Lumipas ang ilang linggo at mas lalong naging malapit ang loob nila Lesley at Bangs sa isa't isa. The more she spends time with him, the less she feels lonely. Pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng bagong pamilya. Iyong matagal na niyang hinahangad.
She loves the feeling that Bangs is giving her. The feeling of being wanted and needed. Ito ang mga emosyong hindi naiparanas ni Amanda sa kaniya.
Simula pagkabata niya hanggang ngayon ay hindi niya natikman ang pagmamahal ng isang ina o isang pamilya. Pero para kay Bangs, isa siyang liwanag sa madilim, malamig at malungkot nitong mundo sa MNA. She is his happiness and she will not let this go. He is her family now.
"Bangs, uuwi na ako. Pakabait ka ha?" paalam niya rito pagkasukbit ng kaniyang sling bag sa balikat.
Hindi ito sumagot pero bakas sa nakasimangot nitong mukha ang pagkadismaya. Mahina siyang tumawa. Hindi na ito nasanay sa araw-araw niyang pag-uwi.
"H'wag ka na malungkot. Aagahan ko naman bukas," aniya saka kinawayan ito at nginitian. "Bye na!" pahabol niya bago tuluyang lumabas ng silid. Hinabol pa siya nito ng tingin hanggang sa sumarado na ng tuluyan ang pinto.
Napapangisi siya habang naglalakad sa pasilyo ng B1. Kalalabas pa lang niya ng silid ni Bangs ngunit hindi na siya makapaghintay na balikan ito bukas. Ilang minuto pa lang silang naghihiwalay ay nangungulila na agad siya rito. Mag-full time na lang kaya siya? Napa-iling na lang siya.
She needs to focus on her studies. She wants to have a secured future. Mahirap pa naman ang buhay dito sa Pilipinas kapag walang natapos. Natawa na lang siya sa naisip.
"Dito..."
Natigilan siya sa boses na kaniyang narinig. Liningon niya ang paligid ngunit walang ibang tao rito maliban sa kaniya. She shook her head. Kailangan na talaga niyang magpahinga. Kung anu-ano na ang naririnig at naiisip niya.
"Psst! Dito!"
Muli siyang napahinto sa paglalakad. Hindi na iyon guni-guni lamang. She heard it loud and clear. It was a voice of a man. Inikot niyang muli ang ulo sa paligid.
"Nandito ako! Tulungan mo ako!" Muli nitong pagtawag. It was a shout and yet it sounded like a whisper.
Napalingon siya sa vending machine ilang hakbang ang layo sa kaniya. Mukhang galing doon ang boses.
"May tao ba d'yan?" she called, but nobody answered.
Naglakad siya patungo rito at sinilip ang gilid nito pero walang tao. Kumunot ang noo niya sa pagtataka.
"Dito! Nandito ako!"
She looked around again. Lalong kumunot ang noo niya nang mapagtanto kung saan nanggaling ang boses. It came from the ward near the vending machine.
Dahan-dahan siyang lumapit dito habang nakapako ang mga mata niya sa naka-ukit sa ibabaw ng itim nitong pinto.
"DE01?"
"Pakiusap... Tulungan mo ako..." the voice sounds weaker and creepier.
Lalapit pa sana siya nang biglang bumigat ang mga paa niya. Tumayo ang lahat ng balahibo sa kaniyang katawan at nakaramdam siya ng kakaibang presensya na nanggagaling sa loob. Naestatwa siya sa bugso ng takot na biglang dumaloy sa buong katawan niya.
Pigil ang hininga niyang napatitig ng mariin sa itim na pinto. What is this she is feeling? Hindi niya mawari kung ano itong takot na biglang bumalot sa kaniya.
Hindi kasing lakas at init katulad ng kay Bangs ang presensyang nararamdaman niya. It was a cold and dark feeling. She can sense great malice coming from inside the room. Napakapit siya ng mahigpit sa sling ng bag niya habang palakas ng palakas ang kilabot na nararamdaman niya.
"Lumapit ka pa..."
Her heart skipped a beat upon hearing the mysterious voice again. Para itong bumubulong sa kaniyang isipan na dumadagdag sa pagtataka niya. Huminga siya ng malalim bago ito sagotin.
"A-anong kailangan mo? Anong problema?" she asked while staring at the door just three steps away from her. Kunot ang noo niyang pinagmamasdan ang itim na pinto.
"Lumapit ka pa..." utos nito ngunit hindi siya gumalaw sa kinatatayuan.
She can sense that something is wrong. Her entire being wants her to run but her curiosity is stronger.
"S-sorry, janitress lang ako rito. Tatawag na lang ako ng nurse para sa'yo. Ano ba'ng problema?" tanong pa niya rito. Hindi talaga nagpatalo ang kuryosidad niya sa takot na nararamdaman.
"Lapit sabi!" biglang sigaw nito.
Halos mapalundag siya paatras sa lakas ng sigaw nito na umalingawngaw sa tenga niya.
"Lapit! Lapit! Lapit!" sunud-sunod pa nitong mga sigaw na nagpaatras sa kaniya sa takot.
"Lumapit ka! Papatayin kita! Papatayin ko kayong lahat!"
Halos kumawala sa dibib niya ang kaniyang puso sa takot at hindi na siya nagmatigas sa kanina pang sinisigaw ng kaniyang pagkatao. Kumaripas na siya ng takbo.
