Chereads / The Boy Behind The Red Door (Tagalog Version) / Chapter 19 - Welcome To Hell (Part 2)

Chapter 19 - Welcome To Hell (Part 2)

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Pipirmahan ko na mamaya," she bitterly said.

She wants to ask Shane these new questions about Bangs but she wants to focus on her situation right now. She will be a slave of MNA forever and there is nothing she could do.

Sa loob ng dalawang araw na pagkulong niya sa sarili sa kaniyang kwarto, walang laman ang isip niya kung hindi ang nangyari sa Ward 511 at ang mga banta ni Shane kung hindi siya susunod sa gusto nito.

Shane will kill her family and she knows this heartless person can do that. Wala siyang laban dito. Alam niyang talo na siya kaya hinanda niya ang utak at puso para sa oras na ito pero parang pinipiraso pa rin ang buong pagkatao niya. Hindi na niya napigilang mapaluha sa sobrang inis tapos ay naalala niya si Bangs.

At least nandito si Bangs, sabi niya sa sarili para gumaan ang loob niya.

She have something good to hold on to and stay sane in this god-forsaken hell. Kahit pa may mga ilang nakababahalang lihim na mayroon ang binata ay hindi niya ito basta iiwan na lang. Bangs is still a puzzle to her but their friendship is no mystery. Their connection is deeper than his dark secrets.

"Stop crying now. I have something for you," ani Shane na halatang nairita sa pagluha niya.

Tumayo ito at lumakad papuntang desk at may kinuha sa ilalim nito. Pagkabalik nito sa harap niya ay may ipinatong itong maliit na kahon.

"Those are pills. It will help you suppress your emotions. Almost all the employees here take those."

Nagpunas siya ng luha at dinampot iyong kahon tapos ay kunot ang noong tumingin sa mukha ni Shane. Ngayon mas naliwanagan siya kung bakit ang wirdo ng mga doktor at nurse rito.

Pills to suppress emotions? Araw-araw siguro siyang umiinom nito kaya naging walang puso. Hindi! Hindi ko 'to iinomin. Ayokong maging katulad niya. Walang puso!

"Remember, you will tell no one about this. Or else, I will be forced to kill that person, that person's family, and yours. Got it?"

Mabigat ang loob niyang tumango.

"Good. Now, I want you to go back to V-03 and find the answers I need."

Pagkasabi niyon ay agad siyang tumayo at nagmamadaling lumabas ng opisina nito. Hindi na siya rito nagpaalam at dumiretso siya sa pinakamalapit na restroom at doon ibinuhos ang lahat ng nararamdaman niya.

She will be trapped in this hell hole for as long as she lives. Paano na ang mga pangarap at plano niya sa buhay? The devil owns her now and there is no escape.

She cried so bitterly that her eyes became swollen. Daig pa niya ang namatayan sa tindi ng pagtangis niya. Halos kalahating oras siyang ganoon tapos ay tinipon niya ang lahat ng natitira niyang lakas at pinakalma ang sarili.

Pinagmasdan niya ang mukha sa salamin. "Napakamalas mo talaga," lumuluha niyang pagkausap sa sarili.

Noong sanggol pa lamang siya ay pinamigay siya ng kaniyang tunay na magulang sa mga taong hindi siya kayang mahalin at respetuhin. Ngayon naman, ibang tao na ang may hawak ng buhay niya. And these are not good people. Paano na siya?

"Bakit ba napakamiserable ng buhay ko?" aniya habang patuloy sa pag-iyak.

Bang's face suddenly flashed in her mind. His irresistible lips, his alluring gray eyes, and his sweet smile. Even his husky voice when he calls her name like he worships her.

Kusang tumigil ang mga luha niya. Thinking of Bangs calms her. Then she felt a little bit lucky and special. Only her can see those rare sides of him. Yes, only her. She is special to Bangs and that makes her feel good.

Pinikit niya ang mga mata tapos ay huminga siya ng malalim. Binuksan niya ang gripo sa harapan at naghilamos. Nang matapos niyang ayusin ang sarili, tumungo na siya sa Basement One para harapin si Bangs at kumuha ng mga sagot.

Nang makarating siya sa ward nito, napatirik siya ng mata sa inis at kumuyom ang mga kamao niya. Blood is still everywhere. Gusto niyang masuka sa nakikita pero kailangan niyang sikmurain. Ano pa nga bang aasahan niya? Siya ang janitress na naka-assign dito at matapos ang pagwawala nito kanina, walang ibang tao ang maglalakas loob na pasukin at linisin ito maliban sa kaniya.

"Lesley!"

Napaka-aliwalas ng mukha ni Bangs nang makita siya. Agad itong tumayo at nakangiting pinakatitigan siya.

"H-hi Bangs," tanging nasabi niya nang magawi ang mga mata niya sa labi nito.

Naalala na naman niya ang mainit nilang halikan kanina. Her cheeks burned.

"Maglilinis na muna ako, okay?"

Tumango ito. Siya naman ay agad na nag-iwas ng tingin. Sinimulan na niya ang paglilinis nang hindi ito linilingon. Hindi niya ito inimik hanggang sa matapos siya.

"Galit ka ba?" Bangs asked while she is washing her hands. Hindi kasi niya ito kinikibo.

Dahan-dahan niya itong liningon. Her heart beat like a drum when their eyes met.

"Hindi." Umiling siya. "Hindi ako galit sa'yo," mabilis niyang sabi tapos ay nag-iwas na ulit ng tingin.

She kept remembering their kiss. The feeling of his lips still lingers on hers. Paano na niya ito ngayon pakikisamahan? Something changed between them and she is not ready for it.

Pagkatapos niyang magpunas ng kamay, marahan siyang lumapit dito. Magkaharap silang nakatayo at pinagigitnaan ng dilaw na linya.

"Bangs, may itatanong ako," umpisa niya.

Tahimik lang itong nakatingin sa kaniya. Huminga siya ng malalim para humugot ng lakas ng loob saka ibinuka ang bibig.

"May gusto ka ba sa akin? Bakit mo ako hinalikan? Alam mo bang ginagawa lang iyon ng magkasintahan? Hindi iyon gawain ng mabuting magkaibigan."

Imbis na sagutin, inilahad nito ang kamay sa kaniya. Nagtataka niyang tinignan ang kamay nito tapos ay sa mukha na ulit ng binata. Hindi na siya nagtanong at ibinigay ang kamay niya rito na mahigpit nitong hinawakan.

"Bakit ka sumagot sa halik ko? May gusto ka rin ba sa'kin? Saka, may kasintahan ka ba?"

Umawang ang labi niya rito. Kailan pa ito natutong sumagot ng ganito? Ibinalik lang nito ang tanong niya. She never heard him talk like this. He feels different. Hindi siguro ito nakainom ng gamot para sa mga eksperimento rito kaya parang ibang Bangs ang nasa harapan niya. Is this the real Bangs? The real Kieran Lanz Kingsley?

Magsasalita sana siya nang bigla siya nitong hinila palapit rito at nagdikit ang mga katawan nila. Nahigit niya ang hininga nang maglapat muli ang kanilang mga labi. Ilang segundo lang ay linayo na nito ang mukha at nginitian siya. His eyes became gray again.

"May itatanong ka pa ba?"

Parang sasabog ang puso niya sa lakas ng kabog nito habang nakatitig sila sa mata ng isa't isa. Kagat labi niyang iniling ang ulo bilang tugon dito.

"W-wala na akong t-tanong."

"Mabuti naman," anito saka muling sinakop ang mga labi niya.