Chereads / The Boy Behind The Red Door (Tagalog Version) / Chapter 8 - To-Do List (Part 2)

Chapter 8 - To-Do List (Part 2)

Mahigit isang oras na ang nakalipas pero wala pa ring nagpapatalo sa kanila. Bumibigat na ang talukap ng mga mata niya at namumula na ang kalahating mukha niya na kanina pang nakapatong sa lamesa. Bahagya niyang inangat ang kaniyang ulo at tinignan si V-03.

Diyos ko nakatingin pa rin siya sa akin na animo'y isang maniking. Hindi ba siya nangangawit?

Mukhang wala talaga itong balak kainin iyong lugaw maliban na lang kung isusubo niya ito. She looked at her wristwatch. She is running out of time. Mukhang talo siya sa patigasan nilang dalawa.

Tuluyan na niyang inangat ang kaniyang ulo at nag-ayos ng upo. Naka-ilang beses siyang huminga ng malalim bago tumayo at mabagal na naglakad papuntang harapan ni V-03. Nag-iwan siya ng tatlong hakbang na distansya sa pagitan nila tapos ay matamlay siyang tumingin dito.

"Sige, panalo ka na," mabigat na loob niyang sabi. "Susubuan na kita. Gagawin ko na ang gusto mo, V-03, pero nagmamakaawa ako sa'yo, please, h'wag mo akong sasaktan."

Humakbang siya ng isa palapit dito.

"Magiging mabait ako sa'yo, promise. Sasarapan ko araw-araw yung mga luto ko. Basta h'wag mo lang akong sasaktan," sumamo niya tapos ay humakbang pa ulit siya ng isa.

"Naintindihan mo naman ako 'diba?"

Hindi ito sumagot. She will just take his silence as a yes. Bahala na.

Malalim siyang huminga bago lumuhod at dahan-dahang inabot iyong puswelo ng pagkain na nasa harapan nito habang alerto pa rin siyang nakabantay sa bawat galaw nito.

Hinalo muna niya iyong pagkain bago sumandok ng isang kutsara. "Ah," aniya para ibuka nito ang bibig.

He obediently and slowly opened his mouth for her. Nanginginig pa ang kamay niya habang palapit ng palapit sa bibig nito ang kutsarang hawak. Nang maipasok na niya ito sa bibig nito, napapikit siya.

"H'wag mo 'kong sasaktan!" pabulong at takot na takot niyang sabi.

Nang maramdaman niya ang pagsara at pagbuka ng bibig nito sa hawak niyang kutsara, marahan siyang dumilat. Tahimik lang nitong linunok ang sinubo niya habang maamong nakatingin sa kaniya.

Hindi siya nito sinaktan at wala siyang nararamdamang panganib sa kilos at tingin nito. In fact, he is like a kid enjoying a tasty meal. Nakahinga siya ng maluwag. Mukhang gusto lang talaga nitong magpasubo.

Matapos nang unang subo na iyon, nabawasan ang takot niya kaya sinundan na niya agad ng isa pa. Sa bawat pagsubo niya rito, unti-unting nawala ang pangamba niya na sasaktan siya nito hanggang sa naging komportable na siya sa pagpapakain dito.

Patuloy lang siya sa pagsubo rito nang unti-unti niyang naramdaman ang tagos sa kaluluwa nitong pagtitig sa kaniya. Hindi niya ito pinapansin kanina dahil sa takot pero ngayong kalmado na siya, ramdam na ramdam niya ang mga mata nito. And she feels like it is calling her. Begging her to look at those eyes too.

Alam niyang hindi dapat siya tumitig sa mga mata ni V-03 pero hindi niya mapigilan na sumulyap. His gaze distracts her. Parang ngayon lang nakakita ng tao kung makatitig sa kaniya. Hindi na tuloy niya napigilang tignan rin ito sa mga mata. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin hanggang sa magtama ang mga mata nila.

His raven black eyes were wild and full of mysteries, but most of all, familiar. Nakita na niya ang mga matang ito. Ito ang mga matang nakikita niya sa tuwing titingin siya sa salamin. Mga matang puno ng pangungulila.

Parang piniga ang puso niya sa pagtitig sa malulungkot nitong mga mata. Bumalik sa kaniya ang reyalidad ng sitwasyon nito. Sumulyap siya sa mga kadena nito tapos ay tumingin na ulit sa mga mata nito na puno ng awa. Sino ba ang hindi malulungkot at mangungulila kapag ikinadena at ikinulong mag-isa sa nakakabaliw na kwartong ito?

Naawat ang pagtitig niya sa mga mata nito nang wala nang masandok ang kutsarang hawak niya.

"Gusto mo pa ba?" tanong niya nang makitang ubos na ang sinusubo niya rito.

Tipid itong tumango.

Tumayo siya saka mabilis na pinuno muli ng lugaw ang puswelong hawak tapos ay bumalik na sa harap nito. Agad din naman nito iyong naubos at hindi na humingi pa.

Maginhawa siyang napangiti pagkatayo niya. "Sa wakas natapos din!" Pagkalagay niya sa lababo ng pinagkainan nito ay binasa niyang muli ang listahan ng gagawin niya. "Okay, what's next?"

Kailangan niya itong painumin ng gamot. Iyon ang pangalawang task. Ituturo na sana niya rito iyong gamot sa ibabaw ng lamesang nakadikit sa pader sa ibabaw mismo ng dilaw na linya ngunit inunahan na siya nito. Nakatayo na ito roon at tapos nang inumin ang mga tabletas na inihanda ng mga doktor na nag-a-alaga rito sa umaga.

