Chereads / The Boy Behind The Red Door (Tagalog Version) / Chapter 7 - To-Do List (Part 1)

Chapter 7 - To-Do List (Part 1)

Lesley took the deepest breath she could before opening the notorious red door to the room of the hospital's infamous patient, V-03. Habang unti-unting bumubukas iyong pinto, ganoon din ang pagbilis ng tibok ng puso niya.

Hindi siya sigurado kung ano ang aasahan niyang mangyari sa kaniya ngayong araw, pero wala naman siyang pagpipilian. Kailangan niyang maging matapang. Pumikit siya at kinalma ang isipan, pagkatapos ay pumasok na siya.

Muling bumalik sa ala-ala niya ang lahat ng sinabi sa kaniya kanina ni Mrs. Dapit nang magkita sila sa opisina nito. Mrs. Dapit said all the scary things possible that might happen to her in this place. Hindi talaga ito masaya sa pagbabalik niya.

Pero hindi lang ang masungit niyang bisor ang pinoproblema niya. She is wearing a short pencil cut white skirt and a white polo that is very fit. Alam niyang sinadya ito ni Mrs. Dapit para pahirapan siya. Pinagtinginan tuloy siya ng mga lalaki sa bawat pasilyong nadaanan niya. Titiisin na lang niya ito alang-alang sa ina.

Muli siyang huminga ng malalim tapos ay hinanap kung nasaang sulok ng silid sumuksok ang aalagaan niya. Just like last time, he is sitting quietly at the left corner of the room, watching her every move with his raven eyes.

Hinila niya pababa ang maiksi niyang palda na umaangat sa bawat hakbang niya. She remembered how he looked at her legs last time.

"Ahem!"

She forced a smile.

"Hi!" bati niya nang makarating na siya sa gitna ng silid pero hindi ito kumibo, tila bingi sa paligid.

"Uhm, ipagluluto na muna kita, okay?" aniya habang nakaturo sa maliit na kusina.

Hindi pa rin ito sumagot. Tahimik lang itong nagmamasid sa kaniya.

Creepy naman...

Bumuntong hininga siya bago niya ito tinalikuran. Hindi na lang niya ito masyadong papansinin. She will just focus on her tasks. Inumpisahan na niya ang pagluluto. Iyon ang una sa listahan ng 'To-Do ' list na ibinigay sa kaniya kanina ni Mrs. Dapit kasama ng unipormeng suot niya ngayon, ID at susi sa locker niya.

The instruction was to cook him a chicken rice soup. There is a recipe included with the list so it was easy for her to prepare it. Sumandok siya ng isang puswelo at binitbit ito papuntang lamesa na nasa isang sulok.

"Paano ko kaya ibibigay 'to? Wala namang nakasulat kung paano." Pumamewang siya. "Hindi naman pwedeng iabot ko lang. Baka sakmalin niya ako. Hindi rin pwedeng iwan ko lang sa sahig. Mukhang wala siyang balak gumalaw doon sa sulok," patuloy niyang pagkausap sa sarili.

Kagat niya ang ibabang labi habang mariing nakatitig sa lalaki. Paano nga ba?

She snapped her fingers when an idea came. She took the floor mop from the drawer and placed the food on the floor. Gamit ang dulong hawakan nitong mop, dahan-dahan niyang itinulak ang puswelo papasok sa loob ng dilaw na linya.

"Yes!" ipit na tili niya nang matagumpay niyang ipwesto ang pagkain sa harapan nito. "Sige na! Kain ka na! Promise masarap 'yan!" tuwang-tuwa niyang paanyaya.

Dalawang segundo lang nitong tinignan iyong pagkain saka tumingin na ulit sa kaniya. Naghintay pa siya ng ilang segundo para pulutin nito iyong puswelo pero hindi nito iyon pinansin.

"Sige na kainin mo na 'yan. H'wag ka na mahiya," giit niya pero hindi ito kumibo.

He's back on staring at her. Agad na nawala ang ngiti niya at kumunot ang noo niya.

Bakit ayaw niyang kainin? May mali ba sa ginawa ko?

She looked at the recipe again. Baka may nakalimutan siyang ihalo o gawin pero matapos niya itong muling basahin ng ilang ulit, nakasisiguro siyang nagawa niya ang lahat ng nakasulat dito. Siguro ay wala lang itong gana o may nagawa siyang mali habang pinapanood nito siyang magluto.

Napalunok siya nang maalala ang isa sa mga bilin ni Mrs. Dapit. She said, she can't move to the next task if she is not finished with the current and she can't go home until she finished all.

Halos malukot niya ang papel na hawak. Hindi siya maaaring mag-overtime. Kailangan niyang magawa lahat ng task sa takdang oras ngayong gabi. May pasok pa siya ng maaga sa school bukas kaya hindi siya dapat magtagal dito. Kailangan nitong kumain.

Her eyes were begging when she looked at him. Wala na siyang maisip na gawin kung hindi ang makiusap. Pero makikinig kaya ito? Simula nang tumapak siya rito sa silid ay hindi ito umiimik.

Mahigpit siyang kumapit sa floor mop na hawak upang humugot ng lakas ng loob. Sana makuha ito sa pakiusap.

"Ano'ng problema? Busog ka ba? Kanina ka pa hindi kumakain 'diba? Sigurado akong nagugutom ka na kaya kunin mo na 'yan. "

Matamis niya itong nginitian at tinuro iyong pagkain sa harapan nito.

