Edward: Napakalakas na lindol ang nangyare kanina! Anu bang nangyare?
Ishtan: Panginoon!
Edward: Ah Ishtan isa sa pinaka tapat kong alagad... May alam kaba kung ano ang dahilan ng paglindol kanina?.
Isthan: Paumanhin panginoon wala akong gaanong alam kung ano ang sanhi ng paglindol na iyon.. Pero.
Edward:Pero? Sige ipagpatuloy mo.
Ishtan: May usap usapan na ang dahilan ng panglindol na iyon ay ang pagsulpot ng malaking palasyong iyon. Tumingin kayo sa bandang norte ng palasyo.
Edward: Palasyo? At sino naman kaya ang mapangahas na gawin iyan?
Ishtan: Sa tingin ko pa ay yung isa sa naging bisita nyo kamakailan lang yung kasama ni Kaloy.
Edward: Ang lalakeng iyon? Sa bagay baka siya nga ang dahilan ng paglindol. Pero paano nya nagawang gawin iyon? Imposible na magawa iyan ng isang mababang uring tao na tulad nya.
Ishtan: Sa pagkakaalam ko po siya po ang dahilan kung bat nakatakas ang mga tao mula sa pang aalipin ng mga demonyo sa kanila.
Edward: Paano nya nagawa iyon at bukod pa don sino nga ba ang lalaking iyon? May kanoksyon kaya sya sa ninuno namin na si Ezekiel ang Elemental Master? Kawal!.
Kawal:Panginoon?.
Edward: Tawagin mo ang pinuno ng inyong hanay pumunta kayo sa norte ng palasyo at alamin nyo kung ani ba talaga ang tunay na. Nangyari doon.
Kawal: Masusunod po!..
Agad agad na umalis ang kawal at sinunod ang ipinag uutos ni Edeard sa kanya.
Ishtan: Ma walang galang na po panginoon.
Edward: Anu yon?
Ishtan: Paano po kung totoo na siya ang dahilan ng lahat lahat na ito anu pong dapat nating gawin sa kanya?.
Edward: Tinatanong pa ba iyan? Kakaibiganin natin siya at sa oras na hindi siya pumayag ay kinakailangan natin siyang ligpitin.
Naalala ni Edward ang mga katagang binitawan ni Emmanuel sakanya bago ito umalis...."Balang araw ay pagsisihan mo na pinatuloy mo kame dito dahil ang pag tuloy ko dito ay ang magiging dahilan ng pagbagsak ng pamilya ninyo".
Sa kabilang dako...
Ethan: Kaya pala panibagong problema nanaman yan na kinakailangan nating harapin.
Nanahimik ang ang apat nang ilang sandali....
Makalipas ang ilang sandali..
Kaloy: Kinakailangan nating magplano kung paano natin madadala ang mga tao dito. Sapagkat nakatitiyak ako na nagiimbestiga na ang mga Schneider sa nangyare.
Ethan: Kailangan nating magmadali kinakailangan ay bukas makapag isip na tayo!.
Bethina: Asahan ninyong tutulung ako sa inyo.
Ehtan at Kaloy: Hindi masyadong delikado!!.
Emmanuel: Uhmm.
Bethina: Pero..
Emmanuel: Bukas nalang nating pagpasyahan iyan halina't magpakasaya tayung lahat ngayun.
Agad agad na pumunta ang apat sa handaan upang magsaya at magdiwang.
Emmanuel: Makinig kayung lahat magpakasaya tayung lahat ngayon sapagkat nakamtam ninyo ang kalayaang matagal ninyong hinahangad. Sulitin na ninyo ang mga oras na ito sapagkat hindi natin malaman ang maaring magyari kinabukasan o sa susunod pang mga araw.. Magpakasaya tayo buong gabi...
Oo!
Labis ang tuwa na nadarama i Emmanuel pagkatapos ng lahat para sakanya ay kakaiba ang pakiramdam na nararamdaman nya.
Emmanuel: Sana naman lagi nalang ganto kasaya ikaw na nagpadala sa'kin dito hindi ko inaasang sasabihin ko ito pero. Gabayan mo ang mga taong nasa harapan ko ngayon.. At sana'y malagpasan ko ang lahat ng mga pagsubok na dadanasin ko pa sa mga susunod na araw.
Ipinikit ni Emmanuel ang kanyang mga mata at maya maya'y idinilat nya na ito hangang sa.
Emmanuel: Si Ethan ba iyon at si Bethina? Anung ginagawa nila doon?.
Ehtan: Nandito kalang pala kanina pa kita hinahanap.
Bethina: Ikaw pala anung ginagawa mo dito?
