Salaysay: Agad agad na nagtungo si Kaloy at Emmanuel sa karatig lugar upang pigilan ang mangyayare hanggang sa nakakita sila ng gulo.
Emmanuel: Tumungin ka don sa bandang kanan Kaloy.. Nagkakagulo yung mga tao.
Kaloy: Hindi naman kaya sila yung tinutukoy ni Aling Inday.
Emmanuel: Bilisan naten at baka lumala pa ang sitwasyon.
Salaysay: Agad agad na nagmadali ang dalawa upang pigilan ang nangyayare.
Mga tao na nagnanakaw: Ibigay ninyo saamin ang natitira ninyong pera at pagkain kung ayaw ninyong sunugin namin ang bayan na ito..
Mga Tao: Hinde.. Hinding hindi namin ibibigay sa inyo ang gusto ninyo sapagkat eto nalang ang meron kame... Kapag binigay namin ito sa inyo anu nang kakainin ng aming pamilya.
Mga tao na nagnanakaw: Pare pareho lang tayong nagugutom dito.. Kung ako sa inyo ibigay na ninyo ang ninanais namin sapagkat mamatay rin ang pamilya namin sa gutom.
Mga Tao: Pasensya na pero hindi kami papayag.
Mga tao na nagnanakaw: Kung ganon mapatawad ninyo sana kami kung kinakailangan naming gawin ito sa inyo.
Salaysay: Agad na inatake at sinunog ng mga magnanakaw ang bayan hanggang sa.
Kaloy: Manong Sael tama na yan!!.
Manong Sael: Aba tignan mo nga naman kung swineswerte ka nga naman.... Tulungan mu kami dito at ng may maiuwi tayo sa bayan naten.
Kaloy: Pasensya na pero wala kong intensyon na tumulong sa inyo.
Manong Sael: Kung ganon anung ginagawa mo dito at isapa sino yang kasama mo?.
Kaloy: Mamaya nako magpapaliwanag.
Salaysay: Narinig ni Emmanuel ang mga hinagpis ng mga tao kung kaya't nagpasya itong kumilos.
Emmanuel: Hay nako problema nanaman tapusin na nga naten to at ng mabalik na tayo.
Salaysay: Itinaas ni Emmanuel ang kanyang kamay kung kaya't nagkaroon ng malakas na ulan na siyang. Naging dahilan kung kaya't nawala ang sunog.
Manong Sael: Ikaw anung ginawa mo?? Bat nagkaroon ng ulan??.
Emmanuel: Ginawa ko isa lang naman yan sa kakayahan ko.. Kakayahan kong magpaulan Maari mu bang ipaliwanag ang nangyayare dito??.
Manong Sael: At baket tutulungan mo ba kame?
Salaysay: Itinaas ni Emmanuel ang isa pa nyang kamay kung kaya't lumakas ang ulan at nagkaroon ng napakalakas na kulog ng kidlat.
Emmanuel: Nakikita mo tong mga kamay ko? Sa oras na binaba ko ang isa kong kamay ay agad agad na babagsak ang napakalakas na kidlat at mamatay kayo. Kung ayaw ninyong mamatay magsalita kayo.
Manong: Imposible!.... Nagamit mo ang dalawang Elemento ng sabay??. At isa pa kidlat wala pakong nakikitang tao na nakakamit ng kidlat.
Salaysay: Dahan dahan na ibinaba ni Emmanuel ang isa nyang kamay hanngang sa.
Manong Sael: Sandale! sandale!... Nakikiusap ako ako nalang angg parusahan mo huwag ang mga kasamahan ko pakiusap.
Emmanuel: Kung ganon sasabihin muna ba kung ano ang nangyare?.. Huwag na huwag kang mag sisinungaling kung hindi katapusan muna.
Manong Sael: Oo oo eto magsasalita na. Pumunta kami dito sapagkat wala naking alam na ibang paraan.
Emmanuel: Ibang paraan anung ibig mong sabihin?
Manong Sael: Wala kang alam? Talagang wala kang alam sapagkat hindi mupa naranasan ang nararanasan namin ngayon.
Emmanuel: Wala akong pakielam sa drama ninyo kaya ituloy mo.
Manong Sael: Pumunta kami dito para magnakaw ng pagkaen walang wala nakaming magawa. Sapagkat nagugutom na ang aming pamilya kung kaya't napilitan naming gawin ito.