"Sige na pulutin mo na 'yan. Masarap 'yan! Promise! Ginalingan ko ng sobra yung pagluto ko d'yan para sa'yo."

No response from him again. Napakagat siya sa labi.

"Ano pa ang hinihintay mo? Sige na kainin mo na 'yan. H'wag ka na mahiya. Saka para makabawi ka ng lakas. Alam kong nakakapagod ang buong araw na pagkaladkad mo d'yan sa mga kadena mo," pangungulit pa niya pero parang lumabas lang sa kabilang tenga nito ang lahat ng sinabi niya.

She tried begging him a few more times but he didn't even bat an eye. Lahat na yata ng pang-u-uto ay nagawa at nasabi na niya pero bigo pa rin siya. Gusto na niya itong sigawan. Malapit nang maubos ang kaniyang pasensya.

Ibinalik niya ang floor mop sa lagayan at mabibigat ang mga hakbang na bumalik sa harap nito. Malalalim ang bawat paghinga niya na iniipon ang natitirang pasensya na mayroon siya.

"V-03, kainin mo na 'yan." Madiin na ang bawat salita niya. "Para sa'yo rin naman 'yan," giit niya pero wala pa rin itong imik.

She bit her lower lip again. Naiinis na talaga siya.

"Bakit ba ayaw mo kainin?! Marami pa akong gagawin, V-03. At hindi ako makakauwi nang hindi ko natatapos lahat ng tasks ko! Hindi ako pwedeng magtagal dito kaya huwag mo na akong pahirapan! Kainin mo na 'yan!" halos pasigaw na niyang sabi pero wala pa rin epekto.

Kuyom ang pareho niyang kamay ng sabay niya itong iangat habang mariing nakapikit ang mga mata at nagtatagis ang mga bagang.

Patience! Patience! Patience! She kept repeating in her head then she put down her hands.

Dumilat siya at pinakatitigan ito tapos ay malalim na huminga. She also tried her best to put on a smile.

"Kapag hindi mo 'yan kinain ngayon, bukas pa ulit ang susunod mong pagkain. Gusto mo bang malipasan?" gigil niyang sabi na hindi naghihiwalay ang mga ngipin ngunit wala pa rin itong kibo.

"Argh!" pigil niyang sigaw tapos ay nanlulumo siyang napaupo sa sahig. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo!"

Yumuko siya at pumikit saka hinilot ang kaniyang magkabilang sintido. Sumasakit na ang ulo niya rito.

"V-03 naman... Magre-review pa ako para sa exams ko... Kainin mo na 'yan, sige na," walang lakas niyang sabi habang hawak pa rin ang kaniyang ulo. Napapagod na siya kakapilit rito.

"Subuan mo ko."

"Subuan? Hindi ka ba marunong kumain ng mag-"

Namimilog ang mga mata niyang napadilat sa lalaking nagsalita. Agad siyang tumingala para hanapin ang nagsabi niyon. Sumikdo ang puso niya nang makita si V-03 na nakaluhod sa harap niya hawak ang puswelo ng pagkain at isang hakbang lang ang layo sa kaniya. Ilang segundo siyang tapatitig at napakurap-kurap sa mukha nito bago naproseso ng utak niya ang nangyari.

Malakas siyang napatili at mabilis na nanakbo palayo hanggang sa masandal siya sa pader. She looked at the yellow line. Hindi ito nakalagpas sa linya o nakawala sa kadena nito. Bahagya siyang nakahinga ng maluwag.

"Oh my God! Akala ko nakawala na," hinihingal niyang sabi habang nakahawak sa kaniyang dibdib . "Wait, nagsalita ka ba?"

Dahan-dahang nawala ang kaniyang takot na napalitan ng pagtataka. "N-nagsalita ka?" Nahigit niya ang hininga nang maalala kung ano ang sinabi nito. "Gu-gusto mong s-subuan kita?!"

Tumango ito.

"A-ayoko!" mabilis niyang pagtanggi. "Baka kung ano pa'ng gawin mo sa'kin!"

Ibinaba nito ang puswelo sa sahig ilang pulgada ang lapit sa dilaw na linya tapos ay umupo ito sa harap ng pagkain at tinitigan siyang muli.

Nag-iwas agad siya ng tingin sa mga mata nito. Naalala niya ang sinabi ni Mrs. Dapit na huwag makipagtitigan dito. She still finds it hard to believe that he can hypnotize people but it's not going to hurt her to be extra careful so she kept her eyes off his gaze.

"Hi-hindi kita susubuan. B-bahala ka d'yan," aniya habang nakatingin sa ibang direksyon tapos ay dahan-dahan siyang umupo sa upuan na pares ng salamin na lamesa na sakop ng maliit na kusina.

Saglit niya itong liningon tapos ay nag-iwas na ulit ng tingin. "Alam ko ang nasa isip mo V-03. Sa oras na lumapit ako sa'yo, sasaktan mo ako," saad niya na may kaunting nginig sa boses. Hindi pa rin siya nakakabawi sa gulat dito.

"Hindi mo ako maloloko. Marami na akong narinig tungkol sa'yo at wala akong balak na dumagdag sa listahan ng biktima mo."

She glanced at him again to check his reaction but he still has that annoying poker face. Nakaupo ito malapit sa dilaw na linya at tahimik na nakatingin pa rin sa kaniya. Mukhang makikipagmatigasan ito. Puwes siya rin. Pero sino kaya ang magwawagi sa kanila? Ano ang mangingibabaw? Ang gutom nito o ang limitado niyang oras?