Ethan: Wala lang gusto kulang mapag isa hindi ko alam kung gaano ako kasaya sa mga oras na ito dahil sa mga nangyare.
Bethina: Hindi mo alam at baket?.
Ethan: Andami ng nangyare simula nung nakilala ko ang lalakeng iyon biruin mo inaalipin lang kami ng mga demonyo noon pero ngayon malaya na kami dahil sa kanya.
Bethina: Kakaiba ang lalakeng iyon.
Emmanuel: Hindi ko marinig yung pinaguusapan nila. Ah! Alam kuna.
Inutusan ni Emmanuel ang elemento ng hangin upang marinig nito ang pinag uusapan ng dalawa.
Wooossshhhh
Emmanuel: Ayan naririnig kuna!.
Ethan: Salamat at dininig ng nakatataas ang dalangin ng mga tao sa kanya at sana'y bumalik narin amg prisensya nya ng matapos na ang problema na ating kinahaharap.
Bethina: Sana nga..
Agad agad na hinawakan ni Ethan ang mga kamay ni Bethina.
Ethan: Alam mo ba kung ano ang higit na magpapasaya sa akin? .
Bethina: Anu iyon?
Ethan: Ang maging akin ka.
Emmanuel: Ayan na yung usapan na hinihintay ko.
Nakikinig si Emmanuel sa dalawa hangang sa nakarinig sya ng kakaibang tunog mula sa likuran nya.
Rustt!
Emmanuel: Sino yan?
Kaloy: Ako lang to nakita mo ba si Bethina at si Ethan kanina pa nawawala yung dalawa.
Emmanuel: Tumingin ka don.
Agad agad na tumingin si Kaloy sa tinuru ni Emmanuel.
Ethan: Ang dalawang yon!! Dyan kalang at pupuntahan ko sila.
Pinigilan ni Emmanuel si Kaloy.
Emmanuel: Wag mung siraan yung moment na pinaka hihintay ko pabayaan mo sila.
Kaloy: Pero.
Emmanuel: Shhh makinig kanalang
Bethina: Ano pasensya na pakiulit ulit ng sinabi mo.
Ethan: Lalakasan kuna ang loob ko Bethina mahal kita.
Nabigla si Bethina sa sinabi ni Ethan sa kanya
Bethina: Mahal moko? Paano?.
Ethan: Nung una kanaming nakita agad akong nabighani sayong ganda at hindi lang yon nung panahong natumba at nagkatinginan ang ating mga mata. Hindi ko maipaliwanag ang aking nadama.
Bethina: Ganon ba? Kay bilis mo namang sabihin na mahal moko samantalang walang pang isang linggo ng tayo'y nagkakilala. Huwag mong sasabihing mahal moko kung hindi ka sigurado.
Ethan: Pero....
Bethina: Wala ng pero pero dyan ka na nga...
Emmanuel: Uhmm grabi naman yon may pagka maldita rin yung kapatid mo no?.
Kaloy: Hindi ko alam ang sasabihin ko pero tama ang ginawa ng kapatid ko.
Emmanuel: Ewan ko lang ah sa tingin ko napamahal na nga Si Ethan sa kapatid mo.
Kaloy: Napamahal pero pano? Ilang araw pangalang silang nagkita imposible naman ata iyon.
Emmanuel: Oh teka lang isi kalang.
Kaloy: Pasensya na hindi mo masasabing mahal mo ang isang tao agad agad kinailangan ng panahon at pinagsamahan para masabing mahal mo ang isang tao.
Emmanuel: Hindi mo pa nararanasang umibig no?
Kaloy: Hindi bat mo natanong?.
Emmanuel: Wawa kanaman oo tama yung desisyon ng kapatid mo pero hindi naman tama na basta basta mong iwanan yung taong nagtapat sa iyo. Oo mali rin si Ethan dahil masyado siyang mabilis hindi nya muna kinilala ng lubos yung kapatid mo. Pareho lang silang may male. At tsaka pagdating naman sayo ay.
Kaloy: Teka bat nadamay ako dyan?.
Emmanuel: Makinig ka hindi masusukat sa tagal ng pinagsamahan ang pagmamahal malay mo na love at first sight sya sa kapatid mo. At tsaka isapa kapag pag ibig na ang pinag uusapan wala ka ng magagawa kundi sundin ito hindi pinagaaralan ang pag ibig Kaloy dahil mararamdaman mo ito ng kusa at agad agaran.
Kaloy: Ewan kuba.
Emmanuel: Need muna ng kapatid mo ng time at kay Ethan naman need nyarin ng oras para patunayan sa kapatid mo kung mahal nya ba talaga itong kapatid mo.