Matapos nitong maubos ang isang basong tubig ay pinulot nito ang hiringgilya na nakapatong din sa parehong lamesa at itinurok iyon sa leeg nito.

Nahigit niya ang hininga habang pinapanood ang asul na likido na manuot sa mga ugat nito sa leeg.

A-ano ang ginagawa niya?!

Binaling niyang muli ang atensyon sa hawak na listahan. What he did was the next task. Nagkusa na itong gawin ang mga susunod na task.

Is he trying to help me?

Gulat siyang napalingon dito nang makarinig siya ng kalabog. V-03 fell on the floor and he is convulsing.

"V-03!"

Sa taranta niya ay nabitawan niya ang listahan at tangkang tatakbo papunta rito nang tumigil ang kaniyang mga paa sa tapat ng dilaw na linya. Mrs. Dapit warned her hundreds of times to never cross the yellow line. She felt scared again. Ngunit nang makita niya na may dugong lumabas sa ilong nito, agad na tinanggal niya ang lahat ng kaniyang pag-a-alinlangan.

Dali-dali siyang tumakbo rito at ipinatong ang ulo nito sa mga hita niya.

"V-03! Ano'ng nangyayari sa'yo?!"

Pinunasan niya ang dugo mula sa ilong nito gamit ang panyo niya tapos ay tumigil ito sa pag-ko-konbulsyon. Pagkakuwan ay dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata. Puno ng pag-aalala niyang hinaplos ang mukha nito.

"A-ayos ka lang?! Ano'ng nangyari sa'yo? Bakit bigla ka na lang nagkaganoon?"

Hindi siya nito sinagot. He just stared at her like a man missing his woman. His eyes, full of longing, pain, and sadness. Her heart clenched at the sight of those beautiful but sad eyes.

She realized one thing after looking deep into his eyes. They are the same. Ang pinagkaiba lang nila, iyong kadena niya ay hindi nakikita. Iyong kulungan niya, ay ang sarili niyang kapalaran. V-03 is also a slave of loneliness. They were both victims of circumstances that imprisoned them to the people that do not care nor love them. Making them empty and wanting for affection.

Halos manubig ang gilid ng mga mata niya habang nakatingin sila sa isa't isa. "V-03," mahina niyang sabi tapos ay hinaplos niyang muli ang mukha nito. "Aalagaan kita..." she whispered.

Hindi niya alam kung ito na ba iyong hipnotismo na sinasabi ni Mrs. Dapit pero tila nagkaroon ng sariling buhay ang kamay niya at hinawi niya ang buhok na tumatakip sa malaking parte ng mukha nito.

Nahigit niya ang hininga habang napapantastikohan ang kaniyang mga mata sa kagandahang lalaki nito. Sino ang mag-a-akala na napaka-gwapo pala nitong si V-03. His face is so fine. Every part of it. His eyes, nose, lips, chins, jaws, eyebrows, everything! Makalaglag panty!

Hindi niya namalayang mahigit isang minuto na pala siyang nakatitig sa mukha nito. Kung hindi pa nito hinawakan ang kamay niya hindi siya matitigil sa kakatitig dito. Okay, she welcomes herself to the marupok club.

Agad siyang nag-iwas ng tingin sa hiya. "U-uhm, o-okay ka na ba?"

Pilit itong umupo. Siya naman ay umalalay. Hinimas nito ang leeg na bahagyang namumula pa.

"Ano ba'ng nangyari sa'yo? Bakit bigla kang nagkaganoon? May sakit ka ba?" nag-aalala siyang nakatingin sa mukha nito.

Itinuro nito iyong hiringgilya sa sahig malapit sa kanila.

"Dahil doon?" tanong niya na matipid nitong tinanguan.

Tumayo siya at pinulot iyon tapos ay liningon ang listahan na nabitawan niya kanina. Lumakad siya palabas ng dilaw na linya at pinulot ito. Nakasaad dito na ang nangyari kay V-03 ay epekto ng gamot na tinurok nito sa leeg kanina.

Ang ika-apat sa listahan ay dapat niyang hintayin na humupa iyong pag-ko-konbulsyon nito tapos ay linisin ang ano mang magiging kalat. Katulad ng dugo. There is also a note here that he should always be clean.

Pero bago siya lumagpas sa linya dapat ay tumawag siya ng dalawang nurse gamit ang telepono dito. Hindi lang iyon, may dalawang armadong security personnel ang otomatikong papasok para tiyakin ang kaligtasan nila. Kunot ang noo niyang tumingin kay V-03.

Hindi ba medyo OA ang takot nila sa kaniya? Ganoon ba kadelikado itong lalaking ito?

Pero salungat sa lahat ng tsimis dito ang nasaksihan niya ngayong gabi. He obediently let her feed him. He behaved throughout. He did not hurt her and she does not think that he hypnotized her even for a second. Except when she saw his face. She was sure she was spellbound by his handsomeness.

Pero hindi nito siya pinakitaan na ikababahala niya. As a matter of fact, she stepped in the yellow line, she touched him, talked to him and she walked out alive. Wala namang nangyari sa kaniyang masama.

Iniling niya ang kaniyang ulo. Wala siyang nakikitang dahilan para katakutan si V-03. She sighed then she focused back at the paper in her hands.

"Okay, what's next?"