Emmanuel: Hmmm anu kayang pwedeng gawin sa lugar na ito?.
Pinagmasdan ni Emmanuel ang paligid hanggang sa naka isip sya ng paraan.
Emmanuel: Sabihin nya nga sa akin anung klaseng nilalang pa ba ang nakatira sa lupaing ito?.
Kaloy: Sa pag kakaalam ko wala... na tanging tao lang ang nakakaapak sa lugar na ito.
Sael: Hindi lang yon meron ring mga beat na nakatira sa lugar na ito.
Emmanuel: Beast??
Sael: Oo sila yung tao na may lahing hayop parang ganon.
Kaloy: Oo naalala kuna ayon sa alamat 4 na nilalang makikita mo sa mundong ito. At ang mga nilalang nayon ay mga Tao,Beast,Demon, At Angel.
Emmanuel: Sa apat na iyon wala na bang nakakatapak sa lugar na ito bukod sa mga beast?.
Roa: Mukhang ganon na nga ang sabi kasi sa alamat tanging ang mga may dugong tao lang ang makakaapak sa lugar na ito.
Emmanuel: Ah... Ganun pala.
Kaloy: Pero mabalik tayo.... Paano mo gagawin ang sinasabi mo? Sa oras na mapansin ng mga Datu ang lugar na ito ay tiyak na magpapadala sila ng kawal para lusubin tayo.
Emmanuel: Tama ka malaking problema ngayon... Huling tanong na marami pa bang tao ang naninirahan sa ibang lugar? ..
Roa: Oo sapagkat napakalaki ng lupang biyaya at napakaraming tao ang nakatira sa lupain na ito... Simula ng pumunta ang mga Schneider dito ay nag desisyon silang lumayo sa sentro.
Kaloy: Kaya lang.
Roa: Tama ang nasa isip mo.... Nakasisiguro ako na parehong pareho lang ng sitwasyon ang sitwasyon ng ibang lugar dahil sa kagagawan ng pamilyang iyon.
Emmanuel: Ganon ba o siya sige.
Ipinikit ni Emmanuel ang kanyang mga mata at sinabi.
Emmanuel: Lupa Apoy Hangin at Tubig nag susumamo ako sa inyo. Bigyan ninyo ng kabuhay buhay ang lupaing ito ng sa gayon ay mapayapang manirahan ang lahat ng mga tao sa lupang ipinagkaloob ng Nakatataas.
Agad agad na sinunod ng mga Elemento ang sinabi ni Emmanuel kung kaya't nagkaroon ng napakalakas na lindol. At ulan at pagkatapos noon ay unti unting naging paraiso ang walang kabuhay buhay na lugar.
Ethan: Napakalakas ng lindol.
Sael: Hindi lang lindol napakalas rin ng ulan.
Roa: Anu bang ginagawa ng batang iyon.
Bethina: Tignan nyo ang lupa na kinatatayuan natin unti unting nagiging luntian ang mga ito.
Kaloy: Hindi lang yon tignan nyo yung ulan para bang lumilikha ito ng dagat.
Namangha ang mga tao sa kanilang nakita.
Roa: Totoo ba itong nakikita namin?
Sael: Oo totoo nga ito.. Siguradong hindi tayo pinabayaang Nakatataas.
Roa: Nakakamangha ang akala ko hindi ako makakatuklas ng himala na katulad nito.
Mangiyak ngiyak ang mga tao dahil sa saya nanararamdaman nila.
Aling Inday: Sabi ku naman senyo ay magtiwala kayu sa batang iyan.
Matapos ang ilang minuto ay natapos na ang lahat.
Emmanuel: Iyan tapus na malaya na kayung manirahan sa lugar na ito.
Nagsigawan ang mga tao dahil sa sobrang tuwa at agad agad itong pumunta upang tirhan ang lupa na naisin nila.
Emmanuel: Huwag kayung mag aaway aaway napakalaki ng lugar na ginawa ko nakakatiyak akong hinding hindi kayu mauubusan.
Kaloy: Grabe napakagaling ng nagawa mo.
Emmanuel: Wala iyon anu kaba at tsaka isapa ayan lang naman ang magagawa ko para sa mga taong iyan.
Kaloy: Ayus kalang ba??.
Emmanuel: Aba oo naman bakit may problema ba?.
Kaloy: Nakapagtataka pagkatapos ng ginawa mong iyon hindi kamanlang nanghina.
