Chereads / The Boy Behind The Red Door (Tagalog Version) / Chapter 15 - First Kiss (Part 3)

Chapter 15 - First Kiss (Part 3)

"She's here! She's here!" sigaw ng babaeng humahatak sa kaniya. "Move!" pagtataboy nito sa lahat ng nakaharang sa daraan nila.

Nagtinginan ang lahat ng naroon at tila tumigil ang mga mundo nilang napatitig sa kaniya. Everyone's eyes are on her. Mas lalo siyang nagtaka.

"A-ano po ba ang nangyayari?" tanong niyang muli sa babae.

"You need to calm him," kunot na noo nitong sabi.

"A-ano po?"

"Kailangan mo s'yang kontrolin dahil kung hindi mapipilitan kaming iligpit na siya."

Napanganga siya sa gulat sa sinabi nito. "Iligpit? As in papatayin?!"

Tumango ito. "Kagabi pa siya nagwawala. Hinahanap ka. Nakailang shot na kami ng tranquilizer sa kan'ya pero hindi umeepekto. Please get in there. Now," anito tapos ay tumuro ito sa nakabukas na pinto ng ward ni Bangs

Sinundan niya ng tingin ang daliri nitong may itinuturo sa loob. She can hear her heart drumming inside her chest as she slowly look. Ilang beses siyang huminga ng malalim bago naglakas-loob humakbang papasok at sumilip.

Napasinghap siya at pigil ang hiningang nanlaki ang mga mata sa mga dugong nagkalat sa sahig at pader. May ilang talsik din sa kisame. Nanginginig ang mga kamay niyang napatakip sa nakabuka niyang bibig lalo na nang makita niya ang halimaw na dahilan ng matinding kaguluhan sa Basement One.

She saw five NSF soldiers pointing their guns at the monster in rage. Pinipilit ng halimaw na makalagpas sa dilaw na linya para sakmalin ang limang lalaki na tinututokan ito ng baril. Sa tindi ng pagwawala nito ay malapit nang sumuko ang mga kadena nito sa paa at kamay. Cracks are almost visible on the wall where the chains are held. Makakawala na ito. Naluha siya sa nakita.

"Bangs?" she whispered in her trembling voice.

The monster has long fangs and nails that could scratch through metals. It has a skin that is as pale as a dead person and veins are visible all over it's body. Blood is dripping from it's hands. Sigurado siyang pagmamay-ari ng walang buhay na doktor kanina ang mga dugong iyon. Para siyang mabibilaukang hindi makapaniwala sa nakikita.

Natigilan ang halimaw sa pagwawala at napatingin sa kaniya. Ganoon din ang limang mga armadong lalaki na handa na itong barilin.

Iniiling niya ang ulo at hindi makapaniwalang tinignan si Bangs mula ulo hanggang paa. So it is true. Mrs. Dapit was right. He is indeed a monster.

Nangangatog ang tuhod niya sa takot hanggang sa magtama ang mga mata nila. She looked him in the eyes. Suddenly, all her fear vanished like a vapor. Hindi isang halimaw ang nakita niya sa mga mababangis nitong mga mata. It was not violence and thirst for blood. It was sadness. Tila may kumurot sa puso niya.

Agad niyang binawi ang naisip kanina. Mrs. Dapit was wrong. Bangs is not a monster and she has proven that. Sa araw-araw nilang magkasama, nakita niya ang totoong tao sa loob ng nakakatakot nitong anyo. He is not what everybody thinks he is. She can feel it in her heart and soul.

Bangs is not the monster here. Sigurado siya roon.

Bumaba ang dalawang kamay niyang nakatakip sa bibig kanina at binura ang takot sa kaniyang mukha tapos ay malambot na ang mga matang tumingin sa binata. Halos malusaw ang puso niya sa mainit na emosyong naramdaman niya habang nagtititigan sila.

His eyes were gray and is as beautiful as a new moon. Halimaw? Nasaan ang halimaw? All she sees is a sad, lonely and angry person.

Unti-unting kumalma si Bangs na mariing nakatitig sa kaniya at bumalik sa dati nitong anyo maliban na lang sa mga abong mata nitong parang mga dyamanteng kumikislap sa kaniya.

"Lesley," kapos na hininga nitong sabi at kung makatingin ito ay para bang isang taon siya nitong hindi nakita.