Emmanuel: Hindi nyu manlang ba inisip ang mga tao na maapektuhan dahil sa ginawa ninyo? Tignan nyo ang ginawa nyo sinunog ninyo ang tirahan nila. Dahil ano dahil sa hindi ayaw nilang ibigay ang gusto ninyong makuha?.
Manong Sael: Hindi mo kame naiintindihan sapagkat wala ka sa sitwasyon namin. Simula ng dumating ang pamilyang yon sa lupaing ito nagkanda malas malas na ang mga dito. Maski ang kalolololohan ko hindi nakaligtas sa malas na dinala ng pamilyang yon. Minsan sinasabi ko sa sarili ko ano bang kasalan naming mga tao kung kaya't pinapabayaan kami ng Nakatataas minsan nasasagi rin sa isip ko na totoo ba ang Nakatataas?? Kung totoong ang Nakatataas bakit hinahayaan nya ang mga tao na naghihirap ng ganto?. Bakit hindi niya dinidinig ang dalangin ng mga tao sa kanya?.
Salaysay: Dahil sa sinabi ni Sael ay naalala nya ang kanyang sarili tungkol sa Diyos.
Emmanuel: Kung ganon.. Ayun pala ang dahilan.
Salaysay: Itinigil ni Emmanuel ang pananakot sa mga tao at.
Emmanuel: Humingi kayo ng tawad sa mga tao na naperwisyo ninyo at sumunod kayung lahat saakin. Pagkatapos.
Salaysay: Humingi ng tawad ang grupo ni Sael sa kanilang nagawa at naging maayos naman ang usapin ng dalawang panig.
Kaloy: Grabe kakaiba yung ginawa mo nakakagamit karin pala ng kidlat.
Emmanuel: Pasensya na kung hindi ko sinabi sa iyo kagad.
Kaloy: Anu kaba wala yon no.
Manong Sael: Tapus na ang pinapagawa mo ano na ngayon.
Emmanuel: Sumunud kayung lahat sa akin pati narin ang mga tao na nakatira sa lugar na ito. Lilipat na kayo ng tirahan kung saan hindi na kayu mag hihirap ng ganyan.
Manong Sael: Sigurado ka? Papaano mu naman gagawin iyon?.
Kaloy: Basta sumunud nalang kayo.
Emmanuel: Para sa mga tao na nakatira dito magdala kayo ng dalawang pares ng hayop lalake at babae at magdala rin kayo ng buto na makikita ninyo.
Salaysay: Kahit nag aalinlangan ang mga tao ay sinunud naman nila ang pinapagawa ni Emmanuel dahil sa takot na gawin uli nya ang ginawa nya kanina. Hanggang sa natapos na nila ang pinapagawa ni Emmanuel.
Emmanuel: Kaloy alam muna.
Kaloy: Alam ang ano?
Emmanuel: Pangunahan mo kame kung nasaan si Aling Inday.
Kaloy: Kung ganon dadalhin natin ang mga tao na ito?
Emmanuel: Obvious ba? Dalina at marami pa tayung gagawen.
Manong Sael: Tama bako nang narinig kung ganon buhay pa ang aking ina?.
Emmanuel: Aba malay ko sino ba yung nanay mo?.
Kaloy: Si aling Aling Inday...siya yung panganay na anak ni Aling Inday.
Emmanuel: Oh? Ikaw pala yung anak nya huwag kang mag alala ayus na ang kalagayan ng iyong ina.
Manong Sael: Salamat naman kung ganon.
Salaysay: Habang naglalakad sila ay napatanong si Emmanuel sa kanyang sarili na.
Emmanuel: ( Anu nga ba ang dahilan kung bakit nagagalit ako sa Diyos? Kung alam kulang sana na ganto pala ang buhay ng ibang tao).
Kaloy: Emman.... Emman... Emman.. Huy!.
Emmanuel: Huh? Anu yon?
Kaloy: Lutang ka ah may bumabagabag ba sa isip mo?.
Emmanuel: Wala wala wag kang mag alala. May gusto nga pala kong sabihin sa iyo manong Sael.
Manong Sael: Anu yon??.
Emmanuel: Huwag kang mag alala hindi kayu nagawang pabayaan ng Nakatataas..
Salasay: Matapos ang mahabang paglalakad ay narating na nila ang patutunguhan nila.