Paulit-ulit pa rin ito sa pagtawag sa kaniya na humihina habang lumalayo siya pero hindi niya ito pinansin. She did not look back. She just kept running until she reached an elevator. She was about to enter when she heard a shout.
"Hoy!"
Napalingon siya sa lalaking tumawag sa kaniya. Isa ito sa mga security personnel dito sa B1.
"Bakit ka tumatakbo?" pagalit nitong tanong.
Mabilis itong lumakad palapit sa kaniya na tinignan siya mulo ulo hanggang paa na salubong ang kilay. She gulped at the sight of the big gun he is holding. Nag-ayos siya ng sarili at tumuwid ng tayo kahit pa hingal na hingal pa rin siya sa pagtakbo.
"So-sorry po," she answered while trying to catch her breath. "N-natakot kasi ako," nangangatog at hinihingal niyang saad tapos ay liningon niya ang pinanggalingan niya.
She could not explain what just happened. Ano iyong nangyari? Sino iyon? Bakit gusto nito siyang saktan?
"Ikaw yung bagong janitress 'no?" tanong ng nasa harapan niya.
Liningon niya ito.
"O-opo," kapos na hininga niyang sagot habang tumatango saka mabilis niyang pinunasan ang tagaktak ng pawis sa kaniyang noo gamit ang kaniyang braso.
"Kaya pala," tipid na sagot nito. The masculine man sharply exhaled then he raised his thick eyebrows at her. "Ano'ng ward?"
"K-kay V-03 po."
"Alam ko kay V-03 ka, iyong ward na tumakot sa'yo ang tinatanong ko," masungit nitong sagot.
Saglit siyang natahimik. Paano nito nalaman na kay Bangs ang ward niya?
"Ah, Uhm..." Tumingala siya sandali upang alalahanin. "D... E... 01?"
"Ah," tanging sagot nito tapos ay napakamot ito sa kalbo nitong ulo at lumingon sa direksyon na pinanggalingan niya. "Akala ko pa naman kung ano na." He tsked then looked at her again. "Kapag may narinig ka habang dumadaan doon, h'wag mo na lang pansinin para hindi ka maapektuhan."
Napalingon din siya sa direksyong pinanggalingan niya at saka sa mukha na ulit ng lalaki.
"Para po kasing may kailangan s'ya. Tatawag pa nga sana ako ng nurse, kaso," pagrarason niya pero hindi na niya natuloy ang sasabihin nang maalala ang nangyari. Baka hindi siya nito paniwalaan.
"Naku! Papansin talaga 'yon. Ang tanging kailangan lang noon sa'yo e pasukin 'yang ulo mo."
Napatingala siya at tumingin sa mukha nito na kunot ang noo sa pagtataka. Tama ba ang narinig niya?
"Mag-ingat ka na sa susunod. Pangalawang notorious 'yan dito sunod sa alaga mo," he added.
Lalong kumunot ang noo niya. "Ano pong ibig n'yong sabihin?"
"Pumapasok sa mga panaginip 'yan tapos hindi ka na magigising. Maco-coma ka o aatakihin ka sa puso," anito na parang normal at maliit na bagay lang ang mga sinabi nito.
Saglit siyang natulala sa mukha nito at hindi makapaniwala. Bahagyang umawang ang mga labi niya. Kukuwestyonin sana niya ang sinabi nito nang maalala niya ang pag-u-usap nila ni Mrs. Dapit noon.
Sinabi nito sa kaniya na kayang mang-hipnotismo ni Bangs. Hindi niya ito pinaniwalaan dahil hanggang ngayon ay hindi pa niya iyon napapatunayan. Ngunit ngayon naman, lalaking pumapasok sa mga panaginip? It does not make any sense to her.
"G-ganoon po ba," sagot niya na may pag-a-alinlangan. Bakas sa mukha niya ang maraming katanungan. Hindi pa rin siya makapaniwala.
"Masasanay ka rin sa katagalan. Marami ka pang mararanasan dito pero walang mangyayari sa'yo basta sumunod ka sa mga batas dito. Kung pakiramdam mo naman nasa panganib ka, puntahan mo ako rito o kaya doon sa ibang security stations dito sa baba. Hindi mo kailangang tumakbo. Hindi naman makakawala ang mga 'yan. Baka madulas ka pa."
Magalang siyang tumango at pilit na ngumiti.
"Sa-salamat po. Tatandaan ko po 'yang mga sinabi n'yo."
Tinanguan lang din siya nito at inangatan ng kilay.
"Aakyat na po ako," paalam niya tapos ay sumakay na siya sa elevator.
Nakatitig lang ito sa kaniya hanggang sa magsara na ang pinto. Pagkapindot niya ng UG na buton ng palapag ay napapikit at napasandal siya sa metal na pader. Mahigpit siyang nakakapit sa sling ng bag miya tapos ay malalim na huminga.
"Ano'ng klaseng mga pasyente ba ang mayroon dito?" nanghihinang sabi niya sa sarili habang inaalala ang nangyari kanina.
Mukhang maraming lihim ang ospital na ito higit sa akala niya. Hindi mawala sa kaniyang isipan ang mga sinabi ng lalaki habang tulala siya sa kawalan. It sounded impossible but after her creepy experience earlier, it might all be true. Napapikit na lang siyang muli at nanlulumong yumuko.
Gusto ko nang umuwi...