Ethan: Nagtataka rin kami nung una naalala ko mas matindi pa yung ginawa nung nakatakas sa lugar na iyon biruin mo iyon. Nagawa nyang gamitin ng sabay ang apat na elemento pero hindi manlang siya nawalang ng mana.
Emmanuel: Mana? Meron pala non..
Kaloy: Anu hindi mo alam?.
Emmanuel: Hinde eh ehehhe. Pero anu pang hinihintay nyo bat hindi pa kayo maghanap ng lupain na matitirhan ninyo.
Kaloy: Mamaya na kami pauunahin muna namin sila mamili.
Ethan: Ganun din ako
Emmanuel: Sus kunwari kapa gusto mo lang naman tumira malapit kila Kaloy no para makita mo si Bethina. Yieee.
Hindi na umimik pa si Ethan sa nabangit ni Emmanuel dahil sa hiya.
Ethan: Maiba tayo.
Emmanuel: Ayus ah sabay iba ng usapan... Pero sige anu ba iyon??.
Ethan: Paano kung puntahan tayo ng mga kawal na nagmula sa palasyo. Napakalas ng lindo na iyon kanina kung kaya't nakasisiguro ako na hahanapin nila ang dahilan ng paglindol na yon.
Emmanuel: Huwag kang mag alala alam kuna na mang yayare dyan. Nakikita muba yung dulong bahaging iyon??.
Ethan: Sa dulo aba anung nangyare bat nagkaroon ng harang.
Emmanuel: Mga pader yan na ginawa ko ginawa ko yan dahil naisip kuna na posibleng mangyare yung iniisip mo.
Kaloy: Grabe naisip muna palang gawin iyon.
Emmanuel: Aba oo naman adjust ako mag isip. Tignan nyo mag uumaga na pala.
Kaloy: Oo nga no pero ni hindi manlang ako nakakaramdam ng pagod.
Ethan: Ewan ko pero napakagandang pagmasdan ang pagsikat ng araw sa lugar na ito.
Emmanuel: Magpahinga muna tayo sandale hanggang sa matapos ang mga tao na mamili ng lupain nila.
Kaloy: Maganda ngayang naisip mo.
Humiga silang lahat at tumungin sa kalangitan. Pinagmamasdan nilang apat ang kalangitan hanggang sa nakatulog si Emmanuel.
Bethina: Tignan nyo ang langit ang gandang pagmasdan .
Ethan: Hindi na kailangan sapat ng pagmasdan kita sapagkat mukha mo palang ay langit na.
Bethina: Anu yon?.
Ethan: Wala wala.... tignan mo yung mapayapang nakakalipad ang mga ibon dahil sa ganda ng lugar na ito. Emman tignan mo.
Emmanuel:Zzzz
Kaloy: Huwag ka ngang maingay pabayaan muna natin siya makapagpahinga kahit sandale.. Paniguradong hindi magiging madali ang mangyayare sa hinaharap.
Makalipas ang ilang oras ay natutulog parim si Emmanuel hanggang sa nagising siya sa kinagabihan.
Emmanuel: Grabe ilang oras bako nakatulog.
Kaloy: Pasensya na kung hindi kanamin ginising.
Emmanuel: Wala yon.
Ethan: Oo nga pala kanina kapa nila hinihintay.
Emmanuel: Hinihintay? Nino?.
Ethan: Sumunod kanalang.
Hinila nilang tatlo si Emmanuel hanggang sa nakita nya ang mga tao ay sama samang naghihintay sa kanya para magpasalamat.
MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYO IPAPANGAKO NAMIN ANG KATAPATAN NAMIN SA INYO.
Emmanuel: Wala iyon anu ba kayu sige na magpahinga na kayo at marami pa kayung gagawin bukas hindi ba.
Kaloy: Naku wala silang balak magpahinga tignan mo naghanda panga sila .
Emmanuel: Ganon ba... Makinig kayung lahat magpakasaya tayung lahat ngayon hanggang sa mabundat.
Agad agad na nagsisiyahan ang mga tao hanggang sa mapagod ang mga ito. Habang nagkakasiyahan ang mga tao ay umalis si Emmanuel at pumunta ito sa tabing dalampasigan upang mag muni muni hanggang sa.
Emmanuel: Oh? Anu namang ginagawa nyo ditong tatlo? Ayaw nyo bang magpakasaya?
Kaloy: Kami dapat nagtatanong sayo nyan.
Emmanuel: May iniisip lang ako.
Ethan: Anu naman iyon?
Emmanuel: Ang mga tao nawala sa lugar na ito kailngan natin silang dalhin dito para tulungan..