"Sorry wala ako nitong mga nakaraang araw," malumanay niyang sabi habang humahakbang palapit rito. "Hinahanap mo raw ako?"

Para itong batang tumango habang nakasimangot. Nang tuluyan na siyang makalapit ay masuyo niyang hinawakan ang kamay nito at matamis siyang ngumiti rito na para bang naglalambing.

"Kaya ka ba nagwawala? Kasi hinahanap mo ako?"

Lumunok ito at tila may pinipigilang lumabas na emosyon.

"Sabi niya hindi ka na babalik," parang mabibilaukan nitong sabi.

Puno ng pangungulila ang mga mata nito sa kaniya.

"Sino nagsabi?"

"K-kali."

Kumunot ang noo niya. Kali is Mrs. Dapit. It is her first name.

Ang matandang iyon talaga!

Parang may pumiga sa puso niya nang may ilang butil ng luha ang biglang dumaloy sa pisngi nito. Agad naman niya iyong pinunasan.

"Ba-bakit ka umiiyak?! Bangs, huwag kang umiyak. Nandito na ako. Sige ka kapag hin—"

Naputol ang pagsasalita niya nang bigla siya nitong hinila palapit sa katawan nito at walang sabi-sabing sinakop ang labi niya. Sinamantala nito ang pagkagulat niya at ipinasok ang dila sa bibig niyang bahagyang bumuka.

Para siyang aatakihin sa puso sa lakas ng kabog sa dibdib niya. Hindi siya agad nakagalaw sa sobrang gulat sa ginawa nito. Her mind went blank in shock because of what he did.

Nang makabawi sa pagkagulat, sinubukan niyang itulak ang binata ngunit mas malakas ito sa kaniya. Isinandal pa siya nito sa pader dahilan para mahina siyang dumaing.

Oh my God!

She kept shouting in her head. Hindi siya makapaniwala sa ginagawang ito ni Bangs. She did not expect this to happen. Not at all. Not even in her wildest dreams.

Nag-init ang kaniyang katawan nang mabilis na naglakbay ang dalawang kamay ng binata pababa sa mga hita niya at saka itinaas ito pareho para mas magpantay pa ang mga ulo nila. Buhat-buhat na siya nito ngayon habang nakasandal siya sa pader. Halos bumaon na ang mga kuko niya sa balikat nito. Mariin siyang napapikit nang may kakaibing kiliti siyang naramdaman sa kaniyang puson.

Oh my God! No! Hindi pwede! Please stop! sigaw niya sa isipan nang maramdaman ang unti-unting pag-i-init ng katawan niya.

Naghalo-halo ang lahat ng emosyong mayroon siya at nagkabuhul-buhol na ang isipan niya. Hindi na siya makapag-isip ng diretso. She weakly moaned when Bangs slightly bit her lips.

"Lesley," he seductively whispered between their kiss.

Pagmulat niya ng kaniyang mga mata, puno ng emosyon ang mga abong mata nitong tumingin sa kaniya bago siya nito hinalikang muli. And that turned her on. Hindi na niya napigilan ang sarili. She closed her eyes and answered back his kiss. Unti-unting gumalaw ang bibig niya at sinabayan ang halik nito.

Habang mas pinapalalim pa nito ang halik sa kaniya, tila may sariling buhay ang mga binti niyang pumalupot sa balakang nito ganoon din ang mga braso niya sa leeg ng binata. Hindi niya namalayang sinasagot na rin niya ng mapusok ang mainit nitong paghalik sa kaniya. She welcomed his tounge inside her mouth.

Wala na siya sa sarili nang muling inihiwalay ni Bangs ang mga labi nila. Tumitig ito sa mga mata niyang tila nagmamakaawa at may halong samu't saring emosyon na ngayon lang niya nakita rito.

"Huwag mo na ulit akong iiwan," bulong nito habang nakatitig sila sa isa't isa.

Taas baba ang dibdib niya sa sobra-sobrang emosyong dumadaloy sa buong katawan niya.

"Oo. Promise," kapos-hininga at pabulong din niyang sagot.

Pagpapatuloy sana ulit nila ang kanilang halikan ng marinig niyang may tumikhim.

"Ahem!" anang boses na pamilyar sa kaniya.

Nahigit niya ang hininga nang may bigla siyang maalala.

Oh. My. God.