi makahinga sa matinding takot na biglang bumalot sa kaniya. Tumalikod siya at akmang hahakbang palayo ng maalala niya ang pangako kay Bangs.
Aalagaan kita...
She remembered his smiling face and the promise she said.
Kagat-labi siyang humarap muli at huminga ng malalim. Nangako siya rito. She swore to care of him. She can't turn her back on him now. He is family and she will keep her words.
Pinakalma niya ang sarili. Bangs need her and that is stronger than the fear she is feeling.
Malalim siyang huminga at akmang tatakbo papuntang ward ni Bangs ng may pumigil sa kaniya. Napaigtad siya sa babaeng biglang humawak sa braso niya at hinila siya palayo.
"Miss, sorry pero bawal munang dumaan dito. Mga doktor, nurse at security personnel lang ang pwede."
The woman is one of those NSF soldiers. Worry is all over her face when she looked at Bang's ward, then at the woman's face.
"Ano po ba ang nangyayari sa loob?"
"I don't have time to explain. We need this area locked down immediately."
Lalo siyang nataranta sa sinabi nito. Lockdown? Hindi siya makapaniwalang ganoon na kalala ang sitwasyon.
"Please po kahit kaunting impormasyon lang. Gusto ko lang malaman kung okay si V-03. Sobrang nag-a-alala ako sa kan'ya."
Hindi siya nito sinagot pero hindi siya tumigil sa pagtanong.
"Ayos lang po ba s'ya? Bakit po may lockdown? Ako po kasi yung naka-assign na janitress sa ward na 'yan kaya curious po ako."
Natigil ito sa paghila sa kaniya at dumako ang mga mata nito sa ID niya tapos ay namimilog ang mga mata nitong napatingin sa mukha niya.
"Ikaw ba iyong Lesley na bantay ni V-03?"
Mabilis siyang tumango. "Opo."
Kung kanina ay hinihila siya nito palayo ngayon naman ay halos kaladkarin na siya nito papunta sa ward ng alaga niya.